Chapter 8

2042 Words
DWIGHT: PASADO alasdose na ng hatinggabi na makarating ako ng unit ko, mula sa maghapon naming taping sa Tagaytay. Mabuti na lang at dumating doon si Anastasia at hinanap ako. Kahit paano ay may magandang nangyari sa araw kong ito. Nangingiti akong napahaplos sa ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay nakalapat pa rin dito ang malambot na labi ni Anastasia. Fvck! Nakakagigil ang babaeng 'yon. "Hi, babe," malambing bati ng babaeng nabungaran ko ditong naghihintay. Napalis ang matamis na ngiti sa mga labi ko na makita ang babaeng 'to dito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at sinalubong ako na may nakapalapad na ngiti. Hindi ba siya nakakaramdam na ayoko sa kanya? Napailing na lamang ako sa isipan na maalala ang deal namin ng baby ko. Kung 'di ko lang mahal ang babaeng 'yon ay hindi ako papayag pakisamahan ang step sister nito at mangmaang maangan sa lahat. Gustong-gusto ko na nga itong pilipitin sa leeg sa lakas ng loob na lokohin ako. "Bakit ang late mo namang nakauwi, hmm? Nagugutom ka ba, babe?" malambing saad nito na napahalik sa pisngi ko. "I'm fine. Inaantok na ako. Maghinga na tayo," matamlay kong sagot na may kasamang paghikab. Napabusangot naman ito na yumakap sa baywang ko. Kahit labag sa loob ay umakbay na lamang ako para sakyan ito. Kailangan kong tumupad sa usapan namin ni Anastasia para mapapayag ko rin siyang magpakasal kami para sa anak namin. "Sige na. Take a rest, babe. Goodnight." Aniko na pikitmatang hinagkan ito sa noo bago iniwanan sa labas ng pinto ko. Bahala siya sa buhay niya. Wala naman akong pakialam sa kanya kung saan siya matutulog. Basta hwag lang dito sa silid ko dahil sa lahat ng babae ay ito ang 'di ko masikmurang makatabi sa kama. Magahasa pa ako sa kanya. Bagsak ang katawan ko na humiga ng kama. May guest room naman ako sa kabila. At doon tumutuloy ang Adeline na 'yon. Kaya naman pala, unang tingin ko pa lang sa kanya ay hindi na maganda ang kutob ko dito. Dahil kahit anong tago niya ng baho niya ay sumisingaw pa rin ang totoong baho nito. NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang pag-ring ng cellphone ko sa bedside table na katabi ko. "Urghh!" Napasabunot ako sa ulo na masilip na si Ms Tanya na naman ang caller ng kay aga-aga. "Yes?" paos kong pagsagot sa tawag nito. Kapag hindi ko rin naman siya sagutin ay hindi niya ako tatantanan. Gusto ko na ring makawala sa showbiz na kinaroroonan ko. Pagod na pagod na akong kontrolado nila ang bawat kilos ko. Ni hindi ako makapag pahinga ng maayos dahil sa mga naka-schedule kong pictorial at taping. "God, Dwight Axelle Madrigal! Anong oras na!?" Nailayo ko ang aparato na nakadikit sa tainga ko sa malakas na singhal nito mula sa kabilang linya. Napasilip ako ng isang mata sa wristwatch ko at kitang pasado alasyete na ng umaga. "Fvck!" Napabalikwas ako ng kama na sapo ang ulo. Alasyete nga pala ang schedule ko sa pictorial ko ngayon sa BGC sa bagong brand na ako ang ginawang endorser. "Hello, are you listening!? Where the hell are you now, Dwight!?" singhal pa nito. "I'm on my way. Okay? Fifteen minutes, please?" aniko na nakaipit ang aparato sa tainga at balikat ko habang mabilis na naghilamos at toothbrush. Matapos kong maghilamos at toothbrush ay lumabas na ako ng silid. Kailangan pa nila akong ayusan at bihisan sa set na aabot ng thirty minutes kaya putak na naman ng putak ang manager ko. Usapan kasi namin kagabi ay alassais ng umaga, nasa set na ako. Pero heto at alasyete na ay pagayak pa lang ako ng unit. "Good morning! Mag-agahan ka na muna, babe. Nagluto ako, oh?" Paghabol sa akin ni Adeline dito sa pinto. Napasulyap ako sa gawi ng kusina at may mga nakahain na nga doong pagkain. "Um. . . sorry, babe. Late na ako eh, hmm? Kumain ka na lang dyan," agarang pamamaalam ko na hinagkan ito sa noo at mabilis lumabas ng pinto. Napapunas tuloy ako ng mga labi na sinisikmurang halikan ito dahil sa baby ko. ADELINE: TULALA akong napahawak sa noo kong hinagkan ni Dwight. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lamang ang pagsarado ng pinto. "Mahuhulog ka rin sa akin, Dwight. And when that thing happen? Hindi ko na kailangang gamitin ang pangalan ng Anastasia na 'yon para mapaikot ka sa kamay ko. You're going to be mine, Dwight Axelle Madrigal. Mark my words," anas ko na may ngisi sa labing bumalik ng kusina. Nakakainis lang. Gumising ako ng kay aga-aga para maka-order sa mamahaling restaurant ng mga pagkaing inihain ko para sa agahan sana nito pero heto at umalis na siya na 'di manlang tinikman ang handa ko. Mabuti na lang at abala na rin ang Anastasia na 'yon sa business nito kaya walang panahon alamin ang tungkol sa amin ni Dwight. Dahil sa oras na nakialam na ang bruhang 'yon ay masisira lahat ng pinaghirapan ko para makuha ang loob ng isang superstar billionare heir na si Dwight Axelle Madrigal. Nangingiti ako na maarteng kumakain ng mga hinanda ko. Sayang din naman kasi ang mga ito. Isa pa ay masarap naman siya kaya kahit mag-isa lang akong kakain ay ganado pa rin ako. May halik naman ako sa kanya eh. Sapat na 'yon para makumpleto ang araw ko. Sa ngayon. "Konting tiis na lang, Adeline. . . mapapasayo din ang superstar na 'yon," anas ko na napasimsim ng wine ko. Matapos kong kumain at mag-ayos ng sarili ay lumabas din ako ng unit ni Dwight. Maghapon din naman kasi siya sa labas. Ni hindi ko nga alam kung saan na naman ang taping no'n eh. Nakakainis. Pagsakay ko ng kotse ko ay tinawagan ko na si Melai at Sabina na mga kaibigan ko para maghapon na naman sa pagsa-shopping. Dito lang naman ako nakakabawi eh. Ang lustayin ang perang bigay ni Dwight. Hindi naman niya binabawi ang card sa akin at mukhang okay lang ditong ubusin ko ang nasa fifty billion na laman no'n. Ni hindi nga niya ako kinokompronta na halos makalahati ko na ang nailalabas sa card niyang iyon. Imposible namang hindi niya alam gayung konektado sa kanya ang card. "Samahan niyo naman ako, oh? Magsa-shopping tayo," saad ko na makitang sinagot ni Sabina ang tawag ko. "Sorry, girl. Nasa bakasyon ako with my family eh. Hindi ako makasama. Kayo na muna ni Melai," sagot nito na ikinanguso ko. "Fine." Pagkababa ko ng linya ay ni-dial ko ang number ni Melai. Ilang saglit lang naman ay sinagot na nito ang cellphone. "Free ka ba ngayon? Tara, shopping tayo!" masiglang saad ko. "Sorry, Ad. Nasa mall na kasi ako eh. Kasama ko ang boyfriend ko, next time na lang, ha? Si Sabina, kayo na muna." "Leche! Eh nasa bakasyon nga daw eh! Mas gusto mo bang kasama ang hambog na 'yan, kaysa sa akin?" asik ko na 'di ko na napigilan. "Grabe ka naman, porke't bilyonaryong artista ang boyfriend mo eh. Siya na lang kasi ang ayahin mo. Kung hindi mo lang kami friends ay hindi na kami maniniwalang kayo pa eh. Ni wala kayong time mag-date. Ganun ba ang magkasintahan?" pagdadabog naman nito. Napabuga ako ng hangin na nanggigigil ibinaba ang linya! "Mga gwarka kayo! Leche!" asik ko na napahampas sa manibela. Napa-uturn ako na nagtungo na lamang sa kalapit na Bar. Doon na lang ako magpapalipas ng oras. Ayoko namang gumala sa mall na mag-isa. Mas masayang lumabas na may mga kasama. Pagpasok ko ng Bar ay mangilan-ngilan lang ang tao dito. Sa gabi naman kasi malakas ang mga Bar. Pero maigi na rin ito kaysa magmukmok ako na nagpapadakilang girlfriend sa unit ni Dwight at hinihintay ang pag-uwi nitong inaabot pa ng madaling araw. Nagtungo ako ng counter at naupo sa pinakasulok na parte. Lumapit naman ang bartender na may ngiti sa mga labi. "Good morning, Ma'am. Ang aga naman yata nating magwalwal," saad nito na ikinairap ko. "Wala kang paki. Bigyan mo akong alak." Walang emosyong saad ko. "Ano pong klase ng alak, Ma'am? Marami po tayong uri ng alak dito," sagot nitong ikinainit ng ulo ko. "Kahit ano! Basta alak!" asik ko na nahampas ang countertop. Nataranta naman itong ikinuha ako ng vodka at shoting glass na pinagsalin. "Stupido!" asik ko na mailapag nito ang order ko. "Sorry po, Ma'am." Magalang paumanhin nitong ikinairap ko. ILANG minuto din ako na mag-isang umiinom nang may tumabi sa aking tabi. Napasulyap ako dito na napalunok na magtama ang mga mata namin. "Hi, baby girl. Do you think you can escape to me easily, just like that, hmm?" paanas nitong sumimsim sa kanyang shot. Pilit akong ngumiti kahit gustong-gusto ko ng umbagin ang matandang ito. "Ikaw naman, Daddy Theo. Hindi naman ako nagtatago. Abala lang," paglalambing ko na labas sa butas ng ilong. Yumakap ako sa braso nito na naihilig ang ulo sa kanyang balikat. Bwisit na matandang panot na 'to! Paano niya kaya ako nasundan? Kaya nga halos hindi na ako umuuwi dahil alam kong pinapasundan niya ako sa mga tauhan niya. Pero heto at nahanap pa rin ako. Si Don Theo ay isang matandang milyonaryo. Kaya lang naman ako nagtityaga dito dahil binibigay niya lahat ng luho ko. Pero ngayong may Dwight Axelle Madrigal na ako? Pweh! Hinding-hindi na ako magtitiis sikmuraing kahalikan, kayakapan, kalambingan at katalik ang matandang ito para sa pera niya! Parang bumabaliktad ang mga bituka ko na maisip kung ilang beses ko ng naibigay ang sarili ko dito na labag sa loob ko alang-alang sa binibigay niyang pera para sa akin. Kung hindi lang kuripot mamigay si Mommy ng pera ay hindi ko papatulan ang matandang ito na habol nang habol sa akin, bwisit! "Busy, huh? Ni halos hindi ka na mahagilap," saad nito na sinasamyo-samyo ang buhok ko. Napapairap na lamang ako sa hangin na may hilaw na ngiti sa mga labi. Takot din naman ako sa matandang ito. Saka ko lang kasi nalaman na isa pala siyang drug lord kung kailan ilang beses ng may namagitan sa amin. At sobrang malas ko lang talaga na sa lahat ng mga naging kirida nito ay ako ang natipuhan ayaw pakawalan! Hindi ko naman siya maisuplong sa batas sa dami ng koneksyon nito at takot ko na rin para sa sarili. Kayang-kaya niya kasi akong patayin na walang makakaalam. Mahal ko pa ang buhay ko kaya sinisikmura ko ang matandang panot na 'to! "Busy nga, Daddy. Here, ahh," paglalambing ko na nakakunyapit sa braso nito at sinubuan ng slice apple. Tinanggap naman nito iyon na nakisubo pa ang daliri ko. Nakakadiring matanda! Napakalagkit na naman ng mga mata nitong nakatutok sa akin na ikinatatayo ng mga balahibo ko. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang mga tauhan nitong nagkalat sa tabi kaya malabong makatakas na naman ako dito. "Busy pero heto ka at mag-isang umiinom sa Bar, huh?" saad pa nito. Napanguso na lamang akong ikinahaplos naman nito sa pisngi ko. Nandidiri ako sa bawat paghaplos nito sa balat ko pero wala akong ibang pamimilian. Kailangan kong sikmurain ito kaysa naman ang ipapatay niya ako or worsts? Siya mismo ang papatay sa akin. Napapamura na lamang ako sa isip-isip ko na bumaba sa aking mga hita ang palad nito at doon humahaplos habang malagkit na nakatitig sa akin. "D-daddy, hwag naman dito," pagpigil ko sa kamay nitong akmang susuot sa loob ng panty ko! Isa pa ito sa pinaka pinandidirihan ko sa matandang ito. Napakalibog na kahit saang lugar kapag ginustong kumantot ay walang makakapigil! Napakalibog na kay tanda-tanda naman! Amoy lupa at yosi nga maski hininga na nito na tinitiis ko lang para sa pera niya. "Fine. May VIP room naman sila dito eh. Doon na lang tayo total. . . matagal-tagal na rin 'yong huli natin, baby girl. Tara," bulong nito na napapisil pa sa hita ko. Naduduwal at napapamura na lamang ako habang magkayakap kami nitong umakyat ng floor kung saan ang VIP room na kinuha nito. Bwisit naman oh! Kung si Dwight pa ito ay ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pero hindi. Dahil isa lang namang drug lord na matanda, panot, pandak at malaki ang tyan ang kasa-kasama ko ngayon at ang nakakainis ay pagsasawaan na naman nito ang buong katawan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD