Doce

2076 Words
    NOONG hapon, nagising ako nang mag-ring ang aking cellphone na nakatulugan ko na pala at nakapatong sa dibdib ko. Marahil nabitiwan ko na ito habang nanonood ng mga videos sa YT.   Hindi ko na natingnan kung sino ang tumatawag nang sagutin ko ang phone, “hello.”   “Tulog ka ba? Sorry nagising yata kita.” Bigla akong nagising nang marinig ang boses na ‘yon.   “Luke,” sagot ko.    “Iniba ko na nga ang boses ko nakilala mo pa rin,” natatawa niyang sabi. Ang pag-iba ng boses na sinasabi niya ay binabaan niya ang tono para hindi ko matunugan.   “Nagamit mo na ‘yan dati. Isa pa, wala namang tumatawag sa’kin na iba.” Natawa na naman siya. Alam niyang puro outgoing ang tawag ko at madalang lang tumawag ang mga barkada ko. Kahit sa trabaho ay mga messenger at apps na internet connection driven ang gamit. Kami ni Lucas lang ang nagtatawagan gamit ang linya ng cellphone .   “Free ako tonight. Nacancell ang taping namin dahil sa technical issues. Tennis tayo?”   Pinakiramdaman ko ang sarili at medyo nakatulog na naman ako. Hindi lang ako masyadong makakatakbo siguro.   “Medyo may hungover ako nag-inuman kami kagabi ng barkada ko. Pero sige, minsan ka na lang magka-oras maglaro. Sa dati na lang?” tanong ko habang nag-iinat na. Narinig niya sigurong naghikab ako.   “Oo. Sunduin kita? Parang inaantok ka pa.”   May isang beses na sinundo niya ‘ko dahil nasira ang kotse ko at nasa casa.   “Out of way sa’yo. Mag-drive na lang ako para hindi na tayo maghatiran pagkatapos. May pasok nga pala ko bukas.”   “Ah, sayang kala ko pwede pa tayo magpuyat.” Napangisi ako dahil ang pagpupuyat na sinasabi niya ay pag-inom ng kape at pagkain ng cake matapos magburn ng calories. Weird ng mga gusto ni Lucas pero nasasakyan ko naman.     “Sige later na lang,”   “Benj—”   “O?”   “Salamat, ha. Isang tawag ko lang game ka agad.”   “Parang tanga ‘to. Sige na mamaya na lang.”   Pagkababa ng tawag ay napangiti ako. Simula nang magkakilala kami ni Lucas ay naging magkaibigan na kami. Nakakita kami ng sports na pareho naming gusto, ang tennis. Sa isa’t-isa rin kami naghihinga ng sama ng loob dahil hanggang sa mga panahong iyon ay parehas pa rin kaming hindi makaamin sa iba ng tunay naming pagkatao.   Mabilisan akong naligo at nagbihis na ng pang-tennis. Naglagay sa maliit na backpack ng pamalit na damit at naalala ko ang pabango na binili ko para kay Lucas noong magpunta ‘ko ng Singapore. Paborito niya ang amoy noon kaya’t nang makita kong naka-sale ay binili ko kaagad. Kaarawan niya rin sa susunod na linggo kaya’t sakto lang ang timing ng pagbigay ko.   “Nay, mag-tennis lang ako. Baka gabihin po ng uwi.”   “O, kala ko masakit ang tiyan mo?”   “Ayos na po nakuha sa tulog at gamot. Si Kuya nakauwi na ba? Ang mga bata?”   “Nasa kwarto ang mga pamangkin mo gumagawa yata ng assignment. Kuya mo wala pa bukas na raw uuwi. May birthday daw sa barkada niya.”   “Ah, malamang nakabirthday suit,” bulong ko.   “Ano?”   “Wala po, Nay. Alis na ‘ko.”   Napangisi ako at napailing. Matindi ang kamandag ni Sara sa kapatid ko. Nasolo na niya maghapon at gusto pa pati magdamag. Sana lang ay huwag siyang magdagdag ng panganay sa mga oras na iyon dahil marami na masyado ang mga pamangkin kong pinapaaral.         THE one hour drive from our house to the exclusive tennis club malapit sa village nila Lucas ay hindi naging boring dahil sa pagvivideoke ko sa loob ng sasakyan. Lately ay nahihilig akong kumanta kaya’t sinisikap kong mag-aral ng maraming kanta. Siguradong may pa-contest na naman kami sa opisina kapag Pasko na ilang buwan na lang ay darating na. Mas mabuti na ang ready.   Pagdating ko sa parking lot ay tatlo lang ang kotseng nakaparada. Nakita ko kaagad ang pulang SUV ni Lucas at sa tabi noon ako pumarada.   Pagbaba ko ng kotse ay may humablot ng tennis racket na nakasukbit sa balikat ko.   “Aray naman!” Paglingon ko ay nakangisi si Lucas sa’kin. Magkaterno kami ng suot na damit. Siguro dahil sa kanya galing ang tennis outfit na suot ko. Ang magkaiba lang ay puti ang rubbershoes niya at pula naman ang sa’kin.   “Namiss kita, Benj!” Hinila ako sa isang mahigpit na yakap. Dahil nasa ilalim kami ng poste ay kitang-kita sa sementadong parking lot ang anino naming dalawa na magkayakap.   “Sira ka talaga. Maliwanag ang ilaw, o. Baka may makakita sa’tin ano pang isipin.”   “Bawal na ba magyakapan magkaibigan ngayon?” Nakanguso niyang sabi. Natawa naman ako.   “Hindi naman. O isa pa.” Ako naman ang humila sa kanya para sa mahigpit na niyakap. Apat na buwan na simula nang huli kaming magkitang dalawa dahil hindi nagkakatugma ang schedule namin ng free time.   “Ayan, okay na ‘ko. Tara?” Kinuha niya ang dala kong raketa at sabay kaming naglakad papuntang locker room kung saan iiwan ang bag kong dala.   “Kumusta na? Kailan tapos ng taping mo?” tanong ko habang nagwawarm up na kaming dalawa.   “December pa. Na-extend kasi ang ganda ng ratings.”   “Oo nga maganda. Kaya nga pinapanood ko pa rin.”   “Thank you.” Lumapit pa ito at yumuko sa harapan ko.   “Mas gusto ko ang story ngayon since may bata na involved.” Sa part two ng Two Daddies and Me ay mayroong anak ang dalawang bida na mag-asawa sa istorya.   “Ang galing nga ng story. Sana mangyari rin sa totoong buhay.”   “Malay mo naman, in the future.” Madalas naming napapagusapan ang plano namin sa hinahanarap. Ang makapagasawa at magkaroon ng aso o sana ay totoong anak. Uso naman na ang artificial insemmination basta makahanap ng magdadala.   “Malabo na yata sa’kin ‘yan. Pinaghahanap na nga ko ng girlfriend ng tatay ko. Gusto niya raw makapagasawa muna ko at magkaanak bago siya magpunta ng langit.”   “Gusto mo ba hanapan kita?”   “Gagu, ayoko nga! Kung mga katrabaho mo ‘yan ‘wag na.”   “Kilala mo na sila by name. You know them by heart na?”   Nakangisi kong tanong. Umirap naman siya bago nagsalita, “Oo kakatsismis mo kilala ko na sila. Alam ba ng barkada mo na numero uno kang chismosa?”   “Hindi. Chismoso ang alam nila.”   Nagtawanan kaming dalawa at nagsimula nang pumuwesto para sa tennis match.   Mukhang kapwa kami stressed at iyon talaga ang pang-relieve ng pakiramdam na iyon dahil ang lakas ng palo naming dalawa. Matagal ang rally ngunit nakakapagod ang takbuhan. Isang oras din ang inabot ng laro namin at si Lucas ang nanalo. Kapwa kami naghahabol ng hininga dahil sa tagal na naming hindi nakakapaglaro. Matapos naming mag-cool down excercise ay bumalik na kami sa locker. Kumuha ng tuwalya at sabay na nagpunta ng shower room. Walang hiya-hiya na kaming nakakapaghubad sa harapan ng isa’t-isa.   “Grabe ka sa’kin. Kailan mo ba ‘ko papapanalunin?”   “Sa birthday mo?”   “Anniversary natin ‘yon.” Nakangiti kong sabi.   “True. One year na tayong magkakilala at magkasama.”   “Akalain mo ‘yon, nagmessage ka talaga at tumawag sa’kin kahit akala ko echos lang ang pagkuha mo ng number ko.”   “Yes, dapat proud ka sa’kin dahil the following day lang tumawag na ‘ko.”   “With the weirdest proposal ever.”   “’Wag mo na ngang ipaalala nahihiya na ‘ko.”   “Bakit naman? Ang tapang tapang mo nga magpropose, eh.”   Paglingon ko sa kaliwa kung nasaan siya nagshoshower ay namumula na si Lucas sa pang-aasar ko.   “Oo na. Next week pala nandito ka ba sa Pinas?”   “May lipad ako sa araw ng birthday mo, eh.” Sinubukan ko namang makipagpalit ng schedule ang kaso ay walang makipagpalit sa’kin.   “Sayang naman. Papakilala sana kita kay Papa.” Napangiti ako sa sinabi niya. Ilang beses na naming tinangkang magkakilala kami ng Papa ni Luke ang kaso ay laging nakakabiglaang conflict sa schedule namin tuwing takdang araw.   “Nagkita naman na kami sa ospital,” Isang beses na sumama ako sa kanila ay natagpuan naming walang malay ang Papa ni Luke. Mabuti na lang at naroon ako at natulungan ko siyang dalhin sa ER ang ama niya.   “Tulog naman siya noon baka nga hindi ka pa namukhaan.”   “Yaan mo na. Saka na lang dadalaw na lang ako sa bahay n’yo kapag may okasyon.”   “Sige. So paano? Magkape muna tayo?” tanong niya nang nagbibihis na kaming dalawa.   “Sige decaf na lang sa’kin. Ay, may bibigay ako sa’yo. Gamitin mo na ngayon.” Wala pa ‘kong t-shirt ay nakapagbihis na si Lucas.   Nakangiti siyang naglahad ng palad kahit na kinukuha ko pa lang sa bag ang regalo niya.   “Advanced Happy birthday, Luke.” Iniabot ko ang kahon ng pabango na nilagyan ko lang ng pulang ribbon.   “Wow! Favorite ko ‘to!” Tinapik pa ang balikat ko ng malakas. Dahil wala pa kong suot na tshirt ay malakas ang tunog nito.   “Aray naman! Oo, ‘yan ang sinisinghot singhot mo sa leeg ko noong una tayong nagkakilala.”   “Mabango nga kasi.” Dali-dali niyang inalis ang ribbon at inilagay sa bag niya. Pagkatapos ay tinanggal ang plastic wrapper at inilabas ang bote mula sa kahon. Nag-spray sa pulse points niya at maging sa damit na suot. Nang matapos siya ay inisprayan din ako at saka suminghot sa may leeg ko.   “Kulet!”   “Tara? Sa kotse ko na ikaw sumakay balikan na lang natin mamaya dito auto mo. Malapit lang naman coffee shop.” Tanong niya sa’kin. Mukhang gustong sulitin kahit ang oras namin papuntang cafe.   “Pwede naman.”   “Marami pa kayang tao sa labas? Baka pwede lakarin na lang?”   “Naku, celebrity nga pala ang kasama ko. Mapicturean pa tayong magkasama. Maeskandalo pa tayo.” Biro kong sabi.   “OA. Di naman tayo naglalakad na magkaholding hands!”   “Gusto mo ba?” tanong ko na nakangisi.   “Ikaw, gusto mo ba?” sagot naman niya.   Nagkatinginan kaming dalawa at panandaliang natahimik, matapos ng ilang segundo ay sabay kaming bumunghalit ng tawa. Kinuha na ang mga gamit namin at saka naghanda nang lumabas.   “Tara na nga. Sa kotse mo na!” Hinila ko na siya nang makapagsuot na ‘ko ng tshirt. Parehas kaming naka-tshirt at shorts na itim at tsinelas na bigay ko sa kanya noong nakaraang Pasko. Asul sa kanya at pula naman sa’kin.   “Ang kalat ng auto mo! Linisan mo nga ‘to.”   “Hindi ko pa nga nalinisan. Ang busy sa taping.”   “Wala ka pa bang nahahanap na kapalit ni Mang Tonyo?” Driver at alalay niya noon si Mang Tonyo ngunit kailangang umuwi ng probinsya nang magkasakit ang asawa nito.   “Papadala daw niya ang anak niyang panganay kaso kailangan ko rin ng driver. Babae ang anak niya.”   “O, baka ‘yan na ang forever mo.”   “Gagu ka talaga. Harap harapang pinapamigay mo ‘ko. Aaaaaggh. Ang sakit!” Umarte itong sumasakit ang dibdib dahil sa sinabi ko. Tinawanan ko lang siya at hinampas sa braso.     “Kaloka ka. As if naman!”    “Seatbelt mo. Tara na. Hindi ko pa nga ulit nakausap si Mang Tonyo. Malubha daw ang lagay ng asawa niya. Nagpadala nga ‘ko ng pera noong isang linggo.”   “Bait-bait talaga ni Ser Lok.” Tumawa si Lucas dahil ganoon ang tawag sa kanya ni Mang Tonyo.   “Sira ulo ka talaga. Sumbong kita kay Mang Tonyo.”   “Huy, ‘wag! Biro lang. Pinapatawa lang kita. Mukha ka na namang natatae.”   “Tara na nga. Puro ka kalokohan.”   “Nahawa lang ako sa’yo!”   “Di naman tayo madalas magkita paano ka mahahawa?”   “Hindi nga tayo nagkikita ang dalas naman nating mag-usap. LDR ganern?”   “Ayaw mo?” tanong niya na pang-asar ang mukha.   “Gusto mo?” sagot ko naman na nakataas ang isang kilay.   Nang sabay kaming dalawang sumagot ng “Gusto,” ay saka kami ulit bumunghalit ng tawa.   Ganoon kaming dalawa magkulitan. Kahit anong topic nagagawa naming katatawanan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD