Chapter Five

1761 Words
Chapter Five “Okay, listen.” Panimula ni Jacob nang makaupo kami sa kama ko. Nakasandal ako sa headboard ng kama ko habang si Jacob naman ay nasa harapan ko. “May girlfriend na ako. I—” “Wait,” putol ko sa kanya at umayos ng upo. I crossed my legs and hugged a pillow since I’m wearing a skirt. “Sino naman ang girlfriend mo? Bakit hindi ko alam? Pati yung last dinner nyo dito, may nililigawan ka pala, hindi mo sinasabi sakin!” Ginulo nito ang buhok ko na agad ko namang tinampal. “Si Joyce Lagdameo!” sabi nito habang nakangisi. Nanlaki ang mata ko. Si Joyce ay isang freshman habang kami naman ni Jacob ay nasa senior year na naming. Maaga kasi kaming pumasok kaya kahit fourteen pa lang ay fourth year highschool na kami. Agad akong napasimangot. “Ang bata pa non, Jacob! Ang landi mo!” sabi ko na hindi malalaman kung maiinis o matatawa sa naging reaksyon nito. “Sobra ka naman! Normal na yon! Ikaw lang naman ang napapag-iwanan ng henerasyon dyan e! Aray!” sabi ni Jacob na agad kong nahampas ng unan. “Kahit na!” “Forget it! Just listen to me! I need a favour to ask from you, okay? And please! Please! Gagawin ko lahat para lang tulungan mo ako!” kulang na lang ay lumuhod itong si Jacob at para na itong nagdarasal sa santo. Magkatigop ang mga kamay nito at nagpapa-cute pa sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko at nag-isip ng kaunti. If I need Jacob for my investigation, then I might as well do this. Hmmm.. “Let me hear it.” Sabi ko. “Yes!” sigaw agad nito. “Oy! Hindi pa ako pumapayag! What’s your favour first?” “I know. Okay, ganito. I need you to pretend that we have a bonding tomorrow, like, watching cinema or you’re going shopping. I need you to ask me to escort you.” Kumunot ang noo ko. Bakit naman nito ire-request iyon e hindi naman ito pinagbabawalan lumabas ng mga magulang nito? “Why would you need me? It’s not as if your parents are strict, Jacob. Plus, it seems to me that they are okay with you courting someone. So is a girlfriend!” sabi ko dito. “No! You don’t get it! They are forbidding me to have a girlfriend yet!” Kumunot ang noo ko. Si Tito Brandon? Pagbabawalan itong magka-girlfriend? That’s odd. “Why?” “I got two back subjects.” Sabi nito at nagdabog ang mga paa. Napabuntong-hininga ako. Kung gaano naman kaseryoso ng kuya nito ay siya namang kabulakbolan ng kapatid nito. “Ang tamad mo kasi, Jacob!” “Kaya nga! Kaya pleaseee! Magbabago na talaga ako!” “Malapit na ang summer! Sa summer na kayo mag-date!” “I can’t! Birthday ni Joyce bukas! And I need to take my back subjects on summer, so I won’t have a lot of free time.” sabi nito. Saglit akong nag-isip. Kung magdidate ang dalawa, ano ang papel ko? Third wheel? “Ayoko maging third wheel!” sigaw ko agad! “Sige na, libre ko!” “I can buy my own!” agap ko agad. Lintek na Jacob, pera pa ang isusulsol sa akin! “Then go anywhere tomorrow! I’ll text you when we’re finished then I’ll pick you up afterwards!” “Saan naman ako pupunta?!” “Please! I know, papayagan lang akong lumabas nina Dad kapag ikaw ang kasama. This is my last option, Lira! Please!” Soft knocks break our argument. “Jacob.” Said a low hard voice. It was Viggo! Agad na tumayo si Jacob at nagpapadyak dahil sa frustration. Laki kasi ng takot sa kapatid e! “Sige na, Lira! Oo na yan ha!” Bago pa ako makaimik ay tumakbo na ito sa pintuan at ini-unlock iyon. Agad na bumungad si Viggo at napaatras si Jacob sa itsura nito. He looked mad! “K-Kuya,..” “Didn’t I warn you, Jacob?” Kahit ako ay nagtaasan ang balahibo sa tono ng boses nito. Jeez! Why is this guy so scary! “Sorry, Kuya. I… we just need to talk about something, and we need privacy.” “Bumaba ka na. We’re heading home.” Sumulyap sakin si Jacob at ipinakita sakin ang cellphone nito. Kukulitin na naman niya ako sa tawag mamaya! Maya’y nag-wave na ito at tumatakbong bumaba sa hagdan. When my eyes met with Viggo’s, I shiver. Iginala nito ang mata sa akin, pababa sa aking katawan. Agad nag-init ang pisngi ko. Damn! Mabilis ang hakbang ni Viggo papunta sa akin at sa isang iglap, hinagip nito ang blanket ko at itinaklob sa aking hita. Me in my lotus position! Wearing my skirt! “You!” mataas ang boses nito na nagpatalon sa katawan ko. Mukhang nabigla din ito at natigilan bago hinilot ang sentido nito nang hindi ako tinitignan. Napalunok ako. I haven’t seen him this way so… yes, I’m scared. “You didn’t listen to me and even sat inappropriately in front of a boy. For God’s sake, stop wearing clothes like that if you can’t…” hindi na nito itinuloy ang sinasabi. Agad akong pinamulahan ng mukha. Nagbabadyang bumagsak ang namumuong luha sa aking mata dahil bukod sa takot dito ay ngayon lang ako napagalitan ng ganon. And he is really scary! “Sorry.” Pagkuwan ay sabi nito at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I was scared but there is an ache I can feel in my chest. Like I’m being stabbed by a knife. Nasasaktan ako sa di maalamanang dahilan. I wear clothes like this for him and yet I made him angry… I’m such a damn mess. I slept the night with tears pooling in my eyes. Kinabukasan, Sabado, ay nagising ako sa tawag ni Jacob. “Mmmello?” inaantok kong sagot sa tawag sabay stretch ng isa kong kamay sa ere. “Jacob, ang aga pa.” “Lira naman! We talked about this. Prepare ka na, bilis! I can’t be late for my first date ever! I need to pick her up at 10.” himig na himig sa boses ni Jacob ang frustration at excitement, mixed. Matapos ang ilang pagpipilitan at kulitan, kasama na ang pangtitrip ko dito, ay napapayag din ako nito. Nang maibaba ang tawag ay naalala ko na naman ang galit na mukha ni Viggo. Ang uri ng tingin nito kagabi sa akin na sadyang nakakatakot at nakakaguilty ay hindi ko makalimutan. Nagtatayuan pa rin ang balahibo ko sat wing maaalala ko ang mukha at boses nito na tila kulog sa tainga ko. I hate the thought that I started to like a guy like Viggo. Not that there is nothing to like about him but there’s just a lot of cons with liking him. Even just thinking about it. Before I stand up, I played some music to lighten up my mood. The thoughts of him is so toxic that I can’t focus my mind on anything but his. I checked the time when I finished taking a bath. 8 o’clock in the morning. Masyadong maaga manggising si Jacob para sa isang nanghihingi ng pabor. Eventually, I decided to check my walk-in closet to look for clothes. I saw a baby blue sleeveless romper and pair it with white sneakers. I wore my gold necklace with my cursive name on it. Hindi ko na kailangang plantsyahin o i-blower ang buhok ko dahil bagsak naman ang pagkatuwid nito. My hair level is almost reaching my butt and I think I need a trim. Kapagkuwa’y bumaba na ako papunta sa kusina kung saan ko naabutan si Mom and Dad na nag-a-almusal. They are normally early but today, they ate their breakfast late. “Mom, Dad.” I kissed both of their cheeks and sat on a chair beside my mom. “Late na po, ah. Hindi po ata hectic ang schedule niyo today.” Sabi ko habang pinagmamasdan ang paglalagay ng maid ng orange juice sa baso ko. “Yes, baby.” Ngiting sabi ni Mom. “How about you? May lakad ka ba, hija?” si Dad. I sipped on my juice and nod. “Yes, Dad. I’m going out with Jacob. Manunuod po ata kami ng sine at sasamahan niya akong mag-shopping sa mall.” My voice almost stutter habang nagsisinungaling sa kanila. Yeah, right. Shopping and cinema, mag-isa. Oh, I rather be alone than to be a third wheel of those love birds. “Hmm, mukhang lumalalim na talaga ang samahan niyo ni Jacob, hija. Do we need to know something?” may malisya ang ngiti ni Mommy at hindi na ako ganoon kabata para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. “Mom! Wala po. We’re just friends. Best buddies lang po talaga kami ni Jacob since we’re on the same age. Lagi din kasi kaming nagkakasama kapag may family get together tayo.” My mom chuckled. “Easy, Lira. You do not need to explain. I’m just asking.” Mas lalo akong nabugnot sa tono ng pananalita ni Mommy. I know she’s half believing me! Tingin pa rin nito ay may something sa amin ni Jacob. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy sa pagkain. The thought of Jacob linking with me is somewhat gross to me. Para kasi sa akin ay kapatid ko na ito dahil sa pinagsamahan naming. “I heard Viggo might graduate as magna c*m laude.” Si Dad. Pagkarinig ng pangalan ni Viggo ay nakuha agad nila ang atensyon ko. Hindi ko lang pinapahalata na nakikinig ako sa kanila. “Well, that boy is really an achiever. And very lowkey given that.” Kumento naman ni Mommy. Ohh, here comes the pros of liking Viggo. I felt proud for Viggo and his achievements academically. Balita ko rin ay tumutulong ito sa pagbibigay ng ideas sa kumpanya nila at madalas itong maging hands on sa kumpanya para makatulong sa magulang. Nag-iba na ang usapan nina Mom at nagsimula nang lumipad ang utak ko na iniisip si Viggo. Suddenly, I was daydreaming about him. That perfect face and dazzling eyes. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi ko napapansin iyon sa kanya noon at kung bakit mas madalas ko lang itong supladuhan tuwing magkakausap kami. Lagi ko itong binabara dahil sa pakiramdam ko ay nakakainis ang mga namumutawi sa labi nito. Ang killjoy kasi nito sa aming mga bonding ni Jacob before. Well, until now, I guess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD