DWIGHT:
NAPAPAILING akong nakatanaw sa malayo habang may hawak na beer at nakadungaw dito sa balcony ng hotel.
"Her voice sounds familiar. Siya kaya 'yon?" piping usal ko na napapilig ng ulo.
Imposible namang siya ang babaeng nakatalik ko kagabi sa hotel na pinagdalhan ko sa kanya. Ano nga ba ulit ang pangalan ng babaeng 'yon? Annie ba 'yon? O Anna? Nakakainis. Hindi ko na matandaan ang sinabi niyang pangalan kagabi.
Napatungga ako sa beer ko na napailing na lamang. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?
Kaninang umaga ay napangiti na lamang akong totoo ngang may nakatalik akong birhen na dalaga. Fvck! It was the first time na may makasalo ako sa kama na birhen pa. Akala ko ay ginu-good time niya lang ako ng sinabi nitong birhen pa siya. Pero gumamit pa rin ako ng protection at mahirap na. Pero nagkamali ako. Birhen nga siya. Nang maramdaman kong may napunit akong barrier sa loob nito ay mabilis kong hinugot muna ang akin at tinanggal ang condom na gamit ko.
Napapadaing pa ito na nakakalmot ako sa bawat ulos ko sa ibabaw nito. Nakakagigil ang kalambutan ng katawan niya, lalong-lalo na ang kasikipan niya. Ang sagana niya rin sa katas na ikinadudulas ng lagusan nito. Kay sarap niyang bayuhin dahil sobrang nasasakal si buddy sa kasikipan niya. Ang init-init din ng loob nito. Maging ang malulusog niyang s**o ay bilog na bilog at tayong-tayo pa ang mga iyon na halatang wala pang nanglalamas.
Kaya naman halos magdamag ko itong inaangkin sa iba't-ibang posisyon at sa lahat ng sulok ng silid namin dahil sobrang nanggigigil ako sa katawan niya. Para siyang drugs na natikman ko at hinahanap-hanap ko. Maging ang lasa ng mga labi nito ay napakatamis. Hindi man siya marunong tumugon ay gustong-gusto kong nilalaplap at sinisipsip ang labing 'yon. Paano namang hindi eh. . . ako pa lang ang nakakagawa no'n sa kanya.
Damn. Hindi ko yata ma-imagine na may iba pang lalake ang aangkinin sa kanya. Napangiti ako na nahimas ang baba. Hindi ko man masyadong nakita ang mukha niya ay may palatandaan naman ako dito. Ang nunal sa pagitan ng kanyang dibdib. May nunal itong korteng puso sa gitna ng dibdib nito na tanging natatandaan ko.
Nauna akong nagising sa kanya, kaninang umaga sa hotel. Tinatawagan na kasi ako ng manager kong si Tanya kaya naman wala akong nagawa kundi ang bumangon na. Nakasubsob siya sa unan at sabog-sabog pa ang buhok nitong nakatabing sa kanyang mukha. Nakalihis ang kumot namin kaya nakabulandra sa mga mata ko ang perpektong hubog ng katawan nito. Napakatambok nga ng pwet niya na nanggigigil kong pinalo at mahinang ikinaungol nito. Akala ko ay maaabutan ko pa siya kaya naligo na muna ako. Pero laking panghihinayang ko na tanging ang nagkalat na kumot sa sahig ang naabutan ko, matapos kong makaligo.
Iiling-iling akong nagkamot sa ulo kong basang-basa pa at pinulot ang nasa gilid ng kama na pares na medyas at panty nito. Pang bata pa na cartoon show ang medyas nitong si Doraemon. Ang panty naman nito ay may disenyong Micky Mouse na may nakasulat na 'sexy and fuckable.'
Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ibinulsa ang mga iyon at parang adik na sinisinghot-singhot iyon sa pagpunta ko dito sa resort namin sa hidden paradise resort. May nakilala naman akong turista na bisita namin at unang nagpakita ng motibo na maka-one night ako. Well. . . ugali ko naman talagang nakikipag-one night stand saga babaeng naglalalapit at matipuhan ko. Pero syempre. . . meron at meron akong gamit na protection. Mahirap ng makakuha ako ng sakit o kaya ay makabuntis ako na wala sa hulog.
Si Cathleen Montereal lang ang babaeng gusto kong mapangasawa. Pero sadyang hanggang kaibigan lang talaga ako sa kanya. At ang masaklap? Sa kapatid ko siya may gusto.
Ilang taon din kaming loveteam ni Cathleen sa showbiz. Hanggang sa nagkasundo kaming maghiwalay na dahil napagpasyahan na nitong lumagay sa tahimik. Niligawan ko ito noon pero, paulit-ulit niya lang akong binabasted dahil si Kuya Ethan ang laman ng puso niya. Magkababata kami ni Cathleen at mga kapatid nito. Sa France kami lumaki at nag-aral kaya kabarkada ko ang nakababatang kapatid nitong lalake. Si Collins Montereal.
Matalik kaming magkaibigan ni Collins at Devon Smith. Magkakasundo at pare-pareho ng hilig. Car racing, happy go lucky, at mga habulin ng babae. Palagi kaming laman ng kung saan-saang Bar. Hanggang dito sa bansa ay ganun pa rin ang naging takbo ng buhay namin. Pero ngayon. . . ako na lamang ang naiwang single sa aming tatlo nila Collins at Devon. May kanya-kanya na kasing pamilya ang mga ito. Minsan ay naiinggit din ako sa mga ito dahil ang saya-saya nila sa paglalagay nila sa tahimik na buhay. Pero sadyang pihikan ang puso ko at hindi pa nahahanap ang matatawag kong. . . the right one.
NAPANGITI akong napahithit sa sigarilyo ko na malingunan ang babae sa kabilang silid. Palakad-lakad ito sa balcony na katapat ko at nakahalukipkip pa. Naipilig ko ang ulo na nakatitig lang dito. May kakaiba sa babaeng ito. Pakiramdam ko ay may connection kaagad ako sa kanya kahit hindi pa naman kami magkakilala. Nakasalubong ko ito kanina sa hallway pero nakayuko kasi ito kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Pero ngayon. . . ? Kitang-kita ko na.
Maamo ang maliit niyang mukha. May kaliitan din siyang babae pero. . . napakalakas ng dating niya. Nakagat ko ang ibabang labi na malagkit na nakatitig dito.
"She really looks familiar. Saan ko ba nakita ang bubwit na 'to?" piping usal ko.
Imposible naman kasing ito 'yong nakatalik ko kagabi dahil ayon kay Ryan na head bodyguard ko ay nasa syudad 'yong babae. Bumalik daw ito kanina sa silid na ginamit namin kaya nahuli nila at naibigay ang card at mensahe ko. Willing naman akong gastusan siya kahit lustayin pa niya ang nasa fifty billion na laman ng black card na bigay ko sa kanya. Bigay ko na 'yon sa kanya at para na rin hindi ako mahihirapang suyuin at ligawan siyang maging girlfriend ko.
Nangingiti akong nakatitig sa babaeng palakad-lakad sa harapan ko. Tila kay lalim ng iniisip nito. Muli akong napahithit sa sigarilyo ko at nilalarong binuga ang usok no'n. Tila naramdaman naman nitong nakatitig ako sa kanya na ikinatigil niya sa paglakad-lakad. Napalinga ito sa paligid na nakanguso. Napalingon ito sa gawi ko na napahithit akong muli sa sigarilyo ko. Kahit hindi niya ako nakikita dito ay napatitig ako sa kanyang mga mata. Tila inaaninag ako ng mga iyon mula dito sa kinauupuan kong railings ng balcony. Napangisi ako na bumusangot ito at nagdadabog na tumalikod. Marahil ay naalala niya ang lalakeng kapitbahay niya. Binalaan ko ba naman na sisingilin ko siya at parurusahan sa pagpasok niya sa silid ko at ginambala ang byaheng langit ko. Fvck!
Pero kung ang babaeng ito ang makakasiping ko? Bakit hindi. Mukhang fresh pa naman ito at mahinhing dilag.
KINABUKASAN ay maaga kong nilisan ang resort. Tumawag kasi si Mis Tanya na manager ko at pinapaluwas na ako ng syudad. Pero bago ako umalis ng resort ay kinuha ko muna ang buong pangalan ng kapitbahay ko na ibinigay naman ng mga staff namin. Kinikilig pa ang mga itong tinutukso ako at nakilala nila ang babaeng tinutukoy ko.
Matapos ang maghapon kong pananatili sa studio namin para sa ilang photo shoot ko ay pinayagan din ako ni Mis Tanya na makauwi at magpahinga. Pagod na pagod na nga ang katawan ko sa mahabang araw na 'to. Akala ng publiko ay madali lang ang trabaho naming nasa showbiz. Ang hindi nila alam ay kabaliktaran ang nakikita nila sa likod ng camera.
Katulad na lamang ngayon. Kahit pagod ang katawan ko at gustong matulog na lamang ay hindi pwede. Kailangan kong ipakita sa lahat na energetic pa rin ako. Nakangiti at masigla sa harapan ng madla. Hindi kami pwedeng magpakita ng kahinaan. Isang maling galaw lang kasi namin ay maaaring ikasira ng imahe namin sa showbiz. Dito kasi ay mga supporters mo ang nagpapanatili ng spotlight sa'yo. Mabuti na lang at kinagigiliwan pa ng milyong fans ko ang pagiging womanizer ko. Tila nakadagdag pa nga iyon sa lakas ng imahe ko sa lahat. Kaya naman hindi ako pumapasok sa relationship. Para open ako sa lahat ng mga babaeng ka-fling ko. Hindi naman na sila lugi sa akin. Bukod sa famous, makisig at gwapo ako ay, to the highest level lagi ang performance ko at malaki-laki din ang binabayad ko sa kanila.
BAGSAK ang katawan kong dumapa ng kama na sa wakas ay nakarating din ako ng condo ko. Gusto ko na lamang matulog sa sobrang pagod ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising sa sunod-sunod na pag-doorbell ng kung sino mula sa labas ng unit ko.
"Haist! Sino ba 'to?" napapakamot sa ulong dabog ko na bumangon ng kama.
Hinila ko ang comforter na ipinulupot sa baywang ko. Tanging brief lang kasi ang suot ko na matulog kaya nakakahiya namang ibulandra ko ang katawan sa bisita ko.
"Yes?" halos namamaos ang boses kong tanong na binuksan ang pinto.
"Hi, babe."
Napaangat ako ng mukha na marinig ang isang malambing na boses ng babae na nakatayo sa harapan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha mula sa pagkakayuko ko. Red stilleto, red strapless dress na hanggang gitnang hita niya ang manggas, mataas ang slit no'n na halos kita na ang singit niya, balingkinitan ang katawan nito sa hapit ng suot at nakalantad na halos ang dibdib nito. May kakapalan din ang make-up kaya sa paningin ko ay para na itong clown.
"Who are you?" casual kong tanong.
Matamis itong ngumiti na napapairit na bigla akong niyakap!
"OMG! Is this for real!? I still can't believe it, babe! Ikaw pala ang naka-one night stand ko noong nakaraang gabi!" tili nito na napakahigpit ng pagkakayakap sa akin.
Nanigas ako sa narinig dito na napakapit sa baywang nito at hinila papasok ng unit. Kunot ang noo ko na bumitaw dito na pinasadaan siyang muli ng tingin mula ulo hanggang paa. Naipilig ko ang ulo na mapatitig sa dibdib nitong halos nakaluwa ng buo.
"Imposible. . . bakit wala ang birth mark niya sa kanyang dibdib? Hindi naman 'yon peke ah," piping usal ko na nakatitig sa dibdib nito.
Sigurado akong may nunal siya sa dibdib. Hinagkan-hagkan ko pa nga 'yon at dama kong totoo ang nunal niyang iyon. Nakakapagtaka naman yatang nawala 'yon bigla.
"Are you insane, Mis. You can't fool me. Kilala ko ang nakatalik ko kagabi. I'm pretty sure. . . that girl is not you," sarkastikong sagot ko ditong napalunok.
"A-ano bang sinasabi mo, babe? Ako ito, ito nga oh? Dala ko 'yong pinaabot mong card sa mga tauhan mo kahapon sa hotel," sagot nito na inilabas ang black card ko.
Napalunok ako na mapatitig sa black card na binigay ko kay Ryan kahapon para ibigay sa babaeng nakasiping ko at para na rin magkaroon kami ng connection.
"Ikaw 'yon?" kunot ang noong tanong ko dito.
Matamis itong ngumiti na mabilis na napatango-tango at humawak sa kamay ko.
"Yeah, it's me, Anastasia, but you can call me, Anna. The girl you're with the other night. Nakakatampo ka naman eh. Binigay ko ang virginity ko sa'yo pero ang bilis mo akong makalimutan," sagot nito na nagtatampo ang tono.
Na-guilty naman ako na napalunok at lumamlam ang itsura. Kung siya man ang babaeng 'yon, nandidito na siya. Tama naman siya. Kinuha ko ang virginity niya at nasa kanya na ang black card ko. Ano pa nga bang proweba ang hinahanap ko para makumbinsing siya ang babaeng 'yon?
Huminga ako ng malalim na hinaplos siya sa ulo.
"Okay, I'm sorry, hmm? Hindi lang kita namukhaan. Hwag ka ng magtampo, ha?" paglalambing ko.
Ngumiti itong napayakap sa batok kong ikinangiti kong ginantihan ang yakap nito.
"Why do I feels something strange? Ni wala akong maramdamang sparks sa pagitan namin. Ibang-iba noong unang tagpo namin na damang-dama ko ang kakaibang bugso ng damdamin ko para sa kanya. Is it possible that. . . she's not the one I was looking for," piping usal ko.
"Is this mean. . . we're officially now?" bulalas nitong nagniningning ang mga mata.
Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango na lamang. Napaasa ko na siya. Nandidito na siya. Dapat nga ay masaya ako na kasama ko na siya pero. . . bakit ang hirap naman yatang maging masaya at maniwalang siya 'yon. Ibang-iba ang sinisigaw ng puso at isipan ko eh. Kahit napatunayan na niyang siya 'yon mula sa black card ko na hawak nito, ang sinaad nitong pagkuha ko ng virginity nito at ang pangalan niyang tugma sa pangalang naaalala ko ay parang may kulang pa rin. Parang hindi pa rin ako kumbinsido.
"Yeah. Are you willing to become my girlfriend?" malambing tanong ko.
Kung nagpapanggap lang siya ay mahuhuli ko din naman. Nagkamali yata siya kung akala niya ay maiisahan niya ako. Malakas akong makaramdam ng mga babaeng katulad nito. Unang kita ko pa lang sa kanya ay red flag na ito sa listahan ko. Pang-one night stand lang ang mga katulad niyang naghahabol sa mga katulad ko dahil sa katawan, kasikatan at higit sa lahat? Dahil sa pera ko. Mga low class bitches na nagkalat sa tabi-tabi. Willing na bumuka at lumuhod sa kung sinong may perang lalake.
"Thank you, thank you, Dwight! I promise, I'll be the best girlfriend you have in your life time!" tili nito na napapairit akong niyakap ng mahigpit.