ANASTASIA: KABADO ako habang magkakaharap kami nila Dwight at buong pamilya nito. Magkatabi naman kami ni Dwight sa centro habang magkaharap ang mga magulang namin at Kuya nito. Magkahawak kamay kami ni Dwight na nakikinig sa kwentuhan ng mga magulang namin matapos magkakilalaan sa isa't-isa. Pinipisil-pisil naman ni Dwight ang kamay ko na pinapakalma niya akong dama niyang kinakabahan ako. Napalunok ako nang humaplos ito sa tyan ko na ikinasinghap kong napasulyap ditong nangingiting nakamata sa tyan kong hawak ng kaliwang kamay nito. "Good morning, anak. Okay ka lang naman d'yan, sweetie?" pabulong nito na ikinasilay ng ngiti sa mga labi ko. "Hindi mo ba alam na nararamdaman ni baby ang nararamdaman ng Mommy niya habang nasa tummy pa lang sila?" bulong nito na ngumiti. "Relax ka lang,