DAHIL sa tagpong naabutan ko ay parang nag-flashback ang nakaraan kung kailan ko unang nalaman na hindi pala babae ang aking tipo at kung bakit hindi ko magawang ilantad kahit kanino kung sino ba talaga ako.
Limang taon ang agwat namin ng aking kapatid. Nasa Grade 5 ako noong nasa Senior year siya ng high school. Naiwan kami noon sa bahay ng isang weekend sa bahay dahil may pinuntahang kamag-anak sa probinsiya ang aming ina. Typical na teenager na mapusok, nagdala ng mga barkada si Kuya sa amin at nagparty sila buong Sabado hanggang gabi. Wala naman akong magawa kung hindi makisama at pabayaan sila ng mga barkada niya.
Tig-isa kami ng kwarto pero dahil maraming tao ay nakisiksik sa silid ko ang iba niyang kaibigan. Sa kwarto ko nakalagay ang DVD player nila Mama na luma at nag-ayang manood ang isang kaibigan ni Kuya. Akala nila ay natutulog na ‘ko kaya’t hindi na ‘ko pinalabas ng kwarto o pinalipat. Hindi ko alam kung anong trip ng mga barkada niya ngunit may dala silang mga DVD at magazines na puro p**********a. Paano ko nalaman? Naririnig ko ang halinghing at pag-ungol at hindi ko naiwasang silipin ito nang palihim. Ang una kong nakita ay ang malaking katawan ng isang lalaki. Maskulado ito at talaga namang kaakit-akit. Napakagat pa ako ng labi nang makita ang package niya. Napatitig ako sa tindig niya at ganda ng hubog ng katawan. Nang ang ipakita na ay ang babaeng nakahubad ay imbis na magandahan ako sa kanya ay nainis ako at pumikit na lang. Noon ako napag-isip kung bakit noong babae ang nasa screen ay hindi man lang ako natuwa habang noong ang lalaking hubad ang nasa eksena ay bumilis pa ang pintig ng puso ko.
Simula noon hanggang sa mag-highschool, palihim na ‘kong naghahanap ng p**n magazines na itinatago ni Kuya para makakita ng mga katawan ng lalaki. Iba ang pakiramdam tuwing makikita ko ang mga larawang iyon. Walang nakakaalam ng sikreto ko dahil sa paningin ng iba ay lalaking-lalaki ako dahil sa galing kong mag-basketball.
Bakit ko kailangang itago na isa ‘kong bakla? Dahil nililibak at kinukutya sa bahay namin ang mga malalambot ang tuhod. Mula pa noong magkamalay ako ay alam kong kailangan kong maging matikas na lalaki kagaya ni Tatay.
“Dong, ganito ang gagawin mong pagsapak kapag may naglakas loob na mang-away sa’yo.” Tuwing umaga ay iyon ang tagpong naabutan ko. Tinuturan ang kapatid ko kung paano sumuntok at sumipa.
“Benjamin, halika at ikaw naman ang tuturuan ko.”
Kapag ako na ang tinuturuan ay umiinit ang ulo ni Tatay. Marahil dahil malamya akong sumuntok hindi katulad ni Kuya Dong na bigay na bigay sa pagsuntok sa hangin.
“Tigas-tigasan mo naman ang tayo mo! Para kang bading kung kumilos! Umayos ka nga Benjamin. Suntok!” Kapag nagagalit na si Tatay ay saka ko lang gagalingan ang pagsipa at suntok. Sa loob-loob ko lang ay hindi naman kailangang pag-aralan ang ganoon lalo na at elementary at high school pa lang kami ni Kuya.
Noon, hindi ko alam kung bakit hindi kami maaring lumabas ng bahay o mamasyal kasama si Tatay at kapag nasa bahay naman siya ay puro boksing, basketball at wrestling ang pinapanood niya sa TV. Dahil minsan lang siya umuuwi ng bahay, gusto niyang kasama niya kaming nonood ng mga iyon. Madalas ay nakakatulugan ko ang boksing at wrestling kahit na malakas ang hiyawan ng mga kasama kong manood. Nakatulong marahil ang pagpilit niya sa’min na manood ng TV na kasama niya dahil nakahiligan ko ang magbasketball. Kung si Kuya Dong ay sa pagsuntok at pagsipa magaling, ako naman ay sa pagpasok ng bola sa mga butas ang kakayahan ko.
Noong pumasa ako bilang Varsity player sa public school noong Grade 6 ay may nag-scout sa’kin na isang coach para mag-try out sa isang prestihiyosong Unibersidad. Nakita nila ang potential ko noong dumalo sila sa Inter-school sports competition at ang offer nila, Full scholarship ang makukuha ko kapag pumasa sa try outs. Nang mapagtagumpayan ko iyon ay lumipat ako sa pangmayaman na unibersidad kahit may kalayuan sa aming bahay. Naisip ko noon na kailangan kong maging matagumpay sa buhay at ang unibersidad na iyon ang magiging susi para makamit ko ito. Doon ko nakilala ang mga barkada kong puro campus crush at kilabot ng mga kababaihan.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig kong umuungol na ang isa kong kaibigang nagmimilagro sa harapan ng TV. Mukhang naachieve na niya ang success ng pinagagagawa niya. May pagtalsik pa ng mga puting likido at mukhang maglalampaso pa ‘ko ng sahig.
Lasing na lasing si Toby. Kilalang-kilala ko siya kapag nalalasing dahil ako ang lagi nitong tinatawagan. Kung baga ay drunken state emergency contact person ang peg ko. Kapag nalalasing siya ay commatose mode. Walang naalala kinabukasan. May isang instance na kinailangan ko pang maging dramatic actress habang isinasakay siya sa taxi.
“Boss, sa ospital po tayo. Toby, ‘wang kang susuko. Kaya mo ‘yan, Tol! Lumaban ka!”
Mga ganoong linyahan dahil ang akala ko noon ay mamamatay na siya dahil sa sobrang pagsusuka at panghihina. Pagulong-gulong sa banyo na naliligo ng suka. Kahit na madrama at mabaho ang tagpo ay napagtagumpayan ko naman muna siyang paliguan at mabihisan bago ako nagpanic noong hindi na siya gumagalaw. Sabi ng doktor sa ER, mabuti raw at naagapan dahil masyadong mataas ang alcohol level sa katawan at halos dehydrated na din. Nalagyan siya ng swero at nag-stay pa kami sa ospital ng dalawang araw.
Napatingin ako sa lalaking nasa sofa at mukhang hindi pa sumusuko at gusto pa ng round two ng self supporting system niya. Napabuntonghininga ako at saka napagpasyahang lumapit.
“Toby, ayusin mo nga ang sarili mo! Ano ba?!” Tinakpan ko ng unan ang nakadisplay na galit na naman na ano niya na walang hiya niyang hinahaplos.
“Benj, hindi ko na kaya...” I sighed in relief. Mukhang hindi naman pala ganoon katindi ang tama ng alak dahil nakikilala pa niya ‘ko.
“Ang alin ba ang ‘di mo kaya? Ang pag-j***l? Ilang taon mo nang ginagawa ‘yan!” sagot ko nang maupo ako sa tabi niya. Natawa siya sa sinabi ko. Napailing ako. Kahit lasing, gago pa rin.
“Tado! Masakit na masyado sa puso.”
“Puson? Kakatapos mo lang kaya. Naabutan ko pa ang fireworks display mong gago ka. Linisan mo ‘yan hindi ako magpupunas niyang kalat mo sa sahig!”
“Puso, tol! Pu-soo!” sigaw niya. Napairap ako dahil nakukuha niya pang sumigaw, ibig sabihin ay may malay tao pa siya.
Inalis niya ang unang ipinatong ko sa kandungan niya at ginawa na naman ang hand gesture movements niyang paborito.
“Ang alin ba? Tangna ka isara mo nga ‘yang zipper mo!”
Sumunod naman siya. Hindi ko matingnan dahil nag-iinit ang mukha ko. Mas iba sa pakiramdam kapag malapitan kaysa ang few meters away na viewing party. Baka mahalata pa niyang sinisipat ko ang kuwan niya.
“Benj...” Nahirapan itong umayos ng upo kaya’t nilapitan ko at tinulungan. Pero nahiga siya at isinama niya ako sa paghiga. Malaki ang couch niya sa sala kaya’t kasya kaming dalawa na magkatabi. Hindi na lang ako kumilos nang tumigil na rin siya.
“Toby, ano ba ‘yang pinapanood mo? Wala na bang ibang palabas? Seryoso ka ba? Kailan ka pa nanood ng gay p**n? Bored na bored lang, gano’n?” Napansin kong malungkot ang mga mata niya.
“Gusto ko lang mapanood ang hindi ko maranasan,” bulong niya habang nakatitig sa’kin.
Shit na malagkit! Alam ba niyang nanonood din ako ng ganoon at isa rin sa mga pangarap ko sa buhay ang maranasan ang ginagawa sa palabas? Hindi ang gumawa ng p**n kung hindi ang makaranas ng ganoong klase ng pagmamahalan at paglalabas ng init ng katawan.
“Gumawa ng p**n? Nalulugi na ba ang negosyo mo? Ano, full time ba o part time?” Kung anu-ano na ang sinasabi ko dahil hindi ko alam kung bakit parang malaking-malaki ang problema niya gayong ako naman ang bading at hindi naman siya.
“’Di ba sabi mo dati, kahit ano pa ‘ko tatanggapin mo ‘ko bilang kaibigan mo?” Bumaling pa ito sa’kin at nangingilid ang luha sa mga mata.
“Tol, lasing ka lang kaya ang drama mo pero sige to humor you. Of course yes. Bakit naman kita itatakwil? Natagalan nga kita ng ilang taon, ngayon pa ba ‘ko susuko? Ano ba kasing issue mo sa buhay?”
“Benj...I’m gay.”
Napamulagat ako sa sinabi niya. Laking gulat kong makarinig ng mga salitang kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na marinig mula kay Toby.