ALAS-CUATRO na ng madaling araw nang makauwi ako ng bahay. May nasalubong akong babae na nakatakip ng hoodie na kalalabas lang ng bahay namin. Base sa itsura nito ay galing ito sa kwarto ng kapatid ko. Ilang beses na rin nangyari ‘yon at tuwing tatanungin ko si Kuya Dong, pinapabulaan niya ang nakita ko. Sa susunod ko na lang kukuhanan ng litrato dahil wala ako sa mood nang mga panahong iyon.
Pagdating ay naligo na ‘ko at nagbihis para hintayin na lang ang mga bata na magising at sabay-sabay kaming pumunta ng eskwelahan nila. Matapos magsuklay at magbihis ay ilang minuto rin akong nagsepilyo kahit alam kong hindi agad mawawala ang amoy ng alak sa aking hininga. Dahil rest day ko naman at sa school ng mga bata lang ang punta, black jeans at asul na polo shirt lang ang sinuot ko. Lumabas ako at nahiga muna sa sofa at pumikit.
“Ninong Pogi, aalis na po kami.” Naalimpungatan ako sa boses ng mga bata. Dali-dali akong bumangon at kinuha ang wallet ko at susi ng auto na nakapatong na sa lamesita roon sa sala.
“Ihahatid ko na kayo para mabayaran ko na din ang kailangan ninyo sa school.” Tumango lang si Roi. Kinse minutos lang naman ang papunta sa eskwelahan nila. Maaga pa kaya’t wala pang gaanong sasakyan na dumadaan. Dahil ala-siete ang klase ng mga bata, maghihintay pa ako ng alas-otso para sa pagbubukas ng kahera. Naalala ko na noong enrollment ay gusto ng kapatid ko na sa public school pag-aralin ang mga bata ngunit medyo malayo ang public school sa bahay namin at dahil elementary ay gusto ko rin sanang mas maganda ang pundasyon ng edukasyon nila at mas tutok sa pag-aaral. Hindi gaanong marami ang estudyante sa paaralan ng mga pamangkin ko kaya’t doon na namin sila ipinasok. Nangako naman ako na tutulong ako sa gastusin kahit na ang lulamabas ay parang ako na lahat ang nagbabayad para sa kanila.
Naghintay lang ako sa waiting area at nag-scroll sa cellphone ko nang may lumapit sa akin.
“Fancy meeting you here. Sinusundan mo ba ako.” Ang kapal ng face ng hitad na ito. Manong sabunutan para matauhan!
“Sara, why would I ever do that?” Mukhang nabigla siya sa maasim kong sagot. Mahirap talagang landiin ang taong puyat lalo na kung naalibadbaran sa mukha ng kausap. Sa ngayon, inaantok na ako at gusto nang matulog.
“Ang sungit mo naman ang aga-aga.” Hindi pa talaga siya tumigil. Naupo pa sa tabi ko at sumilip sa ginagawa ko.
“Kulang ako sa tulog. Nag-inuman kami ng barkada ko kagabi.” Matipid kong sagot habang umusog palayo sa kanya. Sadyang malandi si Sara dahil lumapit ulit siya at dumikit sa’kin. Kung uusog pa ‘ko ay mahuhulog na ‘ko sa bench ng waiting area.
“Gusto mo ba patulugin kita?” Napatingin ako sa kanya at napakagat sa labi para hindi masabi ang nais kong isagot. Gusto ko sanang sabihin na siya na lang ang papatulugin ko ng isang mag-asawang sampal, hindi na lang ako umimik. Akala ata niya ay may naisip akong kahalayan dahil sa pagkagat ko ng labi. Tumayo siya at pumunta sa harapan ko. Yumuko at bumulong sa may labi ko. Napatingin ako sa dibdib niyang may silicone implant at napapikit nang makitang wala siyang bra. Sinadya niyang yumuko para makita ko ang loob ng suot niyang plunging neckline na damit.
Feel na feel ni Sara ang imahinasyon niyang naakit ako sa kanya. Mas lumapit pa siya at halos dumikit na ang dibdib niya sa mukha ko at saka siya bumulong, “Let’s go somewhere else pagkatapos natin dito. Dahil rest day naman natin, let’s take a rest together.” Alam kong sleep together naman talaga ang gusto niya. May tumikhim sa likuran namin at nakita ko ang kahera na naglakad na papasok ng opisina. Umayos ako ng upo at hinawi si Sara. Naupo naman ito kaagad sa tabi ko.
“Game ka ba, Benj?” I closed my eyes at napakagat muli sa labi hindi dahil kinilig ako sa hininga niya sa tainga ko kung hindi dahil malapit na kong sumabog sa pagkairita sa kanya. She took that as a yes kaya’t mas umigting pa ang panglalandi niya. Luminga-linga sa paligid at nang makitang wala namang tao ay ipinasok ang kamay niya sa likuran ng suot kong polo shirt. She traced circles on my back. Kung iba siguro ay baka tinalaban na ngunit dahil mas nangingibabaw ang pagkairita ko sa kanya, tumayo ako at nagpunta na sa window ng kahera kahit na sarado pa ito. Umaasa ako na magbubukas ng maaga kahit na wala pang alas-otso para makatakas na ‘ko sa kamandag ng malandi kong kaopisina.
“Mauna na ‘ko sa pila. May lakad pa ko pagkatapos dito.” I said without looking at her. Hindi ko nga alam kung bakit siya naroon sa school dahil wala naman akong alam din sa buhay niya at hindi ko balak magtanong. Sumunod si Sara at sumandal sa pader malapit sa window ng kahera na pinipilahan ko.
“Isama mo na ‘ko sa pupuntahan mo. Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nandito?” She asked while twirling her hair.
“Not really.”
“Papunta ko sa bahay n’yo kanina. Susunduin sana kita para mamasyal ngayon. Nakita ko ang kotse mo kaya sinundan ko kayo dito.”
Napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo.
“Paano mo naman nakuha ang address ko?” Juicekolord, nakakuha pa ata ako ng stalker dahil sa paglamas ko ng dede niya sa parking lot.
“Let’s just say that I’m resourceful. I’ll wait for you then we’ll go somewhere to finish what we’ve started...” Kumagat pa siya sa labi at hinaplos ang neckline ng damit.
“Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na hindi ako ready sa...” Lumapit siya at yumakap sa likuran ko. Dahil mataas ang heels niya ay halos magkasingtangkad kami. Napabulong siya sa may tainga ko.
“I know I said I just want one night. Kahit one day, one morning, one afternoon. I just want to taste you, lick you and feel you c*****g inside me.”
“Potek,” napamura ako nang kapain ng kamay niya ang alaga ko sa harapan. Sa puntong iyon nagbukas ang window ng kahera at itinulak ko si Sara palayo sa’kin.
“Good morning.” Bati ng matandang babaeng nasa likuran ng cashier glass window. Mukhang natunugan niyang may kamunduhang nagaganap sa labas ng bintana niya kaya’t kahit maaga pa ay nagbukas na ito.
“Good morning po. Magbabayad po ng school fees. Quarterly po sila...” Ibinigay ko ang mga pangalan ng mga bata at kinuha ang wallet ko para ibigay sa kahera ang bayad.
May kinse minutos din siguro bago ako natapos at paglingon ko sa likuran ay wala na roon si Sara. Nakahinga ako ng maluwag. Mukha akong tangang naglalakad na parang may pinagtataguan nang lumabas ng eskwelahan at pumunta sa bakanteng lote sa may gilid ng eskwelahan kung saan ko ipinarada ang kotse. Pagdating ko doon ay walang ibang tao kaya’t akala ko ay ligtas na ‘ko. Naghihikab na pinaandar ko ang sasakyan at umuwi na ng bahay. Ang plano ko sa maghapon ay matulog lang.
Iba yata ang plano para sa’kin dahil pagparada ko pa lang ng kotse ko ay may napansin na ‘kong kakaiba.
“Benj! Buti naman bumalik ka na. Nasa kusina kami ng kaibigan mo.”
Fuck s**t! Napamura ko sa isip ng maraming beses. Kotse nga ni Sara ang nakita kong nakaparada sa may gilid ng kalsada sa tapat ng bahay namin. Kaya pala ito biglang nawala sa eskwelahan ay sa bahay na namin dumiretso. Ang kapal ng mukha ng bruha!
“Nay, galing ako sa school.”
“Nasabi nga nitong maganda mong kaibigan. Sara nga ba ang pangalan mo, iha?”
“Ah, opo. Magkatrabaho po kami ni Benj. Flight stewardess po ako sa mga local flights ako nakaassign last time at kakalipat ko lang po sa division nila Benj.”
Tumalikod ako at umirap. Ang dami na agad sinabi, pangalan lang naman ang tinatanong!
“Sara, bakit ka nandito?” Bulong ko sa walang hiyang babae nang tumalikod si Nanay na abalang nagluluto ng ipapakain sa bwisita.
“Ipapagpaalam kita sa Nanay mo. ‘Di ba may date tayo ngayon?” Nilakasan pa niya ang salitang date kaya naman ayan na ang ina kong nagmamadaling ibugaw ang anak niya.
“May date pala kayo. Naku, bilisan nating magalmusal para lunch at dinner na lang ang ikakain ninyo sa labas. Dong! Bumili ka nga muna ng kape, asukal at bigas at naubusan tayo.” Unang beses na nag-utos si Nanay sa paborito niyang anak para sa ‘kin. Siguro dahil hindi naman ako madalas magdala ng bisita. Ang mga barkada ko ay napakadalang lang magpunta sa bahay.
“Nay—” natigilan si Kuya Dong nang makita si Sara na ngumiti naman sa kanya. Napansin ko agad na nakabaling ang tingin ng malandi kong kapatid sa dibdib ng bisita. Nakaisip ako ng paraan para makalaya ako sa penitensiya.
“Medyo malayo ang bilihan ng kape, Nay. Kami na lang ni Sara ang bibili. Sara, tara sa kotse mo na lang para hindi ko na ilalabas ang sasakyan ko.”
Tumango naman si Sara at agad na tumayo.
“Ahhh, s**t. Kaso biglang sumakit ang tiyan ko. Kuya Dong, pakisamahan si Sara.” Inabutan ko ng dalawang libong piso si Kuya nang maalalang hindi pa pala sila magkakilala, “Ay, Kuya, si Sara pala kasamahan ko sa trabaho. Sara, kapatid ko si Kuya Dong.” Nagpunas pa ng kamay ang kapatid ko bago nakipagkamay sa babaeng haliparot. Nakita siguro ni Sara na nag-flex ang muscles ng kapatid kong nakamuscle shirt lang at kita ang malalaking braso dahil napakagat siya ng labi. Mukhang maabswelto ako kapag si Kuya Dong na ang pakay niya.
“Sige, tara na, Miss Sara.” Ngumiti pa si Kuya ng kilabot smile niya kaya’t napatawa naman si Sara na parang kinikilig na tinawag siyang Miss.
Magkasunod na lumabas ang dalawa sa bahay at ako naman ay nagpunta na ng banyo.
DALAWANG oras bago nakabalik ang dalawa sa bahay at sa tingin ko base sa tinginan nilang dalawa ay may nilikuan pa silang ibang lugar. May dalawang pulang kiss mark din si Kuya Dong sa leeg at ganoon di si Sara sa may collarbone niya. Sinipat ko talaga dahil naghahanap ako ng clue kung tama ang hinala ko. Chikinini lang ay sapat nang pruweba na may kamunduhang naganap sa dalawang oras nilang pagkawala kahit na sa 15 minutes drive lang ang maliit na grocery na dapat pupuntahan nila.
“Ang tagal niyo naman.” Bati ko. Namula ang pisngi ni Sara at napakagat naman ng labi si Kuya Dong na napatingin sa dibdib ni Sara. Confirmed! Successful ang plano ko! Iba na ang target ng bruha at mukhang nakasapul na sila sa isa’t-isa.
“Baka na-traffic sila alam mo naman kapag umaga. O siya, kumain na tayo.” Nakaluto na si Nanay ng bacon, eggs at kanin nang dumating sila Kuya. Nakahain na rin at silang dalawa na lang ang hinihintay. Nag-stay lang ako sa kwarto at nagpanggap na masakit ang sikmura para hindi ako kulitin ni Nanay.
“Benj, next time na lang pala tayo lumabas. Biglang nagmessage ang kaibigan ko. Magkikita daw kami ngayon. Sa Makati.”
“Sara, pwedeng pasabay? May pupuntahan din ako ngayon sa Makati.”
Gusto kong sabihin na parehas silang makati kaso ay nanahimik na lang ako.
“Sige, sasabihin ko rin nga sa’yo na masakit talaga ang tiyan ko.” Nakangiti kong sabi.
“Naku, sayang naman. Minsan lang bisitahin ng babae itong bunso ko. Sara, babalik ka, ha.” Nakangiting sabi ni Nanay. Nang sumagot si Sara ay kay Kuya Dong na ito nakatingin. Malagkit na malagkit ang pagkakatingin nito sa kapatid ko.
“Opo, Nay. Babalik po ako.”
Sana lang hindi ko pagsisihan na palihim kong nireto sa isa’t-isa ang dalawang makating tao.