ANASTASIA: NANGINGITI ako habang magkakaharap kami nila Daddy, Tita at Dwight dito sa dining room at sabay-sabay ng nag-agahan. Magkatabi kami ni Dwight habang kaharap naman namin sila Daddy at Tita. "So, what's your next plan, young man?" tanong ni Daddy matapos naming kumain at inihahanda ang dessert namin. Napainom naman ng orange juice nito si Dwight na kitang pinamumulaan ng tainga. Kinuha nito ang kamay ko na nasa ilalim ng mesang nakapatong sa hita ko na dinala sa ibabaw ng mesa. Napalunok ako na napasulyap doon si Tita at Daddy na nasulyapan ang suot kong diamond ring. "Uhm, I'm going to marry your daughter, Sir. You have nothing to worry about her. Pasensiya na po kayo na nagpunta ako dito without asking your permission. Pero pinapangako ko po sa inyong. . . hinding-hindi ko