bc

ONE NIGHT with a SUPERSTAR [DWIGHT MADRIGAL SERIES1]

book_age18+
883
FOLLOW
15.6K
READ
one-night stand
HE
dominant
bxg
lighthearted
multiple personality
actor
like
intro-logo
Blurb

"Sino ka ba talaga!? Bakit kahit anong tanggi ko ay sinasabi ng puso kong kilala kita. Kahit anong pilit kong kalimutan ka ay hindi ko magawa. Nababaliw na ba ako kung iniisip kong. . .ikaw si Anna? Na ikaw. . . ang asawa ko." Luhaang saad nito na ikinasilay ng mapait na ngiti sa aking mga labing matiim na nakatitig din dito. "Dwight, tignan mo ako sa mga mata ko. Oo, iba na 'yong mukha ko. Pero, Dwight. . . ako ito. Ako talaga ito. Sinabi ko naman sa'yo. Ako. . . si Anastasia. Ako. . .ako ang asawa mo. Ang totoong asawa mo."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sino ka ba talaga!? Bakit kahit anong tanggi ko ay sinasabi ng puso kong kilala kita. Kahit anong pilit kong kalimutan ka ay hindi ko magawa. Nababaliw na ba ako kung iniisip kong. . .ikaw si Anna? Na ikaw. . . ang asawa ko." Luhaang saad nito na ikinasilay ng mapait na ngiti sa aking mga labing matiim na nakatitig din dito. "Dwight, tignan mo ako sa mga mata ko. Oo, iba na 'yong mukha ko. Pero, Dwight. . . ako ito. Ako talaga ito. Sinabi ko naman sa'yo. Ako. . . si Anastasia. Ako. . .ako ang asawa mo. Ang totoong asawa mo." ******** ANASTASIA: KABADO ako habang papasok sa Bar na sinabi ni Adeline kung saan kami magkikita. Si Adeline ay step sister ko. Ang Daddy ko kasi ay muling nag-asawa matapos ang isang taong pagkakahimlay ni Mommy. Dahil sa car accident, one year ago. Para maisalba ang kumpanya naming pabagsak na dahil sa pagpapabaya ni Daddy ay pinakasalan niya si Tita Madonna na bestfriend ni Mommy at kasosyo din namin sa negosyo. Napapagala ako ng paningin dahil hindi ko mahanap si Adeline sa dami ng tao dito na nagkakasiyahan. Hindi naman kasi ako pumapasok sa mga gantong lugar. Naka-focus lang ako sa bahay at trabaho. Hindi katulad ni Adeline na happy go lucky ang takbo ng buhay. Magkaibang-magkaiba kami kaya naman hindi kami magkasundo. Palagi itong nagagalit sa akin dahil kinukumpara kami ng mga tao. Syempre maging ng mga magulang namin. Mabait ang ina ni Adeline. Si Tita Madonna. Parang anak ang turing nito sa akin at palaging pinupuri ang mga katangian ko. Kaya naman mainit ang dugo sa akin ni Adeline dahil pakiramdam nito ay inaagaw ko ang ina niya. Napahinga ako ng malalim na sa wakas ay nahagilap din ng paningin ko ang kinaroroonan nito kasama ang dalawang kaibigan niyang supistikada din ang itsura. Nahiya naman ako dahil naka-high waist jeans at strapless sando lang na pinatungan ng maong na jacket at rubber shoes. Malalaki ang hakbang na nilapitan ko ang grupo nitong nagkakasiyahan. Sumasayaw pa ang mga ito na napapasigaw dala ng tugtugin. Halatang may tama na rin ang mga ito na halos hindi na makatayo mg diretso. "Adeline," pagtawag ko na nilakasan ang boses. Maingay kasi dito sa Bar. Nagkakagulo na nga ang mga tao sa kanya-kanyang table na mga lasing na rin. Isabay pang malakas ang tugtugin sa stage kaya halos wala ka ng maintindihan sa mga naririnig. "Adeline!" muling pagtawag ko na napalakas ang boses. Natigilan naman ang mga ito na napalingon sa akin at nagkatinginan na tumuwid ng tayo. May mga hawak pa silang kanya-kanyang drinks kahit halata namang lasing na silang tatlo. "Oh, hi, sisteret! Come, join us!" anito na patili ang boses. Nagpatianod na lamang ako ditong hinila ako at inabutan ng drinks. "Hindi ako nagpunta dito para uminom. Tara na," aniko na ibinalik sa mesa ang drinks na binigay nito. "Oh, c'mon, sisteret. Ipapahiya mo ba ako sa mga friends ko? Isang shot lang, hmm? Uuwi na tayo, pagkatapos nito." Ungot pa nito. Napahinga ako ng malalim na inabot ang baso at inisang lagok ang laman no'n na ikinangiwi ko. Gumuhit ang kakaibang init at pait sa aking lalamunan na ikinalukot ng mukha ko. Nagsigawan naman ang mga ito na chini-cheer ako. "Okay na? Pwede na ba tayong umalis?" aniko na inilapag ang baso sa mesa. Tumayo na ako na ikinasapo ko sa noo. Umalalay naman ito na sinisilip ang mukha ko. "Hey, are you okay, sisteret?" anito. Naniningkit ang mga mata ko na iginala ang paningin sa paligid. Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko. Maging ang mga iba't-ibang kulay ng ilaw sa paligid ay nakakadagdag sa pagkakahilo ko. Naikurap-kurap ko ang mga mata na napatitig sa step sister kong nakamata sa akin na. . . nakangisi!? "A-Adeline, what is the meaning of this bullshit, huh!?" singhal ko na makadama ng kakaibang pagkahilo at pag-init ng katawan! "You're really that stupid to trust me, just like that, Anastasia? Huh? Tignan natin, kung pagkatapos ng gabing ito kung saang kama ka pupulutin bukas." Dinig kong saad nito na inakay na ang mga kaibigan palayo. Sapo ang noo ko na pagewang-gewang akong naglakad. Hinahanap ang labasan. Pero sa dami ng tao dito ay halos hindi ko na makita kung saan ako kanina pumasok. "Ahh! s**t!" angil ko na bumangga ako sa pader! "Hey, beautiful, are you okay?" ani ng baritonong boses. Nanigas ako na hindi naman pala pader ang nabunggo ko kundi. . . dibdib!? Nag-angat ako ng mukha at halos magsarado na ang mga mata kong napatingala sa mala-Greek-God na kaharap ko! Sobrang gwapong nilalang na kay tangkad at tikas! "Hehehe. . . hi, handsome," ngisi ko. Napangisi naman ito na yumapos sa baywang ko. Napalunok ako na nanigas sa pagyakap nito na ikinadiin ko sa sarili nitong kay tigas! "Do you know, who am I?" sensual nitong tanong na napayuko pa sa punong-tainga ko. Napasinghap ako na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente na lumapat ang labi niya sa balat ko. Nag-init ang katawan ko na tila nawala ako sa wisyu! Wala sa sariling napayapos ako sa batok nito na napatingala sa kanya. "Damn, baby. So wild," bulalas nitong nanggigigil ang tono. Napahagikhik akong sumubsob sa kanyang leeg. Nakatingkayad na nga ako sa tangkad niyang tao. "Where do you want, baby. Your place, or mine?" paanas nitong tanong. Tumitig ako sa mapupungay niyang mga mata na kay ganda. Napangiti akong hinaplos siya sa pisngi at napa-smack-kiss sa mga labi nitong ikinangisi nito. "Your place, baby." "Fvck! Let's go, baby." Napahagikhik akong sumubsob sa kanyang dibdib na kinarga lang naman ako nito ng bridal style at naglakas palabas ng Bar! NAPAPAPIKIT ako ng aking mga mata habang nasa kahabaan kami ng byahe. Nagsi-sink pa naman sa isipan ko ang mga kaganapan. Alam kong hindi basta-bastang tao ang kasama ko ngayon. Sa tindig, itsura, pananalita at sasakyan pa lang nito ay masasabi kong may kaya ito sa buhay. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko naman ugaling makipaglapit sa kung sino-sino lalo na't lasing ako ngayon. Pero heto at kay gaan ng loob ko sa kanya. Na walang pag-aalinlangang sumama ako sa lugar niya kahit hindi ko siya kakilala. Ni hindi ko na maaninag ang mukha nito ng malinaw sa sobrang panlalabo ng paningin ko. Idagdag pang napapapikit na ang mga mata ko na hindi ko na mapigilang mapapikit. "We're here, baby." Dinig kong saad ng baritonong boses na napakalalim. Napangiti ako na nanatiling nakapikit. Ang sarap samyuhin ng manly scents nito at perfume na hindi gano'n katapang o kasansang sa ilong. Tamang-tama lang ang bango na kay sarap amuyin. Naramdaman ko namang bumaba ito na pinagbuksan ako ng pinto. Nanatili akong nakapikit na pinapakiramdaman ito. Napahinga pa ito ng malalim na mapagbuksan ako at makitang nakapikit na. Maingat nitong inalis ang seatbelt ko bago ako kinarga. . . ng bridal style. Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad na ito. Narinig ko naman ang pagtunog ng elevator na ikinalunok ko. Maya pa'y gumalaw na pataas ang sinasakyan namin. Nanatili akong nakapikit na nakasubsob sa dibdib nitong kay bango. Kahit kinakastuguhan ko ang sarili ay hindi ko mapigilang samyuhin ito. Napakabango naman kasi niya. Idagdag pang napakalakas nito na para lang akong magaang papel sa kanya na kay gaan niyang kinarga. Maya pa'y huminto na ang elevator at naglakad na ito palabas na muling ikinabilis ng kabog ng dibdib ko! Para akong maiihi sa sobrang kaba na pinapakiramdaman ito. Gusto ko siyang silipin at tignan ang mukha niya pero tila kay hirap idilat ng mga mata ko. Kahit sumisigaw ang isipan kong pigilan ito ay nanatili lang ang mga iyon sa isipan ko. Halos pigil ko ang paghinga ko nang maramdaman ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama na hindi ko na napigilang napaungol sa kaginhawaang hatid no'n sa katawan ko. Mahina naman itong natawa na maingat hinubad ang sapatos ko bago nagtungo ng banyong lihim kong ikinangiti sa isip-isip. Pero saglit lang ay narinig ko na ang mga papalapit niyang yabag na ikinabilis muli ng pagtibok ng puso ko lalo na't dama kong matiim itong nakatitig sa akin. Parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang maramdaman ang paglundo ng kama kasabay. . . ng dahan-dahan nitong pagpaibabaw sa akin na sinakop ang mga labi ko! NAPABALIKWAS ako na impit na napadaing na kumirot ang ulo, katawan maski ang kaselanan ko! "Oh my God!" bulalas ko na natutop ang labi! Namimilog ang mga mata ko na naigala ang paningin sa kabuoan ng silid na kinaroroonan kong ikinasabunot ko sa buhok kong sabog-sabog pa! "Anong nangyari?! Damn, Anastasia! Anong ginawa mo!?" bulalas ko na napatayo at impit na napapadaing sa pagkirot ng buong katawan at ulo ko. Binalot ko ang sarili sa makapal na puting kumot na ikinalaglag ng panga kong makita ang pulang marka sa kobrekama. Senyales na. . . naisuko ko ang virginity ko sa hindi ko kakilala! Impit akong napahagulhol na napailing-iling. Mariin akong napapikit na inaalala ang tagpo kagabi na ikinaagas ng masaganang luha ko. Unti-unting lumilinaw ang mga kaganapan kagabi sa utak ko kung saan may nakilala akong lalake na tinangay ako kung saan at buong pusong inialay sa kanya ang katawan ko. Napasapo ako sa ulo na napahagulhol sa katangahan ko. Naalala ko naman si Adeline. Malinaw pa sa memorya kong siya ang may kagagawan kaya ako nandidito ngayon. Kung hindi niya ako pinainom kagabi ay hindi ako mahihilo at mawawala sa wisyo! Naalarma ako na marinig ang lagaslas ng tubig sa shower room na tila may tao doon! Naalala ko naman ang lalakeng nakatalik ko. Tiyak akong siya 'yon. "Hindi! Hindi niya ako pwedeng maabutang gising!" bulalas ko na tarantang isinuot ang nagkalat kong damit sa sahig. "Nasaan na ba 'yon!?" gimbal kong bulalas na hindi ko mahagilap ang panty ko! "Kainis!" Nagmamadali na lamang akong isinuot ang brief na nasa sahig kasunod ang pantalon, sando at jacket ko. Dinampot ko ang sapatos ko na patakbong lumabas ng silid na marinig na papalabas na ang lalake! "Woah!" Napahinga ako ng malalim na nakalabas ako ng silid na hindi nabubuko nung lalake. Iika-ika akong naglakad ng hallway habang sinusuot ang sapatos ko. Ni hindi ko na nakuha ang medyas ko sa pagmamadali. Nakakainis! Pagpasok ko ng elevator ay inayos ko na muna ang sarili ko. Sabog-sabog pa kasi ang buhok ko na parang sinabunutan ng sampung katao. Mapait akong napangiti habang nakamata sa repleksyon ko sa salamin nitong elevator. Ang dami ko pang kissmark sa leeg, panga, at punong-dibdib. Nandidiri ako sa sarili ko pero wala na akong magagawa pa. Nawala ko na ang virginity kong dalawang dekada kong iniingat-ingatan. Nagpahid ako ng luha na bumukas na ang pinto. Kuyom ang kamao ko na pilit naglakad ng normal kahit sobrang kirot ng kaselanan ko. ADELINE: NGISING aso akong makita si Anastasia na lumabas sa isang vip room sa hotel na pinasukan nila nung lalakeng nakakuha sa kanya kagabi. Wala naman akong pakialam kung sino man ang nakatalik ng bruhang 'yon. Gusto ko lang makaganti sa kanya na siya na lang palagi ang santa sa paningin ng lahat lalong-lalo na sa mga magulang namin! Hindi ako makita-kita at ma-appreciate anuman ang gawin ko dahil nandyan si Anastasia na parang kung sinong Maria Clara na hindi makabasag ng pinggan. "Huli ka ngayon, Anastasia. Tignan ko lang kung hindi ka mapapahiya sa lahat na malaman ng mundong. . . nakipagtalik ka sa hindi mo kakilalang lalake," ngising bulong ko. Pumasok ako ng silid kung saan ito nanggaling at napapangising kinunan ng video ang lugar. Sabog-sabog pa ang kama, may mga nagkalat na gamit sa paligid, at may dalawang baso ng wine glass sa bedside table na may laman pang wine. Sa itsura ng lugar ay hindi maipagkakailang may dalawang taong nagpakasaya dito sa buong magdamag. Nakunan ko na kanina si Anastasia ng video kung saan siya lumabas na silid. Kaya tiyak kong kapani-paniwala ang video clip na ilalabas ko. Konting edit ko lang dito at sirang-sira na ang imahe ng bruhang iyon! "Okay, and. . . cut," anas ko na tinapos na ang video. Akmang lalabas na ako ng silid nang may kumatok sa may pinto! Napapitlag pa ako sa kabiglaan na bumilis ang kabog ng dibdib! Maingat ang bawat hakbang ko na lumapit sa may pinto at napasilip sa peephole ng pinto. Napalunok ako na napaatras na masilip ang nasa limang kalalakihan na kay lalaki ng katawan! Muli silang kumatok na ikinalapat ko ng tainga sa may pinto. "Open the door, Ma'am. Nakita ka na naming bumalik ng silid. Pinapahanap ka sa amin ni Señorito," saad ng baritonong boses. Napapalunok akong pinihit ang pinto at handang ipaliwanag sa kanila kung sino ako. Tang inang buhay. Mukhang napagkamalhan pa nilang ako si Anastasia na bumalik ng silid! "Hi, hindi ako ang hinahanap niyo. Pero pwede ko kayong matulungan at ituro kung sino 'yong babaeng naka-one night stand ng boss niyo," saad ko na nakangiti sa mga itong napailing lang. "Hwag na kayong umapila, Ma'am. Nandito kami para iabot sa inyo ang pinapabigay ni Señorito," magalang saad ng isa. Napataas ako ng kilay na lihim na napangisi. Akala ko pa naman ay dadakipin nila ako at dadalhin sa amo nila dahil nagustuhan nitong makatalik ang Anastasia na 'yon. "Really? Sino bang amo niyo," usisa ko na inabot ang black card na binigay nito. "Si Mr Dwight Axelle Madrigal, Ma'am. Pinapasabi ni Señorito Dwight na sa weekend ay ipapasundo ka niya sa place mo. Pwede mo daw gamitin ang card at bilhin anoman ang gusto mong bilhin," saad nitong ikinamilog ng mga mata ko! "Dwight Axelle Madrigal!? Si Dwight? As in si Dwight na super star!?" gimbal na bulalas ko na makilala ang lalakeng tinutukoy nitong amo! Para akong matatakasan ng bait na ang isang sikat na super star ng bansa at pinapantasya kong makilala ang nakatalik ng punyetang Anastasia na 'yon!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

His Obsession

read
89.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook