ADELINE:
NGISING aso ako na lumabas ng silid dala ang black card ni Dwight na ibinigay ng mga tauhan nitong tatanga-tanga. Ibinigay na niya at pwede kong gamitin. Hindi ko na kailangang humingi kay Mommy ng pera para may magamit ako sa mga luho ko. Sangkaterba pa kasing sermon ang aabutin ko bago nito ibigay ang perang kailangan ko.
Nagtungo ako sa kalapit na atm machine at nag-withdraw ng pera. Pero laking gimbal ko na makita sa resibo kung gaano kalaki ang laman na pera ng black card na hawak ko!
"F-fifty billion pesos!?" bulalas ko nq nanlalaki ang mga mata.
Para akong naglalakad sa kaulapan na makahawak ng ganto kalaking pera! Ni milyon nga ay hindi pa ako pinapahawakan ni Mommy. Billion pa kaya!?
Napapairit akong nagtatatalon sa tuwa at pinaghahalikan ang black card ko na nagpaikot-ikot pa. 'Di bale ng mapagkamalhan nila akong baliw. Sinong hindi mababaliw na sa isang iglap ay meron ng fifty billion pesos na pwede niyang lustahin!
"May pakinabang ka rin naman pala, Anastasia. Sorry but not sorry, sisteret. Akin na 'to. Akin na rin. . . ang identity mo," nakangising bulong ko na yakap-yakap sa dibdib ang atm ko.
ANASTASIA:
MAGHAPON akong nagkulong ng silid ko. Sobrang sakit kasi ng buong katawan ko, lalong-lalo na ang p********e ko na tila winarak! Mabuti na lang at nakaalis na kanina sina Tita at Daddy papunta ng kumpanya. Tiyak akong magtataka ang mga iyon na makita akong sabog-sabog ang buhok at nanghihina.
Kahit dalawang oras akong nagbabad ng bathtub ko na nilinis ang katawan ay nandidiri pa rin ako sa sarili. Nabura ko man ang mga kissmark sa buong katawan ko ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang pangyayaring iyon sa akin. Isang gabing naging bangungot ng buhay ko. Ni hindi ko matandaan kung sino ang lalakeng nakatalik ko.
Napalingon ako sa gawi ng pinto na may kumatok doon. Kunot ang noo na mapatitig ako sa niluwal ng pinto na walang iba kundi. . . .
"Adeline!" asik ko nq ikinangisi nitong pakembot-kembot na naglakad palapit.
Sa itsura nito na kay daming shopping bags na dala ay mukhang galing na naman siya sa mall at naglustay ng pera ng ina niya. Bumangon ako ng kama na hinintay itong makalapit. Napapangisi pa ito na ginawaran ako ng nakaka insultong tingin mula ulo hanggang paa ko.
"I know what you did last night, sisteret. May ibidensya akong makakasira. . . ng imahe mo," paana nitong ikinaawang ng bibig ko.
"A-ano?" halos pabulong kong tanong.
Malutong naman itong napahalakhak na pumalakpak pa. Nagsalubong ang mga kilay ko na nakatitig ditong tawang-tawa. 'Yong tawa na nang-iinsulto lang naman. Nag-igting ang panga ko na wala sa sariling malakas itong nasampal na ikinatagilid ng mukha nito.
"Aray, ang sakit, ha? Gawa ba sa espalto 'yang pagmumukha mo? Masyadong makapal eh!" pang-uuyam ko ditong napatagilid ng mukha.
Sa dami ng mga mamahaling shopper bag na nakasabit sa magkabilaang braso niya ay hindi na niya nagawang harangin ang kamay ko kaya malaya ko siyang nasampal. Napangisi ako na muli itong sinampal sa kabilang pisngi na ikinatagilid muli ng mukha nito.
"Ang sakit sa palad, ha? Ang kapal-kapal kasi ng pagnumukha mo eh. Pero okay lang. Nakahanda akong manampal ng mala-semento ang tigas na mukha dahil pag-aari mo naman," ngisi ko na naiwagayway ang palad kong isinampal ko dito.
Namumula ang magkabilaang pisngi nito at bumakat doon ang palad ko. Nanlilisik ang mga mata nito na napakuyom mg kamaong ikinataas ng kilay ko.
"How dare you to slap me, huh!? Sino ka ba sa tingin mo!? Lumayas ka dito sa bahay ko, layas!" asik nito na namimilog na ang mga mata at butas ng ilong.
"Hindi ko nakakalimutan na nakikitira lang kami ni Daddy sa inyo, Adeline. Pero hindi ikaw ang makapagpa palayas sa akin dito. Kundi ang ina mo. Hindi mo pa naman namamana ang bahay na 'to," nakangising saad kong ikinaigting ng panga nito.
"Ang kapal ng mukha mo!"
"Oh, really? Kung makapal na pala ang mukha ko. . . ? paano na lang kaya ang sa'yo, Adeline?" pang-uuyam ko dito na napahawak sa tapat ng dibdib ko at namimilog ang mga mata para asarin pa ito.
"You, witch!" nanggagalaiting bulyaw nito na pabalang ibinagsak sa sahig ang mga dala.
Sumugod ito na malakas hiniklat ang buhok kong ikinailag ko at ito ang dinakma sa buhok!
"Kung bruha ako, puta ka naman! b***h!" singhal ko na pinulupot sa kamay ko ang mahaba at unat nitong buhok.
"Urgh! Fvck you! Bitawan mo ako! Get off my hair! Ang anit ko!" pagtititili nitong napapadaing.
Napangisi naman akong buong lakas itong hinila na ikinakaladkad nitong nakalupasay sa sahig habang hawak ang kamay kong nakasabunot ng mahigpit sa buhok nito.
"Matagal na akong nagtitimpi sa'yo! Ilang beses na kitang pinapalagpas pero ngayon? Nasagad mo na ako! Bwisit kang bruhilda ka! Magtutuos tayo!" sigaw ko dito na kinakaladkad palabas ng silid!
"Aahhh! Bitawan mo ang buhok ko, bwisit ka! Humanda ka sa akin, nasisira mo na ang buhok kong bagong hot oil, tang ina ka!" tili nito na hinahampas ako sa kamay.
Malutong akong napahalakhak na binuksan ang pinto at kinaladkad ito palabas ng silid na pabalang binitawan. May mga buhok pa itong naiwan sa kamay ko. Napahawak ito sa ulo na namumula ang mukha sa galit.
"You'll regret this! I swear!" sigaw nito na mangiyak-ngiyak ang itsura.
"Ganun ba? Sorry, ha?" pang-uuyam ko na humalukipkip. "Hinding-hindi ko pagsisisihan 'yan," ngisi ko.
"Anong nangyayari dito!?"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses ni Tita Madonna na napasigaw. Nalingunan naman namin ito kasama si Daddy na nanlalaki ang mga mata sa naabutan na posisyon namin ni Adeline. Nalasalampak kasi ito sa sahig. Sabog-sabog ang buhok at namumula ang mukha. Sa itsura naming dalawa ay aping-api ito at ako ang masama!
"Let me explain, Tita."
"Mommy, help me! Binugbog ako ni Anastasia. Sinabi ko naman na sa inyo dati pa. Hindi siya mabait gaya ng iniisip niyo," mabilis na pagsusumbong nitong napahagulhol habang nakasalampak pa rin sa sahig.
Namilog ang mga mata kong manghang napatitig ditong nagmamakaawa ang itsura sa mga magulang naming papalapit at mukhang. . . napaniwala niya!
"Ah, talaga, Adeline? Magagawa mo pa talagang mangbaliktad, ha? Let me just remind you, what you did to me last night!" bulyaw ko ditong napatingala sa akin at ngumisi.
"Bakit, kasalanan ko ba na sumama ka sa lalake kagabi sa Bar at nakipag-one night stand ka sa kanya!" singhal nitong ikinanigas ko!
"Kasalanan mo! Akala mo ba hindi ko alam na may inilagay ka sa ipinainom mo sa akin kagabi, ha!? Pinapunta mo ako doon para sunduin ka pero anong ginawa mo, you frame-up me!" sigaw ko dito.
"Huh? Really, ha? Playing innocent? Ginusto mo 'yong nangyari. I have proof that I'm telling the truth!" palabang asik nito.
"Ano bang pinagtatalunan niyo, ha!?" dumadagundong na bulyaw ni Daddy sa amin.
Nanginig ang katawan ko na napalunok. Minsanan lang kasi magalit si Daddy pero wagas.
"Here, Tito. Para makita niyo kung ano ang totoong kulay ng anak niyo," saad ni Adeline na ipinakita ang cellphone nito.
Awang ang labi na napatitig ako sa video kung saan lumabas ako sa vip room na inaayos ang damit habang nagmamadali. Sunod na lumabas ang loob ng kwarto kung saan magulo pa ang kama, may mga nagkalat na gamit sa paligid. Kasunod non ang dalawang taong mapusok na naghahalikan sa 'di kalayuan. Kung damit lang ang pagbabasehan ay katulad na katulad iyon ng suot ko kaya kapani-paniwala na ako ang nasa video!
"Akin na 'yan!" asik ko na akmang aagawin ang cellphone nito pero mabilis niyang itinago.
"Anastasia!" singhal ni Daddy na hinablot ako sa braso.
"Daddy, let me explain--"
Nabitin sa ere ang iba pang sasabihin ko na tumagilid ang namanhid kong mukha sa lakas ng sampal na iginawad nito. Nangangatal ang kamay ko na napasapo sa pisngi kong sinampal nito.
Nangilid ang luha ko na dahan-dahang napalingon ditong nanlilisik ang mga mata na punong-puno ng galit!
"Lumayas ka dito! You're a disgrace of this family! I can't believe you can do this kind of scandal, Anastasia! Pinalaki ka namin ng maayos ng Mommy mo!" bulyaw nito na naduro ako.
"Ako ang biktima dito! Bakit ako pa ang masama, ha!?" panunumbat ko na napahagulhol habang nakamata dito na sapo ang pisngi.
"Nakakahiya ka, Anastasia. Umalis ka, lumayas ka sa harapan ko at hwag na hwag ka ng magpapakita sa amin! Magmula ngayon. . . itinatakwil na kita. Bahala ka na sa buhay mo!" singhal pa nito bago inakay ang mag-ina at nilagpasan ako.
Nakatulala akong nanghihinang napasandal ng pinto. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa mga sandaling ito na ikinanghina kong napadausdos pasalampak ng sahig.
"Hindi. . . M-Mommy, please, help me."
TULALA ako na nilisan ang bahay. Dala ang dalawang maleta at kotse ko ay umalis ako katulad ng gusto ni Daddy. Nahihiya na rin ako sa kanila ni Tita Madonna. Kahit naman ipagtanggol ko ang sarili ko ay hindi no'n mababago ang katotohanan na nakipag-one night stand ako sa hindi ko kakilala.
Panay ang pahid ko sa luha ko habang nagmamaneho. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naibenta na kasi namin ang dating mansion namin kaya kami lumipat sa bahay nila Tita Madonna noong nagpakasal na sila ni Daddy. Kung mag-iibang bansa naman ako hindi sapat ang pera ko para manirahan abroad.
Magdidilim na nang makadama ako ng gutom. Ilang oras din ang binyahe ko. Napagala ako ng paningin at hindi na matao ang lugar na kinaroroonan ko. Tingin ko ay nasa probinsya na ako. Kagat ang labi na inayos ko ang sarili bago bumaba ng kotse at pumasok sa hinintuan kong kainan.
"Good evening, Ma'am. Ano pong order niyo?" magalang tanong ng waiter na sumalubong sa akin.
Iginiya niya ako sa sulok nitong restaurant na walang nakapwesto. Iniabot pa nito ang menu na naglabas ng one fourth notebook nito at ballpen na paglilistahan ng order ko. Pasimple kong pinasadaan ng tingin ang menu. Kung tutuusin ay simpleng lutong bahay lang naman ang mga nandidito. Pero dahil gutom na gutom na ako at nanginginig na ang katawan ko ay um-order na lamang ako.
"Uhm. . . chicken adobo, pancit canton and rice, please?" aniko.
"Noted, Ma'am. Ano pong drinks niyo, Ma'am?" magalang saad nito.
"Uhm. . . ice tea black lemon, please?" sagot ko na iniabot na ang menu dito.
"Okay, Ma'am. Just a minute lang po," sagot nitong napapayuko pa na inabot ang menu.
Kimi akong ngumiti dito bago bumaling sa cellphone ko. Saka ko lang nabasa ang ilang mossed calls ni Tita Madonna. Pero dahil wala ng signal sa kinaroroonan ko ay hindi ko naman ito matatawagan pabalik. Anak niya si Adeline. Hindi ko ito masisisi kung mas papanigan at paniniwalaan niya ang mga gawa-gawang kwento ni Adeline para sirain ako.
"You won to ruin my life, Adeline. Pero hindi ako magpapatalo ng basta-basta sa'yo. Humanda ka. . . sa pagbabalik ko," piping usal ko na nag-igting ang panga.
LUMIPAS ang ilang araw na naging tahimik ang pananatili ko dito sa probinsya. Naka-check in ako sa isang resort na pansamantala kong tinutuluyan. Nagpapalipas lang ako ng init sa syudad. Kilala ko ang ama ko. Kapag lumipas na ang galit no'n ay makakausap ko na siya ng mahinahon. Kaya kong linisan ang dinungisan ni Adeline na pangalan ko.
"Siya ba ang girlfriend ni Dwight? Hindi naman pala kagandahan."
"Oo nga eh. Anong nakain ni Dwight, at babaeng 'yan ang napili sa lahat ng naghahabol sa kanya? Gosh, eh mas maganda pa tayo babaeng 'yan eh."
"Oo nga. At napakaarteng kumilos, ha? Akala mo kung sino. Sino ba 'yan? Hindi naman siya popular."
Napapilig ako ng ulo na lumapit sa mga nagbubulungang staff nitong resort habang abala sa cellphone nila.
"Ahem! Anong meron?" pakikipag-usyoso ko.
Nag-angat ang mga ito ng mukha na napaayos ng upo at ipinakita sa akin ang cellphone ng isa. Nakanguso naman akong napatitig doon.
"Ah, Ma'am Anastasia, pinag-uusapan lang namin 'yong bagong girlfriend ni Dwight Madrigal. 'Yong sikat na artista. Nag-release kasi sila ng interview at ipinakilala na nito sa publiko ang girlfriend niya. Tignan niyo po, 'di ba, nakaayos na pero hindi naman kagandahan," bulalas ng isa.
Nangunotnoo ako na napatitig sa picture. Kumabog ang dibdib ko na mamukhaan ang lalake sa picture kung saan unti-unting nag-flashback sa memorya ko ang lalakeng naka-one night stand ko at ang mukha nito!
"Oh my God!" bulalas ko na natutop ang bibig.
"Oh my God talaga, Ma'am. Hindi naman kasi sila bagay," ismid pa ng isa.
Napasapo ako sa noo ko na pinagpawisan ng malapot. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito na makilala ang mukha ng lalakeng nakatalik ko.
"Adeline?" bulalas kong muli na mapalingon sa cellphone at saka lang napansin ang itsura ng babae.
Napakuyom ako ng kamao. Anong ibig sabihin nito? Kailan pa nagkakilala ang dalawa? Kung nakita nga kami ni Adeline na naghahalikan ni Dwight at nakunan ng video, bakit hindi siya lumapit para sitahin ang boyfriend nito? O kaya ay bakit hinayaan niyang makatalik ko ang kasintahan niya?
Kasintahan nga ba talaga niya? O may kababalaghan na naman siyang ginawa kaya nakuha niya si Dwight. Hindi kaya. . . natutop ko ang bibig na namilog ang mga mata na may sumagi sa isipan ko!
Sa mga taong katulad ni Adeline ay possible ang lahat. Wala siyang sinasanto at sa nangyayari sa aming tatlo. . . hindi na ako magtatakang gumawa ito ng kabulastugan kaya nakalapit kay Dwight.
Napahilot ako ng sentido na pilit kinakalma ang sarili ko. Napakasama talaga ng Adeline na iyon. Wala na siyang sinasanto. Hindi ba siya natatakot sa mga pinaggagagawa niya? Okay lang na ako ang sagasahan niya, pero ang idamay niya ang ibang tao? Sumusobra na siya.
"I need to find out the truth. I smells something fishy. Adeline, ano na naman bang ginawa mo?"