Chapter Ten
Habang nasa eskwelahan at break time ay tumunog ang telepono ko. Sinilip ko iyon at nakitang unregistered number lang ang nasa screen.
I hit answer. “Hello?”
“Selira.”
Si Viggo iyon!
Saan nito nakuha ang numero ko? Oh, right! Maybe he got it from Jacob. Now that I think about it, hindi pa nito naiibigay ang bank account nito sa akin.
“V-Viggo.” I cleared my throat dahil parang may bumara doon. I’m nervous! “Bakit ka napatawag?”
“I’m at your school. Where are you?”
Agad akong nagpalinga-linga pero walang mahagilap na Viggo ang mga mata ko.
“Uhh—Andito ako sa field. Under the Mahogany tree. Nagla-lunch, why?” I played with my lips as I wait for his answer. Damn. Ano kaya ang pakay nito sa akin? Huwag naman sana tungkol sa pagbisita ko sa kumpanya nila last weekend!
“I’ll go there.” Yun lang ang sinabi nito at ibinaba na ang tawag.
Agad akong nagligpit ng pinagkainan ko bago kinuha ang maliit kong salamin sa bag para tignan kung ano ba ang itsura ko.
Wow, I look fine.
Hindi nagtagal ay Nakita ko na si Viggo na papalapit sa akin. Dumadaan ito sa hallway at humahabol ang tingin ditto ng mga schoolmate kong babae. Some of them are my classmates!
“Selira.” He smiled a little when he reached me. Umupo ito sa bakanteng upuan malapit sa akin. He is so close kahit na Malaki pa naman ang space sa bench.
Naglapat ang balikat naming at pasimple akong pumikit ng mariin habang busy pa ito sa pagtingin sa malayo. Kinikilig ako!
Napatingin ako sa mga babaeng sinisimangutan na ako dahil sa paglapit ni Viggo sa akin. Huh! Mamatay kayo sa inggit!
“Bakit ka narito, Viggo?” Sumulyap ito sa akin at agad nag-iwas ng tingin.
“I gave something important to Jacob.” Tipid na sagot nito sa tanong ko. Tumango-tango na lang ako. Eh bakit ka nandito sa tabi ko ngayon? Bakit mo pa ako hinanap? Tanong ko sa isipan pero kinikilig pa rin kaya hindi ko na lang itinanong.
“I just checked if you’re okay.” Sabi nito na parang nababasa ang nasa isip ko. Agad akong pinag-initan ng pisngi. Damn.
“Uh—Ayos lang naman ako.”
“Jacob said you’re a little off since you visited our company. I just want to check if you are okay.”
Nanlalaki ang matang nilingon ko si Viggo!
“What?!” sigaw ko. Kumunot ang noo nito kaya nahimasmasan ako sa biglaang pagkagulat. “I mean, Jacob told you what?”
“He said you two visit the company last weekend. And you’re a little off eversince.” Sabi nito. Medyo nag-alangan sa pagsagot ng aking tanong.
Lintek na Jacob!
Napapikit ako ng mariin at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko masisi si Jacob dahil wala nga pala akong nasabi ditto na sikreto dapat ang pagbisitang ginawa naming. Although I know that Tito Brandon might tell Viggo, hindi ko in-expect na si Jacob mismo ang magsasabi noon sa kapatid!
“Selira.” Tawag pansin ulit nito sa akin. Agad akong nagbukas ng mata at lumingon sa kanya ng nakangiti.
“Yes?”
“Are you okay?” bakas sa boses nito ang pag-aalala at medyo malamlam din ang boses nito. Saglit akong natameme dahil sa itsura nito. His reaction right now is so rare. Bihira ko lang iyong Makita sa ekspresyon ni Viggo.
“Uhh—” napapikit pikit ako at nag-iwas ng tingin. “Yeah. Okay lang naman ako. Wala naman akong problema. Baka nag-o-overreact lang iyong si Jacob.”
Saglit itong tumitig lang sa akin bago tumango-tango. “Okay, then.” Sabi nito at nag-iwas din ng tingin sa akin.
Iyon lang ang ipinunta nito sa akin? Para lang matanong kung okay ako?
Ni hindi nito tinext sa akin ang bank account nito o kaya kinontak ako para doon pero para tanungin kung okay lang ako ay tinawagan pa talaga ako nito at pinuntahan?
I don’t know but it sounds weird to me.
“You eat lunch alone?” tanong nito kapagkuwan. Bumaling ako ditto at napansin ang mata nito na nakatingin sa pinagkainan ko kanina.
Dahan dahan akong tumango. “Yeah.” Alanganing ngiti ang iginawad ko ditto.
“Why? Wala kang kaibigan ditto?” tanong pa nito na bahagyang nakakunot ang noo.
“W-Wala, e. Most of the girls here hates me dahil kaibigan ko si Jacob. And, well, there are guys, but I don’t like hanging around with boys.”
Mataman lang nito akong tinitigan ng matagal. Hindi ko alam kung anong nasa isip nito. Maya-maya ay dahan dahan itong tumango. Hindi na nagsalita.
Nagulat ako at napahabol ang tingin ko kay Viggo nang bigla na lang itong tumayo. Huminga ito ng malalim at humarap sa akin. His eyes bore straight into mine at agad kong hinagilap ang hinga ko.
“I’ll go now.” Sabi nito sa mababa pero malalim na boses.
Tumayo ako, nakatingala pa rin sa kanya. “Ah, ingat.” Sabi ko.
Ilang segundo pa rin itong nakatayo sa harap ko, tinititigan lang ang mga mata ko bago tumalikod sa akin.
Nang naglalakad na ito palayo ay saka ko lang napansin na hindi pala ako humihinga. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko!
God! Viggo is digging deep inside my emotions!
Dumating ang hapon at natapos na ang mga klase. Naglalakad ako sa hallway pababa mula sa second floor ng building kung saan kami nagkaklase nang may tatlong babae ang humarang sa akin.
Pinagmasdan ko ang mga ito at nagtaas ng kilay.
“Anong kailangan ninyo?” tanong ko. Ibinaba ko ang isa kong kamay na may hawak na libro. Mukhang alam ko na ang gusto ng mga babaeng ito.
“Hindi ka na nakuntento kay Jacob, pinagpapantasyahan mo pa ang kuya niya. What a slut!” sabi ni Gwen na nasa gitna, lider ng mga ito. Ang dalawa pa nitong kasama ay sina Tori at Cheska. Mga anak mayaman din ang mga ito pero walang ka-class class.
If possible na mas umangat ang kilay ko ay ganoon ang nangyari. Ang kaninang nakaangat ko nang kilay ay mas umangat pa!
“Slut? Ako? Wala ba kayong magawa sa mga buhay niyo?”
“Aba at sumasagot ka pa! Know your place, b***h!” si Tori ang nagsabi nito. Napataas tuloy ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi nito. Baka sila ang hindi alam kung saan sila lulugar.
“Umunlad lang naman ang business niyo dahil naging kaibigan ng mga hampaslupa mong magulang ang mga Dela Vega! But if not, para lang kayong daga sa lansangan!”
Doon na sumintig ang sentido ko. Hindi totoo ang pinagsasabi ng mga ito at halatang walang alam sa buhay naming kaya dapat ay hindi ko na inaaksaya ang oras ko sa kanila. Pero ang tawagin nilang hampaslupa ang magulang ko at pinapalabas ag mga ito na mangagamit pa ay hindi ko mapapatawad!
I was about to shout at them. Gusto kong ipamukha sa kanila kung ano lang ang negosyo nila sa negosyong namana ni Daddy sa grandparents nito pero hindi ko ginawa. I composed myself. Huminga ako ng malalim at niyapos uli ang libro ko sa dibdib ko.
“Tapos na ba kayo?” sabi ko at itinaas ang kilay habang isa-isang tinitignan ang mga ito. “Kung tapos na kayo ay tumabi kayo sa daraanan ko.”
“Hindi ka makaangal, diba? Kasi totoo naman! Mga baguhan lang kayo na biglang yumaman sa tulong ng mga Dela Vega! At ikaw, ginagamit mo iyang kalandian mo para maakit ang magkapatid!” si Gwen uli ito.
Nagtiim bagang ako. Get your horses, Selira. They are not worth the manicure.
I laughed softly. Tinakluban ko pa ang bibig ko at tumingin sa ceiling habang tumatawa ng mahina.
“Geez. How desperate can you be? Are you insecure because I’m close with Viggo and Jacob? Why? You want to be close to them, too?”
“Hindi ako mai-insecure sa isang katulad mo—”
“At hindi ako papatol sa mga kacheapan niyo. Hindi kayo papansinin ni Jacob o ni Viggo dahil hindi sila lumalapit sa mikrobyong gaya ninyong tatlo!” Lumapit ako kay Gwen na nakatitig sa mga mata nito.
Bahagyang napaatras si Gwen pero muli nitong itinaas ang noo sa akin. This one is just a scaredy cat.
“Move!” sabi ko at itinulak ang mga ito para makadaan ako. Cheap w****s. Ang babata pa at matanda lang sakin ang mga ito ng isang taon pero mga hayok na sa yaman at kisig ng mga Dela Vega.
“May araw ka rin sakin, Lira!” sigaw iyon ni Gwen na nagpaikot sa akin. Tinignan ko ito at nginitian.
“Good Luck.” Sabi ko ditto sabay irap. Naglakad na uli ako palayo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nanganganti sa akin sa school. Gwen and her ducklings are my classmates. Sila yung lagging galit na galit sa akin kapag binibisita ako ni Jacob sa room. Maybe they saw Viggo with me earlier, as well, kaya may reaction na naman ang mga ito.
I am prone to bullying dahil sa background ng parents ko. Our business started from scratch pero hindi ibig sabihin noon ay nagsimula kaming mahirap. Our real business are farms and fisheries na itinaguyod ng magulang ni Daddy.
But since hindi natipuhan ni Daddy ang pagstay sa province, plus nakilala pa nito si Mommy na tubong Manilenya ay hindi nito hinawakan ang negosyo kahit panganay ito sa dalawang magkapatid.
Si tita Altura na siyang bunsong kapatid ni Daddy ang naghawak ng negosyong farm and fisheries nang mamatay ang grandparents ko. Habang ang namanang kayamanan naman ni Dad ang ginawa niyang capital sa negosyo.
Hindi pa ako naiipanganak ay umunlad na agad ang engineering firm ni Daddy. From investing in hotels, nagkaroon at nagpagawa na rin ito ng sariling hotel chains. Binitawan na din kinalaunan ang engineering business. Dad said that I’m his ultimate lucky charm dahil simula daw ng ipanganak ako ay mas umunlad na ang kanilang negosyo at mas naging kilala.
On the other side, ang pamilyang Dela Vega naman ay hotel and restaurant na talaga ang negosyo eversince na itinaguyod ng ancestors nina Jacob.
Ang pagiging magkaibigan ng mga magulang naming ay lagging ginagawang dahilan kung bakit iniisip ng tao na nakaakyat kami sa hotel business. Which is wrong kasi old buddies na talaga ang parents naming.
People. Wala lang mapagtsismisan ang mga ito kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi.
Pagkaliko ko sa pasilyo ay may isang babae ang naroon. Simple lang itong manumit at may pagka-old fashion. Nakasuot ito ng salamin pero sa tingin ko naman ay wala iyong grado.
“O-Okay ka lang ba?” tanong nito. Medyo nahihiya. Siguro ay na-witness nito ang mga sinabi ng grupo ni Gwen sa akin.
Ngumiti ako ditto. Ngayon lang may naglakas ng loob makipag-usap sa akin. Some of them are jealous of me, some are just scared because of the bullies who are after me.
“Okay lang ako. Salamat.” Sabi ko at naglakad na uli.
Humabol ito sa akin kaya napalingon ako ditto habang bumababa ng hagdanan.
“K-Kung okay lang s-sayo, pwede bang makipagkaibigan?” tanong nito. Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan ko ang babaeng nasa harap ko.
Mukha itong pamilyar sa akin pero hindi ko maalala kung sino ito.
“Kaklase kita, tama ba?” tanong ko. Tumango ito ng marahan. “Hindi ka ba natatakot na makipagkaibigan sa akin? I have a lot of haters.” Naglakad na uli ako at sumunod uli ang babaeng hindi ko alam ang pangalan.
“H-Hindi naman… Lagi kong napapansin na m-mag-isa ka kaya…”
Hindi nito tinuloy ang sinasabi kaya napalingon ako ditto habang naglalakad. I got a huge trust issue kaya hindi ko alam kung kakaibiginan ko ng aba ito o iiwasan na lang.
“Ano ba ang pangalan mo?” tanong ko uli.
“G-Grace! Ako si Grace.” Sabi nito sabay ngiti. Hindi naman ito pangit pero natatakluban ng malaking salamin nito ang mukha nito.
“Ako si…”
“Lira. Kilala kita.” Tumawa pa ito ng mahina. “Friends?” sabi pa nito at nakipagkamay sa akin. Kinuha ko naman iyon at ngumiti rin.
Nag-usap pa kami ng kaunti tungkol sa mga nangbubully sa akin. I don’t know but she seems to pity me a lot because I’m being bullied though I don’t make it as a big deal. Baka concern lang ito sa akin. We’re friends now, right?
We part ways when we reached my car kung saan nag-aantay ang driver ko sa akin. Sumakay ako sa loob at isinarado ang pintuan habang si Grace ay kumakaway sa labas, nagpapaalam sa akin. I smiled at myself. I got a friend!