ANASTASIA: ILANG araw din kaming nanatili ni Dwight sa isla. Napakakulit at lambing nito na minu-minuto akong kinukulit. Hindi naman ako makaangal at gustong-gusto ko rin naman ang paglalambing at pangungulit nito. Kahit palagi na lang niyang inuubos ang katas at lakas ko. Palagi na ngang namamaga ang kaselanan ko sa oras-oras nitong pambuburaot sa akin. Kahit saan kami naroon ay wala akong kawala kapag nangalabit na ito. Naging masaya at payapa ang bakasyon naming dalawa kahit isang linggo lang kaming nanatili ng isla. Mas nagkakilala kami at nagkalapit sa isa't-isa. Unti-unti ay naging panatag din ang loob ko sa pananatili namin doon. Naglahong parang bula ang mga agam-agam ko sa kanya at ngayo'y mas buo na ang loob kong. . . magtiwala at paubaya sa kanya. Alam ko namang meron at me