ANASTASIA:
BUMALIK ako ng syudad, pagkatapos ng mga nalaman ko. Tama na ang ilang araw kong pananatili dito sa probinsya. May buhay ako sa syudad na naghihintay sa akin. Kailangan ko ng harapin ang katotohanan. Ayoko ng magtago pa. Siguro naman ay lumamig na ang ulo ni Daddy sa akin. Kailangan ko na ring makabalik ng trabaho. Baka mamaya niyan ay matanggal pa ako.
Nagtatrabaho ako sa kumpanya namin bilang HR manager. Siguro naman ay hindi ako basta-basta tatanggalin ni Daddy doon dahil labag naman sa rules ng kumpanya namin na magtanggal ng employee na walang sapat na basehan.
Kabado ako habang palapit nang palapit sa bahay nila Tita Madonna. Hindi na kasi ako muling tumawag pa sa kanila. Nawala na kasi sa isip ko ang problemang iniwan ko sa syudad at in-enjoy ko na lamang ang ilang araw na pamamalagi ko doon. Kahit paano ay nakalma ko ang isipan sa pananatili ko sa lugar na iyon. Simple lang ang lugar pero damang-dama mo ang kapayapaan at aliwalas ng lugar.
Malayo iyon sa bayan. At iilan pa lang ang nakaka-discover sa lugar. Sayang nga dahil napakaganda niya para hindi dagsain ng mga tao. Nasa kalagitnaan siya ng gubat. Hindi naman masukal na gubat ang kinaroroonan nito. Tamang-tama lang sa hidden paradise resort na pangalan nito. Nalililiman ang buong lugar ng matataas na mahogany. Malawak din ang lugar na may farm sa likod ng hotel kung saan pwede kang mag-harvest ng mga gulay at prutas na ipapaluto mo sa mga staff. Malinis din ang malamig na waterfall's na natural na kulay asul at may kalawakan ang lawa nito. Mababait din ang mga staff at magagalang. Gawa sa magagandang uri ng kahoy ang buong hotel na napakaaliwalas ang dating.
Naalala ko naman ang unang araw ko doon kung saan may nagambala pa akong couple dahil nagkamali ako ng silid na pinasukan.
*****
NANGUNOTNOO ako na may marinig akong nag-uungulan sa gawi ng banyo ko habang lumalagaslas ang tubig sa shower head. Pinihit ko ang pinto at namilog ang mga mata na mabungaran ang dalawang pares na hubo't-hubad habang nasa ilalim ng shower at marubdob na naghahalikan!
"Fvck!" mura ng lalake na sumubsob sa dibdib ng babae na napalingon sa akin.
"Who are you!?" asik nito na kinukubli ang mukha ng lalakeng kalaplapan.
Napakurap-kurap pa ako na nanigas sa kinatatayuan. Nang mahimasmasan na ako ay malakas akong natawa na napapalakpak.
"Putang inang buhay 'to oh, anong ginagawa niyo dito sa banyo ko?" asik ko sa mga ito.
"Banyo mo?" ani ng babae na namimilog ang mga mata.
"Axelle, maling kwarto ba ang pinasukan natin?" anito na niyugyug ang binatang nakasubsob sa kanyang dibdib na tila tinatago ang mukha.
"No, baby. This is my room. Mis, I'm pretty sure, this is my f*****g room. So, get the hell out of here, will you?" asik ng lalake na nakatalikod pa rin sa akin.
"Hoy, mister, kwarto ko 'to. Tang ina niyo, ha? Magsilayas nga kayo dito," asik ko pa na naduro sila.
Namumula ang mukha ng babae na hindi makatingin sa mga mata ko. Marahil ay hiyang-hiya ang bruhang ito sa akin ngayon.
"Pwede ba, umalis na kayo. Maliligo na ako at inaantok na ako," paasik ko pang pagtataboy sa mga ito.
"Damn, pipilipitin ko ang leeg mong bubwit ka. Ikaw ang umalis. Akin ang silid na 'to. Lumabas ka na nga," may kariinang asik ng lalake.
"Sino ka ba, ha? Paano mo nasabing sa'yo ito eh, heto nga oh? May susi ako ng silid na 'to. Nakalagay dito, room 112. Kuha mo?" matapang kong asik na halos ipagduldulan ang susi ko sa mukha ng babae.
Natawa naman ang lalake na nanatiling nakatalikod ang mukha sa akin. Ayaw talagang humarap ng tukmol na 'to. Pangit ba siya? Bakit parang nahihiya siyang ipakita ang mukha niya?
"Damn, you. Nasa room 111 ka. Sa kabila ang silid mo, Mis. Umalis ka na kung ayaw mong parusahan kita," pananakot nitong ikinamilog ng mga mata ko.
"You, witch! Ang lakas ng loob mong manggimbala pero ikaw naman pala ang nagkamali! Get out of here!" asik na rin sa akin ng babae.
Napanguso akong naigala ang paningin dito sa silid. Nag-init naman ang mukha ko na malingunan sa gilid ang ilang maleta na hindi sa akin.
"Oops, sorry. Okay? Sorry, tao lang. Ituloy niyo na 'yan. Masakit daw sa puson pag nabibitin eh. And one more thing. . . mag-lock kasi kayo ng pinto bago magkantutan. Kay lalanding nilalang!" pagdadabog ko para ikubli ang pagkakapahiya ko.
"Fvck that girl," asik pa ng lalake.
Tumalikod na ako na malalaki ang hakbang na tinungo ang pinto.
"I know your room, Mis! Humanda ka sa pambubulabog mo sa akin!"
Dinig kong pahabol pang sigaw ng lalake na hindi ko na pinansin at pabalang isinarado ang pinto nila. Parang lulukso ang puso ko sa ribcage nito sa sobrang lakas ng kabog! Napabuga ako ng hangin na tinungo ang katabing silid na nakalaan sa akin.
"Lutang lang, Anastasia? Damn, nakakahiya ka!" gigil kong asik sa sarili na napasabunot sa buhok.
Kagat ang ibabang labi na naghubad na ako ng damit at nagtungo ng banyo. Naiiling na lamang ako na nagbabad ng shower at nilinisan ang sarili. Pakiramdam ko ay nanlalagkit pa rin ako sa mga sandaling ito. Ilang oras ba naman ako sa byahe. Ni hindi ko na alam kung saang lupalop ng mundo ako nakarating. Mabuti na lang at mababait ang mga tao dito at itinuro ang resort na 'to na maaari kong tutuluyan pansamantala.
Naka-roba lang ako na lumabas ng banyo. Medyo malalim na rin ang gabi at dama ko ang pagod ko sa ilang oras kong pagmamaneho. Pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay muli akong lumabas ng silid na hindi na muna nagbibihis.
Nasa limang palapag lang ang hotel na 'to. Hindi man siya kasing-sosyal ng mga hotel sa syudad pero. . . napakaganda din naman dito. Tahimik, maaliwalas at presko ang lugar. Hindi na kailangan ng mga aircon dahil malamig dito. Wala ka ring naririnig na ingay o hugong ng mga sasakyan sa paligid na napakagaan sa pakiramdam. Simple lang ang ambiance ng lugar pero dama mo ang kapayapaan nito at mare-relax ng kusa ang katawan at isipan mo.
Bumaba ako ng first floor at lumapit sa front desk kung saan may dalawang babae ang nakaupo doon.
"Hi, good evening," bati ko.
"Good evening too, Ma'am. How may I help you?" nakangiting tanong ng isa.
"Uhm. . . nagugutom na kasi ako. Saan ako makakabili ng pagkain?" tanong ko.
"Ay, Ma'am, sarado na ho kasi ang restaurant natin jan sa baba. Pero pwede ka po naming ipagluto. Ano pong gusto niyo?" magalang saad nito.
Napakamot ako sa ulo na alanganing ngumiti sa mga ito.
"Um. . . instant noodles na lang kung meron. Nagugutom na kasi talaga ako eh. Saka inaantok na rin," saad kong ikinangiti at tango ng mga ito.
"Sige ho, Ma'am. Ikuha ko po kayo," sagot ng isa na lumabas ng desk nila.
"Thank you."
Tumango lang naman itong lumabas ng hotel. Saglit lang at dumating din itong may dalang cup noodles at itlog. Nakangiti itong iniabot iyon sa akin na tinanggap ko.
"Boiled egg po 'yan, Ma'am. Para may sahog po ang noodles niyo. Mas masarap ho kasi kung may itlog ang noodles," nakangiting saad nito.
"Salamat."
"You're welcome, Ma'am."
Nakangiti akong muling umakyat ng floor kung saan ang silid ko. Pagdating ko sa fifth floor ay napapahid ako ng pawis ko sa noo sa pag-akyat. Parang nanlalagkit na naman tuloy ako na pinagpawisan sa pag-akyat baba sa hagdanan para lang makakuha ng makakain.
Napayuko ako na may lalakeng lumabas mula sa silid na katabi ng silid ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang lalakeng nakita ko kani-kanina lang na may kasiping sa banyo. Gusto ko sanang makita ang mukha niya pero. . . kinain ako ng hiya kaya nanatili akong nakayuko. Pigil ang hininga ko na nilagpasan ako nitong ikinapikit kong masamyo ang manly scent nitong napakabango! Napalingon ako dito na naipilig ang ulo.
"Kapero lang niya siguro ng pabango ang lalakeng 'yon. Imposible namang siya ang. . . naka-one night ko kagabi," piping usal ko habang nakamata sa likuran nito.
Kaagad akong tumalikod at malalaki ang hakbang na tinungo ang silid ko. Lumingon kasi ito na tila naramdamang tinitignan ko siya.
"Hey, you! Roommate!" paghabol nito na ikinatili kong nagmamadaling pumasok ng silid.
"Oh my God!" tili ko na napapatalon dahil muntik niya lang naman akong maabutan.
Nasabi nga pala niya kanina na paparusahan niya ako sa paggambala ko sa byahe nila nung girlfriend niya. Chuks!
Sunod-sunod itong kumatog na tinatawag akong pagbuksan ko ito.
"Hey, Mis, c'mon, open this goddamn' door!" pagkalampag pa nito.
"Jusko po, anong gagawin ko?" napapatili kong bulalas.
Mabilis kong in-double lock ang pinto na paatras na lumayo dito.
"Lagot ka sa akin kapag nahuli kitang bunwit ka. I know your room, Mis. Malilintikan ka talaga sa akin," asik pa nito.
Napabuga ako ng hangin na kinakalma ang puso kong sobrang bilis ng kabog. Dinig ko naman ang mga papalayo niyang yabag na ikinapanatag ng loob ko.
"Nakakainis. Baka sa susunod ay bigla na lang may dumamba sa akin," bulalas ko na binuksan ang cup noodles ko at naglagay ng mainit na tubig.
Palakad-lakad ako dito sa balcony ng silid ko habang nakahalukipkip at ninanamnam ang lamig ng gabi. Naririnig pa dito ang ingay ng mga kulisap na damang-dama mong nasa probinsya ka. Nangingiti ako na nakapikit habang palakad-lakad. Katatapos ko lang kumain pero hindi pa ako dalawin ng antok kaya nagpapahangin na muna ako dito.
Napadilat ako ng mga mata na maramdamang tila may pares ng matang nakatitig sa akin. Napalunok naman ako na mapasulyap sa katabing balcony ko na may nakaupo sa kahoy na railings doon at naninigarilyo pa. Hindi ko sigurado kung 'yong babae o 'yong lalake ang taong nandoon pero sigurado akong nakatingin siya sa akin. Nakapatay kasi ang ilaw sa kinaroroonan nito kaya tanging ang sindi ng sigarilyo nito ang makikita mong senyales na may tao doon.
Napalunok ako na tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Bumilis din ang kabog ng dibdib ko na hindi ko maipaliwanag kung para saan. Tumalikod na ako dito at pumasok ng silid ko. Nakakakilabot kasi ang pagtitig nito na tumatagos sa buto ko. Alam mo 'yong pakiramdam na may nakatitig sa'yo at tila pinapanood ang bawat kilos mo? Mararamdaman mo naman 'yon eh. At sa sitwasyon ko ay hindi ko maiwasang kilabutan lalo na't may atraso ako sa lalake sa kabilang silid. Nagbanta pa naman itong parurusahan niya ako kapag nahuli niya ako.
Bagsak ang katawan na dumapa ako aa kama. Magpapalipas na muna ako dito ng ilang araw habang pinapahupa ko ang init ng ulo ni Daddy. Kilala ako ng Daddy ko. At alam kong. . . masusuyo ko rin siya. Sigurado akong nabigla lang din siya sa mga rebelasyon ni Adeline. Kaya nasabi niya ang mga 'yon. Hindi naman siguro sapat na dahilan ang isang pagkakamali ko para itakwil niya ako at tanggalan ng karapatan bilang anak nito. Nag-iisa akong anak ni Daddy. Ako na lang ang nakakapag paalala sa kanya kay Mommy. Kaya alam kong. . . hindi niya rin ako matitiis.
LUMIPAS ang mga araw na naging tahimik ang pananatili ko sa resort. Mabuti na lang at umalis din ang naka-check in sa kabilang silid na ikinapanatag ng loob ko at hindi na nakasalamuha pa ang lalakeng nandoon.
Hindi ko tuloy namalayan ang paglipas ng mga oras. Masyado kong na-enjoy ang lugar sa ganda ng ambiance nito. Tahimik at iilan lang kaming mga naka-check in sa hotel. Karamihan nga sa mga tao dito ay staff ng resort. Magigiliw at napakagalang ng mga itong naka-assist sa aming mga guest nila.
******
NAPABUGA ako ng hangin na kinakalma ang puso ko. Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng kotse bago bumaba at lakas loob na pumasok ng bahay.
"Ma'am Anastasia," nakangiting bungad ni Manang Mercedes sa akin.
Ang pinaka matandang katulong dito sa bahay. Mabait ako sa lahat kaya kasundo ko ang mga ito. Hindi katulad ni Adeline na napakasungit niya sa mga katulong.
"Manang, kumusta ho?" aniko na sinalubong ang yakap nito.
"Mabuti naman at bumalik ka na. Kumusta ka, hija?" nag-aalalang tanong nito.
"Okay lang ho ako, Manang. Kayo po? Si Daddy?" magkasunod kong tanong.
Ngumiti naman itong hinaplos ako sa pisngi.
"Maayos naman kami dito kahit paano. Palagi kasing nasa labas si Ma'am Adeline kaya nakakahinga kami ng maluwag. Ang Daddy mo, hayun. . . alalang-alala sa'yo sa ilang araw mong pagkawala," saad nitong ikinalabi kong nangilid ang luha.
"Hindi na ba siya galit sa akin, Manang?" tanong kong ikinailing nito.
"Kilala mo ang Daddy mo, at kilala mo rin ang sarili mo, hija. Mabuti na lang at bumalik ka na. Nawalan na kasi ng sigla ang bahay na wala ka. Kahit sina Ma'am Madonna at Sir Lander ay nalumbay na umalis ka. Sinisisi nga ni Sir ang sarili na lumayas ka," pagtatapat pa nitong ikinalamlam ng mga mata ko.
"What are you doing here!!"
Napalingon kami ni Manang Mercedes na marinig ang bulyaw ng babaeng bagong dating. Napataas baba ako ng tingin ditong napaka supistikada ng itsura. Halatang mamahalin ang mga gamit mula sa stilleto nito, dress, bag at mga accessory. Nagtataka lang ako dahil mga kilalang brand ang mga gamit nito. Imposible namang nanggagaling kay Tita Madonna ang perang nilulustay nito. Kung 'di mabangkrup ang kumpanya dahil kung susumain ay abot ng milyon ang OOTD lang nito.
Nagpaalam naman kaagad si Manang at iniwan na kami nitong bruhildang Adeline na ito. Napapangisi pa ito na nang-uuyam ang tinging ginagawad sa akin. Matapang kong sinalubong ang mga mata nito at humakbang palapit.
"I was just wondering, Adeline. Paano mo kaya. . . naging boyfriend si Dwight Axelle Madrigal. Kasi sa pagkakatanda ko ay. . . wala kang koneksyon sa kanya hindi katulad ko."
Napalunok ito na namutla sa narinig sa akin. Mas lalo tuloy napaghahalataang may ginawa itong kababalaghan. Ngumisi ako na tinitigan siya ng nang-uuyam.
"Anong ginawa mo, hmm? Let me guess. . . ." anas ko na ikinalunok nito ng magkakasunod.
Napailing ako na pagak na natawa sa nakikitang reaction nito.
"Ipapahiya din kita, Adeline. Kaya kung ako sa'yo? Umatras ka na. Dahil. . . nagbabalik na ako at kukunin ko. . . kung ano ang akin," madiing pagbabanta ko bago tinalikuran ito.
Namutla itong napalunok at natigilan na bakas ang pagkabigla sa sinaad ko. Kilalang-kilala ko si Adeline. Alam ko kung kailan ito nagsasabi ng totoo, nagsisinungaling at kung may tinatago ito. Madali lang mabasa sa mga mata niya ang reaction niya. At sa nakikita ko ay. . . tama ang hinala ko dito.
Napapailing na lamang ako sa isip-isip ko na natuod ito sa kinatatayuan. Wala pa man akong nalalaman pero. . . napaghahalataang guilty ang bruha.
"Hindi ko hahayaang magtagumpay ka sa laro mo, Adeline. Ako ang magpapabagsak sa'yo at babawiin ang mga kinukuha mo na dapat ay pag-aari ko. Hindi na ako ang Anastasia na mapagbigay sa'yo. This time, ipaglalaban ko ang akin. . . na kinukuha mo."