“Benj, may gagawin ka ba mamayang gabi?” Hayan na naman ang isa sa mga vultures ng buhay ko.
“Sara, wala naman akong gagawin. Bakit mo naman naitanong?” Hindi ko maiwasang mapasilip sa cleavage niyang naghuhumiyaw. Hindi dahil gusto kong lamasin kundi dahil gusto kong itanong kung magkano ang pagawa niya dito. Halatang halata naman kasing silicone implant ang tayung-tayo niyang kadedehan.
“Eh kasi magpapasama sana ako mag-swimming sa bahay...wala namang ibang tao doon...tayo lang.” Lalo pa siyang humilig palapit sa akin. Nakita niya sigurong napasulyap ako sa mga dibdib niya kaya’t nag-feeling ang mahadera. Lalo pa niyang ipinakita ang namamaga niyang implants. Dahil bored ako ay napagpasiyahan kong sakyan ang trip niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Nakita kong nagbago ang kulay ng mga mata niya at nagpigil ng hininga pa ito nang bulungan ko ang tenga niya.
“Bakit naman kailangan mo pa ng kasama mag-swimming. . .marunong ka namang lumangoy hindi ba?” Sinadya kong painitan at hipan ang tenga niya. Kahit nandidiri na ako ay itinuloy ko pa din.
“Mainit kasi... I need someone to rub sunblock all over...my body...I plan to sunbathe naked din kasi...” Kung hindi ako nakapagpigil ay baka nasungalngal ko ang malanding babaeng kaharap ko. Wala man lang siyang pagpapahalaga sa sarili. But I remained calm and played her game. Kung tunay na lalaki lang siguro ako ay kanina pa ako nabitag ng mga pasaring niya. Pwes, sorry siya dahil mas maganda ako sa kaniya.
“I’ll try...kapag sinipag ako I’ll inform you. Pero kung gusto mo, lagyan na kita ng sunblock bago tayo umuwi mamaya...” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ‘yon, siguro dahil gusto ko pa siyang asarin. Inaaraw-araw na rin kasi ang ng babaeng ito. Simula nang dumating siya mula sa two months assignment niya sa Cebu ay hindi na niya ako tinantanan. Mukhang desido siya na matikman ang alindog ko.
“Really? I’ll be waiting for that...ngayon pa lang...I feel so...” Mabuti na lang at may kumatok sa pintuan ng opisina namin kaya’t nahinto ang kahalayan niya.
“Oi, anong ginagawa ninyo dito kayong dalawa lang? Bawal ‘yan ah.” Nakita ni Celine na nakadantay si Sara sa akin at ako naman ay nakatayo at sa itsura ay mukhang hinahalikan ko ang tenga niya. Kinilabutan ako sa pinag-gagawa ko.
“We were just talking about something...masyado ka namang nagselos.” Pagbati ko sa kaniya. Effective ang tactic ko dahil namula siya. Alam ko namang may tama rin sa akin ang babaeng ito. Tuwing umaga ay lagi akong dinadalhan ng kape. Kung alam lang nila na magkakabaro kami, hindi na sana sila nag-aaksaya ng kiri at landi powers sa akin. Umayos na ako ng upo at bumalik na rin sa pwesto niya si Sara. Bukod sa pag-pipiloto, isa rin ako sa trainors sa Aviation company na pinagtatrabahuhan ko. Mas hectic ang schedule ko dahil bukod sa mga assigned local and international flights, may mga talks at trainings akong ginagawa para sa kumpanya.
“Benj, pwede bang sumabay pauwi? Nasira kasi ang auto ko.” Si Phil, ang accountant namin na galit na galit sa mga bading. Araw-araw yata ay may ikinukwento itong kinaiinisan niyang artista o host o announcer sa radio na bading.
“May pupuntahan ako. Mag-taxi ka na lang o kaya mag-bus.” Ayoko siyang isabay kahit bayaran pa niya ako ng isang libong piso kada metro. Kung makapanglait sa mga kabekihan ay akala mo nuknukan ng gwapo. Hindi ko talaga siya gusto kahit makausap man lang. Nasasaktan ako para sa mga bading na kagaya ko tuwing nilalait niya at pinagsasabihan ng masasama. Hindi ko man maipagtanggol ang mga ka-pederasyon ko, sa ganitong paraan man lang ay makaganti ako.
“Gusto ko sanang magtipid. Pero sige, kay Sara na lang ako sasabay.” Natawa ako sa expression ni Sara. Para pa itong kinilabutan at nandiri a sinabi ni Phil. Hindi naman sa panlalait, pero ang swangit talaga niya. Sarat ang ilong, at tadtad ng tighiyawat ang mukha. Kung paano natanggap ito sa trabaho ay ipinagtataka naming lahat dahil isa sa mga qualifications ay ang naghuhumiyaw na with pleasing personality.
“May lakad din ako. Mag-jeep ka na lang kung wala kang pera. Amoy ka din namang usok kaya bagay ka lang mag-jeep.” Mahina lang ang sinabi ni Sara pero narinig ko ito dahil magkatabi lang ang lamesa namin. Hindi siguro narinig ni Phil, nasaktuhan kasing nagsuot na ito ng earphones at nagpatugtog sa kaniyang cellphone.
“Akala mo kung sinong gwapo maka-asta. Eww. Kakila-kilabot.” Napangiti ako sa komento ni Celine. Pasimple lang ito pero kung makapanglait rin ay wagas.
Pagdating ng alasingko ay nagmamadali akong tumakas patungong parking lot. Kailangan kong maiwasan si Sara dahil paniguradong kukulitin na naman ako nito. Hindi ko balak tumikim ng tahong ngayon dahil gusto kong umuwi at manood ng paborito kong palabas sa TV, ang Two Daddies and Me. Istorya ito ng dalawang magkarelasyong lalaki at ang anak nilang hulog ng langit.
Nang pasakay na ako ng kotse ay naharang ako ng pugita, este ni Sara.
“Shall we go? Sa kotse ko ba o sa’yo?” Napatanga ako sa kaniya? Inaalala ko kung anong pinagsasabi niya.
“Benj, sabi mo lalagyan mo ako ng sunblock...Ito na nagpalit na ako.” Juicecolored kong mahabagin. Nakarobe lang pala ang malanding ito at walang suot sa loob. Nakakita naman na ako ng katawan ng babae at dati noong kabataan ko ay tinatalaban pa ako ng kakaibang init kapag nalalagay ako sa ganitong sitwasyon, pero iba ngayon. Para akong nasusuka. Literal na nasusuka. Hindi ko ito ipinahalata dahil baka malaman pa niya ang sikreto ko. Mahirap na kung kumalat pa ang tsismis.
“Pasmado kasi ang kamay ko, tingnan mo o, nanginginig.” I showed her my hands pero malandi talaga ang haliparot. Kinuha niya ito at ikinapit sa dibdib niya. Confirmed! Silicone nga ang laman.
“Feel me...mawawala ang pasma mo.” Ginawa ko na lang ang sinabi niya. Gusto ko rin kasing malaman kung anong pakiramdam ng may implant. Kung baga sa pagbili ng mga gamit ay, nag-cacanvass na rin ako sa pamamagitan ng pagtest ng goods na inoffer niya. Sarap na sarap ang walanghiyang babae na lantarang nagpapalamas sa parking lot. Matapos ang ilang minuto, sinubukan naman niyang ibaba ang kamay ko. Pero no no no. Hindi ko kaya ang gusto niya. Masyado na siyang abuso. Gamitin na lang niya ang sariling daliri niya. Umatras ako at tumalikod.
“I respect you Sara, kaya please, stop this. Aalis na ako.” Sana nag-work ang pa-gentleman speech ko dahil hindi ko na alam kung paano pa ako tatakas kung magpupumilit pa siya. Baka mapasigaw na lang ako ng paghingi ng saklolo kung nagkataon.
“Benj...don’t you want me?” Sasagutin ko sana ng of course not! Kaso lang masyadong harsh at baka magtanong ito kung bakit high pitched ang voice ko. Ano ba itong napasok ko.
“You’re very...” malandi, flirt, haliparot, makati, p****k iyon talaga ang ilan sa mga choices ko pero siyempre hindi ko naman sinabi.
“Sara, you’re very...attractive pero sa ngayon hindi ko kaya magseryos sa isang relasyon.” Nakatalikod pa rin ako kaya’t yumakap pa siya sa likuran ko. My Gosh, ano bang kasalanan ko para pahirapan ako ng ganito?
“Then don’t be serious...I just want one night.” Kung noong highschool at college, baka pumayag pa ako. Pero iba na ngayon, bukod sa katrabaho ko siya, mas sigurado na ako ngayon na lalaki ang gusto ko at hindi babae.
“I can’t do that. Gaya nga ng sabi ko, I respect you. Ka-trabaho kita. Please Sara, just let me go. Kalimutan natin na nangyari lahat ng ito.” Dahil kung hindi ay kukurutin ko ang singit mo sa kalandian mo! Charot lang, hindi ko naman gagawin ‘yon, naisip ko lang.
Mukhang effective ang speech ko, kumalas siya sa pagkakayakap at tumakbo palayo at papuntan banyo ng parking lot. Malamang ay para magbihis. Nakahinga na ako ng maluwag. Sana naman makauwi na ako ng matiwasay. Ayoko na ng obstacle course. Ibang course sana ang gusto ko pero alam kong malabo ko pang maranasan iyon. I haven’t met the one man for me na pag-aalayan ko ng puso at kaluluwa ko. Echos lang. Pumasok na ako ng kotse ko at binagtas na ang kahabaan ng Edsa para umabot ako sa TDAM na isang pantaserye ng buhay ko.