bc

The Pregnancy Contract

book_age18+
39.2K
FOLLOW
248.5K
READ
sex
contract marriage
second chance
pregnant
drama
sweet
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

A girl in need of a better life, and a man who find ways to complete his life.

It's a contract, simply business and no strings attached, but no business deal is that easy, specially like this one.

Maagang Naulila sa Ama si Kathryn kaya sya ang tumulong sa ina sa pagaalaga ng kanyang mga kapatid ngunit nagkasakit ito at tuluyan na din silang iniwan kaya wala syang nagawa kundi ang mag-isang itaguyod ang apat pang maliliit na kapatid na babae. Nagsikap sya na maibigay ang mga pangangailangan nila dahilan kaya hindi sya nakapag-aral, ni hindi din sya marunong mag-sulat at mag-basa. Ayaw nya na pagdaanan ng kanyang mga kapatid ang kanyang naranasan kaya gagawin nya ang lahat para maprotektahan at mapagaral ang mga ito. Ganon pa man, sadyang malupit ang tadhana dahil nasangkot pa sa isang aksidente ang kanyang nakababatang kapatid.

Daniel Lucas Tavera, a finest billionaire, the most influential and successful bachelor in Asia. He claims that love isn't anywhere to be found in his long and complicated life.. But nothing's permanent, kailangan niya ng tagapaman para maipagpatuloy ang mga nasimulan niya.

He will not use love but his money instead. At nakilala niya si Kathryn Cassandra Solomon, a girl who will do everything in return of money.

"Tinangap mo ang kasunduan at ako ang nagbabayad dito wala kang karapatan  para mag-demand at lalong lalo na wala kang karapatan para manghimasok sa mga desisyon ko!"

pinilit niyang kumalma at simpleng tinignan ito sa mga mata

"pero yon lang ba ako para sayo daniel? Ina lang ng anak mo?"

"Hindi---Hindi ka nila ina kathryn. Binabayaran lang kita para lang dalhin ang anak ko--wala ng iba, dahil hindi ka din nila kikilalanin bilang ina. This is just A Pregnancy Contract and everything will end after 9 months yon ang kasunduan!"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"BOBO!, ang dali dali lang ng instructions ko pero hindi mo pa din nakuha? I already gave you a warning pero umulit ka nanaman!" napapikit ang mga empleyado sa labas ng opisina, kakaumpisa pa lamang ng trbaho pero halos lahat aligaga dahil sa boses na umaalingawngaw sa buong floor kung tutuusin hindi na ito bago, sanay na sila sa ugali ng kanilang boss "sir, pasensya na po.. hindi na po mauulit" tila nanginginig sa takot na sabi ng empleyado na kaharap niya ngayon "at talagang hindi na mauulit, because you are fired!" "Mr.Tavero wag naman po, magiingat na po ako sa susunod" "wag na, di ko na hahayaan na mawala uli ang isang project dahil sa kapabayaan ng isang katulad mo kaya kung ako sayo kunin mo na lahat ng gamit mo at umalis ka na dito sa kumpanya ko" madiin niyang sabi bago tinalikuran ito, agad namang lumuhod ang lalake tila nagmamakaawa sa harap niya "Mr. Tavera please, wag naman po kailangan ako ng trabaho" "kaya maghanap ka na!" walang pagaalinlangan niyang hinawi ang pagkakahawak sa kanya nito "Marcus! alisin mo to sa harap ko kung ayaw pa din, paakyatin mo ang security at ipakaladkad mo to wala akong pakealam" "sir please" pagmamakaawa uli ng lalake pero naging bingi siya "Marcus!" "sir" agad lumapit ang secretary niyang si marcus at pinatayo ang empleyado "Mr.Chaves, tara na po" pinakiusapan niya ito "tara na po para wala ng gulo" "Napakasama mo!! napakalupit mo sa mga empleyado mo! pakiramdam mo diyos ka! pero sa totoo lang isa kang demonyo! makakarma ka din! sinisumpa ko makakarma ka!" sigaw sa kanya ni mr.chaves kaya napangiti nalang siya, hindi na bago ito sa kanya, he's receiving a lot of death threats from a lot of people, powerfull people at ni isa walang nagtagumpay kaya natatawa nalang siya sa mga sinasabi ng mga maliliit na tao na walang kapangyarihan katulad ni Mr. Chaves wala siyang pakealam kahit kung ano ano pang pangalan ang itawag sa kanya, he deserves to be rude kung gugustuhin niya dahil hindi naman niya narating ang posisyon niya ngayon ng dahil lang sa awa,kailangan niyang maging demonyo para sa mga kalaban niya na patuloy siyang binabagsak. kailangan niyang maging mahigpit lalo na kapag tungkol na sa companya ang pinaguusapan, a milyon dollar project, iyon lang naman ang pinabayaan ni mr.chaves, natalo sila sa auction at nakuha ng kalabang kumpanya ang project na iyon dahil lang sa kapabayaan . kaya hindi na niya hahayaan na maulit pa iyon pinindot niya ang intercom at muling tinawag si marcus, ilang saglit lang ay pumasok na ito sa opisina niya "yes sir?" "maghanap ka ng kapalit agad ni Mr.Chaves kapag naka hire na kayo ipa-train mo agad kay gina, pero bago yon kailangan ko ng isang tao na hahawak sa mga project na naiwan niya, and this time gusto kong siguraduhin mo na hindi na mapapabayaan kasi ikaw na ang susunod na sesesantihin ko" "yes sir! actually may naisip na po ako" napakunot ang nuo niya bago lumingon kay marcus, may inilapag ito sa lamesa niya isa iyong folder "I already have a candidate para hawakan ang mga projects na naiwan ni mr.Chaves" binuklat niya ang folder at nakita ang isang profile ng empleyado sa kumpanya "He is Mr.Salazar siya yung humawak ng project para sa housing sa tarlac, palawan and singapore, his current project in Canada won the auction last saturday for 158 Billion dollars" napatango siya bago isinara ang folder "good buti naman--but make sure na hindi magsasayang ng project yang salazar na yan" "yes sir--I'll inform Mr.Salazar as soon as possible" "wag mo ng i-inform, I don't need his Goddamn approval because this is my company, ibigay mo ngayon ang project at simulan ang auction as soon as possible" "yes sir---umm sir do you need anything pa po?" napakurot siya sa sentido niya at napaupo sa swivel chair niya bago binuklat ang iilan sa mga papeles na kailangan niya pirmahan "give me rum and ice, tawagan mo din si Mr.Chua at imove ang meeting namin ngayong umaga--pagkatapos kong pirmahan ang lahat ng to ay aalis agad ako" "noted sir" kukunin na niya ang sign pen niya ng biglang tumunog ang cellphone niya tinignan niya iyon at nakita na hindi registered ang number ng tumatawag, pero agad niya rin iyong sinagot "hi babe!!" agad na napakunot ang nuo niya bago napatingin muli sa cellphone niya "sino to?" "ito naman nakalimutan mo na ako agad? bakit mo naman kasi ako iniwan sa hotel agad kanina e di sana nabigyan kita ng breakfast?" parang sumakit bigla ang ulo niya sa kanyang narinig paano niya nakuha ang number ko? saka ano nga uli ang pangalan niya? "umm ano nga uli pangalan mo?" "ikaw naman! si clarisse to!' "ha?um wrong number ka yata wala akong kilalang clarisse" palusot niya, hindi naman niya talaga kakilala ito ng lubusan, ngayon nga lang niya nalaman na clarisse pala ang pangalan nito ang alam niya lang ay secretary ito ng isa sa mga naka meeting niya kahapon na nagpakita ng motibo, kaya din pala alam nito ang number niya "pero mr. tavera--ako to, paano nalang ang nangyari sa atin kagabi akala ko pa naman mahal mo ako" agad niyang pinatay ang tawag at agad binlock ang number nito wala siyang panahon na mag entertain ng mga babaeng kagaya ni clarisse, alam niya ang habol ng mga ito sa kanya.Gagamitin ang salitang pag-ibig para lang paikutin siya sa palad nila. "sir ito na po ang inumin niyo--oo nga po pala sir tumawag po si Madam Corazon kinakamusta po kayo--tinatanong kung nabasa mo daw ba yung email niya tungkol sa posisyon na hinihingi niya sa kumpanya para sa kapatid mo" gusto niyang matawa sa sinabi nito "sabihin mo wala akong pakealam sa kanya--at sabihin mo na wala silang lugar ng anak niya dito sa kumpanya ko" "pero sir" "marcus ilang ulit kong sasabihin na wala akong pakealam sa kanya?" "pasensya na po sir, ako na po sasagot sa email niya" kaya hindi siya naniniwala sa mga babae katulad ni clarrise dahil sa sariling tahanan pa lang ng ama niya ay may kagaya na nito, may isang Sylvia Corazon ng nakatira. isang babae na sumira sa ama niya dahil sa salitang pagibig. ito ang kabit ng ama niya na pilit ipinapaako ang anak nito bilang kapatid niya. hindi nila matangap na walang iniwan ni singko ang kanyang ama sa dalawa kaya ngayon nakikisiksik ito at umaasa ng limos sa kayamanan niya wala siyang tiwala sa mag-ina na iyon, kahit kelan isang latak lamang sila na pilit sumisiksik at sinisira ang pamilya niya, nagtagumpay sila noon pero hindi niya hahayaan na magtagumpay sila ngayon, kaya kahit anong gawin nila hindi niya papayagan ang dalawa na magkaroon ng access sa kumpanya na pinaghirapan niyang itaguyod "sir na move ko na po ang meeting mo with Mr.Chua" napatingin siya sa kanyang relos "Okay iready mo na ang sasakyan, ayoko nagaaksaya ng oras" "okay sir" rinig niya sa intercom mula kay marcus kaya tinapos niya ang ilan sa dapat pirmahan pagkatapos ay lumabas na ng opisina halos manahimik ang lahat ng empleyado at naging tutok sa mga trabaho nila, natatakot na baka pag nakita ni Daniel na wala silang ginagawa ay bigla nalang silang sesantihin sa isip isip niya mabuti ng may takot ang mga empleyado niya sa kanya, para hindi nila sinasayang ang pinapasweldo ng kumpanya kung uupo-upo lang sila maghapon Matindi ang takot ng mga empleyado kay daniel. Malupit at matapobre ang tingin ng ito sa kanya dahil iyon din ang ipinapakita niya sa lahat ng nandoon pag sa tuwing bubukas ang elevator at may mga empleyado doon ay hindi siya papasok hanggat hindi sila lumalabas, kaya sa tuwing makikita siya ng mga emleyado na papasok ng elevator ay agad na nagsisialisan ang mga ito o kundi naman ay agad umiiwas sa kanya agad naman siyang napangiti ng pagpasok niya ng elevator, wala siyang kasabay dahil tila mga bubwit ang mga nasa loob kanina na kusang naglayasan ng makita siya. tamang tama lang iyon para sa kanya dahil ayaw niya ng masikip pag baba sa lobby ng building ay agad huminto ang mga nandoon at binati siya, gayon pa man ay walang nag lakas ng loob na tignan sya sa mata ng dahil sa takot "sir nandyan na po ang sasakyan niyo" tumango siya pagkatapos ay agad ng lumabas ng building ngunit hindi pa siya tuluyan nakakapasok ng kanyang sasakyan ng biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril, sunod niyang naramdaman ang mainit na likido na tumutulo mula sa kanyang dibdib sinubukan niya pang yumuko ngunit unti unting nanlabo ang kanyang paningin hangang sa tuluyan na siyang bumagsak sa sahig "tumawag kayo ng ambulasya!" rinig niya pang sabi ni marcus hangang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay .... unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata, agad naman bumungad ang isang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa silid, alam niyang hindi pa siya patay dahil alam niyang hindi siya mapupunta sa langit, at isa pa hindi siya pwedeng mamatay dahil ayaw niyang magtagumpay ang kung sino man ang may utos na ipapatay siya ramdam niya ang kirot sa kanyang dibdib gayon pa man ay pilit siyang umupo sa higaan, napatingin sa doctor na kausap ngayon ang secretary niyang si marcus wala naman na siyang ibang inaasahan pa na makita ngayon kundi ito lang, wala na siyang pamilya para bumisita sa kanya para alamin ang kalagayan niya "sir!" tarantang sabi ni marcus ng makitang gising na siya , pati ang doctor ay napalingon at agad na nilapitan siya "anong nangyari?" "mahiga ka muna, nakakabuti na kung hindi ka muna gagalaw at baka bumuka ang sugat mo" "maayos lang ako--" "Mr.Tavera, hindi ka maayos kaya sinasabi ko na sayo na mahiga ka nalang" tinignan niya ito, namumukhaan niya ang doctor pero tila umaakto itong hindi siya kilala "iba ang lalim ng sugat mo ngayon Mr.Tavera hindi ka tulad noon na laging daplis lang. alam mo bang kamuntikan ka ng mamatay?" "ha? anong sinasabi mo?" hindi niya makapaniwalang tanong sa doctor kaya napailing ito napatingin din siya kay Marcus na nasa tabi nito at tumango ito "malapit sa puso mo ang nakuha naming bala, kung tutuusin napaka swerte mo at hindi dumeretyo sa puso mo, na-comatose almost 2 weeks daniel at ngayon ka lang nagising" "ano?!" gulat niyang sabi bago pilit na bumangon hindi pupwede na na-coma siya ng ganon katagal, paano ang kumpanya niya? hindi pupwedeng walang nagpatakbo non ng dalawang linggo "hindi pwede ! 2 weeks! kailangan ko ng bumalik sa kumpanya" "sir kailangan mo muna daw po mag stay dito sa kumpanya ng ilang araw pa" "hindi pwede---" "hindi pwede daniel" awat sa kanya ng doctor "kung gusto mong bumalik sa kumpanya kailangan mong magpagaling" "hindi pwede--at sino ang mamamahala ? hindi ko pwedeng ipasa ang trabaho ko sa iba--" napatingin ang doctor kay marcus "maari bang iwanan mo muna kame ng pasyente iho?" agad naman tumango ito pagkatapos ay iniwan silang dalawa "daniel" kung kanina ay napaka pormal nito sa kanya at tinatawag siya sa apelyido ngayon ay ang pangalan nalang niya ang binangit nito "makinig ka sakin ng mabuti, wag mong tularan ang ama mo" wala na din siyang nagawa lalo pa na tumaas na ang boses ng doctor, ito ang doctor ng ama niya at kilala na siya nito simula bata dahil naging matalik na kaibigan din ito ng kanyang ama, pero hanggang ganito lang naman ang mga tao na malalapit sa kanila noon, pormal at tila hindi sila kilala pag sa harap ng iba dahil sa takot na din na akalain ng mga kalaban nila na malapit ang relasyon nila sa pamilya nila natatakot sila sa kanilang kaligtasaan kaya ng nawala ang kanyang mama, nag isa-isa ding nagkalasan ang mga tao na malapit sa kanila. ito ang dahilan kung bakit niya kailangag maging malupit para protektahan ang sarili niya dahil kung hindi at naging mahina siya malamang matagal na siyang patay "tito manuel alam ko na naiintindihan mo ako kaya sana hayaan mo na akong umalis" "hindi---hindi pa ba malinaw ang lahat daniel?" napangiti siya, kung ang panganib sa buhay niya ang tinutukoy nito, matagal na niya iyong alam "alam kong hindi ako ligtas matagal na, alam kong nananganib ang buhay ko pero alam niyo din na kapag naging mahina ako pati lahat ng ari-arian ko. ang kumpanya mawawala sakin kaya hindi ako pwedeng manatili dito ng matagal" "kung patuloy mong gagawin yan mamatay ka talaga--kukunin ng mga kalaban mo lahat ng pinaghirapan mo. gusto mo ba yon?" napatigil siya "yung nagtangka sayo, hindi lang basta pagtatangka yon daniel, malinaw na gusto ka talagang ipapatay. sa dibdib ka tinamaan at deretyo dapat ang bala sa puso mo, kaya napakaswerte mo at nakaligtas ka pero maaring sa susunod matuluyan ka na talaga" napailing ito "sa susunod maaring mauwi sa abo lahat din ng pag hihirap mo" napabuntong hininga ang doctor "ang kailangan mo ngayon ay ang magpahinga, magpagaling.. magpalakas ka para makita ng mga kalaban mo na hindi ka nila mapapabagsak--wag mong gayahin ang ama mo na dahil sa simpleng pagkakamali ay ang buhay niya ang naging kapalit" kung tutuusin may punto ang tito manuel niya "ito lang ang maitutulong ko sayo daniel, ang ipaalala ang dapat mong gawin para hindi na maulit sayo ang nangyari sa ama mo" tinapik nito ang balikat niya "sige na inaasahan ko na susundin mo ako at dumito muna sa hospital para magpagaling--pupunta mamaya ang nurse mo para linisin ang sugat mo maliwanag ba?" hindi siya sumagot kaya agad din siyang iniwan nito pero tama nga ito, dapat muna siyang magpagaling para tuluyang makabalik sa kumpanya, kailangan niyang iparating sa kung sino man ang may gawa nito sa kanya na kahit kailan hindi siya mapapatumba bumukas ang pinto at nakita niya si marcus may dala itong pagkain na agad ibinaba sa maliit na mesa "sir kailangan mo daw po kumain sabi ng doctor para bumalik ang lakas mo at mainom mo na daw po yung gamot mo" "marcus? nakausap mo na ba ang pulis nahuli ba kung sino ang gumawa nito?" napabuntong hininga ang kanyang seretarya "patay na po siya sir, nanlaban po kasi siya sa mga pulis tapos nung mahuhuli na po siya bigla niyang binaril ang sarili niya" "nalaman ba nila kung sino yon? O kung sino ang nagutos?" umiling ang secretarya niya "hindi sir, wala pong pagkakakilanlan, ang suspetya po nila ay isa itong bayaran para pumatay" sa dami ng galit sa kanya, sa dami ng taong kalaban niya hindi niya malaman kung sino talaga ang nasa likod ng pagtatangka sa kanya. para lang kasi nagsasalitan sila , nagbabakasakali kung sino ang makakadali sa buhay niya "anak!! diyos ko anak ! mabuti nalang talaga at maayos ka na!" napalingon silang dalawa at nakita si Corazon na dali daling pumasok sa loob ng silid, naka puro'ng itim na damit ito at may belo'ng itim pa, nangingiyak itong lumapit sa kanya "anak nag-alala ako sayo" "wag na wag kang magkakamali na hawakan ako" agad itong napahinto, pati na din peke niyang pag-iyak. sa sobrang bulok ng pag-arte nito malamang malulugi ang network ng kung sino ang kukuha sa kanya pero hindi nagtagal ay muli itong umarte at nag iyak-iyakan. kahit wala pang luha sa kanyang mga mata dinadamplis daplis ang itim na panyo sa mga mata nito "daniel!! akala ko hindi ka na magigising" "kaya pala nakaitim ka kasi pinaglalamayan mo na ako--" "hoy! hindi naman!" maarteng sabi pa nito "medyo pinaghandaan ko lang kaunti kasi ang sabi ng doctor malala ka, syempre gusto ko naman sana is maayos at magarbo ang huling sandali mo sa mudo mabuti ng handa kesa hidni no,mamaya sabihin ng ama mo pinapabayaan kita" napailing na lamang siya sa sinabi nito bago umiwas ng tingin "umalis ka na, ang alam ko pinaghahandaan mo ng mabuti kasi inaasahan mo na mapupunta sa inyo ng anak mo lahat ng minana ko, pwes nagkakamali ka kasi hangga't buhay ako hindi kayo makakalapit sa kahit na singko na meron ako" "grabe ka na talaga samin ng kapatid mo" "hindi ko siya kapatid" "oo hindi mo kapatid si Justine pero pinangakuan siya ng ama mo, inako siya ng ama mo at tinuring din siyang tunay na anak kagaya nalang ako sayo" hindi niya alam kung matatawa siya o masusuka o pareho ba. "kung inako siya ng ama ko, edi sana may iniwan siya sa inyo" "eh kasi nga hindi niya pa napapabago ang last will and testament niya! dapat talaga magkhahati kayo sa kumpanya ni Justine dahil iyon ang ipinangako ni Eduardo sa amin, pero sige wala talaga eh na chugi agad, kaya nga sana daniel" humawak ito sa kanya pero agad niyang inalis ang kamay nito "pinapakita na nga namin ni Justine na karapat-dapat kame na maging parte din ng kumpanya, kaya nga nagaaply nalang si Justine--iyon nalang oh hindi na nga kame humahabol sa ownership, posisyon nalang sa company daniel pero tinangihan mo pa" "inaapplyan niya ang posisyon na wala siyang kaalam alam--"natawa siya "gusto mong maging vice president yang anak mo ng walang kahirap hirap? ano siya sinuswerte?" "edi ipasok mo nalang bilang secretary mo! magaling ang anak ko sa computer palitan mo na tong secretary mo!" sigaw pa ni Corazon kay Marcus na tila natatawa na din Tinaasan pa tuloy ito ng kilay ni Marcus "mas gugustuhin ko pang maging secretartya ko ang janitor sa kumpanya kesa sa anak mo" "ahh!! grabe ka na talaga sa amin ng kapatid mo! bakit mo sa amin nagagawa ito!" akmang lalapit ito kaya sumenyas si daniel kay Marcus kaya humarang ito kay Corazon "Pasensya na po madam pero kailangan niyo nang umalis, kailangan na pong magpahinga ni Mr. Tavera" muli itong napasigaw lalo na ng hawakan ito ni marcus para palabasin sa silid "kame nalang ang pamilya mo! aanhin mo lahat ng kayamanan mo? hindi mo yan madadala sa hukay kaya hayaan mo kame na----" hindi na niya narinig ang mga sumunod na sinabi nito ng tuluyan na itong mapalabas ni marcus sa silid Alam niyang gusto makihati nito sa lahat ng kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang ama, na matagal na ang dalawa na namimilit na magkaroon ng posisyon sa kahit na anong business nila. Ilang beses na niyang itinaboy ang dalawa, kaya nga din siya nabansagan na matapobre aa kumpanya sa ilang beses na pinalayas niya ang dalawa doon Pero kahit na alam niya na may galit ang dalawa sa kanya alam niya na hindi sila ang nasa likod ng pagtatangka sa kanya lalo pa at walang pera ang mga ito, walang kakayanan magbayad ng kung sino para ipapatay siya. Lalo pa na sila ang mapagbibintangan kung sakaling bigla siyang mawala anong gagawin niya sa pera niya? tama naman ito hindi niya iyon madadala sa hukay kapag namatay siya. Lingid sa kaalaman ng mag-ina ay nakasaad sa last will and testament ng kanyang ama na kapag may mangyaring masama sa kanya at wala pa siyang asawa o mga anak na pwedeng pag manahan ay mapupunta kay Corazon ang lahat ng ari-arian nila. At yon ang hindi niya hahayaan na mangyari Kagaya din ang sinabi ng tito manuel niya kanina na mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya kung hindi niya pangangalagaan ang sarili niya pero hindi naman na mawawala ang panganib sa buhay niya alam niya hindi magtatagal ay dadami pa ang magtatangka sa buhay niya at hindi niya hahayaan din na mapunta sa mga kalaban niya o kay corazon at sa anak nito ang lahat ng pinaghirapan niya . napabuntong hininga siya Ng araw na iyon ng barilin siya at halos magblangko ang paningin niya ay nakaramdam siya ng matinding takot na ngayon nalang niya uli naramdamanan sa tinagal ng panahon. Takot na baka mauwi nga sa lahat ng pinaghirapan niya, na mapunta sa maling kamay ang dugo't pawis niya na ibinigay para lang mapalago ang mga iniwan sa kanya ng ama.  Bukod pa doon, takot na hindi niya man lang maranasan ang magkaroon ng pamilya, mga anak na magpapatuloy sa mga nasimulan niya, natatakot siya na bandang huli nag-iisa pa din siya. na malamang sa dami ng may galit sa kanya kung sakaling mamatay siya wala man lang iiyak para sa kanya. Wala man lang malulungkot dahil wala na siya. Kaya may naisip siyang isang bagay.. hindi nila makukuha ang lahat ng meron siya kung mayroon siyang anak na pagmamanahan. Anak na maaring maging pag-asa niya para kahit man lang sumaya "sir sinabihan ko na po na wag na po siyang papasukin" napalingon siya kay marcus bago tinanguan ito "sige sir, kumain na po kayo--babalik nalang ako pag kailangan niyo ako" "actually may kailangan ako" "ano yon sir?" buo na ang desisyon niya, kailangan niyang gumawa ng paraan ngayon pa lang "I need you to do me a favor, at gusto ko sa pagitan lang natin to, pag narinig kong kumalat to gigilitan kita ng leeg maliwanag ba?" natawa si marcus "kahit ano pa yan sir" "I need you to find my wife" "may asawa ka na sir?" Napasapo siya sa mukha niya bago napabuntong hininga. "may nakita ka na ba na asawa ko?" "eh sabi mo sir hanapin ko asawa mo?" Gusto niyang bulyawan ito pero naisip niya na ito nalang ang tanging tao na maasahan niya "Soon---kaya kung ako sayo umalis ka na at maghanap ka na ng pwede kong maging asawa--you only have 24 hours para gawin yon kundi sesesantihin kita" At sa sinabing iyon ni daniel ay biglang namutla si Marcus

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook