Tres

1296 Words
  Pagdating ko ng bahay ay sinalubong kaagad ako ng tatlo sa mga pamangkin ko. Sila na rin ang nagbukas ng gate ng garahe para maipasok ko ang kotse ko.  Isa lang ang kapatid ko at isa sa goal niya sa buhay ay ang magkalat ng semilya sa buong kalupaan.  Anim ang panganay niya at magkakasunod lang halos ang mga edad ng mga ito.  May dalawa pa dito na tatlong buwan lang ang agwat ng edad.  Lahat sila ay nakapisan sa amin dahil puro bata pa ang ina ng mga ito.  Kesa mademanda siya ng corruption of minor, kinupkop na lang namin ang mga pamangkin ko.    “Ninong pogi, kami na magdadala ng gamit mo.”  Napangiti ako sa sinabi ni Roi ang pinakapanganay sa lahat, pitong taong gulang ito at bibong bibo. Kasama niya sila Doi at Koi, sila ang magkakalapitan ng edad.  Bata pa ang tatlo kaya’t lagi lang sa loob ng bahay.   “Sige, pero parang may kailangan yata kayo ah, full force kayong sumalubong.” Nagkatinginan ang tatlong bata at napatunayan ko nga ang hinala ko.    “Eh kasi po ninong pogi...may babayaran po kasi sa school... exam namin...” Napailing na lang ako.  Ibinigay ko na ang pambayad sa eskwela nila noong isang araw kay Nanay.  Kung paanong hindi pa ito naibayad ay parang naiisip ko na.    “Sige pupunta ako sa school ninyo bukas at ako na mismo ang magbabayad.  Nag-aral na ba kayo?”  Nagningning ang mga mata at ngumiti na ang tatlo at tumango.  Sa murang edad nila ay alam na nila ang kahalagahan ng edukasyon kaya’t natutuwa ako sa kanila.  Kahit hindi ko obligasyon na papag-aralin sila, masaya akong gawin iyon.  Mahal ko ang mga pamangkin ko pero sana lang ay bunso na ang isang taong gulang na si Fei.  Babae naman na ang bunsong anak ng kapatid ko kaya’t sana tumigil na siya sa pagproduce ng bata. Limang lalaki at isang babae.  Sakto na sa basketball team at isang muse.    “Thank you Ninong pogi! The best po talaga kayo!” Kung Ninang ganda sana ang sinabi nila ay mas natuwa ako.  Well, pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko sa mga yakap at pasasalamat ng mga pamangkin ko.    “Nambola pa. Sige na, pasok na kayo at mag-aral na ulit.”  Sumunod naman ang tatlo, pero inabutan muna nila ako ng tsinelas at itinago ang sapatos na suot ko.  Ang medyas ko naman ay inilagay nila sa labahan.  Nakakawala ng pagod ang mga batang ito.  Diretso ako sa kusina kung saan nagluluto ang nanay ko.  Nagmano ako at saka naupo.  Binuksan ko ang TV dito at sakto kasisimula lang ng palabas sa telebisyon.  Nagugutom kasi ako kaya’t doon muna ako namalagi.  Ipinaghain ako ng nanay ng bagong luto niyang hapunan.  Tinola at mainit na kanin.   “Salamat po.  Nay, maitanong ko lang po, iyong pambayad sa eskwela ng mga bata...”   “Ah...anak kasi hiniram ng kapatid mo, ipupuhunan daw sa traysikel.”  Napailing na lang ako.  Lagi namang dahilan ang traysikel, hindi naman siya makapagbigay ng regular na kita.    “Pakisabi naman kay Kuya Dong hinay hinay sa gastos Nay, anim na po ang anak niya.  Baka hindi ko po mapagkasiya ang kinikita ko para sa ating lahat.”  Nakita kong umismid ang nanay ko.  Alam ko namang paborito niya ang kapatid ko.  Ayos lang naman dahil hindi ko naman balak makipagkumpetensiya sa kaniya.  Buti kung may mapapala akong korona at sash, baka maki-join pa ako.   “Nagrereklamo ka na ba Benj? Kung nabubuhay lang ang tatay mo...” Naglitanya na si Nanay ng paulit-ulit niyang speech na kung nabubuhay ang tatay ko ay hindi kami maghihirap ng ganito yada yada etc etc.   “Hindi po Nay, nagpapaalala lang po ako.  Mataas na po kasi ang gastusin natin.  Ako na po ang bahala.  Pupunta na lang ako sa eskwelahan ng mga bata para magbayad bukas.” Nakatitig lang ako sa pinapanood ko habang nagsasalita.  Napansin na naman niya.   “Benj, bakit ba hilig mong panoorin ang kabaklaang ‘yan? Imbis na UFC at  basketball ang pinapanood mo, puro kabaklaan! Kung nabubuhay ang tatay mo, magagalit iyon kapag nakita ka...”   “Nay, palabas lang ho sa TV ito, hindi naman ho ako nakikipagrelasyon at hindi rin ako bakla.  Walang UFC at Basketball ng ganitong oras at patay na ho si tatay.  Kahit araw-araw nating pag-usapan ang kung nabubuhay pa siya ay hindi na po siya mabubuhay.”  Hindi naman ako talaga sumasagot ng pabalang sa nanay ko.  Siguro ay narindi lang ako dahil sa araw-araw na pangaral niya pati sa pinapanood ko.  Masakit isipin na kung aamin man ako sa kanila ay siguradong sigurado na akong hindi nila ako matatanggap.    “Benjamin! Hindi kita pinalaking bastos!”    “Oho. Hindi rin ninyo ako pinalaking mapanlait ng kapwa.  Wala hong masama sa pagiging bakla.  Excuse me po.  Masarap po ang tinola.  Matutulog na ho ako.” Umiwas na lang ako kaysa lalo pa kaming  magkasagutang mag-ina.  May TV naman ako sa kwarto kaya’t doon na ako nanood.  Malaki laki rin naman ang bahay namin.  Coronel naman kasi noon ang tatay ko ang kaso lang ay hindi kami ang tunay na pamilya kaya’t hindi sa nanay ko napunta ang pension ni Tatay noong namatay ito.  Nawala ang sustento namin nang mamatay siya.  Mabuti na lamang at nakagraduate na ako ng kolehiyo noon.  Si Kuya Dong naman ay nakatapos rin ng pagka-Seaman kaso ay mas gusto niyang sumisid at sumakay sa mga babae kaysa ang sumisid sa dagat o sumakay ng barko para maghanap-buhay.   Nakatuon lang ang mga mata ko sa pinapanood ko.  Inggit na inggit ako sa mga bida ng palabas dahil para silang tunay na mag-asawa kahit pa parehas silang lalaki.  Napaka-sweet ni Rob at Paolo sa isa’t-isa.  Sana sa hinaharap ay makatagpo rin ako ng makakasama ko habang buhay.  Pagkatapos ng palabas ay hindi na ako lumabas ng kwarto.  Pinagkasiya ko na lang ang oras ko sa pagbabasa ng mga LGBT stories sa w*****d.  This is my form of escape from reality.  Gusto kong maranasan kahit man lang sa imahinasyon ko kung paano mahalin at magmahal sa paraang gusto ko. Nasa isang steamy chapter ako nang mag-ring ang cellphone ko.    “Hello, Toby?”    [“Pare...kailangan ko ng kausap...puntahan...hik...mo...ako...”] Mukhang malaki ang problema ng isang ito.    “Sige pupunta na.  Asan ka ba?” Nagpalit ako ng maong na pantalon at isang fitted white shirt.  White sneakers na din ang isinuot ko.  Naka-loud speaker ako kaya’t hindi naman ako nahirapang magbihis habang inaantay kong sumagot ang kaibigan kong nag-dadrama sa telepono.   [“Nasa pad ko...hik...dala kang alak...”] Mukhang gusto pang magpakalasing kahit lasing na.  Sino naman kayang malas na babae ang iniiyakan ng kumag na ito?   “Sige. Palabas na ako. See you in a while.  Huwag kang aalis parating na ako.”  Naputol na ang linya.   “Nay, punta lang ako kina Toby.  Baka gabihin ako, dala ko naman ang susi ko.”  Hindi ko na hinintay ang sagot ng nanay ko.  Binuksan ko na ang garahe at lumabas na ako.  Naglabasan ang mga pamangkin ko kaya’t sila na ang nagsara ng gate.   Dahil sa traffic ay 45 minutes din bago ko narating ang condo ni Toby.  Nasa BGC kasi ito, kahit malapit lang sa Mandaluyong kung saan ang bahay namin ay matagal ang naging biyahe.  Siyempre dahil sabi niya ay nagdala ako ng Jack Daniels.  Alak daw eh.  May susi ako ng pad ni Toby dahil madalas ako ang tinatawagan niya kapag lasing siya.  Kundangan kasing hindi pa magtino para may girlfriend na siya na mag-aalaga sa kaniya.  Pagpasok ko ng unit ay napatulala ako. May ginagawa siyang kamilagruhan habang nanonood ng p**n sa malaking TV niya.  Ang laking gulat ko ay ang pinapanood niya.  Gay p**n.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD