PAGDATING ko sa pad ni Toby ay wala pa sila ni Martin. May access ako sa pad niya kaya’t naglinis muna ‘ko ng bahagya bago inayos ang dala kong mga alak at pagkain naming tatlo. Sa dami ng pagkaing dala ko ay aakalaing marami kaming kasama. Ang totoo, malakas kumain ang dalawang kaibigan ko at siguradong gutom ang mga iyon paguwi galing trabaho. May liempo, crispy pata at manok at pulutan naming chicharong bulaklak at sisig.
Inayos ko ang lamesa at nanood muna ng TV habang hinihintay ang dalawa. Hindi ko namalayang nakatulog pala ko sa sofa. Nagising na lang ako nang may maramdaman akong malamig na bagay na nakadikit sa’king pisngi. Pagmulat ko ay may beer in can na nakadikit sa mukha ko at ang nakanigising mukha ni Toby ang bumungad sa’kin.
“Happy Birthday, Tol!” Napangiti ako hinawi ang kamay niyang may hawak ng beer at saka ako bumangon.
“Salamat, Tol. Si Martin?” tanong ko nang nakaupo na ‘ko at si Toby naman ang humilata sa sofa. Ipinatong nito ang paang nakamedyas na itim sa kandungan ko. Mukhang kadarating lang niya dahil naka-longsleeves pa na asul at itim na slacks. Inalis na ang mga butones ng polo shirt kaya’t kitang-kita ang matitigas nitong abs at maumbok na dibdib na batak sa work out.
“Nag-text kanina malapit na raw. Gutom na ‘ko. Buti marami kang handa. May regalo ko sa’yo. Mamaya mo na lang buksan.”
“Wow thoughtful ka na ngayon?”
“Every year akong may regalo sa’yo. ‘Wag ka nga.” Natawa ko dahil totoo namang taon-taon ang regalo niya. Sa mga kaibigan ko ay si Toby ang pinakagalante. Every year ay relo ang bigay niya. Koleksyon niya iyon kaya’t minsan kapag bumibili siya ay sinosobrahan niya raw para iregalo sa may birthday. Sa aming magbabarkada, kami ni Martin ang laging nakakatanggap ng biyaya niya.
“Biro lang. Salamat, Tol. Bida na naman ako sa trabaho pagpasok ko. Akala ng mga tao doon, babae ang nagreregalo ng mga relo ko.”
“Ganda ko siguro kung naging babae ako.”
Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan ng pad at pumasok na si Martin. Natigilan ito sa may pintuan nang makita ang pwesto namin ni Toby.
“Tulog ba ‘yan? Ba’t di muna nagbihis. Happy Birthday, Benj!” Iniangat ni Martin ang dala nitong dalawagn bote ng alak at isang six-pack beer na malalaki ang latang laman. Mga imported na alak at beer ang dala nito.
“Thanks, Tol. Toby, andyan na si Martin. Kakain na tayo.” Bumangon agad si Toby at lumapit kay Martin para kuhanin ang bitbit na beer at mga alak. Napangisi ako dahil sumipag na si Toby. Dati ay hindi iyon kumikilos at kami lang ang nagaasikaso sa kanya.
“Bihis lang ako tapos kain na tayo,” naghihikab na sabi ng may-ari ng pad. Tumango kaming dalawa ni Martin at nauna nang naupo sa lamesa.
“Kumusta trabaho?” tanong ko sa katapat ko na matapos maghugas ng kamay ay nag-alis ng coat niya at nakalongsleeves na lang na puti.
“Okay naman. Pupunta ‘ko ng Malaysia next week may conference kami mga one week.”
“Wow. Dami mo na namang mauuwing babae sa hotel mo.” Pabiro kong sabi.
“Hindi na nga ko nasisiyahan sa babae ngayon.” Tinitigan ko siya nang napabuntonghininga pa nang magsalita. Hindi ko mabasa kung seryoso ba o binibiro lang ako.
“What do you mean?”
“Hindi ko rin alam. Parang may kulang.”
“Baka kulang na sa’yo ang isa? Dapat marami na?”
“Na-try ko na nga marami ‘di ba.”
Naalala ko nang minsang nagkasabay kami ng punta ni Martin sa Paris. Niyaya niya ‘kong sumali sa orgy nila ng mga nakilala niyang tatlong babae at dalawang couples doon. Hindi ako sumama dahil natakot akong madala ng emosyon lalo at may kasamang ibang lalaki.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya’t natahimik kaming dalawa. Nang lumabas na si Toby ay may dala itong t-shirt. Inabutan niya kami ng tig-isa ni Martin.
“Magpalit muna kayo mukhang sa dami ng alak na dala ninyong dalawa at pulutan dito, baka bukas pa tayo matatapos.” Nakangising sabi nito. Magkasunod kaming tumayo at naghubad sabay nagpalit ng iniabot na puting t-shirt. Isinabit namin ang mga polo sa sandalan ng silya sa dining table.
“Tara, kain na. Kala ko ba gutom ka na, Tol?” Pag-aaya ko sa kanila habang kay Toby nakatingin. Tumango naman ang dalawa at magkatabing sinimulan ang pagkain. Nang mapansin nilang hindi ako kumuha ay nakakunot ang noong nagtanong si Toby.
“Di ka ba kakain, birthday party mo ‘to?”
“Maka-birthday party ka. Medyo busog pa ‘ko. Hapon na ‘ko nag-lunch.” Hindi na ‘ko nagkwento kung sino ang kasama ko dahil siguradong magtatanong ang dalawa.
Habang kumakain ay tuloy kaming tatlo sa kwentuhan hanggang sa nauwi na sa inuman. Ganado akong uminom noon dahil gusto kong lunurin ang sarili sa alak para mas gumaan pa ang pakiramdam. Nang makaamin ako ng pagiging bakla ko sa isang estranghero, naibsan ng kaunti ang bigat ng pakiramdam, ngunit ngayong balik na ‘ko sa dating buhay ay bumabalik na naman ang pagaalinlangan at bigat sa kalooban.
“Benj, lasheng ka na?’ tanong ng dalawa sa’kin habang nakabulagta na kaming tatlo sa sofa at sahig ng sala.
“Hindi ako laseng,” sagot ko habang gusto kong iangat ang kamay ko ay hindi ko na ito maigalaw. Sa puntong iyon ay hindi ko na alam kung sino sa dalawang kausap ko ang nagsasalita. Magkakaparehas kaming lumulutang na ang ulirat sa alak.
“Masaya ka ba sa kaarawan mo?” bawat baybay ay mabagal ang pagkakasabi.
“Hindi, oo, ‘di ko alam.” Mabagal na ang mga salitaan naming tatlo ngunit nagkakaintindihan pa naman kami.
“Why?” tanong na sabay ng dalawa.
“Gusto ko maranasan na magmahal,” simple kong sagot.
“Pakilala mo sa’min girlfriend ba ‘yan?”
Matagal bago ako nakasagot marahil dahil nagpoproseso pa sa isip ko ang sasabihin o baka dahil kinokontra ng isip ko kung anong gustong iparating ng aking puso.
“’Yon nga, Tol. Pano kung kaya ko naman pala magmahal ng hindi girlfriend? Kaya naman pala na hindi babae? Paano kung ang pagmamahal pala ay walang kasarian?”
Pinilit kong dumilat para tingnan ang reaksiyon nila ngunit nakatingin lang sila sa kisame bago kumibo.
“Tol, lasing na lasing ka na nga. Parang naririnig namin na bisexual ka na.”
Bisexual nga ba ang tawag doon? Kailangan ba talagang may label?
“Basta tanggap ka at mahal ka hindi ba dapat ‘yon ang importante?” dagdag ko pa na ayaw paawat.
“Lasing na tayo, mga tol.”
“Kaya nyo rin ba ‘yon? Ako siguro kaya ko basta mahal ko.” Kinukuha na ‘ko ng antok nang masabi ang bagay na iyon.
“Tangina, lasing na lasing na tayo. Pakiramdam ko nababakla na tayo.”
Matapos iyon ay nakatulog na kaming tatlo.
ANG mga pangyayaring ‘yon simula sa paggising ko, ang pagpunta ko sa mall kung saan nakilala si Lucas at ang inuman naming tatlong magkakaibigan na nasabi ko na walang kasarian sa pagmamahal ang nagbukas ng daan para makita nina Toby at Martin kung ano ang hindi nila nakikita noon.