Diecisiete

1201 Words
“Aminin mo na, Benj. Tayong dalawa lang naman.” Lumapit pa si Lucas sa’kin at nagpa-cute.   “Hindi nga ako,” pagsisinungaling ko habang nag-iwas ng tingin. Ilang segundo rin kaming natahimik habang kumakain. Maya-maya pa, noong marealize niyang hindi talaga ako magsasalita ay sumuko rin siya.   “Sige na nga. Since it’s not your own story to tell, hindi na ‘ko mangungulit.” I looked at him and he was smiling at me.   “Bakit ka naman nakangiti?”   “Lumalawak na ang mundong ginagalawan ni C. Baka darating na rin ang araw na makakaamin siya ng tunay niyang saloobin at preference sa mga kaibigan niya, kahit kina A at B lang.”    Napapikit ako at natahimik. Hindi pa ako handang umamin sa iba at hindi ko rin alam kung darating ba ang panahon na makakapagsabi rin ako sa kanila kagaya ng pagtitiwalang ginawa nila sa’kin.   “Paano kung natatakot pa rin siya na mahusgahan ng mga tao? Wala rin dapat makaalam ng lihim niya dahil makakaapekto sa trabaho at maging sa pamilya,” sagot ko. Inabot ni Lucas ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. He looked at me with a stern and serious expression on his face.   “We have different reasons for pretending to be someone we’re not but don’t think that people should judge us because of the choices we make. Kahit pa magpaka-entitled sila na manira at mangutya, wala silang karapatan. Tayong dalawa, we’re just trying to protect what’s precious to us dahil hindi pa nila matatanggap kung ano at sino tayo, but the other people na hindi naman relevant sa buhay natin, mag-tsismisan lang sila dahil hindi naman sila importante.”   Napabuntonghininga ako at hinigpitan ang kapit sa kamay niya, “hindi nga ako ‘yong si C bakit nirelate mo naman sa’ting dalawa?” Napangiti ako at napangisi naman siya. We may not see each other often but we have this undeniable chemistry. Hindi ang klaseng chemistry na may malisya. Magkasundong-magkasundo kami sa mga bagay pati kung paano kami mag-isip.   “Wala lang. Gusto ko lang. Tapos ka na?” Napansin niyang naubos ko na ang pagkain sa plato ko at ganoon din siya. Tumango ako at bumitiw na kay Lucas nang tawagin niya ang waiter.   “Bill out na kami, thanks.” Napatulala pa sa kanya ang waiter bago sumagot ng yes, sir at saka lumapit sa kahera nila upang kuhanin ang bill.   “Mukhang fan mo ‘yon. Kanina pa nakatitig sa’yo.” Bati ko.   “Baka type ako?” nakangisi niyang banat.   “Pwede rin.”   Nang bumalik ang waiter ay iniabot ang bill kay Lucas.   “Ops, ako na ang magbabayad ‘di ba?” Tuwing lalabas kaming dalawa ay ikutan kami kung sino ang taya sa bayaran.   “Hindi na muna. Ako muna. Mamaya ka na lang magkakape pa tayo. Gusto ko ng cake doon sa cafe sa kabila.”   “Sige, ikaw naman mayaman,” biro ko na nginitian lang niya.   Pagkalagay ni Lucas ng cash sa leather na lagayan ng bill at pera ay ibinalik niya ito sa waiter. Ayon kay Lucas, tuwing lalabas siya ay mas gusto niyang cash ang ibinabayad para hindi nakikita ng mga tao ang pangalan niya sa card. He prefers to have privacy whenever he goes out on his free time.   “Sir, pwede po ba magpa-autograph? Kahit kamukha niyo lang si Lucas Pascual pwede na rin po. Idol kasi kayo ng nanay ko.” Nahihiyang tanong ng waiter kay Lucas. Lumingon pa ito sa paligid upang ma-check kung may nakakita ba sa ginagawa niya. Malamang ay bawal iyon sa trabaho nila.   Sinipa ko si Lucas sa ilalim ng lamesa at saka sinabihan siya na “Bigyan mo na.” Tumango naman siya at saka humarap muli sa waiter na biglang pinagpawisan at hindi mapakali sa paglingon sa kanan at kaliwa.   “You have a pen and paper? Anong pangalan ng nanay mo?” nakangiting tanong ni Lucas. Mukhang na-starstruck ang waiter dahil natulala lang ito hanggang sa tumikhim ako.   “Heto po.” Dali-daling kumuha ng ballpen at piraso ng papel mula sa listahan niya ng order at iniabot kay Lucas, “Dalia po ang ngalan ng nanay ko. Salamat po ng maraming marami.” Hindi pa naman nakakasulat si Lucas ay nagpapasalamat na ang lalaki.   Mabilis na nagsulat ang artista kong kaibigan ng Mag-ingat po lagi, Nanay Dalia. Lucas Pascual. Matapos iyon ay iniabot niya ang ballpen at papel muli sa waiter na agad naman nitong ibinulsa.   “Salamat po talaga.”   “You’re welcome.”   Hindi pa sana aalis ang waiter nang mapagtanto niyang hawak pa niya ang bill at ang ibinayad ni Lucas. Agad itong tumalikod sa’min at nagtungo na ng cashier. Sinundan ko ng tingin ang lalaki upang masigurong hindi nito itsitsismis sa mga kasamahan nila na nasa restaurant nila si Lucas. Mukhang marunong naman rumespeto ng privacy ang lalaki dahil hindi na ito nakipagusap pa sa iba.   “Nakatitig ka ‘don?” Type mo?” tanong ni Lucas.   “Hindi. Tanga. Tinitingnan ko lang kung iispluk ka sa mga kasamahan niya.”   “Paano kung nagtsismis?”   “Aalis na tayo rito. Uuwi na.”   “Gusto ko pa nga ng cake.”   “Minsan talaga naisip ko kaya ka lang nagwoworkout para makakain ka ng cake.”   “Nagsalita ang ayaw sa matamis.”   Habang nag-aasaran kami ay nakabalik na pala ang waiter.   “Sir Lucas, ito na po. Thank you.” Nagniningning pa ang mga mata nito habang nakatingin kay Lucas. Napangisi ako at napailing. Tama nga ang hinala niya na type nga siya ng batang waiter.   “Thanks din.”   “Balik po sila ulit, thank you po.” Panghuling pagpapasalamat pa ng waiter habang nakamasid sa’min ni Lucas na tumatayo na mula sa upuan namin upang lumabas na ng restaurant.   Nang makalabas na kami ng restaurant na ‘yon ay agad siyang bumulong sa’kin, “tama ako no? Type nga ‘ko.”   “O balikan mo na hingin mong number. Tapos ayain mo sa Tagaytay.” Itinulak ako ni Lucas sa balikat at natawa ako ng malakas, “Biro lang! Pikon ka?” pang-iinis ko pa sa kanya. Nakanguso lang ito at umirap. Ang mga pagnguso at pag-irap na iyon na ako lang ang nakakakita. Napagtanto ko na sa lahat ng taong nakakasalamuha ni Lucas ay sa akin lang siya nakakakilos ng malaya.   “Ayoko na. Tama na ko sa isang best friend. ‘Wag na natin dagdagan.”   “Touched naman ako,” nakakapit pa ko sa dibdib para may extrang emote.   Pagpasok namin ng cafe ay wala gaanong tao. Dumiretso kami sa display case ng mga pastries.   “Anong cake ba gusto mo?” tanong niya nang nasa counter na kami.   “Green tea cake?”   “Sabi ko sa’yo mukha kang kumakain ng lumot kapag ‘yon ang cake mo.” Napangiti ako. Mukha nga namang lumot.   “Masarap naman.”   “Okay, ikaw naman kakain non. Chocolate mousse sa’kin.” Nakangiti niyang sabi.   “Lagi namang chocolate mousse ang order mo rito, ano bang bago?” Nakairap kong sagot. May lumapit na dalawang babae habang namimili pa kami ng cake ni Lucas.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD