Diecinueve

1090 Words
LUCAS     SINO nga ba si Lucas Pascual? Simple lang naman ang gusto ko noon, ang maipagamot ang aking ama na may karamdaman sa puso. Naalala ko pa noong linggo-linggo akong nagsisimba sa at nagdadasal sa Poong Nazareno sa Quiapo tuwing Biyernes. Ipinagdarasal na mabigyan ng solusyon ang sakit ni Papa dahil kaming dalawa na lang ang magkapamilya. Sabi nga nila, ang pagdinig sa panalangin ay hindi sa mga paraang nais kung hindi ayon sa kung ano ang nararapat at kailangan sa paningin ng Poong Maykapal. Bilang sakristan noong kabataan ko hanggang hayskul, umasa akong mapagbibigyan din ang aking hiling. Nang dumating ang pagkakataon ay hindi ko na ito pinalampas pa.     “Hi. I’m an agent and looking for some raw and new talents. Baka gusto mong mag-audition?” Iniabot sa’kin ng isang matabang lalaki ang calling card niya. Heart Magic Talent Center ang pangalan ng agency at Resty Dimasupil naman ang ahente.   Nasa labas kami ng isang klinika sa Philippine Heart Center nang lapitan niya ‘ko. Bago pa man ako makasagot ay tinawag na siya ng kanyang kasama.   “I’ll be back,” pagpapaalam niya sa’kin.   Nasa tabi ko si Papa noon dahil magpapatingin siya sa isang espesyalista. Napapadalas na naman ang pagsakit ng dibdib niya. Pinayuhan na rin siya ng doktor niya na tumigil na sa pamamasada ng taxi na siyang ipinambubuhay niya sa’min.   “Talent ng ano daw?” tanong niya sa’kin.   “Hindi ko po alam. Hindi ko pa po naitanong.”   “Kung mahihinto ka sa pag-aaral dahil hindi na ‘ko makakapagtrabaho at maganda ang oportunidad na iyan para sa’yo, subukan mo na. Basta hindi makakayurak ng dangal mo bilang tao.”   “Ang lalim naman, Pa. Hindi naman po ako hihinto sa pag-aaral. One year na lang tapos na ‘ko sa kurso ko.” Mass communication ang course ko at dahil maaga ako nakapag-aral at Grade 1 kaagad noong nagsimula ay 18 years old pa lang ay papaenroll na ‘ko ng huling taon ko sa kursong napili.   "Iyon ay kung magkakasya pa ang ipon natin para sa pang-enroll mo. Nalaman na ni Mrs. Aguilar na hindi ako pwedeng maglabas ng Taxi niya. Hindi na ‘ko makakaextra ng kita.”   “Hindi ko rin naman kayo papayagang lumarga pa dahil sa kundisyon ninyo. Mas mainam na lagi kang nakapahinga. Sana may magandang balita naman ang doktor mamaya.” Ilang mayayamang parokyano na rin sa simbahan ang tumulongo sa’min para sa pambayad sa lab tests ni Papa. Miyembro ako ng choir at ang mga anak ng mayayamang pamilya sa parokya kung saan kami nabibilang ay nabalitaan ang sakit ng aking ama at nagmagandang loob na tulungan kami.   “Luke, pasensiya ka na, anak at nahihirapan ka dahil sa’kin. Dapat ako ang nagtataguyod ng pamilya natin pero kumakayod ka ng ilang trabaho para matulungan ako sa gastusin nating dalawa pati sa pag-aaral mo.” Kulang ang 24 oras para pagkasyahin ko sa dalawang part time job ko kapag weekday, klase ko sa gabi at ang mga responsibilidad ko sa simbahan na may kaunting allowance ding naibibigay. Sa bahay naman ay pag-aasikaso din kay Papa. Noong maganda pa ang lagay niya ay siya ang nagluluto ng pagkain namin sa umagahan at nagdadala ng pagkain sa gabi. Pagdating ko ay nakahain na sa mesa at ililigpit ko na lamang bago matulog. Mayroon kaming team work na mag-ama pagdating sa pagpapanatiling maayos ng buhay namin kahit na pinagkakasya lang ang kinikita naming dalawa sa araw-araw.   “Pa, masaya kong makatulong sa’tin. Isa pa, team work makes the dream work. Pangalawa, ‘wag tayong nag-dadrama dito at baka magkaiyakan pa tayo.” Kinuha ko ang kamay niya at pinisil ito. Ngumit siya at tumango. Maya-maya pa ay lumabas na mula sa silid ng doktor ang agent na nagbigay ng calling card sa’kin. Napansin niyang hawak ko pa rin ang card.   “Sorry for not introducing myself properly earlier. Magandang umaga po, Sir.” Yumuko ang ahente sa aking ama na tumango naman sa kanya bago siya muling nagsalita, “Ako po pala si Resty. Kapatid ko ang pasyente ni Doc Jom at napansin ko po ang anak ninyo. May potential siya sa pagmomodelo at pag-aartista. Sa tangkad niya, tindig at kalidad ng mukha ay maganda ang oportunidad para sa kanya.   “Magandang umaga rin. Lucio Pascual at ang anak kong si Lucas Pascual. Sa kanya mo na lang  sabihin ang tungkol sa talent na sinasabi mo kanina.” Mahinang sabi ng aking ama na nakangiti.   “Ay, opo.”   Bumaling sa’kin si Resty at nginitian ko rin, “sige magpupunta ako sa audition. Kailan po ba ang sunod?”   “Pwede na agad bukas ng umaga. Puntahan mo lang ang agency namin sa address na iyan. Sakto may mga commercial kaming nakalinya ngayon.” Hatala ang excitement sa boses ni Resty.   “Kuya, tara na.” Pagdating ng babaeng kasama nito ay inaya na siyang umalis. Napansin ang calling card na hawak ko at hinampas ang braso ni Resty, “bakit ka namimigay ng calling card mo dito sa hospital?! Kuya naman, e. Kaya sabi ko sa’yo ‘wag mo na ‘kong samahan...”   “Tara na, thank you po, Sir Lucio. See you tomorrow, Lucas!” Nang makaalis ang magkapatid ay tinawag na rin ang pangalan ni Papa. Pagpasok namin sa loob ng clinic kung saan babasahin na ang huling tests na ginawa ay bigla akong kinabahan. Seryoso ang itsura ng doktor.   “Doc Jom, good morning. Kumusta po ang resulta?” tanong ni Papa.   “Kumpirmado na po ng mga tests na ginawa natin na coronary heart disease nga ang sanhi ng mga p*******t ng dibdib at paghirap ng paghinga maging ang panghihina at pagkahilo. Base sa kalagayan ninyo ngayon, ang pinakamabisang paraan ay ang coronary bypass surgery.”   Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang kalagayan ni Papa. Kung sa palakasan ng loob ay siguradong lalaban naman siya ngunit alam ko rin kung gaano kalaking halaga ang kakailanganin para sa operasyong tinutukoy ng doktor.   “May time frame po ba, Doc?” Hindi ko na idinagdag na kailangan ko pang mag-ipon ng pambayad dahil ayokong mag-alala si Papa ngunit sa itsura ng mukha niyang namutla ay parang alam na niya.   “Hindi pa naman critical sa ngayon pero mas mabuting hindi na natin patagalin pa.”   Marami pang ipinaliwanag ang doktor ngunit hindi ko na masyadong naintindihan. Ang tanging naiisip ko na lang sa mga sandaling iyon ay ang masigurong makakahanap ako ng malaking halaga para maipagamot ko siya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD