“O, Bakit ka nakatulala diyan tapos nakangiti ka pa? Ano namang iniimagine mo?” Napatingin ako kay Lucas na nakakunot ang noong nakatitig sa’kin. Kakaalala ko ng nakaraan ay napatulala na ‘ko.
“Wala, may naalala lang ako. Tara kain na tayo at bigla kong nagutom,” sabi ko pagkahawak ng kubyertos. Tumango si Lucas at nagsimula na kaming kumain. Even after almost a year, we share a comfortable silence. Hindi na kailanman naging awkward ang pakiramdam kapag magkasama. Nakakalungkot man sabihin ngunit mas malapit pa kami ni Lucas kaysa sa sarili kong kapatid. Minsan kapag sinasaniban ako ng self-pity dahil sa kalagayan ko sa bahay ay naiisip kong sana totoong naging magkapatid na lang kaming dalawa.
Naalala ko ang dalawa kong kaibigan na may malaking problema dahil nagkadevelopan sila. Magkaibang-magkaiba man ang sitwasyon naming apat nina Lucas, Toby at Martin, iisa lang ang buod nito, hindi babae ang gusto naming makasama. Para sa karamihan, hindi nila kami maiintindihan. Napabuntonghininga ako habang naghihiwa ng steak. Napansin marahil ng kasama kong malalim ang iniisip.
“Huy, Benj. Baka mahipan ka ng hangin. Nakatulala ka na naman. May problema ka ba?” May pag-aalala sa boses ni Lucas. Napaisip tuloy ako kung maari ko bang i-share kay Lucas ang tungkol sa dalawa kong barkada.
"Wala naman."
"Naku, kilala na kita. Kapag mga ganyang itsurahan mo, may something." Tuloy pa rin siya sa pagkain kahit na sinisipat niya kung nagsasabi nga ba 'ko ng totoo.
"Sige, I need your honest opinion." Dumiretso ako ng upo at luminga-linga pa sa paligid. Malayo ang dalawang parokyano ng restaurant mula sa kinauupan namin. Nang masiguro kong walang ibang makakarinig ay saka ako muling tumingin kay Lucas.
"Okay, game." Nag-dip pa ng steak sa gravy bago sumubo si Lucas. Mukhang gagawin na namang popcorn ang steak na pinirapiraso habang nagkuwento ako.
"Anonymous 'to ha. Babala rin na hindi tayo 'to. Okay?" Pauna ko nang bati.
"Grabe ka sa disclaimer." Napailing man siya pero napangiti.
"Mabuti nang malinaw. So, ayun na nga. Si A and B magbarkada sila since super tagal na since before highschool. Then na-meet nila si C."
"Teka, teka, bakit kailangang A, B, C? Napa-unoriginal mo naman. Ibahin mo nga ang code name mo."
"Kaloka ka, pati ba naman ang code name. Ayoko na nga magkwento," pairap kong sagot. Natawa siya at hinila ang braso ko.
"Joke lang. Sige na, okay na ko sa A, B, C pero gawin mong Apple, Ball at Cat." Umirap na naman ako sa kanya at sinipa siya ng bahagya sa ilalim ng lamesa, "Aray naman. Sabi ko nga A, B, and C para madali. Okay, game." Nakangisi niyang sabi.
"To continue, si A and B magbarkada since before HS. Not sure if elementary or what pero parang elementary nga yata. Varsity sila ng basketball. Nameet nila si C na naging varsity din ng basketball. Naging magbarkada silang tatlo," naudlot ang kwento ko nang sumabat na naman si Lucas.
"Love triangle ba 'yan? Exciting ha."
"Hindi! Makinig ka kasi muna. Isang sabat mo pa, lalayasan kita."
"Ang pikon mo naman, may buwanang dalawa ka ba?" Nakangisi na naman niyang pang-aalaska sa'kin.
"Oo, first day ko. Kapapalit ko nga lang ng tampons kanina." Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa.
"Sige na game na talaga. Quiet na ko." Umarte pa si Lucas na izinizipper niya ang kaniyang bibig.
"So, yon. They met and became friends. Ang dami nilang naging babaeng tatlo kahit noong college. Marami sila sa barkada, buong basketball team dahil sila-sila lang din ang laging magkakasama. Noon, lagi nilang napapagusapan na bawal ang bading sa grupo nila. Isang araw, tumawag si B kay C at umiiyak. Ikakasal na kasi si A sa fiancee nito na ipinagkasundo ng mga pamilya. Arranged wedding kineme."
"Wow, pangteleserye. Go on." Mukhang engrossed na nga si Lucas sa kwento ko dahil dahan-dahan na ang pagsubo nito ng pinirapirasong karne.
"Pinapunta ni B si C sa pad niya. Doon ipinagtapat na nagkagustuhan pala si A at B at plano pa ring ituloy ang kasal ni A kahit na hindi naman talaga sila maghihiwalay ni B. Umamin ang dalawa na dahil kay C, naopen ang mga mata nila sa posibilidad na pwede rin silang magkagustuhan kahit na parehas sila ng kasarian."
"Wow. Inspiring. O tapos?"
"Kaso itong si C closet queen din."
"Kaya pala C."
Umirap muna ko bago magsalita muli, "Truelalu, closet queen nga ang peg ni C pero ang itatanong ko talaga sa'yo ay kung tama ba ang ginagawa ni C na hahayaan niya lang ang dalawa niyang kaibigan na magkasala sa sagradong kasal?"
"So feeling ni C masama siya kapag pinabayaan niyang magkita pa rin si A at B matapos ng kasalan. Feeling din niya tama ang pagkunsinti niya sa dalawang iyon na dati naman ay babae ang hanap pero ngayon ay isa't-isa na.
"So hindi naniniwala si C na sina A at B nga ay magkarelasyong dalawa?"
"Well, at first siguro hindi nga siya naniwala. But he saw them kissing and making out in front of him so naisip niya baka nga tooo." Sumubo ako ng steak na may patatas. I sighed and tried to savor the taste of meat on my mouth.
"Tama ang sinabi mo na this is not our story," nakangisi niyang sabi habang inirapan ko lang siya.
"Kaya nga. Hindi talaga. Walang spark."
"Maybe they're confused or they're seeking thrill and excitement. Sabi mo nga mahilig sila sa babae noon. Pero ngayon they prefer each other. Possible din kasi 'yon na nasa environment lang talaga. Kapag nawala ang catalyst na 'yon baka bumalik sa dati ang pagtitinginan nila. Ano ba ang gustong gawin ni C? Support or Sulot?"
"Grabe ka sa sulot. Support sana kaso nga hindi niya alam if tama ang support na ginagawa niya. Paano ang mapapangsawa ni A?"
"Baka may iba pang paraan. Since malateleserye naman talaga 'to bakit hindi pa nila pagandahin lalo ang storya?" Excited na sagot ni Lucas. Mukhang may naisip na naman itong kakaiba.
"Ano namang paraan naiisip mo?"
"Bakit hindi akitin ni C ang fiancee ni A since ayaw niya namang umamin na closet queen siya."
"Tapos? Anong mangyayari after/?"
"Marealize ni girl ni A na si C pala ang gusto niya. Malay mo maging straight bigla si C."
"Naku malabo. Nagpapalamas na nga ng dede ang ibang babae kay C hindi pa rin pumatol."
"Hmmm, sounds familiar. Ikaw ba si C?"
"Ha? Naku, hindi ah!" napainom ako bigla ng tubig at halos masamid. Pagtingala ko para tingnan ang mukha niya ay nakangit siya sa'kin. Ang tindi talaga ng pang-amoy. Natiktikan kaagad na ako nga ang C sa istorya.