Chapter Nine
I waited for a week before performing my plan of investigating Viggo and his mysterious woman. Sabado ngayon at nagpasama ako kay Jacob na pumunta sa opisina nila kung saan nag-o-OJT si Viggo.
Noong una ay nagtataka pa si Jacob sa kung anong gagawin ko doon at hindi ko napaghandaan ang magandang alibi na pwede kong sabihin.
“You owe me one, remember?” baoy ko kay Jacob para hindi na ito maghanap ng tanong. Alam kong hindi na ako matatanggihan dahil sa utang na loob na ginawa ko para sa kanya at sa ex-girlfriend na niya ngayon na si Joyce.
Wala pang one week ay nakipagbreak na si Jacob sa babae dahil lagi lang daw siyang inaaway nito at inaakusahan na may ibang babae sa section nila Jacob.
Sa murang edad ay nakikita ko na kung gaano kababaero ng kaibigan ko.
Gwapo naman kasi si Jacob at hindi na ito mahihirapan makahanap ng kapalit ni Joyce pero paano na lang kung lumaki-laki pa ito? Siguradong hindi lang halik ang habol nito sa babae bago iwanan.
Napagdesisyunan naming ni Jacob na pumunta din sa araw na iyon sa site nila kung saan nagtetrain si Viggo in field. Sabi pa nito ay hindi dapat mahalata na anak ng may ari si Viggo kung hindi ay malalagot ito sa kapatid.
Nang makarating sa site ay sinuwerte agad kami dahil hindi naming Nakita si Viggo.
Kilala naman si Jacob sa site bilang anak nina Tito Brandon dahil lagi itong naisasama ng mag-asawa mula pagkabata nito. We stayed at his Dad’s office dahil wala pa din ang Daddy nito at nasa isang meeting.
“Ano ba ang sadya mo ditto, Lira?” tanong nito habang pinagmamasdan ang gamit ng ama.
“Wala lang. Curious lang ako sa kung anong hitsura ng company niyo.” Sabi ko.
“Your parents own one, you know?” sabi nito. Umirap na lang ako sa hangin at hindi na sumagot pa.
Hindi ko gustong sabihin kay Jacob ang totoong dahilan kung bakit ako naririto. Baka pigilan pa ako nito at kontrahin pa ang lihim kong paghanga sa kay Viggo.
Hindi ko Nakita si Viggo buong linggo kaya pakiramdam ko ay gustong gusto ko itong makita. Hindi naman kami madalas nagkakasama but I have this urge to see him again, to look in his deep brown eyes again.
“Lalabas lang ako sandali, ha.” Sabi ko at hindi na ito inantay pang sumagot.
Nagtanong tanong ako kung saang bahagi ng building yung may OJT. Napag-alaman ko na marami pala ang nag-o-OJT doon pero napili kong puntahan yung pinakamababang department kung saan may in-field trainees.
Habang naglalakad sa pasilyo ay Nakita ko na agad si Viggo. Nasa dulo ito sa tapat ng isang pinto na sa hinuha ko ay opisina ng department na pinag-te-trainingan nito.
Nakatayo ito. Nakasuot ng putting t-shirt at itim na pantalon habang nakatingin sa papel na ipinapaliwanag ng lalaking kaharap nito na siyang nagha-handle ata sa mga OJT’s.
Tinitigan ko ang ekspresyon nito na seryoso habang nakikinig sa sinasabi ng kausap. Mukhang binibigyan ito ng task.
Kahit simple lang ang suot ni Viggo ay mukha pa din itong nakakaangat sa mga naroroon dahil sa pagkilos nito. So much for staying lowkey, huh?
He looks so damn handsome despite how he dressed up. Hindi ko napigilang mapakagat labi, nagpipigil ng ngiti.
Habol ng mga mata ko ito habang papasok sa loob ng pintuan ng opisina. Unti-unti akong naglakad palapit sa pinto roon at sumilip sa isnag glass window.
Sa loob ay may kausap ito. Babae.
I can see the dress of the girl at nakatalikod si Viggo sa akin. Hindi ko tuloy Makita ang mukha ng babaeng kasama.
Umisod ako ng tayo para Makita kung sino ang kausap nito. I saw the girl’s boobs and I think I know who it is!
Ang babaeng ma-hi-hit and run, ‘yun! I’m sure! It is cup D!
Umisod pa ako para Makita mismo ang mukha ng babae pero may nakabunggo sa akin!
“Ano ba yan!” hiyaw ng lalaki na may dala dalang mga papeles na ngayon ay nagliliparan na sa harap naming dalawa.
“Oh my! I’m sorry!” hingi ko ng paumanhin. Palinga-linga ako sa gawi nina Viggo. What if he sees me!?
“Bakit ka ba kasi nakaharang diyan! Hindi pwede ang bisita ditto! Bigya ko pa naman ito nai-arrange ng alphabetical order. Tanginang buhay to!” galit na galit ang lalaki habang pinupulot ang mga papeles.
I bit my lip and lean down to help him pick the papers. It’s scattered all over the floor now!
“Sorry. Sorry po.” Sabi ko. Kapag minamalas ka nga naman! Mukhang may dalaw pa ata ang lalaking nakabangga sa akin! Ang init ng ulo nito!
“What’s going on here?” boses iyon ng isang babae.
I looked up and saw the same girl he was talking to last week, sa salon! Mabilis akong tumayo at humarap sa babae. Kumunot ang noo nito.
“Tapos hindi ka pa tutulungan, buhay talagang ito…” bulong pa rin ng lalaki na hindi ata napapansin ang presensya ng dumating.
Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. She arched her eyebrow and looked at the guy I bumped into.
“Roco.” Sabi nito sa lalaki na Roco pala ang pangalan. Sumulyap uli ito sa akin. Hindi napapansin ni Roco ang tawag nito dahil bulong pa rin ito ng bulong. “Roco!”
“Mam!” napatayo agad ang lalaki at humarap kay Miss Cup D.
“Anong nangyayari ditto? Are you done with the papers I asked you?” sabi nito sa kay Roco at sumulyap uli sa akin.
“Naku, Mam,” kumamot ang lalaki sa ulo bago ako itinuro. “Nahulog ko po ang mga papeles. Nakaharang po kasi itong si Miss sa daan at hindi ko napansin. Tapos ko na po, Mam, kaso…” nagkamot uli ito ng ulo.
Medyo lumayo ako sa lalaki dahil sa pagkamot kamot nito. Baka mamaya lumipad pa ang mga kuto nito papunta sa akin.
Sumulyap uli sa akin ang babae. Mam ang tawag ditto kaya siguro ay mataas ang katayuan nito ditto sa kumpanya nila Viggo.
If my hint is true and he’s courting this girl, magaling pumili si Viggo.
Nalungkot ako ng bahagya sa naisip at nag-iwas na lang ng tingin.
“Miss? Who are you? Bakit ka nandito? Are you…” lumingon ito sa loob ng opisina bago ibinalik sa akin ang tingin. “…looking for someone?” sabi pa nito.
Napailing ako agad ng aking ulo. Hindi maaaring maalamanan na andito ako or else… I don’t know what might happen pero ano na lang ang sasabihin sa akin ni Viggo!
“W-Wala… I… I just got lost. I’m sorry.” Lumingon uli ako sa lalaking nabangga ko kanina. “Sorry po.”
Tumaas uli ang kilay ng babae sa akin at tumango. “No visits are allowed during office hours, so I suggest…” hindi nito itinuloy ang sasabihin. Tila tinitignan kung naiintindihan ko bai yon.
Lumingon ako saglit sa glass window at Nakita ko si Viggo na may kausap naman na isang lalaki habang may pinagdidiskusyonan sa papel. Hindi ako nakikita nito.
Lumingon ako sa babaeng tinatawag na ‘Mam’ at Nakita ko siyang nakatingin uli sa loob ng opisina at nakakunot noo na bumaling sa akin.
“A-Aalis na ako.” Sabi ko na lang. I can’t stay much longer or else… baka mabuko pa ako ni Viggo. I will look like a stalker! Definitely!
Tumango tango ang babae at nagmartsa na ako palayo. Ilang hakbang at bumaling muli ako sa mga ito at Nakita kong hinabol ako ng tingin ng babae. She even crossed her arms and continue looking at me. Like, she’s waiting for me to be gone.
I sighed and continue walking. Mas lalo ko pang binilisan para mas madaling makalayo doon. Hiyang-hiya ako. Hindi ko alam kung bakit pero medyo nahiya ako sa babaeng iyon! Mukhang alam nito na si Viggo ang sadya ko doon dahil paulit-ulit na nagpabalik-balik ang tingin niya kay Viggo at saka sa akin.
She’s pretty and sexy. Hindi Malabo na ang tipong iyon ang ligawan ni Viggo. That guy even called her ‘Mam’, which means she is brainy, too. Hindi ito kaedadan. Bata pa ito at may kinatutungkulan na agad sa kumpanya nina Viggo.
Nakaramdam ako ng lungkot. I think… Viggo and Miss Cup D is a match.
“Saan ka galing?” si Jacob iyon. “Sabi ng secretary ay parating na si Dad galing sa meeting. Should we wait for him?”
Umiling agada ko sa inosenteng tanong ni Jacob. Wala itong kaalam-alam na hindi na dapat kami Makita pa ni Tito Brandon ditto dahil baka mabanggit pa kay Viggo na dumalaw kami.
“Let’s go home.” Malumbay na sabi ko.
“Oh, okay. Bakit parang malungkot ka?”
Hindi ko na lang ito sinagot. Nakasakay kami at lahat sa kotse niya ay tahimik lang ako. Nag-iisip.
Ano ang sunod kong gagawin? Baka nga… nililigawan ni Viggo si Miss Cup D. Inaantay na lang siguro ni Viggo ang matamis na oo ng babaeng iyon gaya ng sabi nito na may inaantay na lang ito.
I want to stop my investigation at gusto na lang i-case closed iyon pero hindi pa din ako matahimik. I need to be sure. I still have the doubt. I want to know who’s the girl Viggo is waiting for.