PAGLAPIT ng dalawang babae sa’min ay tumikhim pa ang isa rito bago naglakas loob na magsalita. Mula sa reflection ng glass case ng mga pastries ay napansin kong ang dalawang babae ay ang nakaupo sa may pintuan ng cafe noong pumasok kami. Base sa suot na uniporme ng isang sikat na unibersidad ay mga nasa kolehiyo pa ang dalawang ito.
“Excuse us, we’re just wondering if you are Lucas Pascual?”
Nauna akong lumingon at sumunod naman si Lucas. May hawak na notebook at ballpen ang babae na tanda na balak nitong magpa-autograph. Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na iyon at dalawang beses na kaming nalalapitan dahil sa celebrity status ng kasama ko.
“Paano pala kung kamukha lang?” pabiro niyang tanong sa kanila. Mukhang napilitan lang ang isa sa mga babae na magtanong dahil pulang-pula ang mukha nito at hindi makatingin ng diretso kay Lucas. Naalala ko tuloy noong unang beses kaming magkita sa elevator. Hindi ko masisi ang babae dahil nakakatunaw naman talaga tumingin ang artistang hinahangaan namin.
“Ah, pero kasi---” napaatras na ang isang babae at iniwan sa ere ang naglakas loob na magsalita.
“I was just joking. Yes. Ako nga.” Ngumiti si Lucas and I swear na nagliwanag din ang mga mata ng dalawang babae. Siguro sa line of vision nila ay parang may spotlight na tumapat sa lalaking artista at may mga kerubin pa na nagkantahan sa background. Ganoon ang epekto niya sa mga tao. Mukha siyang anghel na bumaba sa lupa dahil sa kagwapuhan.
“Papa-autograph yata.” Pagsabat ko na nang ilang segundo ay nakatunganga lang at nakatulala ang dalawa habang si Lucas ay nakangiti.
“Ah, yes po sana. Pwede po pa-autograph? Ang gwapo niyo po pala sa personal.” Iniabot ng babae ang ballpen at notebook kay Lucas. Nang kinuha na ang gamit ay nakuha pang mang-asar ng artista.
“Sa TV ba hindi gwapo?”
“Naku, hindi po gano’n.... Ano kasi...” nauutal na naman ang babae kaya’t natawa si Lucas. Gusto ko na siyang sipain dahil sa kakulitan niya. Nakuha niya pang makipaglandian habang nasa tabi niya ‘ko at balak naming dalawang kumain ng cake. Humarap ako sa counter at nag-order na ng dalawang cake at kape namin habang nakikipagbulungan pa siya sa dalawang babae.
Nang matapos akong mag-order ay walang lingon-lingon akong naghanap ng upuan naming dalawa dala ang number at ang resibo na ibinigay ng kahera. Sa dulong lamesa sa may sulok ako naupo. Dalawang malalaking single couch na mataas ang sandalan ang nandoon. Naalala ko noong huli akong mapadaan doon ay may nakita akong mag-dyowa na naghahalikan. Nakakubli kasi ang lugar na iyon sa mga tao at hindi kita dahil sa mataas na sandalan.
Maya-maya pa ay lumapit na si Lucas at naupo sa katapat kong upuan.
“May dalaw ka nga. Bakit iniwan mo ‘ko do’n?” Nakangisi niyang tanong. Natuwa pa siya na napikon ako sa pakikipagdaldalan niya sa iba.
“Para may rason ka na umalis kaagad. Nag-order na ‘ko.”
“Thank you. Mga Com Arts major pala sila. They were studying one of the movies I made recently. Nagtanong ng kaunting isights.”
“Aling movie ba ‘yon? Macho dancer ka?”
“Yep. Mismo.”
“If I know nasilaw lang sila sa katawan mo.”
“Ano ko si Edward Cullen? Nagniningning ang katawan?”
“Walang banggitan ng crush.” Alam na alam ni Lucas na paborito ko ang series na iyon ng mga bampira.
“So, paano? Next week ha. Sa birthday ko. Please please please?”
“Yes. Umoo na nga ‘ko kanina ‘di ba?”
“Yes and oo. ‘Yan ang mga sagot na gusto ko.”
Sasagot pa sana ‘ko nang marinig ko na ang pagtawag ng barista para sa order namin ni Lucas. Napatingin ako sa pinanggalingan ng pagtawag at tatayo na sana nang kuhanin niya ang resibo sa ibabaw ng lamesa at ang number na ibinigay ng staff ng cafe.
“I’ll get it.” Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa may counter. Habang naglalakad si Lucas papalayo ay napaisip ako kung papaano ang buhay naming dalawa kung sakaling magkaroon na kami ng sariling partner sa buhay. Hindi ko maimagine na ang buhay ngayon na wala siya. I value him and his friendship. Minsan sa sobrang pagiging magkasundo namin sa lahat ng bagay at pagiging uncomplicated ng relasyon namin bilang magkaibigan ay napapaisip ako kung totoo nga ba na hanggang ganito lang kami habangbuhay.
He was back before I noticed. Nang maupo siya muli sa couch at inilapag sa may tapat ko ang caramel macchiato ko at ang ang slice ng green tea cake na nasa platito ay agad siyang nagtanong sa ‘kin.
“Anong iniisip mo na naman? Parang ang lalim?”
“Wala lang. Some random thought,” sagot ko naman. Bigla akong nakaramdam ng antok at napahikab.
“Kain na. Decaf ba ‘yang kape mo? Inaantok ka na yata. Mag-drive ka pa pauwi.”
“Oo, decaf. Hindi naman ako inaantok kanina. Kaya yan. Bilisan na lang natin para makauwi na. Maaga ang pasok ko bukas.”
“Hatid na lang kita tapos---”
“Wala ka ngang driver ngayon, nalimutan mo na ba?”
“Ay oo nga pala.”
We ate and relaxed while drinking our coffee. May pailan-ilan kaming daldalan moments ni Lucas ngunit mostly ay tahimik lang kami habang ineenjoy ang dessert.
We went back to the Tennis court after our dinner and coffee date. Bago ako sumakay ng kotse ay nagulat ako nang hilahin ako ni Lucas sa isang mahigpit na yakap.
“I know you’re okay and all that but I just want to remind you that I’m here. Okay?”
“Ano namang drama?” tanong ko. He looked at me and smiled.
“Masyado ka kasing natutulala kanina. Baka lang kailangan mo ng reminder that you’re not alone.” He looked at me intently.
“I know I’m not. I have you.” Mas lumapad pa ang ngiti niya at niyakap akong muli.
“Good. O sige na, ingat ka paguwi. Call me later when you’re at home na, okay?” Tumango ako at tinapik ang balikat niya.
Kapwa kaming sumakay na ng aming mga kotse. Nauna siyang magbukas ng ilaw at umatras mula sa parking lot.
Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling beses na magkikita kami nang ganoon ay sinulit ko na sana.