Chapter Four
Nang makababa kami sa sala ay tahimik lang kaming tatlo. Nauuna ako sa paglalakad at kasunod ko naman si Jacob na tahimik din habang nasa dulo namin si Viggo na parang naglalabas ng itim na aura sa likuran.
“Wow, hija! Two weeks at ang dalaga mo nang tignan!” Ani ni tita Madel sabay yakap sa akin.
I hugged her back and greeted. “Hi, Tita.” I kissed her cheeks as she looks at me with amazed eyes. Kahit naman ako ay hindi makapaniwala sa itsura ko kapag nag-aayos.
“Luisa! Your daughter is growing up! Nakatulong ang dinner natin last time.” Sabi pa nito sabay halakhak bago ako binitawan at lumapit ito kay Mom.
“Tito.” I saw Tito Brandon and I kissed his cheeks tapos ay lumapit ako kay Dad na agad umakbay sa akin.
“You are beautiful, munchkin. Then and Now.” Bulong sa akin ni Dad at agad ko itong tinawanan. He is so straight and strict looking, but he never fails to compliment me or show me his love.
“Thanks, Dad.” I hugged him tightly.
Nagkwentuhan pa ang mga magulang namin dahil hindi pa ready ang hapagkainan kaya naman lumapit ako kay Jacob.
“Long time no see, bud.” Sabi nito sakin nang makalapit. “Ilang linggo lang ang nakalipas, nagmukha ka nang tao ah.”
Agad na lumipad ang kamao ko at binitligan ito sa braso. “Ulol.” Gigil na bulong ko na nagpatawa dito.
“Whoa. There she is.” Sabi nito at tumawa.
Kahit nakatingin ako kay Jacob ay kita ko sa gilid ng aking mga mata ang kapatid nito. Si Viggo. Nakatayo ito di kalayuan sa gilid namin ni Jacob habang hawak nito ang isang baso na sa tingin ko ay whisky.
Bakit pakiramdam ko ay nakatingin ito sa akin?
Hindi ako makalingon dito dahil sa hinuha ko ay nakatingin talaga ito sa akin. I can feel his hot gazes stabbing me. Hindi tuloy ako makampante.
Hindi ako nakapagpigil.
Lumingon ako dito at agad ay nag-init ang pisngi ko.
He IS staring at me.
Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. Dumagdag pa sa aking emosyon ang namuo sa isipan ko kanina. Bawat kilos at salita tuloy ni Viggo sa akin noon at ngayon ay binibigyan ko ng ibig sabihin.
Kasi bakit siya nakatingin lagi sakin? O bakit sa twing titingin ako sa kanya ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin? Diba?
“Jacob.” Tawag ko kay Jacob nang putulin ang titig kay Viggo.
“Hmm?”
“May girlfriend ba iyang Kuya mo ngayon?” bulong ko.
Kumunot ang noo ni Jacob sakin kaya agad akong kinabahan. Obvious na obvious ba ang kuryosidad ko dito?
“Bakit ka bumubulong?” sabi nito sabay ngisi. Geez. Akala ko pa naman! Hays.
“Basta! Baka sabihin na ini-issue ko e. Meron ba?”
Saglit itong nag-isip. “Sa pagkakaalam ko, wala. Bakit ba?”
Napatango na lang ako. So maybe he is telling the truth. “Wala naman. Hindi kaya bakla yang kuya mo?”
Natawa ng malakas si Jacob na nakakuha ng atensyon ng mga magulang namin pati na si Viggo.
“Si kuya, Bakla? Ano bashsjhsjga—”
Agad kong tinakpan ang bibig nito dahil masyadong malakas ang boses nito.
“Nuknukan ka ng--! Argh! Anong kwenta ng bulong ko kung isisigaw mo din pala!” gigil na bulong ko dito. “Bwisit ka!” pagkasabi ko non ay nagmartsa ako agad palayo.
Nagpunta ako sa garden ng bahay naming na umuusok ang ilong. Bwisit talaga iyon si Jacob! Hindi man narinig ng mga magulang naming ang sinabi niya dahil malayo ang mga ito pero sigurado akong si Viggo ang nakarinig noon! Mas malapit ito sa amin!
Naupo ako sa isang garden bench malapit sa fountain, napahawak ako sa noo ko at nagbuga ng hininga. Lintek na Jacob!
“Selira.”
Patalon akong napa-straight ng upo sa bench at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Lintek! Si Viggo iyon!
Who else call me ‘Selira’ other than him? Dammit! Anong ginagawa nito dito?
“V-Viggo! Bakit ka nandito? Kakain na ba?” tumayo ako at ready nang magwalk-out pero bigla itong nagsalita.
“You think I’m gay, Selira?” I can hear a smirk in his voice. Napapikit ako ng madiin. “That was rude.” Pagkasabi nito niyon ay sumandal ito sa poste kung saan may nakadisplay na leon sa itaas.
Gusto kong mag-teleport papasok sa bahay naming. Huhu.
“Does buying you bras made me gay?”
Hindi ako makaimik agad. ANong sasabihin ko? Oo, kasi magaling itong bumili ng bra? At wala itong nagiging girlfriend kaya bading ang tingin ko dito?
Pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako nagtanong ng ganon kay Jacob!
It’s because I am starting to like him that I want to discover a loophole so I’ll not to! I don’t want to fall for him. I feel like—like it's wrong. He’s too old for me.
“H-Hindi.” Maikling sagot ko. Wala na akong maidagdag pa sa sinabi kong iyon kaya hindi ko na dinagdagan pa. Plus, I don’t want to make this conversation longer. Or even be with him alone any longer.
“Then?”
He wants me to talk more! I don’t want to! Ano ang sasabihin ko? Puro kalokohan kasi ang utak ko kaya kung ano-anong nagagawa at nasasabi ko! Lintek na life!
“Wala na! Wala na akong sasabihin!” Nagpapanic talaga ako! Hindi pa bai to matatapos?
“That was rude, Selira. You can’t judge me just because I bought you a bra.”
Napapikit uli ako ng madiin. “Hindi kita jina-judge! I was just asking your brother because he knew you more. I was just curious!”
“Why not ask me? I knew myself better than my brother. Maybe your curiosity will be well off.”
Natahimik na ako. Oo na, talo na ako. Pwede bang pakawalan na niya ang diskusyon na ito para sa ikakatahimik ng lahat?
“I…”
“I’m not gay.” Sabi nito. Napabuntong hininga ako. That was my last thought, actually. Hindi ko naman talaga iniisip na ito ay bakla pero s**t that loophole hunting!
“Kasi… bakit wala kang girlfriend? You should have one right now. Twenty ka na.” hindi ko na iyon napigilang kumawala sa labi ko.
“Selira.” Ito na naman ang tono niya na iyon. Nananayo ang balahibo ko sa batok sat wing nagsasalita ito ng ganon. “Do you want me to have a girlfriend?”
Nabigla ako sa tanong niya. Ano? Bakit ako ang tinatanong niya? Ano naman ang konekta ko sa pagkakaroon niya ng girlfriend?
“Wha—Bakit naman ako ang tatanungin mo niyan?”
Gusto mo nga ba, Selira?
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa tanong na iyon sa sarili. A side of me don’t want to, but who am I to decide?
“Do you?”
Tumayo ito ng tuwid at humakbang palapit sa akin. Hindi ko alam kung aatras ba ako o tatakbo pero nanatili lang ang paa kong na-estatwa sa posisyon ko hanggang sa makalapit ito sa akin.
Nakatayo si Viggo sa harap ko at matapang kong tinitigan ang kanyang mga mata na nakatingin din sa akin. Napalunok ako. How can this man be this handsome? Nanlalambot ang tuhod ko.
Bakit ngayon ko lang iyon napansin?
Or maybe my hormones are starting to wake up just like how my boobs got bigger?
Napatingin ako sa kamay nito nang tumaas iyon. Nanginig ang labi ko nang lumapat ang kamay nito sa pisngi ko at kinurot iyon. Damn. Ang lakas lakas na ng t***k ng puso ko.
“I’m single because I’m waiting for someone, Selira. That’s why.” Sabi nito at binitawan ang pisngi ko bago ako binigyan ng isang tipid at malungkot na ngiti.
Hindi ako makaimik kaya napalunok na lang ako bago tumango.
“Let’s go inside.”
Nang tumalikod na ito ay napabuntong-hininga na lang ako. Sino kaya ang inaantay niya? Ang swerte naman ng babaeng iyon! Mabangga na sana!
Lumingon si Viggo sa akin at tumigil sa paglalakad. Nang Makita akong nakatigil lang at nakatingin sa kanya ay iginalaw nito ang ulo na may pagsenyas na sumunod na ako sa kanya.
Sa hapag-kainan ay katapat ng inuupuan ko ang kay Viggo. Hindi ko tuloy ito maiwasang tignan at titigan. Busy ito sa pakikipag-usap sa Daddy ko kaya hindi nito napapansin ang mga tingin ko at malaya kong napapagmasdan ang bawat kilos nito.
Now, I clearly can say that he is so handsome.
Ang manly ng features ng mukha nito mula sa perfect hairline nito hanggang sa leeg.
Ang malalim nitong mga mata na dahilan kaya nadedepina ang kilay nito na sakto lang ang kapal at maganda ang hulma ay bagay na bagay dito.
Pati ang matangos nitong ilong ay nakakaadik tignan. At ang labi nito… Damn.
Muntik na akong mabilaukan nang lumipat bigla sa akin ang mata nito at nahuli akong nakatingin sa kanya.
Mabilis kong inilayo ang mata ko at nagkunwaring nakikinig sa pinag-uusapan ng aming mga magulang. Tila naninigas ang aking leeg dahil parang gusto ko ulit tignan si Viggo pero may pakiramdam ako na nakatingin din ito sa akin.
I feel like I’m just assuming things, so I’ve decided to look at him again.
Slowly, I moved my eyeballs to look at him again and there he was!
His arms are crossed in front of his chest and staring at me. Boldly!
Mabilis kong tinanggal ang mata ko sa kanya! Pinagpapawisan na din ako sa kaba at ramdam ko ang mga pisngi ko na nag-iinit dahil sa kahihiyan.
Bakit nga ba ako nahihiya? Dapat hindi ako nagpapatalo dito at sa mga titig nito!
Lumingon ako kay Viggo at ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Inirapan ko ito. His lips arched a bit like a smirk. Pinagtitripan ako nito!
“Viggo, hijo, anong pinagkakaabalahan mo these days?” si Mommy ang nagtanong niyon kaya napalingon si Viggo dito. Umayos ito ng upo para mas makita si Mom na may kalayuan sa amin ang kinauupuan.
“I’m training under our company, Tita Luisa. For my OJT.” Sabi nito.
“Oh, you’re graduating nga pala.”
“Yes po, Tita.”
“But, friend, Viggo here is training with the staff who are active on the field in our company.” Si Tita Madel.
Nanlaki ang mga mata ni Mommy at napatingin kay Viggo sabay ngiti bago tumingin ulit sa kaibigan.
“Why, Madel? Why not have him train under Brandon? Mas marami siyang matututunan kapag under siya ni Brandon.” Sabi ni Mommy, medyo nanghihinayang.
“Uh, I suggest it to be that way, Tita Luisa.” Si Viggo iyon.
“Yes, Luisa. Viggo even suggests on having a clandestine identity.” Si Tito Brandon iyon.
Ako ang nagulat this time. The heir, on his own soon-to-be company, working on their lowest ground and even hiding!
“Oh.” Nasabi na lang ni Mommy. I knew my Mom. If ever I’ll be in Viggo’s shoes, she won’t allow that to happen. She might find it low and degrading.
“Good thinking, Viggo.” Si Dad. “That way, your son won’t experience special treatment from your employees. Given that, you don’t want him to train under other companies.”
Nakatingin lang ako kay Viggo kahit na nakatingin din ito sa akin. His eyes are trying to read what is on my mind. Busangot kasi ang mukha ko dahil sa pilit na pag-intindi din dito at sa desisyon nito.
Oh well. Grown-ups. I said to myself and rolled my eyes. Nahuli iyon ni Viggo kaya napataas ang isang kilay nito.
Baka naman kasama nito sa training ang babaeng inaantay nito. Maybe he was courting the girl and maybe he doesn’t want the girl he’s courting that he’s a goddamn millionaire! He’s waiting daw diba? Hmm…
Out of nowhere, I decided to investigate him. I’ll visit their company one of these days. Isasama ko si Jacob! Mag-iimbestiga ako!
“Hey.” Si Jacob ang bumasag sa namumuo kong plano sa isipan. Nilingon ko ito sa tabi ko at nakadukwang ito sa akin. Tila may ibubulong.
“Bakit?” sabi ko at lumapit din dito.
“I need you. Tomorrow.” Bulong ulit nito.
“Huh? Bakit?”
Lumingon-lingon ito sa hapag-kainan na parang tinitignan ang mga magulang nito kung nakatingin sa amin. Ako naman ay napatingin kay Viggo at Nakita kong madilim ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Sa amin.
“I have a date with my girlfriend and-.” Sabi nito na kinalaki ng mata ko!
“WHAT?! MAY GI—.”
Maagap na tinakluban ni Jacob ang bibig ko. A lot of whispering curse came out of his mouth. Napa-peace sign naman ako dito.
“Lira!” gigil na bulong nito sa akin. Agad naman din nitong tinanggal ang kamay sa bibig ko nang mapagtantong na-realize ko na ang mali ko. “Keep quiet! This is confidential!”
“Sorry. May girlfriend ka na? Bakit ngayon ko lang nalaman?”
“Sorry na. Basta. Let’s talk in your room. This is confidential.”
Tumango na lang ako at kumain na kami ng mabilis bago nagpaalam sa mga magulang namin na aakyat muna kami sa ikalawang palapag.
“Don’t fall asleep, Jacob!” sigaw ng Tita Madel nang naglalakad na kami palayo. Alam kasi nito na malimit makatulog si Jacob pagkakatapos kumain o kapag nagtatagal sa kwentuhan ang mga magulang namin.
“Yes, Mom!” sigaw ni Jacob at hila-hila ako nitong umakyat sa second floor papunta sa kwarto ko kung saan kami madalas maglaro o mag-usap ng mga sikretong bagay.
Habang hinihila niya ako ay napalingon ako kay Viggo, itinagilid nito ang ulo. Tila may hindi ito nagugustuhan. Doon ko lang naalala ang sinabi niya sa akin before.
He doesn’t like it when I’m in my room alone with Jacob.
Oh, well. This is confidential so… I just shrugged my thoughts off.