Chapter 7

2399 Words
ANASTASIA: TULALA akong lumabas ng banyo dala ang pregnancy test ko. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang katotohanang buntis ako pero tila hindi iyon mag-sink in sa utak ko. Para akong nakalutang sa alapaap na naglalakad sa kawalan. "Buntis ako? Paano na?" piping usal ko na napahilamos ng palad sa mukha. Napakalaking kahihiyan ang kahaharapin ko at ng pamilya ko sa oras na lumaki ang tyan ko at walang magpapakitang ama ang anak ko. Hindi pwede. Hindi ko na kayang mabigyan muli ng kahihiyan ang mga magulang ko. Napasandal ako ng swivel chair ko na mariing napapikit habang haplos ang impis ko pang tyan. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa anim na linggo pa lang ang fetus sa tyan ko. "Kapit lang, anak ko. Ipaglalaban natin ang ama mo," anas ko na wala sa sarili. Naalimpungatan ako at parang biglang nabuhay ang natutulog kong diwa sa naisatinig kong iyon. Nakagat ko ang ibabang labi sa naiisip. "Bahala na. Siguro nga. Oras na para harapin ko ang ama mo, anak." MULI din akong lumabas ng shop at binagtas ang kahabaan ng EDSA. Napapakagat ako ng ibabang labi na hindi malaman kung saan hahagilapin ang Dwight Madrigal na 'yon. Ni hindi ko nga alam kung nandidito siya ngayon sa bansa. Basta ang alam ko lang sa kanya ay sikat itong modelo at actor ng bansa at higit sa lahat? Babaero. At ang malas ko lang na isa ako sa mga naputukan niya. Ngayon tuloy ay dala-dala ko ang anak niya. Nakakainis! Kung bakit naman kasi sa playboy na 'yon pa ako napunta? Panay ang buga ko ng hangin habang nandidito sa loob ng kotse. Nasa Tagaytay ako ngayon dahil nakita ko online na nandidito si Dwight na kasalukuyang kinukunan ng ilang eksena sa movie nito. Mahigpit kasi ang seguridad ng paligid ng resort na kinaroroonan nito. Nakabantay din ang media at mga die hard fans niya na matyagang naghihintay lumabas si Dwight. Nakaka bwisit. Hindi ko ugaling mag-stalk ng mga artista pero. . . dahil binundat ako ng Madrigal na 'yon ay wala akong pamimilian. Ayoko namang lumabas na bastardo ang anak ko. Kahit lasing kami noong may mamagitan sa amin ay karapatan pa rin ng baby ko ang makilala ang ama niya. Sana lang ay hindi ako ipagtabuyan nito. Lakas loob akong lumabas ng kotse at napalinga-linga sa paligid. Masyadong maraming tao ang nandidito kaya nakakahiyang mag-iskandalo ako. Pero paano ko naman kaya makakausap si Dwight kung 'di ako eeksena? "Naman oh!" Napapadyak ako ng mga paa na nagdadabog. Sa higpit ng bantay niya ay alanganin pang makita o makausap ko ito ngayong araw. Hindi naman ako pwedeng buntot lang ng buntot dito kung saan siya magawi. Akmang babalik na ako ng sasakyan ko nang may mahagip ang paningin ko na pamilyar na bulto ng lalakeng ikinalunok ko. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko habang nakamata sa likuran nito. Naka-hoddie black ito at black sweat pants na nakapamulsang naglalakad sa gawi nitong parking. "Gotcha," bulalas ko na napasunod dito. Habang palapit ako nang palapit sa likuran niya ay palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko! Bahala na. Kakapalan ko na lang ang mukha ko para sa anak namin. Hindi ko naman siya pipikutin. Ayoko namang mamilit ng lalake para lang mahalin ako. Gusto ko lang malaman niya at makuha ng anak ko ang karapatan nito sa kanya, bilang ama ng anak ko. "D-Dwight," nauutal kong pagpigil sa braso nito. Nanigas ito na natigilan sa pagpigil ko. Akma kasing bubuksan na nito ang pinto ng kanyang itim na sportcar. "I'm not one of your fans, but. . . can we talk? M-may importante akong sasabihin eh," lakas loob kong saad. Dahan-dahan itong lumingon na ikinasalubong ng mga mata namin. Naka-facemask pa ito pero ang mga mata niya. Kilalang-kilala ko. Naipilig nito ang ulo na bakas ang kagulatan sa kanyang mga mata na mamukhaan ako. Hindi ko tuloy malaman kung paano siya ngingitian. Napalinga ito sa paligid na tila naalarma bigla. "Hop in, baby," anas nito na mabilis akong isinakay ng kotse nito. Sunod-sunod akong napalunok na namimilog ang mga mata. "Baby? Tinawag niya akong baby? Namumukhaan ba niya ako?" piping usal ko. "Seat belt, baby." Para akong robot na de battery na napasunod sa sinaad nito. Mabilis nitong pinaharurut ang kotse palabas na hindi namamalayan ng mga taong naghihintay sa kanya na nakalabas na ang taong hinihintay nila. Bigla naman akong inusig ng kunsensya ko. Matyaga silang naghihintay doon kahit mainit. Tinitiis ang pagod, gutom at uhaw makita lang ito pero. . . heto at palayo na sa kanila na 'di nila namamalayan. "Hey?" untag nito. "Huh?" Napahalakhak naman ito na ikinakurap-kurap ko. Saka ko lang napansin na nasa harapan na pala kami ng taal. Tahimik dito at walang masyadong tao sa paligid. Napatitig ako dito na matamang ding nakatitig sa akin na may ngiti pa sa mga labi habang namamangha ang mga mata. "Ahem! Hwag mo nga akong titigan ng ganyan," ismid kong ikinahagikhik nito. Napalapat ako ng labi. Dama kong sobrang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko. Napahinga ako ng malalim na mariing napapikit. Ramdam ko naman ang mga mata nitong matiim pa ring nakatitig sa akin na tila kinakabisa ang itsura ko. "Uhm. . . m-may sasabihin kasi ako eh. Kaya hinanap kita," paninimula ko na nauutal pa ang boses. Napapamura na lamang ako sa isipan ko dahil parang naninigas ang dila ko sa kaba na nadarama. "Say it, baby." Napatitig ako dito na nakaharap naman sa akin. "N-naalala mo ba ako?" tanong ko. "Yeah. Ang babaeng matapos akong laspagin ay iniwan na lamang sa ere at nagpadala ng peke para hindi ko na siya mahanap. Pero malas mo lang dahil pinagtagpo tayong muli ng tadhana hanggang sa. . . makilala na kita," walang prenong saad nitong ikinaawang ng bibig ko. Mangha akong nakatitig dito na hindi malaman kung anong unang itatanong sa mga sinaad niya. Naiiling pa itong nangingiting kakamot-kamot sa batok. "A-anong ibig mong sabihin?" Lihim akong napangiti na naisatinig ang nasa isipan ko habang nakamata pa rin dito. Napanguso naman ito na pinapakibot kibot pa. Parang batang nagtatampo ang itsura. "Hindi mo ako mamukhaan? Nagkita tayo sa resort ko noong nakaraan ah. Binulabog mo pa nga ako sa byahe ko, 'di ba?" saad nitong ikinamilog ng mga mata ko. "Ikaw 'yong kapitbahay ko sa resort!?" gimbal na bulalas kong ikinahalakhak nitong nagkamot sa ulo at napatango-tango. "Bwisit ka! Matapos mo akong wasakin, pumasok ka na naman sa ibang kweba!? Ang babaero mo talaga! Kadiri ka!" sunod-sunod kong asik na nakukurot na ito kung saan-saan. Malutong naman itong napahalakhak na sinasalag ang kamay ko. Nanggigigil akong tapyasan ang balat nito na mapagtatantong siya ang lalakeng manyak na 'yon! Nakakainis! Siya ang nakakuha ng virginity ko pagtapos kinabukasan ay may bago na naman siyang binayo at nasaksihan ko pa mismo! "Ouch, tama na, baby. Ang sakit," daing nito. Nanggigigil naman akong binitawan ang braso nitong kurot-kurot ko. "Bwisit ka! Manyak!" asik ko pa. Natawa lang naman itong nahahaplos ang magkabilaang braso na pinagkukurot ko. "Sorry na, ito naman. Hindi na 'yon naulit." "Maniwala sa'yo. Sa kati mong 'yan?" Napahagikhik itong ikinabaling ko sa bintana para ikubli ang ngiti ko. Biglang gumaan kasi ang mga bagay-bagay sa aming dalawa. Hindi na nakakailang. 'Di tulad kanina. "Ahem! Ano nga 'yong sinabi mong may pinadala akong peke? Anong ibig mong sabihin don?" tanong ko na maalala ang sinaad nito sa ilang minuto naming katahimikan. Napatikhim din itong hinarap ako. Matapang kong sinalubong ang mga mata nito na napaseryoso. "Bakit, hindi ba? May pinadala kang babae sa room natin noon na naabutan ng mga tao ko. Nagpakilala siyang ikaw siya kaya nasa kanya ang black card na dapat para sa'yo." Natigilan ako na naipilig ang ulo. Pilit pinagtatagpi-tagpi ang mga bagay-bagay hanggang sa sumagi si Adeline sa isipan ko. Naikuyom ko ang mga kamao na naningkit ang mga mata. Ang babaeng 'yon. Kung gano'n ay nagpanggap siyang ako para maloko at makalapit kay Dwight? At ang perang nilulustay niya ay malamang. . . pera ni Dwight na dapat ay sa amin na ni baby! "Hey, are you mad?" anito na ikinakurap-kurap ko. Nakahawak na pala siya sa kamay ko na mahigpit na nakakuyom. Napalunok ako na napatitig sa kamay nitong hinahaplos ang kuyom kong kamao. "Hindi ko siya pinadala. Hindi ko rin alam kung paanong nandoon siya. Pero siya ang dahilan kaya nalasing ako. Sinet-up nila ako ng mga kaibigan niya sa Bar kaya nahilo ako at nawala sa sarili nung gabing iyon. I'm sorry. Babawiin ko ang pera mo at ibabalik sa'yo." Saad ko habang nakatitig ng matiim sa kanyang mga mata. Kimi itong ngumiti na matiim ding nakikipagtitigan. "Wala namang kaso sa akin ang pera. Akala ko kasi, ikaw 'yon eh kaya hinayaan ko. Until one day dumating siya sa unit ko at nagpakilala bilang Anastasia. I remembered your name. But not your face. 'Yan lang ang palatandaan ko sa'yo," anito na nginuso ang dibdib ko. Napalunok naman akong napasunod ng tingin sa dibdib ko at napangiti na makuha ang tinutukoy nito. Ang nunal ko sa pagitan ng dibdib ko. Kitang-kita kasi ito ngayon dahil sa lalim ng v-line ng suot kong fitted black strapless dress. "Pero. . . bakit mo siya pinakilalang kasintahan mo, kung alam mo naman palang hindi siya ako?" takang tanong ko na napatitig ditong napanguso. "Bigla siyang sumulpot sa presscon ko eh. She introduced herself as my girlfriend. Ayoko namang mamahiya kahit labag 'yon sa loob ko. Isa pa ay masisira ang imahe ko, kung ipagtatabuyan ko siya at itanggi sa lahat. Kaya pinagbigyan ko na," paliwanag nitong pagak kong ikinatawa na napailing. "So desperate, Adeline," anas ko. "Adeline?" ulit nitong tanong na ikinatango-tango ko. "Yeah. She's Adeline. My. . . step sister," sagot kong ikinamilog ng mga mata nito. "Step sister?" bulalas nito. "Yeah. Wait. . . kung gano'n. . . kinakama mo din ba si Adeline, ha?" paasik ko na nahampas ito sa braso. "Aray! Baby, naman. Bakit ang hilig mong manakit?" ingos nito na napabusangot. Napalapat ako ng labi na nagpipigil mapangiti. "Sagutin mo ang tanong ko," ingos ko rin. "Hindi ko siya ginagalaw. Hindi pa," sagot nito na ikinanlaki ng mga mata ko. "Hindi pa!? May balak kang galawin siya!?" sikmat ko na nakurot na naman itong napaiktad at halakhak. "Baby, masakit. Ito naman. I'm just kidding." "Ayusin mo kasi!" "Hwag kang manigaw. Hindi naman ako bingi. Ang tapang naman ng baby kong 'yan." "Tsk. I'm not your baby." "Eh, ano pala, hmm?" ILANG minuto din kaming natahimik na nakamata sa kaharap naming tanawin. May ngiti sa mga labi na nagpapakiramdaman sa isa't-isa kung sinong unang magsasalita. Napahalukipkip ako na napailing-iling na lamang sa isipan ko. Ngayong alam ko na ang laro ni Adeline ay madali ko na siyang masisingil sa mga pinaggagagawa niya. Paano ko ba babawiin sa isang iglap ang bagay na kinuha niya sa akin? 'Yong tipong asang-asa na siya at mataas na ang kinalalagyan saka ko siya biglang puputulan ng pakpak. Hindi ko naman ugaling gumanti. Pero sa ginawa niya sa akin ay hindi naman pwedeng manahimik lang ako. Napangisi ako sa isip-isip na may mabuong plano. Makikipaglaro na muna ako kay Adeline. Tignan ko lang. . . kung hanggang saan siya dadalhin ng kayabangan niya. "Uhm, D-Dwight?" "Yes, baby?" Napangiwi akong nilingon ito na nangingiting nakamata sa akin. "Ahem! Favor naman, oh?" "Sure, baby. Dito ba?" "Anong dito?" kunotnoong tanong ko. Namula ang pisngi nito na napalapat ng labi. Naningkit ang mga mata ko na ikinabungisngis nitong napakamot pa sa kilay. "Fine. Sa hotel na lang tayo, baby." Kindat nitong ikinamilog ng mga mata ko. Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi na ikinagapang ng init sa mukha ko at nabatukan ito na wala sa sarili! "Baliw ka ba!? Anong hotel? Kalaswaan na naman ang nasa isipan mo eh! Ang landi-landi mo talaga!" asik kong ikinahalakhak nito. "Linawin mo kasi, baby." Nguso nito. Napaikot na lamang ako ng mga mata na naiiling sa kakatihan ng lalakeng ito. "Uhm, what I mean is. . . keep her and act like you don't know what's her game is," seryosong saad kong ikinasalubong ng mga kilay nito. "Hayaan mo na muna si Adeline sa tabi mo. Hayaan mong umasa siyang wala ka pang kaalam-alam at hayaan mo ring umibig siya sa'yo." "And then, anong kapalit, baby?" "Kapalit?" Tumango-tango ito na napapataasbaba pa ng mga kilay habang may naglalarong pilyong ngiti na naman sa mga labi. "Oo. Dapat may kapalit din 'yon, baby." Anito. "Kaya nga favor, 'di ba?" pambabara kong ikinabusangot nito. "Ayoko. Bakit naman ako papayag sa suhestyon mo? Kung alam mo lang. Gustong-gusto ko nga siyang sipain palabas ng unit ko sa tuwing nandoon siya eh," ismid nitong ikinangisi ko. "Poor, Adeline," piping usal ko. "Fine. Ano bang gusto mong kapalit?" pangsang-ayon kong ikinangiti nito. Sa lapad ng ngiti niya ay halos magsarado na ang mga mata na napagbigyan ang gusto. Nakakainis ang lalakeng 'to. Kung hindi ko lang siya kailangan ay hindi ko ito lalapitan eh! "Be my wife." "Wife agad!?" gimbal kong bulalas na nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong. Malutong naman itong napahalakhak na ikinakurap-kurap kong nakamata dito. "Bakit, wala pa bang laman 'yan?" nguso nito sa tyan kong ikinalunok kong nag-init ang mukha. "A-alam mo?" utal kong tanong na napahaplos sa tyan ko. Nagningning naman lalo ang mga mata nito na palipat-lipat ng tingin sa tyan at mukha ko na may ngiti sa mga labi. "Of course. Hindi naman ako baog para hindi kita mabuntis sa ilang beses kong pamamaril sa'yo, baby." Kindat nitong ikinalapat ko ng labi na namula ang pisngi. "T-tama ka. BB-buntis nga ako," mahinang sambit ko. "Really?" "O-oo eh." "Fvck!" Nanigas ako na bigla na lamang ako nitong niyakap. LIHIM akong napapangiti na naiiling habang nagmamaneho pabalik ng shop. Mabuti na lang at napilit ko rin si Dwight na pumayag sa alok ko. Pero nakakainis lang dahil kinailangan kong pumayag sa kondisyon nito. At 'yon ang panindigan niya kaming mag-ina niya. Ginamit pa talaga ang anak para mapapayag ako sa gusto nito. Kung wala lang itong schedule na taping ay hindi ko pa mapipilit na maiwan siya ng Tagaytay. Pero bago kami naghiwalay ay ilang beses pa niya akong nanakawan ng halik sa mga labi ko. Pero kahit gano'n ay kakatuwang wala akong maramdamang inis sa lalakeng iyon. Marahil dahil. . . siya ang ama ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD