Chapter 9

3544 Words
ANASTASIA: KABADO ako habang hinihintay sina Tita Madonna at Daddy na dumating ng bahay. Gusto kong sa akin nila mismo malaman na nagdadalangtao ako. Ayoko namang paabutin sa punto na sa iba pa nila malaman. Isa pa ay willing naman si Dwight na panindigan kami ni baby. Bagay na ipinagpapa salamat ko dahil hindi ko na kailangang maghabol. Napatayo ako na marinig ang hugong ng kotse nilang dumating na. "Relax, Anastasia. Matatanggap ka nila, kayo ni baby," piping usal ko na pinapalakas ang loob. Ilang beses akong napabuga ng hangin para ibsan ang kaba ko habang hinihintay ang pagpasok ng mga ito. Saglit lang naman ay pumasok na silang magkayakap na nagkukwentuhan. Napangiti ako na nakamata sa kanilang dalawa. Napaka-sweet kasi nila kahit abala sila sa trabaho at may edad na rin. "Hija, are you waiting for us?" nakangiting tanong ni Tita na malingunan ako dito. Kimi akong ngumiti na sinalubong na rin sila ni Daddy. "Opo, Tita. Good evening po," sagot ko na napahalik sa kanilang pisngi. "Nagugutom na po ba kayo? Nagluto po ako," nakangiting saad kong mas lalong ikinalapad ng kanilang ngiti at nahaplos ako sa ulo. "Ang sweet naman talaga ng anak natin, honey." Ani Tita na ikinakabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko kasi ay may ibang ibig sabihin ang pagtawag niya ng 'anak natin' sa akin. Alam ko naman na anak ang turing sa akin ni Tita. Pero. . . parang may laman lang ang salita niya ngayon. "Kanino pa ba 'yan magmamana? Eh 'di sa ating mga magulang din, hindi ba, honey?" ani Daddy na pilit kong ikinangiti. "Magbihis na po kayo dun, Dad, Tita. Maghahain na po kami," saad kong ikinangiti at tango ng mga ito. Tumalikod na ako na malalaki ang hakbang na pumasok ng dining. Napahawak ako sa tapat ng dibdib kong sobrang bilis ng kabog! Napabuga ako ng hangin na nagsalin ng tubig sa baso at kaagad ininom iyon. Pakiramdam ko ay nauhaw ako bigla sa usapan nila Dad at Tita. Naipilig ko ang ulo na napapaisip. Maayos naman ang naging pagsasama nila Daddy at Mommy. Wala nga akong nasaksihan na nagkasagutan sila. Pero ngayon ay kapansin-pansin na mas masaya ang Daddy kay Tita Madonna. At aminado akong may kurot sa puso ko ang bagay na 'yon dahil. . . parang ang labas ay mas minahal ni Daddy si Tita kaysa sa sarili kong ina. Wala namang kaso sa akin na nag-asawang muli si Daddy at ang bestfriend pa ni Mommy. Dahil isang taon naman ang pinalipas nito bago muling nag-asawa. Isa pa ay wala naman akong maipupuna kay Tita Madonna dahil nagpapakaina ito sa akin. Nakaharap man o nakatalikod ang Daddy sa amin. Na tipong mas anak pa ang turing niya sa akin kaya inggit na inggit si Adeline sa akin. Pilit akong ngumiti na naghain na lamang. Ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay. Lalo na't may importante akong sasabihin sa kanila. Ilang minuto lang ay pumasok na rin ang mga itong bagong bihis na. "Maupo na po kayo," alok ko na lumapit sa kanilang silya. "Thanks, sweetie. We really appreciate your efforts, anak." Ani Daddy na pinaghila ko ng upuan. "Wala po ito, Dad. Masaya ho akong pagsilbihan ko kayo, kahit sa mga simpleng bagay," nakangiting sagot ko na ipinaghila din si Tita ng silya. "Thank you, hija." Malambing saad nito na hinaplos pa ako sa pisngi. Umikot na rin ako sa harapan nila at naupo sa silya ko, matapos ko silang ipaglagay sa kanilang plato ng makakain. Masaya kaming naghahapunan nang may pumasok na supistikadang babae dito sa dining. Sabay-sabay pa kaming napalingon dito at biglang umasim ang mukha ko na makita ang babaeng ito. Akala mo naman kung sino sa mga brandeng kasuotan mula ulo hanggang paa. Pero nagmula naman sa pagnanakaw at panglalamang sa kapwa ang pinambibili ng mga luho. "Oh, what a great family get together!" sarkastikong saad nito na napapalakpak pa ng palad. Napakalapad ng ngisi nito na isa-isa kaming ginawaran ng nang-uuyam na tingin dito sa dining table. Nang magtama ang mga mata namin ay mas lalong lumapad ang ngisi nito na nagtaas pa ng isang kilay. "You must be celebrating right now, Anastasia. Kuhang-kuha mo ang buong pamilya na inaasam mo, right?" sarkastikong saad nito. Kimi akong ngumiti na nagkibit ng balikat. "Of course, Adeline. Masaya ako kasi. . . may buong pamilya akong inaalagaan eh. How about you? You look happy and contented of what you have," sagot kong ikinatawa nito. "A, huh? Perfectly said, sisteret. Masaya ako. Sobrang saya ko nga eh. Boyfriend ko ba naman ang isang. . . bilyonaryong superstar na willing ibigay lahat ng kailangan ko." Buong kumpyansang saad nito. "What are you saying, Adeline? Sino naman itong lalakeng tinutukoy mo?" kunot ang noong tanong ni Tita Madonna dito. Lumapit naman si Adeline na maarteng pumulot ng tinidor at tinusok-tusok ang buttered chicken na luto ko. "Well, siguro kasi. . . wala kayong pakialam sa akin, Mom. Kaya wala kayong kaalam-alam sa mga nangyayari sa sarili niyong anak. But it's fine with me. Masaya ako kaya hwag niyo na akong alalahanin pa. Oops. . . wala nga pala kayong pakialam sa akin," pang-uuyam nito na pabalang binitawan ang tinidor. Nilaro-laro lang nito ang ulam na niluto ko. Napaka-immatured niyang mag-isip. "Adeline." Madiing sambit ni Tita dito. "Enjoy your dinner, guys. Dumaan lang naman ako para ipakita sa inyong masaya ako sa buhay ko." Anito na bumaling sa aking may ngisi sa mga labi. Napataas ako ng kilay na napangisi din dito at nakipagtagisan ng nang-uuyam na tingin. "See, Anastasia? Wala ka naman talagang panama sa akin eh. Kaya itong bahay at pamilya na inaasam-asam mo, kasali ang Mommy ko? Sa'yong-sa'yo na, sisteret. Wala na akong. . . pakialam," pang-uuyam nito na maarteng napa-flip ng alon-alon nitong buhok. Naiiling na lamang akong napasunod ng tingin ditong pakembot-kembot na naglakad palabas ng dining room. "Go ahead, Adeline. Enjoy-in mo na ang nalalabing oras na meron ka, sa pagpapanggap mo bilang ako," piping usal ko na napapangisi. "Kumain na lamang tayo. Sayang ang pagkain," ani Daddy na ikinatango namin ni Tita. MATAPOS naming maghapunan ay sinamahan ko ang mga ito sa sala. Mabuti na lang at umalis din ang Adeline na 'yon, matapos magmayabang sa amin. "Uhm. . . Dad, Tita, may sasabihin po sana ako eh," paninimula ko. Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagkatinginan naman ang mga ito na bakas sa kanilang mga mata ang kasabikan sa sasabihin ko. Hindi ko tuloy malaman kung paano magpatuloy sa nais kong sabihin. "Yes, hija? May sasabihin ka ba?" nakangiting pag-untag sa akin ni Tita. Napapakamot ako sa ulo na pilit ngumiti sa mga itong matiim na nakatitig sa akin. "Uhm. . . Hindi ko po alam kung matutuwa kayo o hindi sa sasabihin ko. Pero. . . b-buntis ho ako," nakayukong pag-amin ko. "What?" ppanabay nilang bulalas at dama ko ang matiim nilang pagkakatitig sa akin. Tumulo ang luha ko at dama ang panginginig ng katawan ko. Nahihiya ako sa kanila pero ayoko namang sa iba nila malaman ang sitwasyon ko. Naramdaman ko naman ang paglapit nila na naupo sa magkabilaang gilid ko at hinaplos ako sa ulo. Naisandal ko ang ulo sa balikat ni Tita na napaakbay sa akin. "Shh. . . don't cry, hija. Makakasama 'yon sa'yo." Mahinahong pag-aalo nito. Napangiti ako na patuloy sa pagtulo ang luha. "Hindi po ba kayo galit o disappointed sa akin?" "No. Of course not, hija." Kaagad nitong sagot na pinahid ang luha ko. "Bakit po ba ang bait-bait niyo sa akin, Tita?" Natigilan ito na napasulyap kay Daddy. Lumarawan ang pagkabahala sa magandang mukha nito na tila nagpapasaklolo ang mga matang napatingin sa ama ko. "Anong plano mo, anak? Paano ang ama niyan," pag-iiba ni Daddy na ikinaayos ko ng upo. Pilit akong ngumiti na napahaplos sa impis ko pang tyan. Nakamata lang naman ang mga ito sa akin na naghihintay ng sasabihin ko. "Pananagutan po kami ni Dwight, Dad, Tita. Wala naman pong problema sa bagay na 'yan." Pagtatapat ko. Lumarawan ang kaguluhan sa kanilang mga mata na nagtatanong. Napahinga ako ng malalim na ngumiti sa mga ito. "Si Dwight Axelle Madrigal ho, siya ang nakabuntis sa akin. Nagkita po kami kanina at napag-usapan ang pagdadalangtao ko. Willing naman po si Dwight panagutan kami ni baby. Gusto ko lang pong sa akin niyo malaman ang mga nagaganap sa akin," maalumanay kong paliwanag na ikinatango-tango ng mga ito. "Kung gano'n ay dalhin mo dito si Dwight, anak. Para makausap din namin siya ng Tita mo ng masinsinan," ani Daddy na ikinatango at ngiti kong napahawak sa kamay nito. "Opo, Dad. Salamat po sa pag-unawa niyo sa akin." Maluha-luha akong nakatitig ditong napangiti na hinaplos ako sa ulo. "Mabuti kang anak, Anastasia. At responsable. Nakakatiyak kami ng Tita Madonna mong magiging responsable ka ring asawa at ina ng magiging apo namin," nakangiting saad nito na hinaplos pa ang tyan ko. "Daddy." "Hay, hwag kang umiyak, anak. Makakasama 'yon sa katulad mo," natatawang saad naman nito na ikinalabi kong niyakap ito. Hinahagod-hagod naman ni Tita ang likuran ko na lalong ikinapanatag ng loob at isipan ko. Para akong nabunutan ng tinik na nakatarak sa diddib na mailabas ko ang saloobin ko sa mga ito. Napakaswerte ko pa rin dahil meron akong understanding parents na masasandalan sa lahat ng oras. LUMIPAS ang mga araw na nagpatuloy ako sa daily routine ko. Ang kaibahan lang ngayon ay palagi akong kinukulit ni Dwight sa cellphone. Maya't-maya ang pagtawag nito na hindi ako tinatantanan hangga't hindi ko siya sinasagot. Katulad na lamang ngayon. Nandidito kami sa park na gabing-gabi. Nakakulong sa kotse dahil may mangilan-ngilan pang tao sa paligid. Hindi naman kasi basta-basta nakakalabas si Dwight dahil dadagsahin siya ng mga tao, oras na makilala siya. "Hindi ka ba pagod sa maghapon mong trabaho?" tanong ko habang yakap-yakap ako nito. Nagsisiksikan tuloy kami dito sa front seat ng kotse nito dahil ayaw namang maupo sa kabila. "Pagod. Pero nung nakita na kita, naglahong parang bula ang pagod ko, baby." "Tsk, 'wag ako, Dwight. Hindi uubra ang mga ganyang banat mo," ingos kong inalis ang kamay nitong nasa hita ko. Napahagikhik naman itong sumubsob sa leeg ko at muling yumakap sa baywang ko. "Inaantok na ako," reklamo ko. Totoo naman kasing inaantok na ako. Napapansin ko nga na madalas ay antukin ako ngayon. Dala marahil ng pagbubuntis ko kaya marami na ang nagbabago sa katawan ko. Naging maselan na rin kasi ako sa pagkain kahit sa pang-amoy. Madalas ay mabigat ang katawan ko at gusto na lamang humilata sa buong maghapon. Hinahanap-hanap ko rin si Dwight kaya kinakakulitan ko ito sa cellphone kahit nasa taping ito. "Magpahinga ka na muna, baby. Ditonna muna tayo. Gusto kitang ma-solo eh," paglalambing nito na ipinaunan ako sa kanyang braso bago ini-slide ang upuan pahiga. "Hwag mo akong mamanyakin," pagbabanta ko pa na napapahikab. Napabungisngis naman ito na ikinakurot ko sa baywang nito. "Parang wala kang tiwala ah," pagtatampo nito. "Hay, Dwight. Wala talaga," ingos kong ikinahagikhik nito. "Grabe ka sa akin, hindi naman ako namimilit ng babae," nguso nito. "Hindi nga. Pero manyakis ka. Tignan mo nga 'yang kamay mo? Nakadakma na naman sa s**o ko, manyak ka," ingos ko na inalis ang kamay nitong nakasapo sa kanang dibdib ko. Napabungisngis naman itong niyakap na lamang ako at makailang beses hinagkan ako sa noo na ikinangiti kong napapikit at nagsumiksik sa dibdib nito. Nakatagilid tuloy kami paharap sa isa't-isa habang magkayakap dahil may kalakihan siyang lalake. Ang sikip tuloy ng espasyo namin. Pero kakatuwang gustong-gusto ko ang posisyon namin. Na kasama ko itong matulog habang nakakulong ako sa bisig nito. DWIGHT: "Damn," mahinang mura ko na hindi mapigilan ang sariling hagkan ito. Fvck! Hindi ko kayang panoorin lang siyang nahihimbing sa bisig ko. Kung ibang babae lang ito ay kanina pa kami paulit-ulit umaakyat ng langit. Pero si Anastasia? Heto at kahit halik ay pinagdadamot sa akin. Nangingiti akong marahang hinaplos ito sa pisngi at panaka-nakang hinahagkan sa buong mukha, lalo na sa mga labi nitong nakakatakam. Manipis at mapula ang mga iyon na tila nagpapaanyaya lagi sa paningin ko ng isang masarap na halik! Ngayon ay naiintindihan ko na ang pakiramdam nila Collins at Devon na mga matalik kong kaibigan na nagpakatito sa pagiging gago magmula noong mahanap na ang babaeng nakapag patibok ng kanilang puso. Nabulag ako sa pagmamahal ko kay Cathleen na childhood sweetheart ko kaya naman 'di ko na nagawa pang umibig sa iba. Oo nga't kaliwa't-kanan ang mga nakaka-fling ko pero wala naman sa kanila ang nakapag patibok ng puso ko. Si Anastasia pa lang. Na unang kita ko pa lang sa kanya sa Bar ay nakuha na kaagad nito ang attention ko. "Uhmm," mahinang ungol nito. Mariin akong napapikit na dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito at bistado niya akong hinahagkan siya sa mga labi. "Dwight!" tili nito na nakurot ako ng pinong-pino sa braso. "Urghh! Baby, masakit. Halik lang naman eh," impit kong daing. "Nakakainis ka talaga!" asik pa nitong ikinabungisngis ko. "Sorry na, baby. Masyado kang maganda para panoorin lang kita," kindat kong ikinalapat nito ng labi na pinamulaan ng pisngi. Kinabig ko ito sa baywang padiin sa akin na sunod-sunod nitong ikinalunok. "Do you feel me, baby?" anas ko na mas idiniin ang sarili dito. Napasinghap ito na lumamlam ang mga mata. Damang-dama kasi niya ang katigasan ko dahil kanina pa nagwawala ang alaga ko sa loob ng pants ko. Pero ayoko namang piliting mag-love making kami nito na labag sa kanyang loob. "D-Dwight, naman. Ano ka ba," nahihirapang anas nito na pilit nilalayo ang sarili. Mas kinabig ko pa ito at muling siniil siya sa kanyang mga labing ikinapisil nito sa baywang ko. Ramdam kong natigilan ito at kabado kaya dahan-dahang naging masuyo ang paghalik ko dito. "Uhmm. . . D-Dwight," mahinang ungol nito sa salitan kong pagsipsip sa kanyang mga labi. Napakatamis ng mga labi nito kahit na hindi siya marunong tumugon. Napayakap ako dito na mas pinag-igihan ang panghahalik ko ditong napapaungol at tugon na rin. Bagay na ikinangingiti ko sa isip-isip. "Your lips tasted so sweet, baby. Your effect to me is like a drugs. Hinahanap-hanap ka ng sistema ko," nahihirapang anas kong ikinahagikhik nito. "Damn, baby. What's funny?" ingos ko. "Tigilan mo ako, Madrigal. Gusto mo lang maka-score," ingos din nitong ikinalapat ko ng labi. Pinaniningkitan pa ako nito na tila sinasabi ng mga mata nito ang katagang 'see?' "Tss, pwede ko naman gawin 'yon eh. Girlfriend kaya kita." Malutong itong napahalakhak na ikinabusangot ko. "Hoy, hindi mo ako girlfriend, noh? Hindi pa ako pumapayag," ingos nitong natatawa. "Dala-dala mo nga ang panganay ko eh." "Sigurado kang panganay mo ito? Sa landi mong 'yan?" pag-uusisa pa nitong lalong ikinabusangot ko. "Grabe ka naman makahusga sa akin. Hindi naman ako tanga para ikalat ang lahi namin, noh?" Napalapat ito ng labi na nagpipigil mapangiti. Nanatili naman akong nakabusangot lalo na't nakatitig ito sa akin. "Nagtatampo ka ba?" "Hindi. Tuwang-tuwa nga ako eh." Pabalang sagot kong ikinahagikhik nito. "Sorry na, ito naman." Hindi ako umimik para masubukan ang pasensiya nito. Napapanguso naman itong nakamata sa akin na nakabusangot pa rin. Iniiwasang magtama ang mga mata namin. "Sorry na, huy?" untag nito na pinisil pa ang ilong ko. "Ewan ko sa'yo." "Ito naman, ang arte." Lihim akong napangiti na pinaghahalikan ako nito sa buong mukha. Iniwasan talagang halikan ako sa mga labi. Ngumuso akong ikinahagikhik nitong mariing hinagkan ako sa mga labi. "Happy?" sarkastikong tanong nitong ikinalapat ko ng labing niyakap ito at sumubsob sa dibdib nito. "Yes. Super duper happy, baby. Kasama ba naman kita." "Wag ako. May babae ka ngang nakatira na sa unit mo eh." "Ikaw itong may kagustuhan na nandoon siya. Kung ako lang, matagal ko na 'yon sinipa palabas," ingos kong ikinahagikhik nitong yumakap sa akin. Lihim akong napangiti na niyakap din ito at hinahalik-halikan sa ulo. "Basta hwag mo siyang ikakama, ha?" ungot pa nito na napapahikab na naman. Pansin ko ngang antukin siya. Marahil dala ng pagbubuntis nito kaya palagi siyang inaantok. Madalas nga ay magkausap pa lang kami sa cellphone ay nakaidlip na ito. "No way. Hindi ko nga siya hinahalikan sa mga labi eh. Sinisikmura ko lang na nakikita siya doon. Para sa'yo." Nakagat ko ang ibabang labi na hinihintay ang sagot nito. Pero ilang minuto na ay hindi pa rin ito sumasagot na ikinasilip ko ditong. . . nakaidlip na! Napapakamot na lamang ako sa ulo na inayos ang pgkakahiga nito habang nakaunan sa braso ko. Mas gusto ko namang nagsisiksikan kami ng mahal ko dito sa kotse. Kaysa ang umuwi sa unit at makasama ang step sister nitong palaging naglalambing at hindi marunong makaramdam. Kung hindi lang kay Anastasia ay pinakulong ko na ang babaeng 'yon sa panlilinlang sa akin. KINABUKASAN ay maaga ako sa studio kung saan ang pictorial ko ngayong araw. Nakakatampo ang Anastasia na 'yon. Iwanan ba naman ako sa kotse, matapos pakinabangan ang init ng katawan kong nakayakap sa kanya sa buong magdamag. Kung wala lang akong schedule ngayon ay susundan ko siya sa bahay nila eh. Nakanguso ako na hinihintay tawagin ako ng mga staff nang bumukas ang pinto at niluwal no'n ang babaeng ikinaasim ng mukha ko. Para itong reynang naglakad palapit sa gawi ko na may mga staff pang nakaalalay. "Hi, babe. Are you busy?" malambing tanong nito na makita akong nagbabasa ng magazine. "Yeah," tipid kong sagot na 'di na nilingon pa ito. Sinenyasan naman nito ang mga staff na iwanan muna kami dito sa dressing room na nakalaan sa akin. Naupo ito sa katabi kong sofa na napapangusong nakamata sa akin. "Hindi ka yata umuwi kagabi?" malambing tanong nito. Napahinga ako ng malalim na nanatiling sa magazine nakamata. Kita ko naman sa peripheral vision kong nakanguso ito na nakatitig pa rin sa akin. "Yeah, madaling araw na kaming natapos sa taping kahapon. Dito na ako natulog," alibi ko. Mukha namang naniwala ito at napatango-tango sa isinagot kong lihim kong ikinangiti. Maya pa'y muling bumukas ang pinto at niluwal no'n si Ms Tanya. "Hello, Ms Tanya. Good morning!" masiglang pagbati ni Adeline ditong tinanguhan lang nito. "Dwight, meet your new personal assistant from now on." Anito na ikinalingon ko dito. Nangunotnoo ako na napatitig sa kasama nitong babae na napaka-nerd ng itsura. Mula sa converse shoes nito, mahabang palda na bulaklakin ang disenyo, blouse at malaking headband. May suot pang malaking round reading glasses, nunal na bilog sa pisngi, makapal ang mga kilay na tila namamaga ang gums sa pagkakabukol no'n. "Ew! Iyan ang ibibigay niyong PA ng boyfriend ko? Eh parang taong grasa na 'yan ah!" maarteng saad ni Adeline na ikinataas ng kilay ni Ms Tanya dito. "Siya ang napili kong maging PA ni Dwight. May problema ba tayo doon?" may katarayang tanong ni Ms Tanya dito. Napangiwi naman itong muling pinasadaan ng nandidiring tingin ang babaeng kasama ni Ms Tanya. "Wala na bang ibang pamilian, Ms Tanya?" "Marami. Pero siya ang gusto ko." Napalingon ito sa akin na namimilog ang mga mata. "What?" painosenteng tanong ko. "Seriously? Okay lang sa'yong ang Manang na 'to ang magiging personal assistant mo?" tila 'di makapaniwalang tanong nito. Napatitig ako sa babaeng kasama ni Ms Tanya na napailing at mahinang natawa na lamang na napakindat ito sa akin. Unang pasok pa lang ay kabisado ko na ang prehensya at pabango niya. Aangal pa ba ako? Siya na ang gumawa ng paraan para kasa-kasama ako maging sa trabaho. Bagay na lihim kong. . . ipinagdidiwang sa loob-loob ko. "Yeah. She's fine for me. Ayaw mo no'n? Hindi maganda, sexy at malandi ang PA ko?" baling ko kay Adeline na napabusangot na naupo sa tabi ko. "Fine. Siguraduhin mo lang na hwag 'yan nagdididikit sa'yo. Mahawaan ka pa ng ka-nerd-an niya." Mahinang saad nitong nakabusangot pa rin. Tumayo na ako na lumapit kina Ms Tanya at Anastasia. Naglahad ako ng kamay na nangingiti dito. "Hi, I'm Dwight Axelle Madrigal. Nice meeting you Miss beautiful." Malambing saad ko. "Hello po, S-sir." mahina at nauutal nitong sagot na tinanggap ang kamay ko. Nangingiti at iling lang naman si Ms Tanya sa akin na ikinakindat ko dito. "Uhm, Adeline?" baling nito sa babae sa likuran kong prenteng nakaupo. "Let's go. Kailangan na ring maayusan ni Dwight." Anito. "What? Kadarating ko pa nga lang eh. Hindi ba pwedeng dito na lang ako?" reklamo nito. "Be professional, Adeline. Nasa trabaho si Dwight. So, please? Hwag kang pasaway dito. Kahit kasintahan ka pa ni Dwight ay hindi ako magdadalawang isip na itaboy ka," pagmamaldita ni Ms Tanya ditong ikinaikot ng mga mata ni Adeline. "Fine." Sumusukong pagsang-ayon nito na padabog na inabot ang bag. "Maaga ka bang uuwi ngayon, babe?" malambing baling nito sa akin. "I don't know. Maybe? I'm not sure," balewalang sagot ko. "I'll wait for you, babe. Agahan mong umuwi, ha?" paglalambing pa nito. Napayakap pa ito na madiing humalik sa pisngi ko bago nagpaalam. Nangingisi naman si Anastasia na hindi nito napapansin. "Let's go, Adeline." Ani Ms Tanya na nagpatiuna nang lumabas ng silid. Pagkasarado ng pinto at hinapit ko ito sa baywang na mabilis niyakap. Napahagikhik naman itong yumakap sa baywang ko at napatingala. "What's this, ha?" aniko. "Wala. I just want to be with you. Bakit ba?" nguso nitong ikinakabig ko sa batok nito at siniil siya sa mga labing impit na napapatili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD