Chapter 5

2112 Words
ANASTASIA: KABADO ako habang hinihintay na dumating sina Tita at Daddy. Sana lang ay pakinggan na nila ako at matanggap muli dito sa bahay. Aminado naman ako sa pagkakamali ko. At handa akong humingi ng tawad sa katangahan kong iyon. Pero hindi naman kasi mangyayari ang bagay na iyon kung hindi ako in-set up ni Adeline. Plano niya talaga na papuntahin ako sa Bar na 'yon para lasingin ako at mawala sa wisyo. Nagtagumpay man siyang sirain ang imahe at reputasyon ko pero. . . hindi niya ako mapapabagsak ng basta-basta. Nakatitiyak akong may kababalaghan na naman itong ginagawa dahil sa mga katulad niyang bruhilda at puno ng kaasiman ang buhay? Walang matinong gagawin. Kaya nga hindi siya pinapapasok ni Tita sa kumpanya dahil walang maaasahan sa isang katulad niyang puro paglulustay ng pera ang alam na gawin. Napahinga ako ng malalim na nakayukong nakaupo dito sa sala. Hinihintay ang pagdating ni Daddy at Tita. Ang sabi naman ni Manang Mercedes ay lumabas muli si Adeline. Mukhang naligo at nagbihis lang ang bruha. Naiiling na lamang ako na may bagong sportcar itong bili. Saan kaya niya nakuha ang perang pinangbili no'n eh milyon din ang halaga ng ganong sasakyan. Nakakaduda talaga ang mga kinikilos niya. Na tila may pinagkukunan siya ng perang nilulustay. At hindi basta-basta dahil milyon din ang mga iyon. "Anastasia?" Nag-angat ako ng mukha na marinig ang magkasabay na boses na tumawag sa akin sa gawi ng pinto. Nangilid ang luha ko na nakamata sa kanilang dalawa na naluluhang lumapit sa akin na nandidito sa sala. "Anak." "Hija." Panabay nilang pagtawag sa akin na ikinatulo ng luha kong napatayo. "Daddy, Tita." Napapalabing pagtawag ko sa mga itong napatakbo na niyakap ako. Napahagulhol ako sa dibdib ni Tita habang nasa likuran ko naman si Daddy at hinahagod-hagod ang likod ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko sa mainit nilang yakap at haplos sa akin. Naibsan kahit paano ang bigat sa dibdib ko. "Tahan na, hija. Ang mahalaga ay nandidito ka na. Hwag ka na ulit lalayas, ha? Binabaliw mo naman kami ng Daddy mo eh," humihikbing saad ni Tita na pinahid ang luha ko. "Opo. Hindi na po talaga. Sorry po. Sorry po sa kahihiyan. Hindi ko po 'yon intention. Hindi ko po 'yon ginusto. Lalong hindi ko sinadya. Pinapunta ako doon ni Adeline kasi nagpapasundo at nakiusap siya sa akin. I didn't know na may pinaplano pala sila ng mga kaibigan niya against me. I'm sorry po. Naging careless ako. I'm sorry po," humihikbing paliwanag kong ikinatango-tango ng mga ito na luhaan tulad ko. "We know, we know, hija. Kilala ka namin at alam naming biktima ka lang. What do you want to do, ha? Kasuan ba natin sila?" ani Tita na pinahid ang luha ko. "What do you mean po, Tita. Kasama si Adeline?" tanong ko na napapasinok. "Yeah. Syempre kasali siya. Siya itong master mind ng pagkakagahasa mo. Bakit naman hindi siya kasali? Lahat sila. Kahit 'yong guy, at mga kaibigan ni Adeline. Ipapakulong natin sila para magtanda, hmm?" ani Tita na ikinalabi kong niyakap ito. Napahagulhol ako sa kanyang balikat habang hinahagod nila ni Daddy ang likod ko. Maswerte pa rin ako na napakabait ni Tita sa akin. Kaya lang naman hindi sila magkasundo ni Adeline dahil laki sa luho ang babaeng 'yon at suwail ding anak. Pero kami ni Tita ay magkasundo na parang mag-ina lang. Pareho kasi kaming disenteng babae sa kilos, pananamit at katangian. Kaya naman masyadong mainit ang ulo ni Adeline sa akin dahil ako ang mabuting anak sa paningin ng lahat kumpara sa kanya. "Hwag na po. Sapat na po sa akin na naniniwala kayo sa akin. Sapat na ho sa akin na hindi nagbago ang pagtingin niyo sa akin. Ayoko ng palakihin pa ang ginawa ni Adeline. Galit na galit 'yon sa akin at ayoko ng dagdagan pa," saad ko nagpapahid ng luha. Lumamlam naman ang mga mata nilang bakas ang awa, lungkot at simpatya na muli akong niyakap. Naalala ko naman ang mga ginagawa ni Adeline. Kumalas ako sa kanila na inakay na maupo. Lumuhod ako sa harapan nila na hinawakan sila sa kamay. Naguguluhan naman ang mga itong napatitig sa akin. "Hija." "Anak." Ngumiti ako na palipat-lipat ng tingin sa mga ito. "Naabutan ako kanina ni Adeline dito. Nagtataka lang ho ako. Saan nanggagaling ang perang nilulustay niya? Hindi sa nagdududa o pinaparatangan ko siya pero. . . kayo ba ang nagbibigay ng milyon sa kanya para lustayin lang? Hindi ho ba't malaking halaga ang milyon para lang sa luho niya?" tanong ko. Nagkatinginan ang mga itong bakas ang gulat sa mukha. "What do you mean, hija?" naguguluhang tanong ni Tita. Napatitig ako sa mga mata nito at napailing. "Hindi niyo po alam ang mga pinagkaka abalahan ni Adeline, lately?" takang tanong ko naman. "God, ano na naman bang pinasok ng batang 'yon?" problemadong saad ni Tita na napatampal sa noo. "I'll find it out, honey. Ako ng bahala. Anak, halika." Ani Daddy. Napangiti akong tumayo at naupo sa gitna ng mga itong niyakap ako. Napangiti akong naihilig ang ulo sa balikat ni Daddy. Dama ko ang kapanatagan ng loob at isipan ko na kasama ko ang mga ito at natanggap na nila akong muli. "I'm sorry, anak. Nasaktan kita. I was shocked on that time. Nabigla ako at nadala sa galit. Patawarin mo din si Daddy, hmm?" paglalambing nitong ikinalabi kong hinagkan siya sa pisngi. "You're forgiven, Dad. Pangako, mag-iingat na ho ako. Lalong-lalo na kay Adeline." Napangiti ang mga itong niyakap akong muli na pinaghahalikan sa ulo. MATAPOS kong makausap ang mga magulang ko ay umakyat na ako ng silid. Kahit step mom ko lang si Tita Madonna ay parang ina na rin ang turing ko sa kanya. Mabait kasi ito, maalaga at pinapadama niya talaga ang pagiging ina sa akin. At damang-dama ko ang sensiridad at connection ko sa kanya. Nag-quick shower na ako bago nagbihis ng pantulog. Payapa ang isip at puso ko na humiga ng kama. May ngiti din sa mga labi na nagkaayos na kami ni Daddy. Hindi naman kasi ako sanay na may tampuhan sa amin ni Daddy. Mula pagkabata ay masunurin ako sa mga magulang ko dahil hindi naman nagkukulang ang mga ito sa akin. Hindi rin sila mahigpit sa akin dahil buo ang tiwala nila. Pero dahil sa Adeline na 'yon ay nasaktan ako ni Daddy, physically. Unang beses na nasampal ako dahil sa Adeline na 'yon. "Aalamin ko ang sikreto mo, Adeline. Maghintay ka lamang." Pabagsak akong nahiga ng kama. Dama ko na ang pagod at antok pero tila hindi mapakali ang isipan at diwa ko. Napapaisip kung anong kababalaghan ang ginagawa ni Adeline. Tiyak akong may kalokohan itong ginagawa na kailangan kong alamin. Hindi ko alam pero. . . tila may nagpaparamdam sa akin na dapat ko itong alamin. Napahinga ako ng malalim na napapikit at dantay ng braso sa noo. Pinilit na lamang makaidlip lalo na't hatinggabi na rin. Marami pa akong planong gawin bukas. "Adeline, maghintay ka lang. Mabibisto din kita," piping usal ko na tuluyan ng nagpatangay sa antok. ADELINE: "CHEER'S!" Napapaindak kami ng mga kaibigan ko na sina Melai at Sabina habang nasa Bar kami at nagkakasiyahan. Naiinis ako kay Dwight dahil wala manlang itong kalambing lambing na boyfriend. Ni hindi nga ito magkaroon ng oras sa akin kahit nakatambay ako madalas sa condo niya. Kaya ang ginagawa ko ay nagwawaldas na lamang ng bilyones niya kasama ang mga kaibigan ko. Malamig si Dwight na boyfriend. Ni hindi ko pa nga siya nahahagkan sa mga labi niya. Nayayakap ko siya pero saglit lang. Ang lapit na niya sa akin. Hawak-hawak ko na siya sa palad ko pero. . . napakalayo ng loob niya sa akin. Matalino din pala ang loko. Ramdam kong nagdududa siya sa katauhan ko. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para mapaniwala itong ako ang nakatalik niya noon sa hotel. Mabuti na lang at alam ko ang Bar na pinagdamputan niya kay Anastasia at ang hotel na pinagdalhan niya. Madali ko lang napagtagpi-tagpi ang kwento kaya napaniwala ko ito at napapayag na maging girlfriend niya. "Girl, hindi ba magagalit si Dwight nito? Aba, magdadalawang linggo pa lang kayo pero nasa bilyon na ang nagastos mo sa pera niya," bulalas ni Melai. Napatungga ako sa shot ko at sumimsim ng sliced lemon na napapangiwi. "Bakit naman siya magagalit? Hello, ibinigay na niya sa akin. Saka. . . alam niyo na, sinusulit niya naman ang katawan ko eh," kinikilig kong bulalas na ikinairit at hagikhik ng mga itong sinusundot sundot ako sa tagiliran. "Ikaw talaga, kirengkeng ka naman. Binubuka mo lagi ang kabibe mo, hmfpt! Baka naman pwedeng ipatikim mo din siya sa amin," nakangising ungot ni Sabina na ikinairap ko dito. "Hmfpt! Hindi naman sa pinagdadamot ko si Dwight, ha? Pero. . . mataas ang standard no'n. Hindi niya kayo papatulan," pambabara ko dahil hindi ko nagustuhan ang hirit nito. "Grabe ka naman, girl. Friends mo kami oh?" si Melai. "Nagpapaka-honest lang. Saka pwede ba, ang dami kong kaagaw kay Dwight. Makikidagdag pa ba kayo?" inis kong maktol na sunod-sunod na nilagok ang vodka na shot ko. Hindi naman lingid sa kaalaman kong may mga kinakalampungan pa rin si Dwight na babae. Hindi ko naman ito masisi at mahuli-huli pero malakas ang kutob kong may mga babaeng nakakalusot pa rin na ginagapang ito. Kilalang playboy at womanizer si Dwight. Kaya nga baliw na baliw sa kanya ang mga fans niya at isa na ako sa mga die hard fans niyang handang magbaba ng salawal para sa kanya. Nasasaktan ako na balewala ako sa kanya. Ni hindi niya ako hinahagkan kahit pinakilala niya akong girlfriend niya sa publiko. Bigla kasi akong sumulpot sa presscon niya noong nakaraan at pinakilala ang sarili na kasintahan ni Dwight. Doon ay nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Na parang hangin na lamang ako sa paningin niya. Noong unang araw kasi namin at sa mga sumunod pang araw ay maayos naman kami. Nagre-reply siya sa mga message ko. Sinasagot niya ang mga tawag ko. Pero ngayon? Kahit pinupuntahan ko na siya sa unit niya ay hindi naman niya ako pinapansin. Naiinis na rin ako sa kanya pero ayoko namang magtampo, sumbatan, awayin o takutin siyang maghiwalay na kami. Kaya ang labas? Isa akong understanding girlfriend nito. "Alam mo, ikaw na talaga. Pero. . . hindi ka ba magkaka problema na nagbalik na si Anastasia?" ani Sabina. Isa pa 'yon eh. Kung bakit bumalik balik pa ang bruhang 'yon. Napalayas ko na eh. Bumalik pa. "Hindi naman siya kakilala ni Dwight eh. Saka boyfriend ko na si Dwight at nauna akong lumapit. Madali ko lang siyang masiraan kapag nagtangka siyang lapitan ito." Saad ko na tumunggang muli ng vodka. "Magsaya na lamang tayo, party, party, woah!" napapaindak kong sigaw na tumayo. Napatayo na rin ang mga itong dumampot ng shot at sinasabayan akong napapasayaw dito sa table namin. MAG-UUMAGA na nang umuwi kami ng mga kaibigan ko. Nagpahatid naman ako sa condo ni Dwight dahil ayokong umuwi ng bahay para lang makita ang pagmumukha ng Anastasia na 'yon. Pagewang-gewang na nga akong maglakad na naparami ang nainom. Pagdating ko sa tapat ng condo ni Dwight ay natigilan ako na hindi ito naka-lock. Binundol ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko na sunod-sunod napalunok at tila naglahong parang bula ang kalasingan ko. Nangangatal ang kamay ko na maingat na itinulak ang pinto at hindi nga ako nagkamali. Hindi ito naka-lock. Nakapatay naman ang mga ilaw dito sa sala at kusina. Nangangatog ang mga tuhod ko na maingat ang bawat paghakbang na nagtungo ng silid nito. Awang ang labi ko na napalapat ng tainga sa may pinto at pinapinggan siya sa loob. Nanginig ang katawan ko na maramdamang hindi ito naka-lock kaya maingat kong pinihit ang pinto at napasilip sa loob na ikinatuod ko sa kinatatayuan na makita si Dwight. . . na may ibang babaeng kalantari! "Oohhh, Dwight. . . ahhh. . . uhmmm. More, honey." Malanding ungol ng babaeng hubo't-hubad habang karga ito ni Dwight na nakatayo at binabayo nito! Para akong napako sa kinatatayuan at hindi maalis-alis ang paningin sa dalawang pares na panay ang ungulan habang nagpapakasarap sa isa't-isa! Napaatras ako na napatakip ng palad sa bibig ko na hindi ko namalayang napahagulhol akong patakbong lumabas ng unit nito! Alam ko namang wala akong halaga kay Dwight. Dama ko iyon. Kaya nga mahigpit kong tinututulan ang sariling mahulog sa kanya. Pero heto at nagising na lang ako isang umaga na. . . na minamahal ko na siya. At kahit pigilan o kastiguhan ko ang sarili ay alam ko sa puso kong mahal ko na siya. Mahal ko na. . . si Dwight Axelle Madrigal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD