HABANG nag-iinuman kami ay naalala ko kung paanong sabay-sabay naliligo ang mga magkaka-team sa basketball sa gym showers ng University. Simula highschool hanggang college, malaki ang mga pagbabago sa mga katawan naming lahat. Dahil puro lalaki ay hindi maiwasang mag-asaran at magkulitan kung sino na ang may pinakamatigas na abs o pinakamalaking braso at siyempre hindi mawawala ang asaran ng pinakamalaki at mahabang kuwan. Sa larangang iyon ay hindi kami nagpapahuling tatlo. Kahit anong iwas ko noon na tingnan ang mga kasama kong naliligo, hindi maalis sa’king maging tao lang at marupok. Libreng sight seeing ako tuwing shower time na. Nahilig pa kaming lahat noon na mag-gym kaya’t nadagdagan pa ang lugar kung saan libre naman ang tumingin bawal lang ang humipo.
Humilig si Toby sa balikat ko. I sighed and tried to give him comfort kahit na hindi ko alam kung paano.
“Nandito lang ako para sa’yo,Toby. Sana alam mo ‘yan, Tol.” Napahikbi na naman siya. Unang beses niyang umiyak dahil sa usaping puso. Madalas ay humihingi siya ng tulong na magtago at makipaghiwalay sa mga babaeng tinikman niya o ginawang pampalipas oras. It’s ironic na kahit ilang babae pa ang umiyak nang dahil sa kaniya, ang iniiyaka niya ngayon ay ang barkada namin na captain ng Basketball Varsity team.
Sino bang mag-aakala na sa likod ng gwapo at matipuno nilang pangangatawan, sa dami ng babaeng pinagsawaan nila ay lalaki din pala ang hanap nila?
Well, sino ba naman ako para humusga samantalang ganoon din naman ako. I sighed and sipped another shot of the whiskey.
“I know. Salamat pare. Alam kong maiintindihan mo ‘ko. You’ve been the best friend anyone could ever hope for. Sana ikaw na lang ang minahal ko at hindi siya.” Umiinom ako noon kaya’t nasamid ako at pumasok ang alak sa ilong ko.
Aray ko po juicecolored. Hindi ko alam kung anong mas masakit, ang pakiramdam ng alak sa ilong ko o ang pagkakabuking ko sa ganoong paraan? Alam ba niya? Kahit alam niya, hindi pa rin ako aamin. Mahirap na.
“Tol...” panimula ko. Magmamaang-maangan na sana ‘ko nang bigla siyang nagsalita.
“I know hindi ka bakla.”
Nakahinga ako ng maluwag kahit na parang ayaw ko na rin maniwala na lalaki rin ang gusto niya. Hindi ba talaga nagkakaamuyan ang magkakalahi? Natigil ang pagmumuni-muni ko nang magpaliwanag na siya.
“Tol, pakiramdam ko naman hindi rin ako bakla. Bisexual siguro oo, I am still attracted to girls at gusto ko pa rin silang tikman pero iba ang pakiramdam ko kay Martin. He completes me pare.” Gusto kong magmura at pumalakpak ng malakas pero pinigilan ko ang sarili ko. Havey na havey ang speech. Mukhang malakas nga ang tama ng isang ito!
Siguro panahon na para sakyan ko na ang sinasabi ni Toby.
“Pero sabi mo nga, ikakasal na siya. Ready ka ba sa consequences kung sakaling pipigilan natin ang kasal nila? Teka, ano ba ang plano mong gawin? Pipigilan ba ang kasal o magiinuman tayo hanggang sa malimutan natin ang napagusapan?”
Galing sa mga buena familia ang mga barkada ko at siguradong magiging malaking eskandalo kapag lumabas ito sa publiko. Alam nilang dalawa iyon at isang malaking issue kung may makakaalam ng totoo. Ako ngang wala namang reputasyon ang pamilyang pinanggalingan ay takot na takot nang lumantad, paano pa ang iba na maraming maapektuhan?
“Of course not. My family will disown me at siguradong ganoon din sa side ni Martin. Nang mabuking kaming dalawa at ipilit sa kanyang magpakasal, nagkasundo kami na itutuloy nila ang kasal at magkikita na lang kami ng palihim.”
Kahit na mukhang maganda ang plano nila ay hindi ako sasang-ayon. Isang bagay na pinakaiinisan ko ay ang pagiging kabit dahil iyon ang kinagisnan ko sa sarili kong pamilya.
“Mistress ang peg mo ganon? Nabubuwang ka na ba talaga? Mas delikado pa ang gusto ninyong gawin! Mas malaking eskandalo kapag may nakahuli sa inyo!” Iwinaksi ko ang pagkakasandal niya sa balikat ko at hinarap siya. Nakapikit si Toby at namumula na ang buong mukha.
I care for my friends pero hindi ko hahayaang magkaganito sila. Ni hindi nga nila maamin sa sarili nila na bading sila, tapos gagawa sila ng kasalanan sa pamilya nila at sa ibang tao, sa mapapangasawa ni Martin.
“I don’t see any other way to solve this.”
Bilang kaibigan, hindi maiiwasan maging bearer of bad news o kontrabida. Kailangan nilang matauhan at wala namang ibang makakagawa noon bukod sa’kin.
“Kung hindi ninyo kayang panindigan ang isa’t-isa. Then stay away from each other. Hindi laro ito Toby. Maraming taong masasaktan.”
“So, gusto mo, kami na lang dalawa ang masaktan at hindi ang ibang tao?” Aray! Sapul ako sa puso. Napakapit pa ako sa dibdib dahil sa sinabi niyang iyon.
“No. Hindi ‘yon ang sinasabi ko. Kabaligtaran nga noon. I want to limit the impact this will have in your lives. You’ve been friends since elementary. Hindi pa kayo tuli, magbarkada na kayo. Para masira ang pagkakaibigan ninyo dahil sa ganitong hindi ninyo siguradong bagay, that’s something that I can’t allow, Tol.” Humiga si Toby at ipinatong ang ulo sa kandungan ko. Kahit nakikiliti ang hita ko ay hindi ako gumalaw. Ipinagpatuloy ko lang ang litanya, umaasa na nakikinig nga siya.
“Toby, I want you to be sure of how you feel about each other. Ipaglaban ninyo kung sa tingin ninyo ay tama. Uso naman ngayon ang same s*x marriage sa ibang bansa.” Iyon din kasi ang pangarap ko. Magpunta sa malayong bansa para mahanap ang prince charming ko na magbibigay sa akin ng habang buhay na kaligayahan. Iyon ang tamang option kung sigurado na sila na gusto nilang magkasamang dalawa.
“Ayaw ni Martin. Risky raw masyado. May sakit sa puso si Tito Ruben. Hindi kakayanin ng kunsensiya namin kung mapapahamak siya. Isa pa, malaking eskandalo. Hindi pwedeng malaman ng ibang tao. Maraming madadamay kapag nagkataon.” Si Tito Ruben ang ama ni Martin. Kung nalaman ng pamilya ni Martin ang tungkol sa relasyon nila, malamang ay itinago ito kay Tito Ruben at ginawan ng paraan ng Mama ni Martin na maikasal siya sa ibang babae para makaiwas sa eskandalo at sa malaking gulo.
Napagtanto ko na naman na ang bilis ng ikot ng buhay. Parang kanina lang na nasa bahay ako ay teleserye ang aking pinapanood, ngayon ay real life drama naman ang kaharap ko at mga barkada ko pa ang mga bida.
Maya-maya pa ay lalo pang umigting ang drama.