Chapter 4

4923 Words
lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito "sir--pasensya na po talaga kanina, hindi ko naman po alam na maayos yung elevator, sinabi kasi nila sa akin na sira kaya nag hagdan ako sinabihan lang kita na sira kasi akala ko nga totoo kesa naman mainis ka kakahintay, kung hindi edi sana hindi na bumuka ang sugat mo" halos di mapakali niyang sabi na naiiyak na. "wag mo ng isipin yon" "nakakahiya sir, saka isa po, okay lang naman po sakin kung talagang sinadya nila ako na pagtripan, sana po pinatawad mo nalang sila hindi mo nalang po sana sila inalis sa trabaho" noong nalaman kasi nila na kakagawan ng dalawa sa front desk na sabihin na sira ang elevator para mag hagdan nalang siya ay nagalit si daniel, kinausap niya ang dalawang babae at agad na tinangal sa trabaho hindi niya makakalimutan kung gaano halos namutla ang dalawa dahil sa sinabi nito na tanggal na sila "magpatawad? sorry pero hindi ko din hahayaan na may ganoong klase akong empleyado, papaano nalang kung isa sa mga business partners ko ang pumunta at ginanon nila edi mas nakakahiya" napatingin siya sa sarili niya "hindi naman siguro mahirap malaman kung business partners o isang muchacha lamang ang pupunta sa kumpanya niyo, sa suot ko po malalaman na po talaga--kaya siguro nagawa nila yon" medyo luma na kasi ang damit niya, nabili niya lang ito sa ukayan at lagi niyang isuinusuot sa job interview niya kaya ganito na naluma Di bali ng luma kesa bumili siya ng bago eh mas kailangan niyang may ipakain sa mga kapatid niya kahit sino naman ang makakita sa kanya hindi siya pagkakamalan na napakaimportanteng tao "kahit na, hindi ko hahayaan na may ganon akong klaseng empleyado, may ginawa silang masama kaya dapat lang sa kanila iyon" bigla siyang nalungkot, nakikita niya ang sarili sa dlawa lalo pa at ilang beses na siyang pinalayas sa trabaho dahil sa isang pagkakamali, ni isa wala man lang nagbigay ng pangalawang pagkakataon sa kanya "kahit na po, papaano po kung sila nalang ang inaasahan ng pamilya nila?" "wag na natin silang pagusapan, ang dapat nating pag usapan ay ikaw?--bakit mo kailangan ng trabaho" napatanong siya "may mga kapatid akong inaalagaan at binubuhay, puro babae po sila, isa po sa highschool, dalawa po sa elementary at yung bunso po namin may deperensya sa pagiisip kaya kailangan ko din po ng sobrang kita para pambili ng gamot at gatas niya, saka para sa pagkain namin araw-araw" hindi siya makatingin ng deretyo sa lalake dahil tutok na tutok ang pagtitig nito sa kanya "hindi ka nakapag aral?" umiling siya "hangang grade 1 lang ako, hindi pa natapos kasi hindi na kinaya, kaya ko nga din ginagapang ang pagaaral ng kapatid ko para makapagtapos sila at magkaroon ng magandang kinabukasan--kaya yung iaalok niyo pong trabaho sakin tatangapin ko po yan kahit ano pa yan para lang magkaroon ako ng extra para sa mga kapatid ko" "may boyfriend ka ba?" napatingin si kathryn ng deretyo sa mga mata nito dahil hindi niya inaasahan na itanong sa kanya ito "wala po" "nagka boyfriend ka na?" "po?" "wag mo na akong i-po at opo, mukha ba akong lolo para sayo?" "hindi p---ay hindi sir" "also don't call me sir" "ha? eh ano itatawg ko sayo?" "just call me daniel, yun lang" tumango ito "so--nagka boyfriend ka na?" "ha?" tanong niya uli na tila hindi makapaniwala "tinatanong kita kung nagka boyfriend ka na?" napakagat siya sa kanyang ibabang labi dahil sa hiya, saglit niya pang hinawi ang kanyang buhok bago umiling "hindi pa po--ay ang ibig kong sabihin hindi pa--wala pa akong experience sa pagkakaron ng kasintahan" tango lamang ang iginanti nito bago napabuntong hininga "10 million" "ha?" "10 million ang ibabayad ko sayo" nanlaki ang mata niya hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya, o pinagloloko lang siya ng lalakeng ito "10 million po?" "yes 10 million kulang pa ba? gusto mo 20 million?" "ha!! teka!" napasapo siya sa mukha niya "hindi nakakatuwa to, please kung pag titripan mo ko wag naman" "hindi kita niloloko, mukha ba akong nagbibiro?" sagot nito pabalik at ng makita niya nga na seryoso ang mukha nito napatigil siya "seryoso nga?" "oo--I will give you 20 million okay na ba?" "teka sir--um daniel hindi ko pa nga alam kung anong klaseng trabaho, hindi naman siguro janitress ang trabaho ko kasi ang laki naman po ata masyado ng 20 milion" "sino nagsabi na janitress ka?" "hindi ba yon?" napangisi ito pakatapos ay umiling "kung ganon anong trabaho ba yan?" pinakatitigan siya nito dahilan kung bakit mas lalo siyang kinabahan "I want you to be my wife" "ano???!" "gagawin kitang asawa" napatayo si kathryn "ano! asawa?!" "oo asawa ko" napailing siya bago pilit na inibsan ang panlalamig ng kanyang kamay "kathryn think of it 20 million para maging asawa ko ayaw mo pa? hindi lang yon, hindi lang sila ang gaganda ang buhay kundi pati ikaw, pwede kang mag aral, aayusan kita, tuturuan kita ng mga dapat mong malaman para sa magandang kinabukasan ng mga kapatid mo. hindi na sila mahihirap, makakapagtapos sila ng maayos, maipapagamot mo yung kapatid mo" napahinto siya at napatitig kay daniel, ilang saglit na nagisip bago bumalik sa kanyang upuan "anong kasunduan? --wala akong pera, walang pinagaralan wala akong pwedeng ibigay sayo na kahit na ano hindi mo naman ako siguro gustong pakasalan dahil na inlove ka sakin" natawa si daniel bago umiling "I don't do love, this is purely business" "kung ganon ano? imposible na inaalok mo ako dahil lang wala o trip mo" "i need a wife, nagpahanap ako kay marcus at ikaw ang nakita niya" "pero bakit ako?" "iba ka, at kailangan kita, at kailangan mo ang pera ko" napailing siya "pero kahit kailan hindi ko naman pinangarap na maikasal sa hindi ko gusto, oo kailangan ko ng pera pero mas importante sa akin na mahal ko ang tao at masaya ako sa taong papakasalan ko at ibibigay ang pagkatao ko" "akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa mga kapatid mo?" Napahinto siya "marami namang paraan" "pero kelan pa? Kung pagiging masaya sa iba at pagmamahal ng iba ang kailangan mo pwede mong gawin yon pag natapos ang kontrata." "anong kontrata?" napabuntong hininga si daniel "mapagkakatiwalaan ba kita?" "ano yon?" "ang alam lang ni marcus ay pinapahanap ko siya ng mapapangasawa ko pero kagaya mo gusto ko din naman na maikasal sa babaeng magiging masaya ako--pero hindi yon ang kailangan ko ngayon kailangan kong gumawa ng paraan para sa kumpanya ko. kung ikaw kinabukasan ng mga kapatid mo ang iniisip mo ako kailangan kong makasiguro sa magiging kinabukasan ng kumpanya ko, ng kumpanya na pinaghirapan ng pamilya ko, hindi ko hahayaan na mapunta sa kamay ng iba--yung kanina na nakita mo sa kumpanya , isa sila sa mga tao na gustong kuhanin sa akin ang kumpanya ko hindi lang yon madami ang nagtatangka ng buhay ko, at dahil din doon kaya ako nasa hospital ngayon" nanatili lang siyang tahimik at pinapakingan ito "kath kailangan ko ng magiging tagapag-mana at ikaw lang ang makakabigay sa akin non" "ano?" "seryoso ako-kailangan ko ng anak at iyon ang ibibigay mo sakin, yon ang kasunduan natin" "bakit hindi ka nalang mag ampon?" "gusto ko sarili kong dugo--kasi kung mag aampon ako magiging mainit din siya sa mga mata ng gustong kumuha sa mga pag aari ko--kailangan ko ng mga anak na magpapatuloy ng dugo ko" "kaya ako ang gusto mo? para bigyan ka lang ng anak? para maging baby maker mo?" "isasaad ko sa kontrata na pag nabuntis ka at maipanganak ang bata malaya ka na sa gusto mong gawin sa buhay mo. mabibigyan mo ng magandang kinabukasan ang mga kapatid mo kasi makukuha mo ng buo ang 20 million" pinakatitigan niya si daniel bago umiling "nagtitinda lang ako ng kakanin at ulam , yon lang po... Pero kahit kelan hindi ko ibebenta ang katawan ko at lalong lalo na hindi ako magbebenta ng sarili kong anak para lang sa pera--sorry sir pero hindi ko matatangap ang inaalok mo" "pagisipan mong mabuti" iniabot nito ang calling card niya pero muli siyang umiling at tumayo sa kinauupuan niya "buo na ang desisyon ko" "So sir? paano yon? maghahanap na po ba ako ng iba?" "no" napatingin siya sa folder na kanyang hawak, pinakatitigan niya ang picture ni kathryn na nakalagay doon Umayaw ito sa iniaalok niya, kung tutuusin dapat magpapahanap nalang siya ng iba tutal mas marami pang babae diyan na sigurado siya na hindi makakahindi sa inaalok niya pero kahit na alam niyang maraming babae ang magkakandarapa sa kanya may iba kay kathryn na nakahuli ng pansin niya hindi ito katulad ng ibang babae na nakakasalamuha niya. wala itong pinagaralan, nakatira sa barong barong at ang tanging paraan para buhayin ang mga kapatid ay ang magtinda sa kalsada. hindi niya maintindihan kung bakit tinangihan nito ang 20 million na inoofer niya, bukod sa gaganda ang buhay nito at ang mga kapatid niya isang karangalan sa kanya na magdala ng sanggol na magiging tagapagmana ng Tavera pero hindi iyon sinamantala ni kathryn at malinaw na hindi ito basta basta nasisilaw sa pera yung tapang nito, yung dedikasyon sa pamilya, a responsibilidad iyon ang nais niyang maging taglay ng kanyang anak, bukod pa doon aaminin niya na nagagandahan siya sa dalaga, alam niya na may mas marami pang mas maganda dito yung artistahin pero mas gusto niya yung simple lang katulad ni kathryn "I know she will change her mind, wait for her call or find a way para mapapayag siya" "so bet mo talaga siya sir no?' tanong ni marcus habang nakangiti "Ano bang sinasabi mo? I just need a perfect wife para lang may makakatuwang ako sa pagpapatakbo ng kumpanya" "so perfect siya?" "ano bang sinasabi mo dyan marcus?" "i know hindi siya yung babae na makakatuwang mo sa pagpapatakbo sa kumpanya, you are not that kind of person sir, I know you want her to carry your heir?--gusto mong gumawa ng mga chikitings kasama siya--yung totoo sir habang tinitignan ko kayo kanina naiimagine ko na yung mga bata na magtatatakbo papasok ng office niyo, tapos may time na tatamarin kang pumsok kasi naglalambing siya sayo--tapos yung mga ngiti mo sir nakikita ko na din" asar nito ng tila mapansin na totoo nga nakangiti siya "anong nakangiti?" muli siyang napasimangot "sus, alam ko type mo--and I think sir bagay kayo, baka siya na ang paraan para--" para mawala yung sama ng ugali mo yung pagsusungit mo yung invisible regla mo "mawala ang??" "ang mga problema mo, na maging masaya ka kapag siya nga ang pinakasalan mo" "what I need right now is to plan the future of my company, at hindi ako makakasiguro na magiging maayos yon kung wala akong magiging taga pag mana. yon lang--kaya kung ako sayo you should find a way to convince her. kung gusto mo pang manatili sa trabaho mo" "hmmp sir, if you really want her,you need to make an effort, in kathryn's case mukhang wala pang naging boyfriend yon eh, kaya hindi na ko nagtataka kung bakit nilayasan ka, kasal ba naman iaalok mo talagang matatakot yon kahit napakayaman mo pa--kasi kung ibang babae yon baka sir kanina pa buntis kasi malamang nilingkis ka na, kaso iba nga si kath kaya dapat maging gentleman ka naman lalo pa kung gusto mo talaga siya dapat mag effort ka" "anong ibig mong sabihin?" napairap si marcus, iniisip niya na kung hindi niya lang boss ito baka kanina niya pa naingudngud. "give her flowers, bisitahin mo, o kaya naman yayain mo lumabas" "ang ibig mo bang sabihin ay ligawan ko siya?' "ano ba sa tingin mo sir?" "sorry hindi ko gawain yon, ang mga babae ang kusang lumalapit sa akin" "eh bakit siya tinakbuhan ka sir? sabi ko sayo sir iba si Ms.Solomon, kaya dapat ibang paraan din" "Then send her flowers" "Bibili ako at iaabot mo sa kanya--" Kumunot ang nuo ni daniel bago umiling "inuutusan mo ba ako marcus? baka nakakalimutan mo ako ang boss dito" "hindi kita inuutusan sir, tinutulungan kita na magka asawa at chikiting, kung gusto mo talaga na masiguro ang kinabukasan ng kumpanya mo kumilos ka na--tatandaan mo sir madami nagbabanta sa buhay mo, baka nextweek nako ma chugi ka ng walang tagapagmana" .... "Welcome home ate!!!"nagulat siya ng biglang marinig ang mga sigaw ng mga kapatid, nakangiti ang lahat ng ito na bumungad sa kanya sa may pintuan "oh?" "kamusta ang interview mo ate?--natangap ka ba?" masayang sabi ni maymay habang hinihila siya paupo sa mesa nakita niya na may mga nakahanda doon, pansit at puto saka may isang bote pa ng softdrinks, madilim ang paligid dahil wala naman silang kuryente at tanging ang gasera sa lamesa at banda sa kusina ang nagpapailaw sa bahay nila pero kahit na ganoon kitang kita niya padin ang mga ngiti at tuwa na nakaguhit sa mukha ng mga kapatid niya na mukhang kanina pa siya hinihintay? "para saan to?" "syempre celebration!" masayang sabi ni mikmik bago nagsimulang mag lagay ng plato sa mesa. "oo nga ate? nako I'm sure natangap ka! ikaw pa! napakabait napakaganda at napaka sipag namin na ate!" sabi naman ni lena na nagsasalin ng softdrinks sa baso nila, inaasikaso siya ng mga kapatid habang sunod sunod sila nagsasalita, tinatanong kung anong nangyari sa lakad niya. pero siya hindi niya alam kung paano ba sasagutin ang mga ito nakakahiya naman na ang saya saya nila tapos sasabihin niya hindi niya kinuha ang inaalok sa kanya.. ang bagay na may kapalit na malaking halaga na maaari sanang mag-ahon sa mga kapatid niya sa buhay na meron sila ngayon. ngayon napatingin siya kay leleng na bumubungisngis din habang kandong ni maymay. tignan mo pati ang kapatid na kahit hindi sila naiintindihan masaya para sa kanya. ngumiti siya at hinaplos ang mukha ng kapatid "so ate? ano ba yung company na yon?" tanong uli ni maymay "oo nga ate? totoo ba na factory yon ng palitaw? ikaw na ba ang gagawa ng palitaw nila?" "ano ba kasi ang trabaho na inoffer nila sayo ate?" napabuntong hininga siya sana nga ganon lang kadali na sabihin kung ano yung kailangan niyang gawin para sa isang malaking halaga ng salapi ganon pa man nilakasan niya ang loob para sabihin sa mga ito na mali ang kanilang inaakala na tinangap niya ang trabaho "naku, sa totoo kasi, hindi natangap si ate" "ha?" biglang nalungkot ang mukha ng mga kapatid niya "hindi ka nila tinangap? Eh ate mukhang gustong gusto ka talaga kunin nung si kuya na nagbigay ng card eh, paanong hindi ka natangap?" "ha? ano kasi ng totoo si ate ang tumangi" "po? eh bakit mo naman tinangihan ate?" tanong ni maymay "kasi mahirap--hindi kaya ni ate" "eh ate wala ka naman di kaya, ang sipag mo kaya, lahat kinakaya mo" umiling siya bago pilit na nginitian ang mga kapatid "hindi naman lahat kaya ni ate, para sa inyo oo hangga't kaya o matitiis ko gagawin ko pero may mga bagay na hindi din tayo pwedeng gawin dahil hindi din natin kaya o hindi talaga pwede--o hindi para sa atin" "ano ba kasi yung pinapagawa nila ate? anong klaseng trabaho ba?" muli siyang napatahimik alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito sa pagtatanong hanggat hindi niya sinasabi ang totoo "para sa kumpanya, mahirap kasi, alam niyo naman si ate, wala naman akong alam sa mga ganon saka... hindi nakapagaral si ate hindi ako bagay doon" "sus ate naman--yun lang sayang naman opportunity" reklamo ni lena kaya kinurot siya ni maymay "hayaan mo na si ate--nako baka mahirap nga kasi, madami pa naman na ibang trabaho" "sayang akala ko pa naman kasi makakapasok na 'ko doon mukhang ang ganda ganda kasi talaga eh" reklamo ni lena kaya nakatikim uli ito ng kurot mula kay maymay "nako ikaw talaga paka echosera mo hindi ka naman ang magtatrabaho kundi si ate" "hayaan mo na may, wag kayong mag-alala, madami pa naman pwedeng trabaho na pasukan si ate, pero habang wala pa magbebenta pa din si ate, saka mas mababantayan ko kayo" "ay oo nga pala ate---" lumapit si lena bago kinuha ang basket na nasa gilid inabot sa kanya ang dalawang libo na napagbentahan sa mga nilako nito kanina "ito na yung napagbentahan kanina te, o diba naubos ko, sarap na sarap kasi sila sa mga luto mo" "wow! at syempre hindi din naman mauubos ang paninda ko kung hindi magaling ang tindera ko" puri nito bago niyakap ang kapatid agad naman na napangisi si lena "naman! magiging business woman ako someday ate!" pinisil niya ang pisngi ng kapatid "nako dapat ang pero wag lang puro pagtitinda ang isipin , mag-aral din, doon ka mag focus dahil pag hindi ka nakapagtapos wala din" "ikaw may-may kamusta ang school?" "nako maayos! yung group namin yung nanalo kanina sa presentation ate, tapos nagandahan yung teacher namin doon sa project na ginawa natin kaya ang taas taaas ng score ko" "wow talaga!! ang galing naman ng mga kapatid ko---ikaw mikmik kamusta ang school?" napalabi si mikmik at tila naging malungkot "o bakit ka malungkot?" "eh kasi zero siya sa quiz kanina" wika ni lena kaya sinamaan siya ng tingin ni mikmik "ikaw kamo sabi ko sayo wag mong sasabihin kay ate eh-- oo na ako na mahina ako na bobo--ate ayoko na mag school sasamahan nalang kita magbenta" "hayy nako kayo talaga tama na yan" napabuntong hininga siya bago nilapitan si mikmik "mik, wag kang mahiya kay ate, saka eh ano naman kung zero ka sa quiz niyo kanina? eh pwede ka naman bumawi sa susunod na quiz. saka alam mo hindi naman purkit zero ka quiz is mahina ka o bobo ka, kasi wala namang nilikha ang diyos na bobo, maaring hindi ka lang magaling sa isang bagay pero hindi ibig sabihin non bobo ka na, may mga bagay na mas magaling ka na hindi kaya ng iba kailangan mo lang magsikap. hindi yung purkit zero ka sa quiz is ayaw mo na mag-aral, o kaya titigil ka na" "sorry ate" napailing siya "kaya nga naghihirap si ate kasi gusto ko na makapagaral kayo, makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay para sa sarili niyo, para sa pamilya na bubuuin niyo balang araw. kaya ipangako niyo sa akin na kahit mahirap yung buhay natin hindi kayo titigil sa pag-aaral, hindi kayo titigil na mangarap, na kahit mahirap lang tayo at madaming pagsubok magsisikap kayo para nadin sa sarili niyo, para sa ating magkakapatid, para kay leleng diba?" "syempre para sayo din ate--" niyakap siya ng mga kapatid niya "ate magsisikap ako ng mabuti, mag-aaral at makakapagtapos pangako ko yan, tapos pag nagka trabaho ako ikaw naman paaaralin ko" sabi ni mikmik kaya napangiti siya "hala paaralin mo si ate eh lola na siya non" sabi ni lena kaya natawa sila. agad naman sinimangutan ito ni mikmik "grabe ka naman makalola--eh bakit may mga lola naman na nagtatapos ng school kahit matanda na" "hoy kayo mag-aaway nanaman kayo ah? hahaha nako baka that time nakapagasawa na si ate" "ayiiieee" napangiti siya lalo pa ng asarin siya ng mga ito kaya pinagpipisil niya ang mga pisngi ng mga kapatid pagkatpos ay napailing "nako kumain na nga tayo tignan niyo tunaw na ang yelo sa softdrinks natin" agad naman nagsisalukan ang mga kapatid niya, napangiti pa siya ng mag-agawan pa ito sa puto dahil lang kulay nito "akin yung pink!" "akin naman yung purple!" simple lang naman ang buhay na gusto niya, masaya lang, hindi niya kailangan ng milyones lalo pa kung ang kapalit non ay may idadamay siyang musmos dahil kahit kailan pinangako niya sa kanyang sarili na hinding hindi niya gagawin ang ginawa ng magulang nila ---- Pinunasan niya ang kanyang mukha dahil sa tindi ng pawis niya,maaga siya nagpunta sa palengke ngayon para sa mga rekado sa mga meryenda na iaalok niya mamayang hapon, dinamihan niya kasi yung kahapon at naubos iyon kaya naubusan na siya ng rekado bitbit ang kanyang dalawang bayong ay binilisan niya ang paglalakad, mag 7am na kaya alam niya na paalis na ang mga kapatid para pumasok sa school at walang maiiwan sa bahay para magbantay kay leleng ang sakto naman na pagdating niya sa bungad ay nakita niya si lena at mikmik na paalis na "len, mik pasok na kayo? nakuha niyo ba yung baon niyo? si ate maymay nasa loob pa din ba?" tumango sila bago lumapad ang ngiti "ate hindi namin kinuha yung baon na ibinigay mo" "ha? bakit?" tanong niya sa dalawa na malapad lang ang ngiti "kasi ate binigyan na kame ng baon ng bisita mo" napakunot ang nuo niya "bisita?" tumango ang dalawa hangang sa may isang lalake na lumabas sa pintuan "okay kids tara na ihahatid ko na kayo" napatingin siya sa lalake at nakita na si marcus iyon "sir marcus? anong ginagawa mo dito?" "hi ms. solomon--binibisita ka lang namin ni sir" "sir?" tumango ito at sumilip sa loob doon nakita niya si Mr. Daniel Tavera na nakaupo at kausap si may-may nanlaki ang mata niya at bumalik ng tingin kay marcus '"teka--teka--- yun ba yung nagbigay ng baon sa inyo?" tumango ang dalawang bata napabuntong hininga naman siya bago inihain ang kamay "akin na yung pera dali ibigay niyo sakin" "pero ate---" pinandilatan niya ang dalawa "akin na" wala naman nagawa ang mga ito at ibinigay ang tig isang libo nila, dumukot siya sa bulsa bago binigyan ng tig bente si lena at mikmik na agad napasimangot "ate naman--" "pumasok na kayo late na kayo" wika niya, walang nagawa ang dalawa at napatalikod nalang sumunod si marcus kaya kinuha niya ang pansin nito "sir marcus wag mo na po sila ihatid" "naku yun ang utos sakin ni boss eh pagagalitan ako non pag sinuway ko siya" napasapo siya sa mukha niya at walang nagawa dahil lumapit ito sa dalawa niyang kapatid na ngayon nakangiti napasapo nalang siya sa kanyang nuo bago pumasok sa loob ng bahay agad naman napalingon sa kanya si maymay at ang binata "Ms. Solomon" wika nito pero tinignan niya lang, ibinaba niya ang mga pinamili bago lumapit kay maymay "ate sino ba to?" "wala may, sige na pumasok ka na mala-late ka na--" tumango si maymay bago niyakap pa siya saglit niya pang hinawakan ang kamay nito at inabot ang tinapay na binili niya "sige na kunin mo na para di ka magutom mamayang hapon" "ate hindi ko kinuha ayung binibigay niyang pera" "dapat lang--sige na ingat ha? uwi agad pagkatapos ng klase" "opo ate--" saglit pang tumingin ang kapatid kay daniel na seryoso lang ang tingin sa kanila "sige po kuya--aalis na po ako" tumango ang binata at ngumiti ng tuluyan ng umalis ang kapatid ay lumapit siya sa binata ibinalik niya ang pera na ibinigay nito sa dalawa "bakit mo ibinalik eh ibinagay ko sa mga bata yan" "hindi ka bagay sa lugar na ganito" wika niya dito bago ngumisi ito "alam ko" "pero bakit nandito ka? ano ginagawa mo dito?" napailing siya "para sabihin ko sayo hindi namin kailangan ng limos mo--" "hindi ako nagbibigay ng limos kathryn" wika nito kaya napatitig siya sa lalake iba ang dating nang pagkakabigkas nito sa pangalan niya parang ngayon niya lang narinig ng ganoon kaganda ang pangalan niya napailing siya, ano ba ang pumapasok sa isip niya? "nandito ako para bisitahin ka" "ha?--ako?" "nagbabakasakali na baka magbago ang isip mo" umiling siya bago tinapatan ng tingin ito "kung iniisip mo na magbabago ang isip ko pwes nagkakamali ka--masaya na kame sa kung anong meron kame- kaya kong igapang ang mga kapatid ko sa kung ano lang ang kaya ko" "siya, kaya mo din ba maipagamot ang kapatid mong yan sa katiting na kinikita mo sa pagtitinda?" wika nito pagkatapos ay sabay silang napatingin kay leleng , ngumingisi ito sa kanilang dalawa "oo may direpensya ang kapatid ko pero hindi niya kailangan ng awa mula sayo" "alam ko, kasi ang kailangan niya ay tulong para maipagpagamot siya, pwede kitang tulungan kathryn, may pag-asa pa, meron din paaralan na para sa mga katulad nila, hindi naman purkit na ganyan sila ay susukuan mo na" "hindi ko sinusukuan ang kapatid ko--hindi lang sapat yung pera--" "yon nga, kaya nga inaalok kita na-" "buntisin mo?" "papakasalan kita" umiling siya bago kinuha ang bote ng gatas ng kapatid at ibinigay iyon dito dahil mukhang gutom na "pero para ko na din pinagbili ang magiging anak natin kasi yon ang kasunduan diba?" "magkakaroon siya ng magandang kinabukasan, magiging tagapagmana ko---yung pera na ibibigay ko sayo makakatulong yon sayo, sa mga kapatid mo--kulang pa ba ang 20 million? gagawin kong 50 million?" sabi pa nito kaya isang matalim na tingin ang ginanti nito sa kanya "pero bakit kasi ako, madami diyang iba, bakit ako?" "kasi hindi ka mukhang pera, tinatangihan mo ako kasi hindi ka ganib. at alam kong nangangailangan ka--para sa mga kapatid mo para sa kinabukasan nila" "bakit pag pumayag ba ako sa gusto mo? sa alok mo? at kunin ko ang pera hindi ba ako ganib non? para nadin ako naging mukhang pera dahil nagawa kong ipagbili ang anak ko" "na anak ko din naman--hindi mo naman kailangan na isipin na--" napailing siya bago hindi napigilan ang luha sa mata niya, tinitigan niya si daniel na parang hirap na hirap siyang pakiusapan ito "hindi mo kasi ako naiintindihan daniel, gagawin mo akong baby maker mo, hindi lang katulong hindi bilang emplyeyado kundi baby maker mo---naririnig mo ba ako? sige nga paano kung isang araw umuwi ako dala yung malaking pera na ibinayad mo sa akin dahil binigyan kita ng anak, papaano ko sasabihin sa mga kapatid ko ha? papaano ko iiexplain sa kanila na naging baby maker ang ate nila para lang magkaroon sila ng magandang buhay? kung bakit sila makapagtatapos? mandadamay ako ng buhay ng bata? ng sarili kong dugo?" "hindi naman yon ang dapat mong isipin, tutulungan mo ako, tutulungan kita, walang masama doon" "sayo parang napakadali lang pero sakin hindi kaya ng konsensya ko yon, palibhasa kayong mayayaman akala niyo lahat nabibili ng pera niyo, akala niyo purkit madami kayong pera pwede niyo na 'ding bilhin ang pagkatao ng sino mang gustuhin niyo" napatayo si daniel sa kanyang upuan at matiim siyang tininganan, napatahimik siya lalo na sa ibang presensya na dulot ng paglapit nito sa kanya "sigurado ka na ba?--wala ng bawian" umiwas siya ng tingin "simpleng buhay lang ang gusto ko, hindi ko kailangang magpaka puta sayo" hindi na ito sumagot pagkatapos ay derederetyong lumabas ng bahay niya, halos sunod sunod naman ang pagpatak ng mga luha niya lalo pa ng marinig niya ang malakas na pagkalabog ng pinto dahil binagsak iyon ng binata. bigla din umiyak si leleng dahil sa gulat kaya dali dali niyang nilapitan ito para patahanin --- "humanap ka na ng iba, nagsasayang lang tayo ng oras sa kanya" "grabe naman sir, suko ka agad, isang araw ka palang nanliligaw" sinamaan niya ng tingin si marcus kaya napatigil ito "sinabi ko ng wala akong panahon para sa ganyan. kaya hanapan mo na ako ng bago, kung ayaw niya ng tulong ko, edi wag. binigyan ko siya ng pagkakataon ngayon sinayang niya kaya magdusa siya--saka sino siya para pag-aksayahan ko ng oras? di hamak na tindera lamang siya" napangiwi si marcus bago tumango "sigurado ka ba talaga sir?" nagagalit siya, naiinis dahil sa mga binatawang salita nito kanina na akala mo inaapi sila, ang tanging kasalanan niya lang naman sa buhay ay ang maipanganak ng mayaman at mabuhay ng magisa mali ba na isipin ang kapakanan ng kumpanya niya na nanganganib dahil wala siyang tagapagmana? hindi niya hahayaan na mauwi sa wala ang lahat at mapunta ito sa kamay na lulustaw sa mga pinaghirapan niya "palibhasa kayong mayayaman akala niyo lahat nabibili ng pera niyo, akala niyo purkit madami kayong pera pwede niyo na 'ding bilhin ang pagkatao ng sino mang gustuhin niyo" muling bumalik sa isipan niya ang binitawang salita nito. alam niya ang kanyang ugali, madami ang galit sa kanya dahil masama siya, isa pa hindi naman iyon ang unang beses na may nag sabi non sa kanya pero nung si kathryn ang nagbitiw ito parang isa iyon matalim na punyal na sumugat sa damdamin niya napailing siya at pilit na inalis ang mga bagay sa isipan hindi niya pipilitin ang baabeng ayaw naman sa kanya masyadong mabigat ang responsibilidad na kinahaharap niya ngayon para isipin pa ang katulad ni kathryn --- NAPANGITI siya nang makita na naubos nanaman ang mga nilako niyang paninda ngayong hapon, kagaya ng nakagawian kasama niya si lena na nagtinda at magkaibang direksyon ang tinahak nila para mas mabilis na maubos ang mga paninda nila. binilang niya ang kanyang pinagbentahan at inilagay iyon sa kanyang bulsa habang hinihintay ang kapatid na alam niya papunta na din sa pinagusapan nilang lugar umupo siya saglit at bumili muna ng maiinom habang hinihintay ito, dapat ay nandito na iyon ngayon. napalinga siya sa paligid hanggang sa may mapansin siyang nagkukumpulan sa kabilang banda ng kalsada napakunot ang nuo niya, iniisip na baka may nagtitinda doon na pinagkukumpulan ng mga tao hangang sa may dumaan sa harap niyang dalawang babae na tila napapailing nalang "diyos ko kawawa ang bata tumawag na kayo ng ambulansya" bigla siyang napahinto , biglang nakaramdam ng kaba sa loob loob niya na hindi niya din malaman kung bakit niya nararamdaman. agad siyang napatayo at mas tumindi ang bilis ng pagkabog ng dibdib niya ng marinig pa ang ilang sinabi nang mga taong nagkukumpulan "jusko naman! tumawag na kayo ng ambulansya!!" "tulong tulong may bata na nasagasaan!" "naku mukhang patay na"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD