Chapter Eight

1448 Words
2pm na at nandito kami ni Viggo sa isang sikat na restaurant. Kinailangan pa naming lumabas ng mall dahil halos lahat ng food chains doon ay puno na. Madami pa ding nagla-lunch kahit 2pm na ng tanghali. Siguro ay dahil weekends iyon at oras ng pahinga ng karamihan. “What’s your order?” Tanong sa akin ni Viggo. Pareho kaming nakatingin sa menu at may waiter na naghihintay ng order namin. “I’ll have beef steak, well done, and pineapple juice, please.” Sabi ko sa waiter at iniabot na ditto ang menu. “And yours, Sir?” sabi ng waiter. “Same but in medium well and iced tea for drinks.” Sabi nito at ibinigay din ang menu sa waiter. Umalis ang waiter para kunin ang order naming kaya naiwan kaming mag-isa. “Sino yung babaeng lumapit saiyo kanina?” hindi na ako makapigil na hindi maitanong sa kanya iyon. Hindi naman ito mukhang nagulat. He even crossed his arms and looked at me intently. “Someone I work with.” Sabi lang nito. “Work with? Sa training mo?” tanong ko pa. Maybe that was the girl he was waiting for! “Yes.” Bwisit. Ang tipid talaga nito sumagot! Hindi ako makakuha ng sapat na impormasyon! “So, isa siya sa mga hindi alam ang totoong pagkatao mo?” pang-uusisa ko pa. “Yeah. Why are you suddenly interested?” Natameme ako sa tanong niya at uminom ng kaunting tubig bago bahagyang nagkibit-balikat. “Wala lang. I was just curious. That’s all.” Sabi ko na lang. Mababangga nga pala talaga ang babaeng iyon! Siya yon! Girl’s intuition and I know that was her! The most awaited woman! Dahil sa kakalasong isipin ay mas lalong nabuo ang desisyon ko. I will investigate more about his woman! “What’s on your mind now, Selira?” He sounds concern of whats going on in my head. Medyo kinabahan tuloy ako sa isiping baka naiisip nito na may binabalak akong mangalap ng marami pang impormasyon tungkol sa ‘katrabaho’ nito. “I was just hungry.” Palusot ko. Tinagilid nito ang ulo na tila hindi naniniwala sa akin kaya napanguso ako. Kapagkuwan ay ibinaling na din nito ang tingin sa paligid at nakahinga na ako ng maluwag. Dumating ang order naming at nagsimula kaming kumain. May side dish na carrots and beans ang putahe at itinabi ko iyon. Hindi kasi ako mahilig sa carrots at kaysa isa-isang paghiwalayin ang bilog na beans at square cut na carrots ay itinabi ko na lang ito. “You’re not eating that?” tanong nito nang mapansin ang ginawa ko. He put a portion of his steak into his mouth at napatingin muna ako sa labi niya na dinilaan pa nito bago nakasagot. “Uh—I don’t eat carrots.” Sabi ko, medyo napapalunok. Tumango lang si Viggo at nagpatuloy na sa pagkain. Ganun din ang ginawa ko. Natapos kaming kumain at lumabas na din kami ng resto. Once we’re outside, saktong nagtext sa akin si Jacob. Its already quarter to four in the afternoon at sinabi nito sa akin na susunduin na niya ako sa mall. “Pabalik na daw ditto si Jacob at kakaunin na ako.” Sabi ko kay Viggo. “I’ll take you home. Text him.” Sabi ni Viggo. “No! Baka Makita nina Mommy na hindi si Jacob ang kasama ko.” Sabi ko, may kaba sa ideyang naisip nito. “Your parents are still at work, Selira. Just text my brother.” Hindi na ako umapela dahil lagi din naman ng ana ginagabi ng uwi ang magulang ko. I texted Jacob. Me: Don’t pick me up. I’m with your brother. He told me to text you that he’s taking me home. Sumakay na ako sa kotse kung saan pinagbuksan ako ni Viggo ng pintuan. Pinanuod ko itong umikot papunta sa driver’s seat at nang buksan nito ang pintuan nito ay agad kong inilipat ang tingin ko sa unahan. “Did you text him?” tanong nito habang kinakabit ang seatbelt nito. I nod and he started driving. Sa kalagitnaan ng byahe ay tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Jacob. Jacob: Oh no! Were we busted? Bakit mo nakasama si Kuya? I immediately typed my reply. Me: I took care of it. Hindi daw tayo isusumbong kina Tita at Tito. Nakita niya ako sa café kanina and he invite himself to join me. Kabababa ko lang ng phone ko ay agad nang tumunog iyon mula sa text ni Jacob. Jacob: Okay. Take care. Tumunog uli iyon at isa pang mensahe mula kay Jacob ang dumating. Jacob: I got my first kiss! Hindi ko napigilang tumawa sa binalita nito. Napansin ko naman ang biglaang pagbaling ni Viggo sa akin dahil sa reaksyon ko. “Who are you texting?” tanong nito. Nilingon ko si Viggo at Nakita ko kung paano ito nagtiim bagang habang ang biceps nito ay mas nadepina dahil sa madiin na pagkakahawak ng manibela. Nawala ang ngiti ko at hindi na nakapagtipa ng mensahe papunta kay Jacob. “Jacob.” Sagot ko. “Why are you laughing? Does he know I’m with you?” tanong pa nito, hindi ako tinitignan. “Uh—Yes. He just told me he had his first kiss. Kaya natawa ako.” Ngisi ko, natatawa uli dahil sa balitang natanggap mula kay Jacob. Hindi na umimik si Viggo at ikinabahala ko iyon ng bahagya bago ipinag-kibit balikat na lang ang hindi niya pagsagot. Samahan pa ng madilim niyang itsura ngayon, tila sumama ang timplada ng mood nito. Nakarating kami sa harap ng bahay naming at Nakita na nakapark din doon ang kotse ni Jacob. Akmang bababa ako nang pigilan ako ni Viggo. “Stay here for a while.” Sabi nito at bumaba bago pinuntahan si Jacob. I saw Jacob went out of his car while Viggo is mid-away from him. I saw Jacob leaned on his car when Viggo came near him. Nakapamulsa na si Viggo nang nakatapat si Jacob. I saw his lips moved while he talk with Jacob. Napapagalitan kaya ito? Maybe. Sumagot si Jacob ditto at kumunot ang noo. Nang may sinabi pa muli si Viggo ay tumango na lang si Jacob. Tumalikod na sa kapatid si Viggo at bumalik sa sasakyan. Once inside, nagbuga ito ng hininga at tumingin sa akin. “I enjoyed being with you today.” Sabi nito. I know he’s saying goodbye kaya inayos ko na ang bag ko at isinakbit iyon sa aking balikat. “Me,too. Thanks for accompanying me, Viggo.” I opened the door and step outside. “Oh, text me your bank account. Ingat sa pagmamaneho.” Sabi ko at sinarado na ang pinto. Pinaandar na din nito ang sasakyan at pinanuod ko itong umalis bago ako lumapit kay Jacob na nakatingin din ngayon sa umalis na sasakyan ng kapatid. Lumapit ako sa kay Jacob at busangot ang mukha nito. “Napagalitan ka?” tanong ko kay Jacob na may nanunuyang ngiti sa labi. Mukhang bawi naman na ako sa ginawa nitong pang-iiwan sa akin para sa ka-date nito. “Yeah.” Sabi nito at binuksan ang pintuan ng kotse. Hindi pa rin pumapasok sa loob. “Anong sabi?” usisa ko. Humawak ako sa pinto ng kotse niya. “Huwag ko daw i-share sayo ang activities naming ni Joyce. You told him I got my first kiss?” Nagulat ako sa sinabi ng kababata. Iyon ang sinabi ni Viggo? He was mad because of that? Bakit naman hindi maaari na mag-share sa akin si Jacob ng mga nagagawa nito? I’m happy for my friend. “Yeah, I—Sorry, he asked why I laughed and…” “Nah. Hayaan mo na lang. These days, talagang sobra siyang conservative pagdating sayo.” Sabi nito. “Maybe because you’re like his little sister or something.” Sabi pa nito. Naintriga pa ako sa sinabing iyon ni Jacob but I did not ask for more. Feeling ko kasi ay hindi iyon ang tamang oras para mang-usisa ditto dahil napagalitan ito ng kapatid. “Anyway, thank you for helping me out. I owe you one.” Sabi ni Jacob at ngumisi. I can see that he is happy! Ngumiti ako pabalik at tumango. Pumasok na ito sa kotse nito at umalis na din. Habang nasa kwarto at naghahandang maglinis ng katawan ay napaisip ako sa sinabi ni Jacob. Viggo Dela Vega, does not want me informed about Jacoc’s s****l activities. Ang conservative nga nito ah! Nalungkot ako nang mapagtantong baka nga tama si Jacob at nakakabatang kapatid lang ang turing ni Viggo sa akin. Great. This is what I get for liking someone older than me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD