Chapter 2

4494 Words
"Susko parang nagpapabili lang ng candy na tatlo-dos" "May sinasabi ka marcus?" Tanong ni daniel ng tila marinig na bumubulong si marcus "sir wala po, sabi ko po mamili ka na po dyan sa tatlong natitirang kandidata" Napatingin uli si daniel sa mga folder pero hindi padin nagbago ang ityura nito, kung titignan malinaw na wala siyang nagugustuhan ni isa "sir ano na? 3 out of 50 na yan sino ang mas matimbang po? Pipili ka lang sir?" "naiinis ka na ba sakin marcus?" Napakamot ang kanyang secretarya sa ulo nito pagkatapos ay napabuntong hininga "sir hindi po" "eh bakit ganyan ang mukha mo?" Biglang nagseryoso ang mukha nito gayon pa man alam niya na naiirita na ito sa kanya, parehas lang naman sila lalo na hindi nito nagawa ang ipinaguutos niya Hangang ngayon wala pa din siyang nagugustuhan sa lahat ng ibinigay nito na profile sa kanya "san mo ba pinagkukuha itong mga to?" "sir sa social media sir, tinignan ko kasi yung latest post mo at yang mga yan ang nagpakita ng interes sayo" "ano?" "sir lahat yan galing sa magaganda at kilalang pamilya. Yung iba naman sir binase ko sa mga nakadate mo na po. Mukha nga silang model lahat sir" "hindi model ang kailangan ko marcus kundi asawa" "pero sir diba? Isa kang kilalang tao at napakayaman mo, dapat lang na elegante at may pinag aralan ang mapapangasawa mo ,yung pwede mong maiharap sa kahit na sino" "may pera ako, madaming madaming pera, hindi ko na kailangan ng pera ng mapapangasawa ko kasi ako ang magbibigay non sa kanya, ang kailangan ko yung mapagkakatiwalaan at alam mong napakaimportante sakin non" At mas lalong napabuntong hininga si marcus Mukhang mas lalong mahihirapan siya. Sa sobrang pihikan ng amo niya gusto na niyang gumulong palabas ng bintana ng silid kung saan naka confine ito "then atleast date one of them sir para makilala mo talaga sila ng tuluyan" "nabasa ko na ang profile nila alam ko na kung sino sila" "jusko naman sir" "bakit nagrereklamo ka na?" "ay hindi po sir--ang totoo niyan masaya ako at nagiging pihikan kayo maganda yan sir para sigurado na hindi kayo magkamali" wika ni marcus bago kinuha ang mga folder na inilapag nito sa harap ni daniel "kaya sabi ko nga po maghahanap pa ako ng iba" "mabuti naman kung ganon" dahan dahan siyang humiga sa kama, iniwasan na magalaw ang dextrose niya "bibigyan uli kita ng 24 hrs. Huli na to marcus" "opo sir" muli napapikit si marcus, muling pinagana ang kanyang utak para gumawa ng bagong hakbang para magawa ang ipinaguutos ng amo niya "hahanapan ko talaga ng terror na asawa to ng minsan mapalo din naman ang pwet" bulong niya sa kanyang isipan bago niyakap ang folder na hawak niya ... "kathryn ! Kathryn!" Agad niyang binitawan ang kanyang niluluto bago ipinunas ang kanyang kamay sa suot na apron ng kanyang uniform, hininaan niya pa ang kalan para hindi masunog iyon bago pumunta sa likod na bahagi ng bahay kung saan niya naririnig ang boses ng kanyang amo "yes po mam?" "nagpaalam si thelma at bukas pa daw uuwi, kaso kailangan ko na yung mga damit na yan bukas din" napatango siya bago napatingin sa mga labada na nakatambak sa laundry "marunong ka bang mag laba?" "yes po mam! Magaling po ako maglaba" Napatango ang babae "mabuti naman--labahan mo ang lahat ng yan" "sige po mam" masayang sabi niya bago ay kinuha ang palangana na nasa gilid pero agad siyang pinigilan ng babae "gamitin mo yung washing machine, sa makalawa ka pa matatapos pag kinusot mo yan lahat" "po?" napakamot siya sa ulo niya bago tinignan ang washing machine "kaya ko po kusutin nalang ma'am sanay po ako maglaba sa kamay kesa sa washing machine--" "eh kaya ko nga binili yan para gamitin, ano gagawin mo dyan tititigan? Gamitin mo yung dryer pagkatapos para matupi mo agad" Nagaalangan siyang lumapit sa washing machine bago tinignan ang kanyang amo "ma'am kasi hindi po ako marunong gumamit nito" "may instruction, magbasa ka" "pero--" "wala ng pero pero--o sya isalang mo na yan at magaayos na ko sa taas mala-late na ko sa pupuntahan ko" "umm --o sige po" wala na siyang nagawa at sinunod nalang ang pinaguutos ng kanyang amo. Nakita ko ng ginamit ni ate thelma to, siguro gagayahin ko nalang siya. Napangiti siya bago nilapitan ang washing machine. Tila naduling siya sa mga pindutan na nandoon pati na din sa mga nakasulat. Gayon pa man Sinasariwa niya sa kanyang isip ang mga ginawa ni thelma Binuksan niya iyon at inilagay ang mga damit sa loob, bago nilagyan ng sabon. "kung hindi ako nagkakamali pinindot ni ate thelma ang mga to" kaso hindi niya maalala kung ano ang mga iyon kaya pinindot niya nalang lahat Napangiti siya lalo pa ng tumunog iyon. Sunod niyang kinuha ang hose at pinuno ng tubig ang washing machine. Pinupuno niya iyon ng tubig habang umaandar. Mayos naman sa umpisa pero biglang nanlaki ang mga mata niya ng mapansin na bumilis ang ikot, kinain ang hose na nasa loob. Halos umapaw na din ang tubig sa washing machine at unti unti nahuhulog pa ang mga malalaking bula sa sahig. "hala!" Ngayon simula na siyang kinabahan, hindi niya alam kung papaano patayin , pinindot niya ang isa sa mga pindutan pero imbis na tumigil iyon ay mas lalong bumilis pa ang pag-ikot , idagdag pa ang pag-alog ng washing machine na tila nawawala na sa pinaglalagyan nito, naglilikha na din iyon ng malakas na ugong dahilan para mas kabahan siya ng matindi "hala! Anong nangyayari!" Naiiyak na siya sa sobrang taranta, pilit niyang pinapatigil ang washing machine pero ayaw non tumigil kaya kahit alam niyang malalagot siya sa amo niya ay tinawag niya ito "ma'am ! Ma'am!! Tulong po!" sigaw niya habang lumuluha na, ang bilis ng kabog ng dibdib niya lalo na ng maamoy na tila may nasusunog, may usok na din na lumalabas sa likod ng washing machine kaya mas natakot siya "ma'am! Tulong!" Sigaw niya pa hangang sa biglang makarinig ng malakas na pag sabog, dahilan din para tumigil ang washing machine . Hindi siya napahamak ng dahil sa pagkasira ng washing machine pero alam niyang malalagot siya kapag nakita ito ng kanyang amo, nanginginig ang kanyang kamay na makita ang usok at amoy sunog na cable na nagmumula sa washing machine "anong nangyari??---tangina!" Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita soon ang kanyang amo "mam--hindi ko po sinasadya,pinupuno ko lang po ng tubig tapos-" "Ang tanga tanga! Hindi kasi nagbabasa ng mabuti! Nakalagay na nga sa instruction na hangang dito lang ang tubig! Hindi mo ba nakikita yan?!" galit na wika ng babae sa kanya pagkatapos ay hinatak siya at inginudngod pa siya sa washing machine kung nasaan ang mga pindutan. Puno ng sabon iyon kaya halos malunok niya ang tubig, Naghalo ang luha niya at ang sabon hangang sa bitawan siya nito "sorry ma'am" "anong sorry?! Anong sorry ha?! Maaayos ba ng sorry mo yang washing machine! Hindi diba?! Napakatanga mo naman kasi napaka simpleng gawain lang hindi mo pa magawa!" "ma'am pasensya na--hindi na po mauulit-" wika niya pa habang umiiyak at pinapahid din ang mga bula sa kanyang buhok pero imbis na maawa ang babae ay mas lalo lang siyang sinamaan ng tingin nito "talagang hindi na mauulit kasi wala ka ng trabaho!" "po?" mas lalong nagngilid ang mga luha niya ,mabilis niyang nilapitan ito pagkatapos ay lumuhod sa harap nito "mam wag naman po ganon,kailangan ko po tong trabaho na to parang awa mo na po" Natahimik ito at tila may inaamoy sa hangin, pati siya napatigil at tila may naamoy na sunog, pero hindi iyon nagmumula sa washing machine kundi dahil sa naiwan niyang niluluto sa kusina Muling bumalik ang tingin ng babae sa kanya ngayon mas lalong bumakas ang galit sa mukha nito "punyeta ka ! Lumayas ka na! Susunugin mo ang bahay ko! Hala alis! At wag na wag ka ng babalik!" "mam naman" Hinatak siya nito palabas ng gate, pilit pa siyang nagmamakawa dito pero hindi siya nito pinansin , muli itong pumasok sa loob at ng pag labas ay dala na nito ang mga gamit niya pagkatapos ay itinapon palabas ng gate na mistulan isang basura lang "alis na! Napakamalas mo talaga!" Sigaw nito Mukhang wala na siyang magagawa, napapahid nalang siya sa kanyang mga luha bago kinuha ang mga gamit niya na nagkalat sa sahig. hindi naman madami iyon at tanging ang pang bihis niya lang pati nadin ang mga tinapay na binili niya kanina para sana meryenda niya ang laman ng bag niya sayang nga lang at hindi na niya iyon makakain dahil nabasa na . Maski siya tila basang sisiw na itinaboy, parang wala siyang emosyon at hindi nasasaktan sa paraan ng pagtrato ng amo niya sa kanya Pero sanay nadin siya, sanay na siya sa mga matapobreng katulad ng amo niya, hindi naman ito ang nauna para tratuhin na mas masahol sa hayop Marami na siyang naranasan. Gusto niya na din sumuko pero hindi pwede . Kailangan niyang lunukin ang hiya, kalimutan ang sakit ng paraan ng pagtrato sa mga kagaya niya at. Tiisin ang hirap at pagsubok na pinagdadaanan niya Dahil bukod sa mga yan higit pa ang kanyang kakaharapin Na sa dapat pagkadapa kailangan bumangon agad, sumubok uli. Laban lang. Maraming tao sa kalsada, may mga nakatambay, may mga nagiinuman, may mga nag tityismisan, yung iba nakatingin sa kanya na tila siya din ang pinaguusapan. Pero hindi niya iyon pinansin, nagpatuloy lang siya sa paglalakad hangang sa makarating siya sa isang eskinita. Pero sabay ng pag pasok niya sa maliit na siwang papunta sa mga nakatagong kabahayan ay sabay niya na nariring ang dagundong ng dumadaang tren na sa sobrang lakas akalain mo na guguho ang tulay Natatahimik ang iba habang ang iba ay sanay na, katulad niya na dito na halos lumaki Hihinto ang ilan pero kapag nakalagpas na ang mga tren ay balik na sila sa kanilang ginagawa. Naglakad pa siya sa bandang kaloob looban. May ilang mga bumati sa kanya na agad niyang binabati pabalik . May iilan naman na abala sa kanilang mga trabaho, may mga nagwawalis yung iba namang mga babae abala na paglalaba sa isang banda, kanya kanyang gawain para patayin ang oras. Madami din mga bata na naglalaro ng habulan sa paligid .masaya lang tila walang iniisip, walang problema sa mga kahaharapin nila sa kinabukasan dahil musmos palang. Tila walang ideya kung makakaalis ba sila sa magulo at maduming lugar na ito, o tatangapin nalang ang kanilang kapalaran kagaya ng desisyon ng mga magulang nila na manatili at tangapin na ang mga pangarap ay para lamang sa mga mayayaman. Pero hindi yon ang gusto niya. . "ate!!" Dahil may pangarap siya para sa mga kapatid niya. Kita niya sa di kalayuan si Lena na agad siyang nakita, lumapad ang ngiti nito gayon din si mikmik na napatigil sa paglalaro ng patintero ng marinig ang pagtawag ni lena sa kanya "ate!!!" nag-unahan pa ang dalawa kaya inilapag niya ang mga bitbit at inihanda ang kanyang bisig para salubungin ng yakap ang dalawa Ang mapait niyang ala-ala dulot ng pagtrato at pagkatangal sa kanya kanina sa trabaho niya bilang kasambahay ay tila nawala, agad iyong napalitan ng tunay na mga ngiti, ng pagmamahal ng pagasa na magsikap pa para sa mga kapatid niya "ate!" "ate ang aga mo!" agad siyang niyakap ng dalawa kaya halos matumba siya, saglit siyang bumitaw at hinaplos ang mukha ng dalawa "kayo nasa labasan nanaman kayong dalawa ah? Nagpaalam ba kayo kay ate maymay niyo?" Napatahimik ang dalawa at nagkatinginan kaya napailing siya, alam niya na ang ibig sabihin non. Malamang tumakas nanaman ang mga ito "nako kayo lagot kayo sa ate maymay niyo makukurot kayo sa singit non" Napangisi si lena "hindi din ate kasi hindi mo hahayaan yon love mo kame eh" "aba! Ginamit pa ang pagmamahal ko! O siya uwi na tayo at ng maligo na din kayo ang aasim niyo na! Pwede ko na kayong isigang sa sobrang asim niyo" "hala ate naman!" nangingisi ang dalawa at tinulungan siya bitbitin ang dala niya bago dumertyo na sila sa barong barong nila Pag pasok nila ay agad ang boses ni maymay ang narinig nila "naku! Sinasabi ko na nga ba! Kung saan saan kayo nagpupunta sabi ko sa inyo bantayan niyo si leleng eh! Nako!--ay ate nandito ka na--teka te anong nangyari sayo?" tanong ng kapatid ng makita na medyo basa ang uniporme niya, tila namumula din kasi ang pisngi niya dahil sa pag ngudngod sa kanya ng kanyang amo kanina Agad gumuhit ang pagaalala ni maymay "ate?" "nako wala to,nadapa lang si ate, wag mo na kong intindihan--kayo? Anong nangyari dito ? Bakit anong problema? At ang nagsisihaba ang mga nguso niyo?" napasapo naman si maymay sa nuo nito at napailing sa dalawa nilang kapatid na na nanahimik lang dahil sa takot na mapagalitan nanaman "kasi naman ate ang sabi ko kasi sa kanila bantayan si leleng" "bakit anong nangyari kay leleng?" agad niyang narinig ang iyak ng kapatid. Mukhang may sumpong nanaman ito kaya agad niyang kinuha si leleng sa papag binuhat niya iyon kaya agad naman itong nanahimik "kasi nga ate nagluluto ako ng hapunan, sabi ko wag muna sila lumabas para mag laro kasi may sumpong si leleng, nakakainis kasi alam na ngang nahihirapan na ko dito, di ko pa nga nagagawa project ko ate" Napabuntong hininga siya bago tinignan ang dalawa "oh sinabi naman pala ni ate maymay na wag kayong umalis bakit pa din kayo umalis?" "sorry ate" Napailing nalang siya bago tinignan ang kapatid na si maymay "sige na bitawan mo na yan ako na magtutuloy niyang simulan mo na yung project mo-" tumango si maymay at iniwan ang niluluto, agad naman siyang napatingin sa dalawa "kayo naman maligo na kayo dali" "opo ate" Tinapos niya ang kanyang niluluto habang buhat buhat si leleng. Pagkatapos ay inayos ang hapag para makakain na sila "ate anong oras ka gigising bukas para pumasok? Baka kasi sumabay na ko sayo kailangan na maaga kame sa school bukas kasi review na para sa exam-- kakausapin ko muna si ate jena na iwan uli si leleng sa kanila kasi hindi pwedeng umabsent ang dalawa bukas Si lena at si mikmik magkasunod lamang ang edad, si lena 7 taong gulang habang si mikmik ay 6 taong gulang naman, si maymay naman 16 years old na. First year highschool na si maymay habang parehas naman na grade 1 si lena at mikmik dito lamang sa pampublikong paaralan sa malapit sa kanila Habang si leleng tatlong taong gulang pa lang medyo espesyal lang ang kailangang pagaalaga para kay leleng kasi iba siya sa mga bata,hindi nagmamature ang isip nito. Nagkakaroon ng pagiiba ang katawan nito hindi normal kaya kahit na tatlong taong gulang na si leleng ay hindi pa din ito nakakapaglakad at kahit kelan hindi na ito makakakilos ng siya lang mag-isa "wala akong trabaho bukas" may pait sa sinabi niya pero hindi niya iyon pinahalata "po? Day off mo ate?" umiling siya "hindi , umalis na ako doon sa pinapasukan ko, hindi na daw nila kailangan ng kasambahay kaya wala ng trabaho si ate--pero wag kayong mag-alala mag hahanap si ate ng bagong mapapasukan, pero habang wala pa dito muna ako sa bahay, may mag aalaga na kay leleng. Bukod pa doon mababantayan ko din kayo" "pano na ate ang mga bayarin natin?" tanong ni maymay kaya pilit siyang ngumiti "wag kang mag alala naisipan ko na magtitinda ako ng meryenda para naman kahit papaano ay may babaunin kayo sa school saka pambayad sa mga bayarin niyo sa school at dito na din sa bahay " "ahh kaya pala madami kang binili na saba ate" wika ni mikmik dahil ito ang nagtabi ng pinamili niya "oo balak ko mag banana Q at gumawa ng palitaw bukas para mailako ko--kaya kayong dalawa kapag uwi niyo bukas tulungan niyo si ate ah? Sasamahan mo ako lena sa paglalake habang si mikmik maiwan ka dito kay ate maymay mo para bantayan si leleng--maliwanag ba?" "opo ate promise! Saka ate pwede ako magdala sa school. Aalukin ko yung mga teachers ko nako tiyak miss na nila mga pa meryenda mo" Hindi akma ang mga edad nila sa taon nila sa paaralan pero ang importante ay nagaaral sila, iginapang ko talaga ang mga ito para makapag aral lang dahil ayaw ko na matulad sila sa akin na ni minsan hindi sa paaralan At gagawin ko lahat lahat para lang sa kinabukasan nila .lahat kaya kong isakrepisyo para lang mabuhay ang mga kapatid ko ... "Lena?" tawag niya kay lena na muli ng magtagpo sila sa kalagitnaan ng kanilang pag lalako, "ate!--ubos na yung akin!" sigaw pa nito bago pinakita ang isang buong dalawang daan na hawak nito. Napangiti siya bago sumenyas dito "tara muna dito magpahinga muna tayo" ibinaba niya ang bilao na hawak bago pinunasan ang kanyang pawis sa mukha. Alas tres na ng hapon at medyo tirik ang araw kaya alam niya na basa na din ng pawis si lena. Kaya ng makalapit ito ay agad niyang kinuha ang bimpo na nasa balikat niya at ipinunas iyon sa mukha ng kapatid "grabe ate ang bilis maubos ng mga paninda natin--ang dami bumili dyan sa tapat oh" wika ni lena bago ininguso ang malaking building sa tapat nila "nagbenta ka dyan? Sabi ko sayo sa labas ka lang at baka paalisin ka" Umiling si lena, "hindi ate mabait naman yung guard pinagbigyan ako na magtinda dyan sa labas tapos nagtawag pa nga ng ibang empleyado para bumili sakin eh" kumuha naman siya ng barya sa bulsa bago bumili ng ice water na inaalok sa maliit na tindahan kung nasan sila ngayon. Doon muna sila kumuha ng silong para umiwas sa tindi ng tirik ng araw Inabot niya ang ice water kay lena na agad naman ininom nito habang ang likod naman nito ang pinupunasan niya "kahit na--sa susunod wag kang mamilit lalo na sa mga ganyang kumpanya" iniisip niya lang naman ang kapakanan ni lena, papaano kung makatagpo ito ng tao na mapang alipusta, hindi niya kaya na maranasan ng kapatid niya ang mga naranasan niya, bata pa siya simula nung nasama sa kanyang ina na magtinda din ng mga meryenda para mabuhay silang magkakapatid. At sa murang edad marami na siyang naranasan na hindi maganda lalo na pag maglalako sila sa mga kumpanya na ganyan . Kadalasan kasi ipinagtatabuyan sila ng mga guard o ng ibang empleyado na akala mo may nakakahawa na silang sakit Alam niyang hindi parepareho ang mga tao pero buti na din na sila na ang umiwas--ayaw niya na lumaki si lena na may galit sa kapwa o lumaki na may pagsisisi kung bakit ganito ang buhay nila "makikinig ka sakin ha? Ikaw lang din naman ang iniisip ko" "opo ate--pero kasi sayang ang kita dyan mukhang nagustuhan nila yung mga paninda natin--ang sarap mo naman kasi talaga magluto" "oo na--sige magpahinga ka na dyan tutal ubos na ang paninda mo- si ate naman ang gagawa ng paraan para maubos na yung akin at makauwi na tayo" "sige te" umupo muna si lena sa bangko sa tapat ng tindahan habang ang ate niya naman ay pinuntahan ang kumpol ng tao na nasa malapit din at naninigarilyo, inalok ito ng ate niya ng paninda na agad naman napangiti ng nagsibilihan ang mga ito May isang lalake na bumili din at dumeretyo sa tindahan pinagmamasdan niya ito dahil hindi non maalis ang tingin sa ate niya kahit pa umupo din iyon sa bangko na inuupuan niya napasimangot si lena dahil tila iba ang tingin nito sa ate niya kaya hinarap niya ang lalake bago sinamaan ng tingin ito "hmp" kuha niya pa ng pansin nito kaya napadalawang tingin sa kanya ito at kumunot ang nuo 'ginawa ko sayo bata?" "sakin wala pero sa ate ko meron" napatingin siya sa ate niya na nagtitinda "makatingin ka sa ate ko kasing lagkit niyang palitaw na binili mo sa kanya" "ay echosera to" wika nito kaya gumuhit ang pagtataka sa mukha ni lena lalo na sa sagot nito lagi niyang naririnig ang salitang iyan kay ivan na kalaro niya lagi, eh may pagka pilantik ang kamay nito samantalang ang lalakeng kaharap ay lalakeng lalake ang pananamit "bakla ka po?" "bakit mukha ba kong tomboy? ikaw bata ka ah" "bakit po kasi ang lagkit ng tingin niyo sa ate ko?" "ate mo talaga yon?" tanong nito bago napatingin din sa ate niya at sa kanya tumango siya kaya napangisi ang lalake "hindi halata ah" napasimangot siya "ito naman di na mabiro--pero alam mo yung ate mo maganda ah? wala bang trabaho ang ate mo kaya nag bebenta kayo ng meryenda?" umiling si lena bago tumabi uli ng upo sa lalake "wala po , umalis na po siya doon sa dati niyang pinapasukan, hindi na daw po kasi kailangan ng kasmbahay kaya ito sinasamahan ko si ate na magtinda para may pang gastos kame" tumango tango ito "yung ate mo ba? nakapagaral?" umiling si lena "hindi po pero siya po nagpapaaral samin, pero kahit na ganyan po si ate at hindi nakapagtapos, mabait yan, masipag, maalaga, magaling magluto, maglinis ng bahay, maglaba, mamalantya, magdamo, magpaligo---" "okay bagets gets ko na masipag ang ate mo, pero mapagkakatiwalaan ba siya?" "ay opo kaya nga lagi siyang may trabaho kaso po undot udlot lang din kasi nga hindi naman yon permanente lalo pa di si ate nakapag aral, saka dati nakapulot yan si ate ng wallet ang daming laman as in , sabi ko nga wag na hanapin yung may ari kasi walang wala din kame non , ni pang bigas wala pero imbis na hindi na hanapin ni ate yung mayari, hinanap niya pa din, tinulungan ko siya noon at nung nakita namin ayun binigyan kame ng 500 kahit papaano naitawid namin ang araw--yon kasi ang turo samin ni ate, kahit gaano na kahirap ang buhay dapat hindi pa din kame kumapit sa masamang gawain, kung hindi para sa amin , hindi para sa amin" lumapad ang ngiti ng lalake bago napatingin uli sa ate niya "mukhang mabuti ngang tao ang ate mo---at talagang mapagkakatiwalaan" napapalakpak ito bago kinuha ang cellphone niya "anong pangalan ng ate mo?" "Kathryn Cassandra Solomon po" saglit na nagtipa tipa ang lalake sa cellphone niya bago napakunot ang nuo "walang f*******: ang ate mo?" "ay wala po pero ako meron" nakangiting sabi ni lena "wala kameng kuryente kaya nakiki internet lang ako doon sa piso net sa targetan nila ate memang" muli itong tumango bago kinuha kinuhaan mula sa malayuan ang ate niya, agad naman iyon nakita ni lena at lumapad ang ngiti nito ng makita ang picture ng ate niya "wow ang ganda po, kahit malayo po nakuhaan mo ng picture si ate?--ang ganda naman din kasi ng cellphone mo po, yayamanin" napangisi siya sa pagiging bibo ng bata "zinoom ko lang-- o diba ang ganda ng ate mo--artistahin, hindi lang pang tindera ang beauty niya" "nako sinabi mo pa po" mas lumawak ang ngiti niya bago kinuha ang wallet niya humugot siya doon ng tatlong libo bago inabot iyon sa bata kaya nanlaki ang mata nito "sayo na yan" "hala po! para saan po to?" "para sa pag entertain mo sakin at pagkwento tungkol sa ate mo" "naku po magagalit si ate ko" "hindi yan--sige na kunin mo na at ibigay sa ate mo pambili niyo ng bigas" "naku ang damng bigas nito-- hindi ko po to tatangihan ah! sabi kasi ng ate ko wag din sayangin ang grasya" "naku wala yang 3k, mukhang sasagipin ng ate mo ang buhay ko" "po?" may kinuha itong calling card at iniabot sa bata "yan ang calling card ko--- iyan ang pangalan ko saka number ko na pwedeng tawagan, nagtatrabaho ako dyan sa tapat" tinuro nito ang malaking building na nasa tapat lang nila "ay diyan po pala kayo nagtatrabaho?!! wow!! kaya naman po pala ang yaman yaman niyo" "naku di ako mayaman--- may mas mayaman na mayaman na sobrang yaman pa sa akin at kailangan ko ang tulong ng ate--may hinahanap kasi ako at pwede ko yon i-offer sa ate mo" "po ? oofferan mo si ate ng trabaho?" napaisip ito "oo parang ganon na nga, gusto ko siyang ipakilala sa boss ko--hihintayin ko siya para makausap ko ngayon" "talaga po?" tila nagniningning ang mata nito na tinignan ang calling card na ibinigay niya , parehas nilang hinintay si kathryn hanggang sa matapos ang pagbebenta nito pero hindi nagtagal ay tumunog ang cellphone ng lalake at nagmamadali tong sagutin pagkatapos non ay napabuntong hininga ito na humarap sa kanya "kailangan ko ng umalis, hindi ko na mahihintay ang ate mo" "ganon po ba?" tumango ito "ganto nalang ikaw nalang magsabi sa ate mo, kung pupwede siya bukas , punta siya dyan sa company namin, dalhin niya lang itong calling card ko at hanapin niya ako para makausap ko siya" "sige po, sige po" masayang sabi ng bata kaya napangiti ang lalake , nagpaalam na ito at dali daling pumasok sa building na nasa tapat lang "lena!" tawag sa kanya ng ate niya, kaya muling lumawak ang ngiti niya "ate tara may sasabihin ako sayo" kumunot ang nuo ni kathryn pagkatapos ay lumapit sa kanya "bakit?? saka sino yung nakita ko na kausap mo kanina? sinasabi ko sayo lena wag kang nakikipag usap sa hindi mo--" "mabait naman siya ate saka bumili din siya ng palitaw sayo--saka tignan mo binigyan niya pa nga ako ng tatlong libo" bumakas ang pagtataka sa mukha ni kathryn bago kinuha ang pera sa kanya "para saan daw to?" "binigay niya kasi natuwa siya sakin, kinuwentuhan ko kasi siya eh" napangiti si kathryn bago sinapo ang ulo ng kapatid inaamin niya na may pagka bibo si lena, kaya nga ito mabilis na nakakaubos ng paninda kasi ma kwento ito at madalas talaga madaming nawiwili sa kanya "pero sobrang laki nito ah,sana naman hindi mo tingap lahat-- nagpasalamat ka ba?" "syempre naman saka ate grasya na to oh, saka mabait siya at mukhang malaki sweldo kasi diyan siya nagtatrabaho--sa makatuwid nga ate gusto niya na pumunta ka dyan bukas, kakausapin ka daw niya" "ha?--bakit daw?' "baka ate oofferan ka ng trabaho, mukhang nasarapan sa palitaw mo kaya baka gagawin kang taga luto ng palitaw" lumapad ang ngiti ni kathryn "bakit pagawaan ba ng palitaw yan?" "grabe naman ate napaka laking building niyan para maging pagawaan lang ng palitaw" wika ni lena kaya napakunot ang nuo ni kathryn "pero bakit ako?" "di ko din alam basta pumunta ka daw bukas dyan ate ng umaga, baka iinterviewhin ka tungkol sa mga palitaw mo" ipinakita nito ang card na ibinigay sa kanya "ito daw ate dalhin mo ito pagkatapos ay hanapin mo siya" wika ni lena kaya napatingin din si kathryn sa card "ano yan?" "ayan ate nandyan ang pangalan niya---" napasingkit pa ng mata si lena bago binasa ang nakasulat "Marcus Garcia --Executive Secretary to the CEO. TAVERA EMPIRE"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD