HINDI ko alam kung gaano katagal akong nakatingin sa kanya at hindi umiimik. He was just staring at me and patiently waiting for me to respond. I tried to keep silent but at one point ay narinig ko ang sarili ko na sumagot.
“Yes to both,” bulong ko.
His smile widened and he nodded his head. Mukhang hindi siya nagulat, bagkus ay natuwa pa na tama siya ng hinala. He looked pleased that I’m gay just like him.
“Feels great, right?” tanong ni Rob sa’kin matapos namang siya ang uminom ng iced tea.
“What do you mean?”
“I have a hunch that you’re also like me. Hindi makapag-out. Pero it feels great to be able to answer that question kahit na with a stranger lang.” Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, ako ba o siya. Technically we are still strangers dahil sa una pa lang naming pagkikita.
“You’re right. Iba nga sa pakiramdam. Parang nakakagaan ng dibdib.” I sighed and touched my chest. Kumagat naman siya ng tinapay at nang maubos ito ay saka nagsalita.
“Eventhough we’re strangers, I’m not worried. I know na magaling akong kumilatis ng tao dahil una,” itinaas pa niya ang kaya at nagbilang sa mga daliri, “tama na naman ang hinala ko na kabaro kita at pangalawa, mukhang mapagkakatiwalaan ka naman sa sikretong ‘to.”
I have to agree that we’re indeed strangers kahit pa artista siya na napapanood ko sa TV. Napangiti ako at nagpasiyang magpakilala. What are the odds na magkikita kaming muli? Wala naman kaya’t lulubusin ko na ang araw na ito.
“I’m Benj Castro. Now, we’re no longer strangers.” Nag-offer ako ng kamay sa kanya at tinanggap naman niya. Kahit kilala ko na siya ay ngumiti siya at nagpakilala ng pormal.
"Lucas Pascual, Luke na lang or pwede din namang Laika.” Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na natawa.
“Nice to meet you. I’ll keep this a secret, don’t worry,” dagdag ko pa. Kung noong una sa elevator ay kabadong-kabado ako dahil sa kagwapuhan niya at sa pagkakilatis niya sa’kin. Nang magpakilala na kami sa isa’t-isa ay nabawasan ang hiya at naging kumportable na ang aming usapan. I felt like I was talking to an old friend.
“I’m really not worried. So, Benj, tell me your story. Sorry, ha. Masyado ‘kong mausisa and might be overstepping boundaries but I’m just curious if we have the same, you know, story.” Nang ngumiti lang ako ay dumiretso siya ng upo at excited na nagkwent, “sige pala ako na lang ang mauuna. I know I’m not straight for a while now but I can’t really confirm that the rumors about me are true. Aatakihin sa puso ang Papa ko kapag nalaman niya na ang nag-iisa niyang anak ay hindi pala son kung hindi ay daughter. More than to retain the public’s perception of me, his health is my priority.”
Mukhang mahal na mahal ni Lucas ang kanyang ama. Marahil mabuting tao ito at inalagaan at minahal siya ng mabuti. Sabagay, blood should be thicker than water.
“Ang buti mo namang anak.”
“Kami na lang kasi ng Papa ko. Kaya lang ako nag-artista para sa kanya. You know the story siguro if you really are my fan. Not naman that I’m pressuring you that you should know. Assumerong froglet lang talaga ‘ko minsan.” He smiled and I couldn’t help but stare at his perfectly white teeth na parang nagsparkle pa nang matamaan ng ilaw. Naalala kong model nga pala siya ng toothpaste.
“Yes. Sabi sa mga balita and correct me if I’m wrong, you were scouted while you’re outside the hospital during one of your father’s checkup. Nagkataon daw na magkaparehas ng doktor ang Papa mo at ang kapatid ng manager mo na first time niyang sinamahan noon and the rest is history.”
“Yes. Life changer ‘yon para sa’kin. Dati problema namin kahit pamasahe papuntang ospital, noong nag-artista ‘ko nakaluwag-luwag at napaoperahan ko pa si Papa. I was glad na kahit hindi naman ako multi-awarded actor, marami-rami rin naman akong projects kahit puro second lead at co-star lang ng mga sikat.”
“Ang galing-galing mo ngang umarte. Lalo na dito sa Two Daddies.” My compliments are sincere. Tunay na magaling umarte si Lucas. Kahit ang pagtitig pa lang nito ay puno na ng emosyon.
“Ginagalingan ko talaga. Siguro dito ko na lang binubuhos kung paano ko ba talaga gustong kumilos. Hindi naman babaeng-babae kung hindi nirerespetong indibidwal na may ibang preference. Sana kahit sa alternate universe, maranasan ko rin ang ganoon.”
“I get your point. Kapit lang tayo. Baka darating din ang time na magawa na rin natin ang nagagawa ng iba.” I sighed and we were silent for a while bago siya muling nagtanong.
“Ikaw, what’s your story?”
Siguro nga dahil kumportable na kami sa isa’t-isa ay mas magaan nang magkuwento ng mga bagay na wala pa ‘kong napagsabihan kahit na sino.
“I’m scared of losing myself when I lose my family and friends. Mas marami akong takot. I don’t want to be alone. Pakiramdam ko kapag tinakwil na ‘ko ng pamilya ko dahil hindi sila sang-ayon sa gusto ko, mamamatay ako sa lungkot na mag-isa.”
Pilit siyang ngumiti. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay. He seemed bothered by my situation.
“Walang nakakaalam?”
“Ako lang at ikaw.”
Napanganga siya.
“Wow. I’m flattered to be the first person to know. I didn’t expect this. Iniisip ko baka kahit papaano may napagsabihan ka kahit isa man lang. We’re more alike pala in that sense.”
Tumango ako at magdadagdag pa sana ng kwento nang dumating na ang waiter na may malaking tray ng order naming steak at mashed potatoes.
“Ayan na pala ang pagkain. Treat ko na ‘to, ha,” pagpupumilit ko sa kanya. Kahit wala sa budget ay gusto kong ilibre si Rob, si Lucas pala. Sa paraang ito man lang ay masuklian ko siya dahil sa pagbawas ng bigat na nararamdaman ko sa dibdib dahil sa itinatago kong sikreto.
“No! I insist na ako na lang. Birthday mo today. Sana man lang nabahagian kita ng kasiyahan ngayong araw. You kind’a looked sad earlier.”
Isa-isang inilapag ng waiter sa lamesa ang mga pagkain at sumunod ang bottled water at karagdagang iced tea.
“Ah, sige, if you insist, let’s just have coffee later then treat ko naman, ano?” I might be running late pero hindi ko naman maatim na magpalibre lang ng basta.
“I have an appointment later in the afternoon. Let’s just meet again next time then it’s your treat. Okay ba?” Nahalata ata niyang nagulat ako at napatulala dahil sa balak niyang magkita kaming muli, “Benj, let’s be friends. We can confide in each other, right?” Biglang nagprocess sa isip ko ang sinabi niya. Noong una akala ko ay one time event lang ito ngunit ngayon na gusto niya ng friendship, napaisip ako kung handa na ba ‘kong magkaroon ng detonator ng bomba sa buhay ko. Bakit detonator? Dahil isang maling galaw lang ay sasabog ang sikretong ilang taon kong itinago.
“Do you need anything else, Sir?” tanong ng waiter na nakapagpabalik sa’kin sa realidad. Hindi pa pala ito umaalis at nakatayo lang sa gilid ng lamesa. Nakilala siguro ng waiter si Lucas dahil sa kanya ito nagtanong.
“No, thanks,” sagot ni Lucas. Nang tuluyan nang umalis ang waiter ay saka ko iniabot kay Lucas ang cellphone ko.
“Ikaw na lang maglagay ng number mo.” Seryoso kong sagot. He smiled and entered his number, pagkatapos ay tinawagan niya ang numero niya at nag-vibrate ang phone niya na nakapatong sa lamesa. He looked at his phone and saved the number. Ipinakita niya sa’kin ang name na inilagay niya sa Contacts. Benj Castro - New Friend, sa company ay nakalagay ang Elevator Corp No Longer Strangers Intl. Ltd. Napangiti ako sa phonebook entry ko sa cellphone niya. Kinuha ko ang phone ko at ginawa rin ang kagaya ng sa kanya. Lucas Pascual – New Friend Elevator Corp No Longer Strangers Intl. Ltd.
“I was worried na you didn’t want to keep in touch.” Nakangiti niyang pag-amin. Tumango ako at sumipsip ng iced tea bago ako sumagot.
“I was just surprised. Akala ko kasi you wanted to remain strangers,” sabi ko habang naghihiwa kaming dalawa ng steak para simulan na ang late lunch naming dalawa.
“When you introduced yourself to me and told me something as personal as your fear, I guess we’re beyond the stranger stage. Mmmm, wow, ang sarap talaga ng steak dito.” Pag-iba niya ng usapan nang sumubo na siya ng piraso ng porterhouse steak na order namin.
“Kaya gusto ko rito. Hindi masyadong crowded ang place tapos masarap talaga at malambot ang steak nila.”
Kumain muna kami ng mapayapa habang paminsan-minsan ay nagkakatinginan. Kahit bagong kilala pa lang kami ay may comfortable silence naman kaming dalawa. Nang maubos na ang serving ng steak at mashed potatoes ay sumenyas si Lucas sa waiter. Maya-maya pa ay may dinalang mini strawberry cake at kumanta silang dalawa ng Happy Birthday. Nagsindi pa ng maliit na kandila sa ibabaw ng cake slice ang waiter na hinipan ko naman nang matapos ang kanta nila. Mabuti na lang at walang tao sa area namin kung hindi ay baka nahulog ako sa upuan sa hiya. Unang beses kong makantahan ng ganoon sa restaurant sa kaarawan ko.
“Happy Birthday!” Bati pa muli ni Lucas nang makaalis na ang waiter.
“Thank you. Hati tayo.” Nakangiti kong sagot. He sliced the cake using his fork naglagay sa platito niya.
Matapos naming ubusin ang dessert ay mas lumalim pa ang usapan.
“Do you feel much better now?”
“Ha?” tanong kong naguguluhan.
“Aamin na ‘ko.” He sighed.
Kinabahan akong bigla na baka palabas lang ang lahat.
“What do you mean?”
“Nakita na kitang naglalakad kanina sa mall. You looked bothered and sad. Parang ang lalim ng iniisip mo while you’re looking at the displays.”
Nagsalubong ang kilay ko at napakunot. He was following me? Stalker ba ang gwapong artistang ito?
“Sinusundan mo ‘ko?” Makapal ang mukha kong tanong. He smiled and shook his head. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
“Not intentionally. Nagkataon lang na parang tatlong beses tayong nagkasalubong. Sabi ko sa sarili ko kanina, kapag nakita pa kita for the fourth time, lalapitan na kita. Then, I saw you at the elevator pagkagaling ko sa kotse nang naglagay ako ng mga pinamili ko kanina.”
“What? So ibig sabihin hindi totoo---” Bigla akong nag-alala na hindi pala totoo ang kwento niya at sinabi lang niya iyon para mapabuti ang pakiramdam ko.
“Totoo lahat ng sinabi ko. I’m gay, Benj and maybe that’s one of the reason why I felt drawn to you earlier. Siguro nga marami tayonag similiarities.”
“Ang pinakasimilar ay ang katotohanan na hindi tayo makakaamin ng totoo nating pagkatao at nararamdaman.” I reminded him of that important fact.
“Right. Kaya let’s try to keep in touch with each other, okay?” I smiled at him in response and nodded my head.
Tinawag na ni Lucas ang waiter at nag-settle na siya ng bill. Nahiya ako dahil ang mahal ng kinain naming dalawa. Nagastusan pa tuloy siya. I promised myself na babawi ako sa susunod na magkikita kami. Nang makabayad na ay sabay kaming lumabas ng restaurant.
“So, paano, I have an appointment pa kasi ng 6 pm. Baka ma-traffic ako. May dala ka namang auto? Do you need a ride somewhere?” Nakangiti nitong tanong.
“May dala naman akong kotse. May pupuntahan pa ‘ko malapit dito sa area. Thanks for the treat. I really had a memorable birthday today.” Siguradong namumula ang pisngi ko dahil sa hiya.
“You look cute when you blush. You’re welcome. Don’t be a stranger and send me a message when you want to treat me for lunch or coffee, promise? Okay?”
“Okay, I promise.”
Kumaway pa ‘ko sa kanya bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.