Chapter Seven

1559 Words
Chapter Seven “What should we do first?” sabi nito nang naglalakad na kami sa mall. Saglit akong nag-isip. Gusto kong magpa-thread ng eyebrows pero hindi ko alam kung trip ni Viggo ang panuorin ako. I planned alone and I did not expect him to come with me. Pero teka, bakit ko ba iba-base ditto ang desisyon ko e ito ang may ganang mang-blackmail sakin at sumama. “I want to try brow threading. I’ve never done that.” Sabi ko habang patuloy na naglakad. Si Viggo naman ay naglalakad din sa tabi ko. Sa height kong 5’5” ay hanggang balikat lang ako nito. I don’t know if we looked like a cute couple or brother and sister. I rolled my eyes at the last thought. “You’re too young for that.” Kumento nito. Napatigil ako sa paglalakad at kunot ang noo na napatigil din ito sabay baling sa akin. “What?” patay malisyang tanong nito. “Excuse me lang ha. But I was about to roam on my own, do things on my own, and do whatever I liked. On. My. Own. Yet, you pushed yourself to accompany me! And now your role is to give comments?” iritang sabi ko. Saglit itong natigilan at tila pinoproseso ang sinabi ko. He let out a sigh and shrugged. “Fine. Brow threading it is.” Dahil sa pagkapanalo sa argumento namin ay Malaki ang ngiti na nagpatuloy ako sa paglalakad. Tinahak ko ang daan papunta sa salon at nakasunod lang naman siya sa akin. “You don’t have training today?” sabi ko makalipas ang mahabang katahimikan na namayani sa aming dalawa. Kung bakit ba naman kasi nasa dulo pa ng mall ang salon kung saan may magaling magbrow thread. “Wala. I took a day off.” Sabi nito. His voice is unique. Like from the wolf movies, yung Aplha. Ganon yung boses niya. “Why?” intriga ko. “Hindi ba hours naman ang binibilang sa OJT? The more days you work, mas mapapabilis ang training mo.” “Yeah. But I’m not in a hurry to finish my training so I took a day off.” Sabi nito na iniiwas ang tingin sa akin. Napaisip ako bigla sa sinabi nito at naalala ang misyon ko. First clue: Ayaw niya matapos agad ang training niya. Malamang ay ayaw pa nitong mawalay sa nililigawan sa trabaho. Mukhang tama ako sa iniisip ko na mayroon itong dinidiskartehan sa kumpanya nila. I suddenly felt the urge to investigate him! Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa salon. Sinimulan na ang pagbo-brow thread sa akin. At kahit masakit ang proseso ay hindi ako makaalma dahil sa hiya kay Viggo na nanunuod lang sa akin mula sa salamin. Damn. Ang sakit pala nito! “Okay na, Ma’am. Hindi po mahirap linisin ang brows niyo dahil maganda ang shape. Bawal lang pong basain sa loob ng six hours.” Sabi ng babae na nag-asikaso sa kilay ko. “Thank you.” Sabi ko. Dumiretso ako sa counter at magbabayad na. Viggo is on the door, waiting for us to exit. “Ma’am, okay na po. Nabayaran na ni Sir.” Sabi ng babae sa counter. Gulat na lumingon ako kay Viggo at sumenyas lang ito na umalis na kami. Nagmartsa ako palapit sa kanya at binuksan niya ang pinto. He pushed me out of the salon bago ko pa siya masermunan. “Viggo! Why did you pay for me?! I can pay for that!” inis na bulyaw ko. “I know.” Simpleng sagot nito na mas nagpainit ng ulo ko. Hindi ko na mainda ang sakit ng pagkakathread sa kilay ko kahit pa namamanhid ang noo ko dahil doon. Mas lamang ang inis ko kay Viggo at sa pagiging tatay niya sa akin! Only my father or my mom pays for me! And he did it, too! “Don’t feel obligated of me, Viggo! Don’t act like my f*****g father!” inis na sigaw ko at naglakad palampas sa kanya. Nakita ko kung paano lumaki ang mata niya at nagulat sa pagmumura ko. Nakalampas na ako sa kanya bago pa siya makapagsalita. Siguradong hindi maipinta ang mukha ko ngayon. I really hate it! Am I overreacting? Of course, not! I’m in the line and he’s not! Sumama sama pa ito sa akin para lang inisin ako! Argh! He does not know what I feel, and he must think that he did the right thing! But that’s otherwise! I hate the thought that he is older than me! At paulit-ulit nitong sinasampal sa akin ang katotohanang iyon. Nahigit ko ang hininga nang may humawak sa braso ko at pihitin ako ni Viggo paharap sa kanya. Halos masamid ako sa sariling laway nang magtama ang mga mata naming dalawa. Ang mga mata niya ay tila nilulunod ako. His light brown eyes shone brightly because of the fluorescent light! Pumikit ako ng mariin para mawala sa kahibangan ko. I can’t be melted by his eyes! I’m mad at him! “I’m sorry if you didn’t like what I did, Selira. But that was just a treat.” Sabi nito na may magaang boses. Halos manlambot ako dahil sa boses niya na tila hinahaplos agad ang puso ko at gusto na muling kumalma mula sa pagkakagalit. Nang muling magmulat at maalala ang pinaglalaban ko ay nandoon na muli ang galit sa aking mga mata. “That was not just a treat for me! Stop treating me like a kid and making me see my Dad in you!” Singhal ko dito at nilabanan ang pagtitig dito kahit sa totoo lang ay hindi ko na makayanan ang makipagtitigan dito. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Viggo. Tila nagulat sa sinabi ko. He looked at my lips when I bite it to fight myself from backing down. His face softens and his eyes went back to mine. “I’m sorry. I won’t pay for your expenses from now on. Please, don’t be mad at me, baby.” He said softly. I was about to be swayed when he called me ‘baby’, but I fought it. “Stop calling me ‘baby’, I’m not a kid! And give me your account so I can transfer your money!” sabi ko, medyo kumalma na. He sighed as a sign of retreat at bahagyang kinakagat kagat ang labi. Parang nagpipigil pa ito ng ngiti na mas kinakunot ng noo ko. “Fine. But you don’t need to pay me back—” “Dapat nga pati ang mga bra ko ay binabayaran ko din! Yeah, give me your account now!” sabi ko pa. He looked pissed but he hides it well. He just sighed. “I’ll text you my bank account later but don’t pay for your brassiere. I gave that to you.” Sabi nito. Nagkasundo kami sa ganoon at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinatanong niya ako kung ano ang susunod kong gagawin at sinabi kong gusto kong magpa-trim ng buhok. “Baka sabihin mo na naman masyado pa akong bata para bawasan ang buhok ko, ha!” inunahan ko na siya. Kanina kasi ay binabara ako nito sa pagpapa-thread ng kilay. “I won’t. I promise.” Sabi nito na may naglalarong ngiti sa mga labi. Tinalikuran ko na ito na may naglalarong ngiti sa mga labi. Mukha namang nakikinig na ito sa akin. Nagpatrim nga ako ng buhok at nagpa-treatment na din. Nakikita ko si Viggo na nakaupo lang sa isang sofa at nakatingin sa mga ginagawa sa akin ng parlorista. “Are you bored?” tanong ko habang may nakababad na vitamins sa aking buhok. Malapit na din akong matapos sa matagal na oras naming ditto. “Not at all. I enjoy watching you.” Sabi nito. Ngumiti na lang ako ditto at humarap na lang uli sa salamin. I can see his reflection at the mirror. Nakatingin din ito sa salamin, nakatitig sa akin. Naiilang ako kaya nagbasa na lang ako ng magazine di kalayuan sa akin. Nang tumingin uli ako sa kanya sa salamin ay may babaeng lumapit ditto. Sopistikada ang babae at sa tingin ko ay kasing edad lang ito ni Viggo. Or even older but not too old. Nakatayo ang babae habang nananatiling nakaupo si Viggo at nakangiti sa babae, patango-tango sa sinasabi ng babae. Sumimangot ako nang Makita ang babae. Malaki ang dibdib nito. Sa tingin ko ay nasa cup D iyon. Naka-off shoulder itong damit at kitang-kita ang pagkakabilog ng dibdib. Tayung-tayo iyon at nakakaakit sigurado para sa mga kalalakihan. Mas lalo akong napasimangot. Cup B lang ako! Tinignan ko namang sunod si Viggo at nahuli ko itong nakatingin na sa akin. Inirapan ko ito at tiningnan na lang ang sarili ko sa salamin. Bahagya ko pang iniikot ang aking upuan para hindi na Makita ang paglalandian ng dalawa. May patampal tampal pa ang babae sa kanyang balikat! Mababangga na din ang babaeng iyon pagkalabas ng mall na ito! Nagulat ako nang may humawak sa magkabila kong balikat. Iniikot ng kamay na iyon ang aking upuan pabalik sa tayo ko kanina. “Sit that way so I can see you.” Si Viggo iyon! Magsasalita pa sana ako pero lumapit na sa akin ang parlorista at mag-sa-shampoo na daw ako ng buhok. Damn! Naguguluhan ako sa kilos ni Viggo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD