Quince

1910 Words
Tumingin pa ‘ko ng huling beses sa salamin, pagkatapos ay kinuha na ang wallet at inilagay sa bulsa. Sa kamay ko naman ay hawak ko lang ang cellphone. Paglabas ko ng kwarto ay nasa sala si Nanay.   “Nay, alis lang muna ‘ko.”   “Sige. Birthday mo nga pala kahapon. Belated happy birthday! Hindi ko na naalala gawa ng ang daming ginagawa dito sa bahay,” pagdadahilan ng nanay ko.   “Ayos lang. Sige po alis na ‘ko,” tugon ko bago lumabas ng main door at dumiretso palabas ng gate. Madilim na ang paligid. Mabuti na lang at maliwanag ang ilaw ng poste malapit sa bahay namin. Nakita ko ang isang pulang SUV na mukhang kabibili lang. Bumaba ang bintana noon paglapit ko. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto.   “Hi. Thanks for accepting my invitation kahit short notice,” nakangiti niyang sabi. Katulad ng shade ng kotse niya, nakapulang polo shirt si Lucas at hapit na itim na pantalon. Maging ang sapatos nito ay itim din na Doc Martens.     “Wala ‘yon. Treat ko ‘to ha.” Nakangiti kong sagot bago ko isara ang pintuan at isuot ang seatbelt.   “Sige pero ako na pipili ng place. May pasok ka ba bukas?” Hindi pa kami nakakaalis ng tapat ng bahay noong binuksan niya ang ilaw ng SUV at humarap sa’kin.   “Wala. I’m off this whole week simula kahapon. Why?” tanong ko sa kanya. Nakita kong namula ang tainga niya at napakagat ng labi. Kahit malamig ang sasakyan niya ay parang may butil ng pawis sa may noo ni Lucas. Bumuntong hininga pa siya na parang kumukuha ng lakas ng loob bago nagsalita.   “I have a proposal to make, I hope you don’t mind.”   Nakakunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit tumango pa rin ako.   “Let’s spend 48 hours together sa Tagaytay where we’re headed.”   “Ha?”   “Minsan lang ako makatagpo ng kagaya ko. I just want to spend some time with you and just be ourselves. Walang halong pagpapanggap. We could act however we want to. This is my proposal, will you trust me and stay with me for 48 hours sa Tagaytay. I know a place na private. We could just spend time together, play board games or cards na marami akong dala sa likod ng auto.”   “Pero—”   “I know it’s weird that someone you’ve just met would be asking you something like this pero we could only grab this chance dahil baka hindi na ‘to dumating pa ulit. I’ve thought about this. I just want to give this a try, get to know each other more and who knows, ‘di ba?”   Npanguso ako at napakunot lalo ang noo, magkasalubong ang kilay. Napaisip ako kung tama ba na pumayag ako sa gusto niya. Wala naman siyang sinabing kung anong relasyong mabubuo. Generally, he just want us to spend time together and explore how we would act without pretending to be straight men.   “Okay. Drive na. Where in Tagaytay?” tanong ko matapos ang ilang minutong pag-iisip. Paulit-ulit lang na sinasabi ng isip ko na wala namang mawawala sa’kin kung susubukan ko ang proposal niya.   “Really? Wow!” Napatitig si Lucas sa’kin at sa kalsada tapos ay balik na naman sa’kin. Nang tinaasan ko siya ng kilay ay saka lang siya nakarecover, “right. We’ll leave. I’ll drive.”   Napangiti ako dahil sa pagiging tensed niya. Mukhang hindi niya inaasahan na papayag ako.   The drive to Tagaytay was fun. Nagpatugtog ako ng music at it turned out na parehas kami ng taste sa music. Ballads and Pop. Marami din kaming napag-usapan tungkol sa buhay ng isa’t-isa. Una niyang naikwento kung bakit bigla siyang naging free ng ilang araw.   “Hindi talaga namin alam bakit nasira ang equipments yesterday tapos ngayon naman and the next days ay ang set naman ang nagkaproblema. We can’t shoot anywhere else and the team were really working hard since the beginning na wala kaming bakasyon. Kaya ito two days off.”   “Deserve nyo yang magpahinga. Ako naman nag-file talaga ko ng leave for the week since for one year straight one day lang ang off ko. I’ve been training new hires for a while now at mas nakakapagod pa kaysa sa mismong trabaho ko as piloto.”   The kwentuhan went on until we reached Tagaytay kung saan nag-take out muna kami ng pagkain, steak, mashed potatoes, ceasar salat at fish and chips sa Bag of Beans bago dumiretso sa bahay na sinasabi niya.   “May ilaw? May tao ba?” tanong ko pagdating namin sa isang de-guwardiya na subdivision sa Tagaytay at pagtapat sa isang bungalow type na bahay.   “Wala. I rented the house for two days and asked the caretaker to leave the lights open.” Sa tapat lang niya ipinarada ang SUV niya at inalis ang seatbelt. Sumunod na rin akong bumaba nang makababa siya.   “Wow high tech, passcode ang entry ng gate at main door.” Bati ko nang i-lock na niya ang kotse at pumasok na kami ng gate at bahay.   “Para walang interaction with the caretaker. I’ve been here twice already. Pangtatlong beses ko na ‘to.” Sagot niya habang pinipindot ang keypad ng automated security lock ng bahay.   “Sino naman kasama mo dati?” tanong ko.   “Wala. I just went here to have some alone time. Natulog lang ata ‘ko, nanood ng movies at nagbasa ng libro.”   “Wow. Home buddy ka pala.” Nakangiti kong bati.   “Yes. I prefer staying at home. Siguro dahil ayoko ng atensiyon kapag lumalabas ako.”   Pagpasok namin ng bahay ay namangha ako sa simple ngunit elegante nitong itsura. Puti ang kulay ng interior habang ang mga kasangkapan naman ay itim. Kahoy na may pinturang itim at leather couch na itim. Ang loob ng bahay na iyon ay literal na black and white.   “Ang ganda dito. Ang simple pero pleasing sa mata.”   “Yes kaya dito ko rin gusto. Tatlo ang kwarto dito. Pili ka na lang kung saan mo gustong matulog. May dala kong mga damit na pamalit since biglaan itong pagyayaya ko.”  Napakamot ang ulo niyang sabi. Kung tutuusin ay hindi lang biglaan ang pagyayaya niya dahil ang proposal niya ay isang pasabog na hindi kayang pantayan ng kahit na sinong kakilala ko.   “Wow. Prepared na prepared ka pala. Paano kung hindi pala ‘ko sumama?”   “Well, uuwi akong luhaan or I’ll convince you to come with me.” He smiled his boyish charm overflowing. Kung hindi lang talaga sobrang gwapo si Lucas at mukhang mapapagkatiwalaan ay hindi naman talaga ako sasasama sa kanya.   “Kunin natin ang gamit sa auto mo?” tanong ko. Pumasok kaming dalawa ng bahay na walang dala kahit ano. Maging ang paperbag ng mga pagkain ay iniwan namin sa kotse.   “Ako na lang. Wait here.”   “Ayoko nga. Mamaya iwanan mo pala ‘ko paano ko uuwi.” Pabiro kong sabi. Ngumiti siya at hinila ang kamay ko para magkasabay kaming lumabas ng bahay at ng gate papunta sa kotse niya. When his hand touched mind, I expected to feel some spark or that my heart will race and my breathing will be shallow pero walang nangyaring ganoon. Normal lang ang pakiramdam na magkahawak kami ng kamay. Bumitiw lang siya noong kukuhanin na niya ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Inabot ko ang paperbag ng pagkain habang ibinaba naman niya ang maliit na maleta na naglalaman siguro ng mga damit naming dalawa ayon sa plano niya.   “Mukhang bagong-bago ‘yang maleta mo, ah.” Napansin kong may tag pa ito sa may handle.   “Ah, oo. Lahat ng laman nito bago pa. Dapat gagamitin ‘ko to sa trip to Spain after ng taping kaso naextend so hindi ko pa nagamit. Sakto kasi nakaempake na. Hihilahin na lang.” He smiled.  Nakakahawa ang ngiti niya kaya’t napangiti na rin ako. Mukhang magkalapit lang naman kami ng pagkakaputi ng ngipin kahit na model siya ng toothpaste.   Nang makabalik na kami sa loob ay iniwan niya ang maleta sa may hallway papunta sa mga silid ng bahay habang ako naman ay dumiretso na sa Dining table para ihain ang pagkain.     Kumain kami habang nagkukuwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay. We’re at ease with each other and very comfortable na pag-usapan kahit ang size ng underwear na laman ng maleta niya.   Lumalim ang gabi na naglalaro lang kami ng pusoy at tong-its. Puno ng tawanan ang gabing iyon hanggang sa panahon na ng pagtulog. Doon lang naging awkward ang sitwasyon.   “Good night. See you in the morning.” Bulong ko nang papasok na kami sa magkabilang kwartong napili namin. May hawak din akong damit na pamalit para sa kinabukasan. Dahil kapwa naman kaming galing bahay, hindi naman kailangang maligo at magbihis para matulog.   “Do you want to like, lie down beside each other?”   “Ha?” Bigla akong kinabahan sa gusto niyang mangyari.   “Naisip ko lang.” Namula ang mukha niya at napakamot ang ulo. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag pero napa-oo niya ‘ko sa pangalawang proposal niya.   “Do you want us to literally sleep together?” Nakangisi kong tanong. Mas namula pa ang mukha ni Lucas habang ako naman ay napangisi pang lalo.   “Well—technically...” sagot niya.   “Tara. Dito na lang mas malaki yata ang kama dito.”   Pagpasok namin ng kwarto ay magkasunod kaming nahiga sa kama. We were just lying there with arms crossed on our chest. Hindi nagtagal, sabay kaming humarap sa isa’t-isa. Ang kaba na naramdaman ko noong tinanong niya ‘ko kung gusto kong mahiga sa tabi niya ay biglang naglaho. Nakita kong kumportable rin siyang nakatingin sa'kin. Tiningnan ko kung parehas ba kami ng paghinga. Hindi rin siya naghahabol ng hininga o mukhang kinakabahan. Wala rin akong nararamdamang init mula sa katawan niya kahit na ilang pulgada lang ang layo namin sa isa’t-isa. I made sure that he looked calm and relaxed before I asked him.   "Naiisip mo ba ang naiisip ko?” tanong ko kay Lucas. He smiled and nodded his head.   “Wala tayong spark.” Nakasimangot niyang sabi. Natawa ko dahil sa pagnguso niya. Kung may “spark” kami ay baka sinunggaban ko na ang labi niya. Kahit abot kamay ko lang siya at ganoon din siya sa’kin ay walang gumalaw sa’ming dalawa.   “I don’t know why pero wala nga. Baka we’re meant to be good friends forever.”   “Palagay ko nga. I imagined a different scenario pag nakahiga na tayo and after spending the whole day alone with each other. Pero ngayon, parang ang weird. Napaisip tuloy ako kung bakla ba talaga ko?” Napailing ako at napangiti.   “Ako alam kong bakla pa rin ako. Baka hindi lang talaga tayo talo.” He sighed and moved closer para yakapin ako. Wala pa rin kaming naramdamang libog para sa isa’t-isa.   “Wala talaga no?” he asked and I nodded my head in response.   “Let’s just promise to spend eternity together as good friends.” “Sige. Promise din to always find time to talk and see each other.”   “Promise.”   Iyon ang mga pangakong binitiwan namin sa isa’t-isa matapos ang proposal niya at matapos naming masigurong hindi kami talong dalawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD