Ala una na ng madaling araw at ngayon pa lang niya natapos ang mga kakanin na ibebenta ng kapatid niya bukas,inilagay niya lahat sa basket ang mga palitaw na ginawa para nakahanda na ito dahil hindi niya ito masasamahan.
pupuntahan niya ang kumpanya na nag-alok sa kanya ng trabaho
sayang din iyon, sa ganda ng kumpanya malamang malaki ang sweldo. hindi niya nga lang alam kung anong klaseng trabaho ang ibibigay sa kanya, hindi niya alam kung may kinalaman ba ito sa mga meryendang ibinebenta niya dahil ang kwento ni lena ay nasarapan ito sa meryenda na binili sa kanya,
napabuntong hininga siya bago pinagmasdan ang mga kapatid na natutulog sa papag, isa isa niyang inayos ang kumot ng mga kapatid, inusog niya din si lena na halos masakop na ang higaan niya.Si Maymay ang nasa kabilang dulo, katabi nito si Mikmik habang nakagitna si lele katabi din ni lena tapos siya ang nasa dulong bahagi, sinisigurado maigi na hindi malalaglag ang mga kapatid sa mababang papag na saktong sakto lamang sa kanila.
napangiti siya, at nakita ang mahimbing na tulog ng mga kapatid, masarap ang ulam nila itong hapunan, hindi lamang sila naghati sa isang sardinas at pritong isda dahil din sa ibinigay na pera ng lalake na nakilala ni lena, ibinili niya ang kalahati non ng pagkain nila na kakasya para sa isang linggo habang ang kalahati ay ipinamili niya ng mga sahog para sa mga ulam na ibebenta niya din, tapos nabilhan niya pa ng gatas si lele kaya talagang masaya siya
hindi naman siya naghahangad ng magarang buhay, ang nais niya lang ay ang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kapatid niya. bago pa man mawala ang kanyang ina ipinangako niya na gagawin niya ang lahat para sa mga kapatid. hindi niya hahayaan na mapagdaanan ng mga ito ang buhay na naranasan niya. gagawa siya ng paraan para maialis ang mga ito sa magulo at maduming lugar na ito
sila ang buhay niya, ang magandang kinabukasan nila ang tanging pangarap niya kaya talagang igagapang niya ang kinabukasan ng mga kapatid niya.
humiga na siya sa tabi ni lena, napaisip na ang iniaalok sa kanya sa kumpanyang iyon ang maaring isa sa mga paraan para unti unti niyang mabigyan ng maayos na buhay ang mga kapatid
ganon pa man hindi niya mapigilang isipin kung ano ba talaga ang iaalok sa kanya ng kumpanya kaya siya pinapapunta doon itong umaga
sa ganda ng kumpanya sa labas mukhang hindi naman iyon pagawaan ng palitaw para kunin nila akong isa sa mga taga gawa?
kasi kung palitaw din ibinebenta nila hindi naman siguro milyones ang halaga ng isa kaya ganon yumaman ang may ari 'non?
kaya nakakasiguro siya na hindi factory lang ng palitaw iyon kagaya ng sinasabi ni lena. o baka naman...
papayagan kaya nila ako magbenta sa loob ng kumpanya?o 'di kaya bibigyan nila ako ng pwesto sa cafeteria nila?
maganda yun malaking tulong para sa amin ng mga kapatid ko,
o baka naman nangangailangan sila ng janitress? napakaimposible naman kasi na kunin nila ako biiñlang empleyado eh wala naman akong pinag aralan? kaya malamang janitress nga
napangiti siya.
kahit ano pa yan, kahit janitor, o kaya naman kunin uli siyang kasambahay o yaya ng anak ng may ari ng kumpanya tatangapin niya. basta maayos ang sweldo at amo tatangapin niya
hindi na siya makapaghintay pa.
...
"Anong pinullout ni Mr.Cuero ang shares niya?! anong nangyayari?!" sigaw niya sa kanyang ka video call sa laptop, nasa hospital pa din siya dahil hindi pa tuluyang magaling ang sugat niya kaya hindi siya makabalik balik sa kumpanya. ayaw din magbigay ng update ni Marcus sa kanya tungkol sa mangyayari sa kumpanya kaya naiinis siya.
iyon kasi ang bilin ng doctor kaya wala siyang magawa.
bukod pa doon nakahanap siya ng paraan para makakuha ng balita sa kumpanya dahil ipinaiwan niya ang laptop niya kay marcus kaya pagka bukas na pagkabukas nito kanina ay tinawagan niya si William, and vice president ng kumpanya at siya ding matalik niyang kaibigan
"hindi lang yon daniel, pati si Mr.Benjamin gusto na din i-pull out ang stocks niya sa apat na kumpanya mo--dahil hindi sila sang-ayon sa pag take over ng tita corazon mo"
"ano? anong take over?" mas lalong kumunot ang noo niya , hindi niya alam kung mali ba ang narinig niya o tama na ang kabit ng kanyang ama ang nag take-over ngayon.
"si madam corazon ang nag take over ngayon pati nadin ang anak niya ay nandoon, umakyat ako sa opisina mo kahapon kasi ang akala ko ay bumalik ka na lalo pa yung ibang mga projects ko na dapat sisimulan na ay biglang na hold at ang utos ay nagmumula sa iyong opisina, kakausapin sana kita kaso pag dating ko doon si Justine ang nasa opisina mo at nakaupo pa sa swivel chair mo, marami siyang pinipirmahan, mga documento na hindi naman dapat."
"alam ni marcus to?"
"alam niya,"
"wala siyang binabangit sa akin!" galit na wika niya bago bumangon sa hospital bed
"pero wag mo siyang sisihin, nung papalabasin na kasi niya ang dalawa pinagsalitaan siya ni madam at pinagbawalan na pumasok sa opisina, siguro kumukuha lang ng tiyempo yon na sabihin sayo lalo pa iniisip niya ang kalagayan mo---kaso wala na din ako magawa kahit sabi niya na wag muna sabihin sayo kaso kasi daniel lumalala ang sitwasyon ngayon lalo na nalaman ng board ang nangyari sayo at lalong lalo na ang pag upo ni madam at ang pag take over nila ni justine sa kumpanya. pag hindi ka pa pumunta dito sa lalong madaling panahon mas lalong gugulo lang ang lahat, baka hindi lang si Mr.Cuero ang mag pull out ng shares kundi pati na din ang ibang investors natin"
"tangina! sige pupunta ako dyan!"
"sigurado ka ? pero hindi ka pa magaling"
"wala akong pakealam, hindi ko hahayaan na manatili yang dalawa sa kumpanya ko"
----
"ang ganda talaga!" malawak ang ngiti niya habang nakaharap sa napakalaking building, kinakabahan siya pero na eexcite din naman siya na magkaroon ng trabaho dito, tatlong oras lang ang kanyang tulog dahil nagluto din siya ng pagkain na ibibigay sa lalake na kikitain niya ngayon. parang pasasalamat na din sa pagpapunta sa kanya dito pati na din sa perang ibinigay nito.
dala ang basket niya na naglalaman ng ulam ay nagdala din siya ng kakanin para ibigay sa magiging boss niya dahan dahan siyang lumapit sa guard at ipinakita ang card na ibinigay ng lalake
"good morning sir, pinapunta po ako dito ni sir marcus"
tumango ang security at pinapasok siya "punta ka lang doon sa front desk tapos doon mo sabihin na may appointment ka tatawagan nila si sir marcus"
"ay ganon po ba? salamat po" sununod niya ang utos nito pagkatapos ay dumertsyo sa kung saan itinuro nito,
"miss, ummmm,,, pinapunta po ako dito ni sir marcus" sabay pinakita niya ang calling card
tumango ang babae pagkatapos ay may tinignan na papel "ano pong panagalan nila?"
"Kathryn Cassandra Solomon"
muli itong tumingin sa papel pagkatapos ay ngumiti "nasa top floor po si sir marcus, sa CEO'S Office akyat nalang po kayo doon-- may elevator po dyan kaso sira kaya sa hagdan nalang po kayo dumaan"
"ahh okay anong floor ba yung CEO's office?"
"sa 25th floor po"
"ha?"
napasapo ang babae sa bibig niya tila pinipigilan ang kanyang pagtawa "sa 25th floor po"
pero may magagawa ba siya? wala naman kaya tiis nalang
napalingon siya "saan ang hagdan?"
itinuro ng babae ang dulo ng hallway kung saan malapit din sa elevator. umalis siya sa front desk, rinig niya pa ang bulungan ng mga ito natatawa pa hangang sa biglang nanahimik
nagulat din siya dahil may isang lalake na napakabilis na tumakbo at nilagpasan siya, pinagpipindot nito ang elevator na tila nagmamadali
hangang sa makaharap niya ito
matangkad siya at may pagka seryoso ang mukha, naka suot ng tshirt , pants at jacket . tila naiinis pa ito habang pinagpipindot ang button ng elevator kaya hinintuan niya ito , agad naman nagtama ang mata nila
"ay mister, sira daw yung elevator, kaya maghagdan ka na lang"
"what?!" mataas ang boses na sagot nito sa kanya kaya napabuntong hininga siya
"sira daw po yan, ako nga gagamitin nalang yung hagdan"wika niya bago tumalikod, narinig niya pa ang pagrereklamo nito hangang sa dumeretyo din ito sa dereksyon niya
"that's impossible, bakit ngayon lang nasira yung elevator" rinig niyang pagrereklamo nito kaya lumingon siya, nakita niya na din itong humahakbang sa hagdan
"baka po kasi ganon talaga, may mga bagay na hindi naman pang habang buhay. nasisira, baka inaayos lang po nila"
"tangina" pagmumura pa nito habang padabog na inihakbang ang mga paa. hindi na niya pinansin ito at nanatili lang sa pag-akyat, lalo pa mataas taas pa ang aakyatin niya
hinihingal na siya , pasaglit saglit na humihinto para magpahinga, ganon din ang lalake na mukhang mas pagod ng umakyat sa kanya
"huminga ka kasi ng malalim" wika niya kaya napatingin ito sa kanya
"ano?"
"mas lalo lang hihingalin kung isinasabay mo yung inis na nararamdaman mo--kumalma ka tapos saglit na magpahinga pag pagod ka na"
kung paiiralin niya ang init ng ulo niya kahit wala naman na siyang magagawa dahil sira ang elevator mas lalo lang siyang mahihirapan at hihingalin paakyat
hindi siya pinansin nito nagpatuloy pa din ito sa pagakyat kaya ng abutan niya ito ay ito naman ang hinihingal
nailing siya at nilagpasan ito hangang sa hindi niya na maramdaman ang presensya ng lalake sa likod niya, napatingin siya sa baba at nakita niya ang lalake na nakasalampak na sa sahig, iniisip niya na baka nagpapahinga lang ito pero ng pagtingin niya sa mukha ng lalake ay mukhang nahihirapan ito
"mister okay ka lang po ba?"
hindi ito sumagot at napangiwi lang kaya bumaba siya at nilapitan ito
"maayos ka lang ba?"
"aray"
"anong nangyayari sayo?"
agad naman napaawang ang bibig niya ng makita na bahid ng dugo ang tshirt sa bandang dibdib nito "hala anong nangyari sayo?"natataranta na niyang sabi bago tinignan mabuti ang sugat nito "anong nangyari dito?"
"yung sugat ko lang,, baka bumuka?"
"ha? bakit bumuka ano bang nangyari sayo?"
"nabaril lang ako-"
"ano! nabaril!? dadalhin kita sa hospital tara na bumaba na tayo" hinawakan nito ang kamay niya kaya napatingin siya sa mukha nito halos mapalunok pa siya lalo na kahit mukhang nahihirapan ito at napaka perpekto padin ang hulma ng mukha nito
gwapong gwapo
napailing siya, hindi naman dapat siya nagiisip ng ganito, ang kailangan sa lalake ay dalhin sa hospital, delikado baka ano pang mangyari sa kanya
"kailangan ko lang ng alalay, kaya ko"
"mister hindi pwede kailangan mo dalhin sa hospital"
"kailangan kong umakyat"
"hindi"
"may appointment ako miss, pag natapos yon pupunta na ako ng hospital"
"mister delikado kung-"
"sinabi ng kaya ko" wika nito kaya napabitiw siya, gayon pa man ay hindi siya nagpatinag, napailing siya pagkatapos ay itinulak ang lalake pahiga
nanlaki pa ang mata nito sa ginawa niya lalo pa ng dahan dahang iangat nito ang tshirt niya
"miss may balak ka bang angkinin ako dito?" ngisi pa ng lalake pero hindi niya iyon pinansin, binuksan niya ang bag niya at kinuha doon ang kanyang panyo pagkatapos ay kumuha ng tape
"tutulungan kitang umakyat pero aayusin muna natin ang sugat mo"
nakita niya na natahi na ang sugat nito, dumugo lang dahil hindi ito naging maingat, ikaw ba naman ang tumakbo at umakyat ng hagdan ng nagmamadali hindi ba bubuka ang sugat mo?
"mukhang dumugo lang talaga--alam mong may sugat ka pero tumakbo ka pa kanina" napailing siya bago
itinapal nito ang panyo sa dibdib ng lalake, nilagyan niya din ng tape iyon, lagi siyang may tape sa bag para pang sealed sa takip ng paninda niya, hindi iyon pangsugat na tape pero okay naman na din iyon pansamantala
"ilalagay ko lang to para hindi na dumugo" hindi sumagot ang lalake at nanatili lang na pinakatitigan siya "okay mister, tutulungan kita umakyat pero ipangako mo sakin na wag kang magmadali kasi pag naging matigas ang ulo mo baka mas lalong bumuka ang sugat mo
kinuha niya ang tubig sa loob ng basket na kanyang hawak bago iniabot yon sa lalake "uminom ka muna ng tubig---kainin mo din to" sabay abot niya ng isang pirasong palitaw na may asukal
"para saan to,?"
"namumutla ka--kainin mo yan para magkalakas ka, mukhang kailangan ng katawan mo ang asukal"
kinuha naman iyon ng lalake pagkatapos ay kinain, saglit pang ininom ang tubig bago ibinalik sa kanya
"okay ka na ba? kaya mo ng tumayo?"
tumango ito kaya dahan dahan niyang inalalayan ang lalake
"kahit mataas pa na floor yon di tayo dapat magmadali, makisama ka kundi ilalaglag kita sa hagdan"
napangisi nalang ito sumunod sa kanya hangang sa hinihingal silang makarating sa sa 25th floor
"hindi ko alam dito ka din pala?"
"oo, at ikaw dito ka din? sino ba ang pinunta mo?"
"oo nga baka ako naman ang matulungan mo?" kinuha niya ang card at ipinakita ito sa lalake "pinapapunta niya ako baka kilala mo siya?"
kinuha iyon ng lalake at agad na napakunot ang nuo at tumingin sa kanya
"kilala mo?"
ibinalik nito sa kanya ang card
"tara dadahin kita sa kanya"
"talaga?" ngiti niya habang ang lalake naman ay nakasimangot, tumalikod ito kaya sinundan nalang niya
ang ipinagtataka niya pa ay lahat ng nadadaanan nilang tao ay tumitigil at napapayuko sa lalake, may ibang napapatigil sa kanilang gawain at kapag lumagpas na sila ay nakakarinig siya ng mumunting bulungan
"Goodmorning sir"
"Goodmorning sir"
"sir?" tanong niya sa isipan niya habang nakakunot ang nuo, ang mga tao din ay nakatingin sa kanya
sino ba ang lalakeng ito ?
"Sir Daniel!"gulat na wika ng isang babae ng huminto sila sa tapat ng isang pinto
"natasha nasa loob ba si marcus?"
"yes po----pero po kasi kausap niya si madam saka po si Sir Justin medyo hindi po maganda ang usapan nila"
napangiti siya pagkatapos ay sumenyas sa babae "tawagin mo yung security , paakyatin mo dito"
kinabahan siya, kung nagagawa ng lalake itong utusan ang mga nandito isa lang ang ibig sabihin nito maring may katungkulan ito sa kumpanya lalo pa na sir ang tawag ng lahat sa kanya, hindi tuloy maalis sa isip niya ang takot na baka kaya pinapaakyat nito ang security ay para palayasin siya dito
teka hindi naman niya alam kung sino ito at kung ano siya dito?
pinagalitan pa naman niya ito kanina at binantaan na ilalaglag sa hagdan
kaya ba sumimangot ito kanina nung inabot sa kanya pabalik yung calling card kasi galit ito sa kanya at inutusan niya pa na hanapin yung lalake sa calling card
kinakabahan siya parang gusto nalang niyang umalis di bale na kung bababa nalang uli siya kahit nahirapan siyang umakyat sa hagdan kesa naman ang makaladkad siya pababa ng mga security
"ahmm sorry pero aalis na ako--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang hawakan ng lalake ang kamay niya at isinama siya papasok sa loob ng opisina,
pag pasok nila doon ay may isang lalake na naabutan nila nanlalaki ang mata nito na nakatingin sa lalake "sir daniel! anong ginagawa mo dito? hindi ka pa dapat nandito bakit ka umalis sa--"
"hinahanap ka niya" simpleng sabi lang nito bago tumingin sa kanya , natuon na din naman pansin ng lalake sa kanya
siya ba si marcus?
naulat din ito at napatingin sa kamay nila kaya siya na ang bumitaw, nahuli naman niya ang tingin ng lalake na tila hindi sangayon na binitawan niya ang kamay nito
"Hi sir marcus ako si--"
"Kathryn---oo I'm expecting you, pero pasensya na wrong timing girl--sir daniel papabalikin ko nalang si kathryn"
"ha?" tanong ni kathryn
"asikasuhin mo siya"
"pero sir?--pwede ko naman siya pabalikin bukas"
wika nito bago dumeretyo sa lalake "sir hindi pa pwede sa lagay mo na pumunta dito saka nandyan po sa loob sila madam --ako na po ang bahala kanina ko pa po sila kinakausap"
"asikasuhin mo siya--ako na ang bahala sa dalawa"
"pero sir---"
"asikasuhin mo siya at ako na ang magpapalayas sa dalawang to"
sunod na bumukas uli ang pinto at pumasok na doon ang security nang kumpanya
binuksan ni daniel ang pinto ng kanyang opisina at agad na bumungad si justine na nakaupo pa talaga sa swivel chair niya, habang nakaupo naman sa lamesa si corazon at umiinom pa ng wine
bumakas ang pagkagulat sa mukha ng dalawa ng makita siya, agad na napatayo ang mag-ina at ibinaba pa nito ang wine sa mesa
"daniel, nandito ka na"
"damputin ninyo sila"
"ha?!" halos manlaki ang mata ng ginang sa narinig lalo pa ng isa isang lumapit ang security sa kanila
"hindi pa ako namamatay pero kayo dito nagpapakasasa na sa kumpanya ko"
"daniel! pansamantala lang naman anak lalo pa hindi ka magaling--dapat lang na nandito kame para may magpatakbo sa kumpanya"
"at sinong nagsabi na pwede niyong gawin yon?"
"bitawan mo ako--" hinawi ng ginang ang kamay ng security bago bumalik ang tingin sa kanya "parang mga daga ang mga empleyado mo na naglalaro habang wala ka, lahat sila nag lalakwatsya , lahat nag sasaya, lahat hindi nagtatrabaho kasi wala ka kaya kailangan na umupo kame, kung ikaw hindi ka makakapayag na mawala sa lahat itong pinaghirapan ng ama mo aba ganon din ako no? mahal ko ang ama mo, kaya mahal ko din ang kumpanyang ito"
"mahal mo ang kumpanyang ito kasi pag namatay ako iniisip niyo na mapupunta sa inyo lahat ng 'to"
"hindi totoo yan, nag-aalala din naman ako sayo --ibinilin ka ng ama mo sa akin"
napangisi siya bago sumenyas uli sa mga security
"pwes hindi ko kailangan ng patnubay ng isang kagaya mo at lalong lalo na ang kumpanyang ito--kaya makaalis na kayo"
"daniel!" sigaw ng ginang, kita na din sa mukha ng anak nito ang galit pero hindi ito makapag salita , natawa siya sa pagiging duwag nito
"paalisin niyo yang dalawa sa kumpanya, pag nagmatigas kaladkarin niyo--"
"hindi mo pwedeng gawin to samin"
sigaw pa nito habang hawak hawak ng mga security
napangiti lamang si daniel
napangiwi naman si kathryn sa kanyang nasaksihan, habang si marcus ay dali daling lumapit kay daniel na napaupo sa swivel chair niya, muli bumalik ang kirot sa mukha nito dulot ng sugat niya
"sir"
"bumuka ang sugat niya, kaya sinabi ko na nga na kailangan niyang dalhin sa hospital" wika ni kathryn kaya napailing si marcus"
"sir kailangan niyo na pong bumalik sa hospital"
"hindi, hangang hindi ko naisasaayos tong kumpanya hindi ako babalik sa hospital"
"pero sir"
muling napangiwi si daniel at binuksan ang pc niya, nanahimik ang dalawa at hinayaan lamang ito hangang sa saglit na nagtipa sa laptop, hanggang sa may nag print na papel na agad kinuha ni marcus
"habang hindi pa ako magaling si william muna ang magpapatakbo ng kumpanya syempre inaasahan din kita marcus na tulungan siya"
"opo sir"
"pero may ginawa akong kasulatan na pwede mo lang buksan kapag may sakaling mangyari sa aking masama sa mga susunod na araw"
"grabe naman sir,"
tumayo si daniel na inalalayan agad ni marcus "I need to go back in the hospital--hindi ko lang talaga ma take na nadito sila habang wala ako--
"ay okay sir, akala ko kasi yung line mo kanina parang next year pa comeback mo"
"marcus" napatingin sila kay kathryn "kath okay lang ba na sumama ka muna sa hospital? doon nalang kita iinterviewhin"
"ay sige po"
"tara na---kath pahawak ako saglit para ako na mag alalay kay sir papuntang elevator"
"elevator?" tanong ni daniel
"bakit sir may balak ka bang mag hagdan?"
"ang sabi sira ang elevator?"
"ha? kelan pa nasira ang elevator sir? maayos na maayos ang elevator natin pwede pang maghatid hangang langit sir"
nagkatinginan silang dalawa
....
"Saan mo ba yan nakuha marcus?" mahinang tanong ni daniel sa kanya habang pasimple na tinignan ang babae na inilalabas ang mga laman ng basket
"sir sabi mo hanapan kita ng asawa? binigyan mo ako ng palugit at siya na ang nakita ko na bagay sayo--ayaw mo doon sa mga babae na may interes sayo, sa mga babaeng mayaman, sabi mo gusto o yung mapagkakatiwalaan kaya sa labas ng bakod mo ako naghanap--" ibinigay nito ang folder kay daniel at binuklat iyon ni daniel "dapat kakausapin ko muna sana siya bago ko ibigay sayo yan kaso mukhang naging malapit kayo sa hagdan kanina kaya i think malakas ang chance na gusto mo din siya"
"ano bang sinasabi mo?'
"kunyari ka pa sir kita ko kung paano ka tumingin sa kanya" mahinang asar ni marcus sa kanya "saka sir maganda naman diba?, mabait, magalang, mukha naman mapagkakatiwalaan, yung degree sa education madali lang naman makuha yan pero ang mabuting ugali hindi natututunan yan--isa pa masarap ang luto niya yun ang pinagkukunan niya ng pera, at base din sa background niya sir namasukan siya bilang kasambahay ibig sabihin marunong siya sa gawing bahay. hindi mo kailangan ng modelo--ang kailangan mo ay butihing may bahay"
tinignan maigi ni daniel ang laman ng folder inisa isa ang laman noon, pero sa ipinakita nito kanina at ang pagtulong nito sa kanya masasabi niya na mabuti ito.
hindi din ito nakapagtapos, para sa kanya mabuti yon, tamang tama lang sa plano niya
"sige, kakausapin ko siya"
"talaga sir?! halos mapasigaw na sabi ni marcus kaya napalingon sa kanila ang babae "umm I mean mabuti naman kung ganon sir"
"nakahanda na ang pagkain" rinig nilang sabi nito bago lumapit sa kanila
muli naman nagtama ang paningin nilang dalawa pagkatapos ay nginitian siya ni kathryn
"wag na mag papabili nalang ako kay marcus sa labas"
"sir wag na--mukhang masarap naman yung pagkain"
"yes po, ako nagluto niyan, dinala ko yan dito para sa inyo talaga lalong lalo na kay sir marcus" bigla naman tumingin si marcus kay daniel na matalim ang tingin sa kanya
"eh kay marcus pala yan eh, ibig sabihin hindi ako kasali dyan"
"ay sir share tayo"
"sayo na" blangkong sabi nito kaya napangiwi si marcus
"ito naman selos agad, bakla ako di kame talo" bulong nito ngunit narinig iyon ni dnaiel kaya napaaubo ito
"bumili ka na doon--dali, saka para makausap ko ng maayos si ms. solomon tungkol sa trabaho niya"
"ay oo nga pala" lumapit si marcus kay kath pagkatapos ay nginitian ito
"sige na iiwan kita dito kay sir daniel"
hinawakan nito ang braso ni kath "sir daniel iiwan ko na sayo si ms. kath --ikaw na bahala--magpakabait ka--ay este ikaw nalang po mag explain sa kanya"
tipid na ngumiti si kathryn bago pasimpleng bumulong kay marcus at lumayo sila bahagya kay daniel "sir, siya ba yung mag iinterview sakin?"
"yes siya kasi ang boss ko, at sa kanya ka talaga mag tatrabaho, siya nalang kakausap sayo para mas malinaw"
"ganon?" napalingon siya kay daniel na nakatingin sa kanila "ano bang trabaho ko? mag titinda ba ako sa kumpanya niyo? magiging empleyado? janitress ba?"
"what? no?! it's more than that girl" sagot nito sa kanya bago napangiti at pasimple pang kumindat "si sir na ang bahala mag paliwanag--saka sasabihin ko sayo medj may pagka askad si sir pero mabait naman yan"
tumango siya "marcus bakit ang tagal"
"ay sir! sabi ko nga po aalis na ko!" tumingin uli ito sa kanya "sige na madam, aalis muna ako, usap muna kayo ni sir"
...
Pakiramdam niya ang lamig lamig ng kamay niya, ang bilis din ng kabog ng dibdib niya lalo na ng maiwan nalang silang dalawa tila mas naging nakakatakot ang presensya ng binata lalo na sa nasaksihan niyang pagpapalayas nito sa babae at kasama nito kanina sa kumpanya
hindi niya alam kung siya din ay papalayasin nito lalo pa may kasalanan siya, pinilit niya na sira ang elevator dahil iyon ang sinabi sa kanya ng babae sa frontdesk kanina, hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya ng mga ito kaya sinabi iyon sa kanya, tapos dinamay niya pa itong lalake na may ari pala ng kumpanya.
pinagalitan niya at pinagsabihan ito kanina nung nasa hagdan, which is hindi naman dapat bubuka ang sugat nito ng di dahil sa kanya, kung sana hindi niya nalang ito sinabihan edi nagamit nito ang elevator
"Kathryn Cassandra Solomon right?"
"po?" nautal niya pang sagot "opo"
"I'm daniel Lucas Tavera, The CEO and owner of Tavera empire"