Chapter Eleven

2850 Words
Chapter Eleven Eversince I made a friend, lagi na akong may kasabay kumain tuwing breaktime. Kaklase ko pa si Grace kaya accessible ang oras namin at magkatabi na rin kami sa seatplan. “Technically, mayaman talaga ang pamilya niyo.” Si Grace. Nagsimula akong magkwento sa kanya ngayon dahil nagtanong na rin ito kung bakit lagi akong nabubully. Almost two months na kaming magkaibigan pero ngayon lang naming ito napag-usapan. “Yes. Agri talaga ang business ng family namin.” Sabi ko at inayos ang buhok niya. Simula nang maging magkaibigan kami ay tinuruan ko na rin itong mag-ayos. Hindi na siya naka-glasses at nagsimulang magsuot ng clear contact lenses. “Sino ang naghahawak ng Agri Business niyo?” “Tita ko. Si Tita Altura.” Sabi ko. “Ayan, tapos na. Bagay sayo ang naka-braid.” “Wow! Salamat! Bagay nga!” Ngumiti ako at umupo na sa kama paharap sa kanya. “Kung ganon, bakit pinagkakalat nina Gwen na ginamit lang ng family niyo ang mga Dela Vega?” “Pinagkakalat nila yon? They got the nerve. Wala naman silang alam tungkol sa akin.” “They do. Lagi kong naririnig yun sa kanila kapag mapapadaan ka at magkakasama silang tatlo.” “That’s not true. Friends na talaga ang parents ko at ang mga Dela Vega. College best friends si Mama at Tita Madel. Si Dad naman at si Tito Brandon, frat buddies noong college. Plus, ang unang business na pinasok ni Papa ay Engineering firm bago pumasok sa hotel chains.” “What happened to the firm?” “Binitawan na yon ni Dad. Some other firm bought it. Mas nagustuhan ni Dad ang hotel business kaya iyon na lang ang pinagtuunan ng pansin. Plus, marami siyang alam at kakilala sa engineering kaya nakatulong iyon sa pagpapatayo ng hotels.” Tumango-tango ito. “B-Bi-Bisita kaya ditto ngayon ang mga Dela Vega?” Natigilan ako sa tanong niya. Lagi akong natitigilan kapag tinatanong nito iyon. A side of my mind makes inappropriate thoughts. But, every time that she visits here in our home, she always asked me the same question. “Hindi, siguro. Hindi ko alam.” “Ah.” Tumango-tango ito. I can sense that she is disappointed. I wonder why. Hindi kaya… “If you don’t mind me asking, Grace. Bakit lagi mo iyang natatanong sa akin kapag napapabisita ka ditto? Do you like… one of the Dela Vega’s boys?” I hope it is Jacob! I can’t have a friend who likes Viggo, too! Agad kong Nakita ang pamumula ng pisngi ni Grace. Yumuko ito at pumikit ng mariin. I guess I am right. Unti-unti itong tumango habang nanlalaki naman ang mga mata ko. What? Which one? Sino?! “Oh my God! Sino?” hindi ako makapaniwala! Hindi niya pa ito nasasabi sa akin! “Si…” I can feel my heart beating so fast! I hope! I really hope it is not Viggo! “Sino!?” hindi nakakatulong ang pagpapa-suspense nito sa pagtibok ng puso ko! Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko. I can even feel my heart racing so badly! I hate the thought that he likes Viggo! This is my first time but I’m being a lion being territorial right now! “Si… Jacob.” Nakahinga ako uli. Hindi pala ako humihinga kanina. Whoo! I really thought that! Damn! “G-Galit ka ba?” tanong nito. Hindi kasi ako agad nakaimik kaya siguro napatanong ito. “Hindi ah! Bakit naman ako magagalit?” “Kasi… sabi nila Gwen, may gusto ka raw kay J-Jacob…” “Oh, please! Wag kang magpapaniwala kina Gwen. Jacob is just a brother to me. Iyon lang. Hindi ko siya magugustuhan because he’s such a playboy.” “Kaya nga, Lira.” Medyo nalungkot ito. May mga tao pala talaga na napapaiyak o napapalungkot ni Jacob kahit hindi pa nito nagiging girlfriend. “Gusto ko si Jacob pero hindi ko siya gustong maging boyfriend. Masyado siyang…mapaglaro.” pagpapatuloy pa ni Grace. Tumabi ako sa kanya. “I don’t want to be a villain for your feelings for Jacob but you are right. He is exploring his life too much and not into anything serious. Tama lang ang nararamdaman mo, Grace.” “I…am just happy to see him.” Parang ako lang kay Viggo… Napabuntong-hininga ako, kasabay pa si Grace. “Hayaan mo, kapag may family dinner kami, I’ll invite you.” Nabuhayan ang mga mata nito na tumingin sa akin. “Talaga?! Pero…Hindi ba nakakahiya? Family dinner iyon at…” “My parents are cool. Plus, you’re my first girlfriend! They will agree.” “S-Sige.” she replied with a shy smile. Maagang umalis sa bahay si Grace dahil may kailangan pa daw itong asikasuhin sa kanila. Ako naman ay nasa kwarto lang at nagbabasa ng libro ngayon dahil kakatapos ko lang kumain ng gabihan. Mom and Dad will come home late, may meeting pa daw sila after dinner. *Beep* Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito. I grabbed it lazily and my eyes widened when I saw the sender’s name! It was Viggo! Nagmamadali ang mga daliri ko na binuksan ang mensahe. Viggo: What are you doing? Kumunot ang noo ko at tatlong beses na binasa ang mensahe. Na-wrong send kaya ito? Ibang babae ba ang gusto nitong tanungin niyon at sa akin lang napa-send? Bakit niya naman tatanungin kung ano ang ginagawa ko, diba? I decided to reply and ask. Me: Wrong send? Mabilis nang makareply ito. Medyo nagitla pa ako dahil hindi ko pa naiibaba ang telepono nang tumunod iyon uli. Viggo: What are you doing right now, Selira? My eyes squinted from the way he replied. Hindi niya sinagot ang tanong ko but instead, isinama niya ang pangalan ko sa parehong tanong. I can read the emphasis on his message, he did not accidentally sent it to me then! O baka naman pinagtatakpan lang nito ang pagkakamali? Argh. What am I even thinking? Me: Reading a book. Why? At bakit ka nagtext? Hindi ko na isinama ang naisip kong iyon pero kinakain ako ng kuryosidad. I think it took him longer to reply kaya nakangusong tinitigan ko ang cellphone ko. Baka naman hindi talaga niya sinasadya ang pagkakatext sa akin? Bakit hindi na ito nagreply, diba? Two months ko nang hindi nakikita si Viggo. He is always busy ayon kay tita Madel at Jacob. Masyado akong nalibang sa pagkakaroon ng kaibigan at laging nakakausap si Grace kaya hindi ko masyadong naiisip si Jacob. But now, I realized how much I miss seeing him. Tumunog uli ang cellphone ko. Viggo: Did you eat dinner? Me: Yes, why? Hindi nito sinagot ang nauna kong tanong ah. Napasimangot ako pero hindi na nagreact ukol doon. I don’t want to sound demanding for his reasons. Baka hindi nga lang sinasadya ang pagkakatext nito niyon. Viggo: I’m outside your house. Napatalon ako sa nabasa! He is what?! Agad akong sumilip sa bintana at nakita nga ang kotse niya na nakapark sa harap ng bahay namin! Wala ito sa labas kaya nasa loob pa siguro ito niyon! Lumakas ang t***k ng dibdib ko. Bakit siya nandito? Tumunog uli ang cellphone ko at nagmamadaling binasa ang mensahe niya. Viggo: You still up? Can you come down? Hindi na ako nagreply at nagpapanic na tinignan ang sarili ko sa salamin. Mabuti na lang at hindi pa ako nagpapalit ng pantulog kung hindi, baka mas nagmamadali ako ngayon! Lumabas ako ng kwarto at halos talunin ko ang hagdanan para lang makababa! Fudge! I’m excited to see him! Bago buksan ang front door ay huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili. Dahan-dahan ko itong binuksan at kasabay ng paglabas ko ay ang pagbukas ng pinto ng kotse ni Viggo. Umikot ito at sumandal sa kotse habang nakatingin sa akin. The streetlights are dim on where he parked kaya medyo madilim at silhouette lang nito ang naaaninag ko. “Hi!” I greeted nang makalapit sa kanya. “Why are you here?” mas naaninag ko na ang mukha niya ngayong malapit na ako sa kanya. He gave me a wry smile in response. “I went somewhere near here so I decided to stop by,” he said. Dahan-dahan akong tumango at napakagat sa labi para mapigilan ang ngumiti. I feel so happy just by seeing him! Its been two months! Hindi biro iyon! “Okay. Do you want to come inside? I’ll ask the maids for some snacks…” napahinto ako sa sinasabi nang may marealize. Hindi ba sobrang obvious naman na gusto ko pa siyang makasama dahil sa sinabi ko? Ang bobo mo talaga, Selira! He dropped by nga lang daw! I cleared my throat and decided not to finish my sentence. Nakatingin lang sa akin si Viggo at bahagya akong nailang dahil sa iniisip kaya nag-iwas ako ng tingin. “Sure.” biglang sagot ni Viggo na nagpabalik ng tingin ko sa kanya. “A cup of coffee is enough.” I pouted, trying to suppress my smile, and slowly nodded my head. “Ah, Tara.” Nauna na akong pumasok sa gate at sa loob ng bahay. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin at ang walang tigil na paghampas ng tambol sa dibdib ko. Oh my! Ano kaya ang pag-uusapan namin?! Now that I think about it, ni hindi ko alam kung ano ang maaaring topic namin! Bakit ko pa ba siya inimbita sa loob! Bahala na! Gusto ko din na mas makasama pa siya! I called our maid to get us some refreshments. “Sa garden na lang po, Manang.” sabi ko at lumingon kay Viggo. Nahuli ko ang mata niya na nakatingin sa akin kaya medyo napakurap-kurap ako sa gulat. Ganito ba talaga pag may gusto ka sa isang tao? Parang ang lakas ng epekto ng mga titig niya sa akin! Nakakaliyo. “Garden na lang tayo? Para fresh air?” sabi ko kapagkuwan. “I’m fine anywhere.” sabi nito at nauna nang maglakad palabas ng veranda at patungo sa garden. May outdoor table kasi doon at saka medyo madilim dahil garden lights lang ang mayroon. As much as possible, ayokong nakikita niya ang mukha ko. I’m not sure if I’m blushing or anything when I’m with him kaya para maging sigurado ay doon na lang kami sa dilim. Minsan kasi pakiramdam ko ay nag-iinit ang mga pisngi ko kapag nakatingin si Viggo sa akin. Nakaupo na kami at gaya ng inaasahan, wala nga kaming mapag-usapan. “Uh, magaling napadaan ka. You missed most of the dinners. Busy ba sa school?” panimula ko. Baka matuyuan kami ng laway nito kung mananatili sa ganoong ayos. Isa pa, matutunaw ata ako sa tingin nito. “A bit. It’s been two months and I--” hindi niya itinuloy ang sinasabi at tumikhim na para bang may naalala. “I thought of greeting your parents since I’m nearby.” Ngumuso ako pero tumango na lang sa sinabi niya. “Kaso wala dito sina Mom and Dad, may meeting pa daw kasi sila after dinner.” Viggo kept looking at me. Ni hindi nito tinatanggal ang tingin sa akin samantalang palinga-linga ako sa kung saan bukod sa mga mata niya. “It’s alright. You can extend my regards to them when they got home.” Tumango ako. “Okay.” This is the first time I’m grateful that my parents are late to come home! “How’s school?” tanong nito matapos ang isang minutong katahimikan. Dumating ang kape ni Viggo at ang juice ko na dala-dala ng maid kaya hindi agad ako nakasagot. “It’s fine. I had a friend.” I grinned. “That’s good to hear. You looked like a lost puppy eating alone under that Mahogany tree.” “Anong lost puppy? I’m fine being alone, noh!” I frowned. Viggo chuckled and I pouted upon realizing na inaasar lang ata ako nito. ““One of these days, baka I-invite ko siya sa dinner with your family. She’s my first girl-friend and I want her to meet Jacob, too. Dalawa na silang kaibigan ko.” Tumango-tango si Viggo at humigop ng kape. Sumimsim na din ako sa juice ko dahil wala akong maidugtong sa huling sinabi. Hindi man lang ba siya magcocomment sa sinabi ko? “My brother mentioned… that you started receiving love letters at school.” biglang sabi ni Viggo. I looked at him at hindi siya sa akin nakatingin kundi sa fountain di-kalayuan. Ang daldal talaga noong si Jacob! Hindi ko naman siya ka-section pero pati ba naman iyon, naalamanan niya? “Ah, yeah. It started maybe a month ago?” sagot ko na lang. Luminga sa akin si Viggo at bumaba ang mata ko sa labi niya nang dilaan nito iyon. “Did you entertain any?” tanong nito. Napakurap-kurap pa ako nang ibalik ang tingin sa mga mata niya. Bakit parang ang pula ng labi ni Viggo? “Of course not! I’m still young, Viggo.” I said frowning. Did he expect I’ll be happy having admirers at school? “Hindi ko naman sila gusto kaya bakit ko I-e-entertain?” Viggo smiled slightly before nodding his head. “That’s right. Bata ka pa, you should focus on your study than those boys.” Parang uminit na naman ang ulo ko sa sinabi niya. I really hate how he acts all grown up that he started to sound like my Dad! “What?” tanong nito ng mapansin ang ekspresyon ko. “Can you stop the sermon? Is acting like a father to me your hobby?” I rolled my eyes and sip on my juice. Napaawang ang labi ni Viggo at maya-maya ay umiling. “I’m sorry.” then he chuckled lightly. “I just care too much… about you.” Medyo may humaplos sa dibdib ko dahil sa sinabi niya pero nanatili pa din ang init ng ulo ko. “Kahit na. I hate it. It always remind me of--” your age. Iyon sana ang gusto kong sabihin pero hindi ko na itinuloy. Below the belt na iyan, Lira! Viggo arched a brow and watched my face so I tilted my head to look away. “Basta, stop that. Hindi na ako bata.” sabi ko na lang. “I understand what you mean. I will stop acting that way from now on.” sabi nito pero hindi ko pa rin ito binalingan. “Now, why can’t you look at me, Selira?” I bit my lip from how my name sounds so good when he says it. Nakaka-frustrate ka kasi titigan, jusko! Daig ko pa ang sorbetes na iniwanan sa arawan kapag tinitignan ni Viggo! Viggo sighed after a while. Hindi pa rin ako lumingon dito. “Your birthday is coming near. What do you want as a gift?” tanong nito. Magbi-birthday na kasi ako next month. And Viggo always asks what I want for my birthday, lagi ko namang sinasabi dito na kahit ano na lang. But I think it is his hobby to always ask the same question every year. Dati ay naiiyamot pa ako kapag tinatanong niya ako dahil parang hindi niya ako kilala at hindi niya alam ang mga gusto ko pero ngayon, iba ang dating ng tanong niyang ito sa akin. “Selira. Stop being mad. I promise I won’t act that way again, didn’t I?” sabi nito sa kalmadong boses nang hindi ako umiimik. Lumingon na ako dito. “I don’t want anything. You ask that annually and I’ll answer the same, Viggo.” “I’ll surprise you, then. Now, why are you still mad? Hindi na ako aaktong parang… tatay mo so--” “Hindi na iyon ang kinakagalit ko. Naiinis na ako kung bakit parang hindi mo lagi alam ang gusto mong ibigay sa akin kapag birthday ko!” umirap pa ako ng mata sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay nang mahina itong tumawa. Sumandal si Viggo sa upuan at nagpatuloy pa. “And here I thought,” he chuckled again and shook his head before sighing. “It’s not that I don’t know what to give, I just wanted to give you something you wanted, too,” he explained. “Eh lahat naman ng bigay mo gusto ko!” Huli na nang mapagtanto ko ang mga salitang lumabas sa labi ko. Oh my holy water!!! Tumikhim ako at nag-iwas nang tingin nang makitang natigilan si Viggo. No! No! Don’t misunderstand! “I-I mean, lahat ng nagreregalo, uh, nagugustuhan ko naman lahat ng binibigay sa akin.” Hindi ako makatingin sa kanya! Para akong may tukod sa leeg at hindi makagalaw at makahinga sa pagkakaupo! “Exactly why I want mine to be different.” sabi ni Viggo sa mababang boses. Napalingon ako at tumingin sa kanya nang may nagtatanong na mata. Ano daw? Bago pa ako makapagtanong ay tumayo na ito, nakatingin pa rin sa akin. “It’s getting late. I should go.” I slowly nodded my head kahit sa totoo ay ayaw ko pang umalis ito. “Uh, ihahatid na kita sa labas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD