CHAPTER 4

2129 Words
ALAS otso pa lang ng umaga ay nasa racing circuit na si Massimo na pag-aari mismo ng kanilang pamilya. Ilang oras na lang ay gaganapin na ang isa sa pinakamalaking car racing sa buong mundo nang taon na iyon. Lahat ng mga kasali ay kilalang racers sa kani-kanilang bansa, hindi lang sa Europa, kundi sa buong mundo. Sa galing ni Massimo sa pagmamaneho at angkin niyang talino pagdating sa mga sasakyan ay pasado sana siya sa competition na iyon. Bukod sa natural na katangiang dapat na taglay ng isang car racer, uma-attend na rin siya sa iba't ibang organization na nagpo-provide ng sports racing classes. Doon niya natutunan ang mga importanteng factors na kailangan para manalo at manatiling ligtas. Like he know how to make a quick decisions about speed, maneuver a bend and when to shift gears or brake. Pero ang lahat ng iyon ay walang silbi kung gagamitin lang ni Massimo sa car racing event na ang Daddy Alessandro niya mismo ang nag-organize. Sabagay, lahat naman ng car racing event sa buong mundo, kung hindi main organizer, major sponsor ang ama ni Massimo. At alam niyang kapag sumali siya ay gagawin nito ang lahat para manalo siya. Kahit pa sa illegal na paraan. Isa iyon sa paraan ng pagpapakita nito ng pagmamahal kay Massimo na tinutulan niya. Iyong handa itong mang-apak ng kapwa para sa kaniya. Namana rin naman niya ang ganoong ugali ng Daddy niya. But he know how to control his. Kaya hindi na lang sumasali sa ganoong event si Massimo kahit na gustong-gusto niya. Ipinapakita na lang niya ang galing sa mga street racing. Alam niyang illegal. Pero at least, alam niya na totoo niyang napanalunan. "Buongiorno, Signor Massimo," bati sa kaniya ng isa sa mga guwardiya ng racing circuit. Hindi sumagot si Massimo at inihagis lang dito ang susi ng kaniyang sports car para ilagay iyon sa isang VIP parking lot na para lang sa matataas na taong pumupunta sa lugar na iyon. Habang naglalakad ay naagaw ang pansin ni Massimo sa isa pang mamahaling sports car na dumating. Hindi niya napigilan ang humanga. Ganoon talaga ang binata. Natural na sa kaniya ang mabilis humanga sa iba't ibang klase ng sasakyan, mumurahin man o mamahalin basta maayos at maangas. Saglit lang na natigilan si Massimo nang makita ang lalaking bumaba sa sasakyan na iyon na ilang taon lang yata ang tanda sa kaniya. He is Nicolas Gonzales, the new CEO of Shimizu Motor Company. At isa ang nasabing kompanya sa mga major auto companies na mag-a-assist at mag-i-sponsor sa event na iyon. Hindi na hinintay ni Massimo na magkatinginan sila ni Nicolas. Interesado lang siya sa negosyo nito pero hindi sa pagkatao. He has his own inherited wealth and looks to be intimidated by whom. Malayo pa lang siya ay tanaw na ni Massimo ang malawak na race track. Kailangan niyang pumunta sa opisina ng ama para ipaalam ang kaniyang presensiya. Bagaman at batid nitong naroon lang siya para manood at hindi para maging bahagi ng event. Dahil maraming tao sa hallway na papunta sa office ni Daddy Alessandro at ayaw niyang mapaaway, kaya nag-short cut na lang si Massimo. Hanggang sa mapadaan siya malapit sa ladies' room. Napahinto siya nang makita ang isang babaeng kalalabas lang at nag-aayos pa ng damit na medyo nagusot. His heart started to beat so fast as he recognized her face. It's been five years but he could not forget the first day he met her... Walang kabuhay-buhay na pumasok si Massimo sa entrance ng isang mamahaling hotel sa Florence. Suot-suot niya ang kaniyang blue velvet embroidered tuxedo at kapirasong maskarang itim na nagkukubli sa kaniyang kaguwapuhan. Marami nang tao sa main hall nang dumating si Massimo. Ngunit ni isa ay wala siyang mamukhaan. It was a masquerade-themed party that organized by her mother. So everyone is obliged to hide their face behind a false face. So damn weird. He hissed. Sa lahat ng klase ng party ay iyon ang pinakaayaw niyang puntahan. Pero hindi niya kayang tanggihan ang ina, lalo pa at para iyon sa isang children's foundation na itatayo ng mommy niya. "Mio caro figlio!" My dear son! Kahit hindi man magsalita ay alam ni Massimo na ina niya ang nasa likod ng maskarang iyon. "Thank you for coming and for always supporting my charitable projects." Niyakap siya nito. "Kaya kong tiisin lahat, Mamma. Pero hindi ikaw," malambing niyang sabi rito. "Così dolce, figlio mio." So sweet, son. Ngumiti ang ina at tinapik siya balikat. "Enjoy the party first before you leave, okay? Maraming magagandang babae dito ngayon. You won't get bored. Natawa na lang si Massimo nang umalis ang ina. Alam nitong aalis na 'agad siya pagkatapos niyang magpakita rito. Ngunit ang mas ikinatawa ng binata ay ang huli nitong sinabi. Paano naman siya makakakilala ng magandang babae kung lahat ng bisita ay nakasuot ng maskara? Tatawagin na sana ni Massimo ang waiter para humingi ng wine nang matigilan siya. Pakiramdam niya ay nag-slow motion ang buong paligid nang mapatingin siya sa isang babaeng nakatayo sa isang sulok. Ilang hakbang lang mula sa kaniya. Nakasuot ito ng kulay-itim na off-shoulder cocktail dress at may hawak na goblet. Mahaba ang maiitim at makikintab na mga buhok nito. Makinis ang mukha at namumula ang mga labi na sigurado si Massimo na walang bahid ng ano mang lipstick or tint. Porselana ang balat nito at may perpektong pares ng mga balikat na nakahantad dahil sa klase ng damit nito. Nasa five inches at six centimeters yata ang tindig nito na bumagay sa makikinis at mahahaba nitong legs. Napalunok si Massimo nang dumako ang tingin niya sa maliit nitong baywang na tila kaysarap yapusin. Kung gaano kaliit ang waistline ng babae ay ganoon naman kalaki ang hinaharap nito. Damn! Do I have a goddess in front of me? And when their eyes met, he had seen the most beautiful dark brown eyes he had ever discovered. At sigurado si Massimo na sa likod ng maskarang iyon ay higit pa ang kagandahang itinatago nito, na kahit sinong lalaki ay hindi kayang i-resist. May kakayahan itong pabilisin ang t***k ng kaniyang puso na wala pa ni isang babae ang nakakagawa niyon. He tried to look away. Ngunit animo'y isa itong magnet na hinihila ang mga mata niya pabalik dito. At sa tingin niya ay lalo pa itong naging kaakit-akit minu-minuto.   Nang mapansin ni Massimo na nakatitig din sa kaniya ang babae ay biglang uminit ang kaniyang pakiramdam. Ramdam niya ang unti-unting pagkabuhay ng kaniyang pagkal*l*ki. Hindi niya maintindihan kung bakit parang mababaliw siya kapag hindi niya ito na nalapitan. F*ck! Ngayon lang sila nagkita ng babae at hindi pa niya nasilayan nang buo ang hitsura nito pero sinisira na nito ang sistema niya. Feeling ni Massimo ay sinasakal siya sa sobrang init na nadarama niya. Niluwangan niya ang kurbata at hindi inaalis ang tingin sa napakagandang diyosa na kaharap niya ngayon at nakikipagtagisan din ng tingin. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya at panghihinayang ng binata nang magbawi ng tingin ang babae. Pagkatapos ay tumalikod ito at nagtungo sa ladies' room. Hindi niya kayang pakawalan nang ganoon-ganoon na lang ang babaeng bumihag sa kaniyang puso sa unang pagkakataon. Kaya naglakas-loob siyang sundan ito sa ladies' room. Gulat na gulat ito nang makita siya. NAPAKISAP si Massimo at napahinto ang pagdaloy ng kaniyang nakaraan nang maglakad na ang babae papunta sa mga upuan na para sa mga manonood ng event. Gusto sana niyang tawagin ito pero hindi naman niya alam ang pangalan. Masiyadong masarap ang nangyari sa kanila noon para alamin pa ang pangalan ng isa't isa. Ni hindi nga sila nag-abalang magtanggal ng maskara. Pero nang maghiwalay sila ay sinundan niya ang babae hanggang sa magtanggal ito ng maskara sa pag-aakalang walang ibang nakakita rito. Palihim na sinundan pa ni Massimo ang babae hanggang sa umupo ito sa parteng may mga nag-uumpukan. Na-curious pa lalo ang binata nang makita niyang may lalaking umalalay dito sa pag-upo. Hanggang sa magtabi ang mga ito sa upuan. At nang maghalikan ang dalawa ay noon lang niya napag-isip na taken na ang babaeng ilang taon niyang hinintay na makitang muli. No! You can't be with someone else. Hindi ako papayag! Lumapit pa lalo si Massimo sa kinaroronan ng mga ito para mas lalo niyang makita ang mukha ng karibal niya. By hook or by crook, aagawin niya rito ang estrangherang babae. Wala pa siyang ginusto na hindi niya nakukuha, sa kahit anong bagay, lalo na pagdating sa mga babae. Tutal nakatago naman siya sa isang sulok kaya ipinagpatuloy ni Massimo ang pagmamasid. At nang lumingon sa kinaroroonan niya ang kasintahan ng babae ay ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata. This man in front of me was exactly looked the same before my surgery. Paano iyon nangyari na magkamukhang-magkamukha kami? tili ng kaniyang isip. Mas nagulat si Massimo nang makita ang matandang babae na lumapit dito. Siya ang babaeng paulit-ulit niyang napapanaginipan noon at tinatawag na "mommy." He was shocked. Mabilis siyang kumubli. Sino ang mga ito? He punched his face. Nananaginip na naman ba ako? HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maalis-alis sa isip ni Dianne ang guwapong lalaki na nahuli niya kanina na nakatingin sa kaniya sa labas ng ladies' room. At nahuli rin niya ito na tinitingnan silang dalawa ni Nathaniel kani-kanina lang. Pero hindi lang siya siguro kung sila ba talaga ang tinitingnan nito. Ngunit ang sigurado ng dalaga ay pamilyar sa kaniya ang tindig nito, pati na rin ang paraan ng paglalakad na animo'y isang hari. Hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. "Where's Mom?" narinig ni Dianne na tanong ni Mariel sa Daddy Ethan nito. "Malapit nang mag-start ang event. Baka po ma-miss niya." "Biglang umalis, eh. Baka pumunta sa ladies' room, Ate," sagot dito ni Michelle. "Don't worry. Susunduin ko na." Akmang tatayo na ang ama ng mga ito nang pigilan ni Dianne. "Ako na po, Ninong. Pupunta rin naman ako doon," alok ng dalaga at inunahan na sa pagtayo ang Ninong Ethan niya. "'Di ba doon ka na galing kanina?" nagtatakang tanong ni Nathaniel nang tingalain siya nito. "Nakalimutan ko palang mag-retouch ng face powder, Hon," pag-aalibi ni Dianne. Ang totoo niyan, nagbakasakali siya na makita uli ang lalaking nakita niya kanina. May pakiramdam ang dalaga na hindi siya matatahimik hangga't hindi niya naaalala kung saan nga ba niya ito nakita at bakit parang pamilyar sa kaniya. Baka isa ito sa mga naging kaibigan o kakilala niya noong nandito pa siya sa Italy na hindi na niya gaanong natandaan dahil sa pagka-coma niya. May ilang maliliit na detalye kasi sa buhay niya ang hirap na siyang alalahanin o minsan ay hindi na niya maalala talaga simula nang ma-comatose siya at nagkaroon ng temporary amnesia. Pero ayon naman sa doctor, unti-unti naman daw babalik ang lahat habang tumatagal. Hindi pa man nakakarating sa ladies' room si Dianne nang matanaw niya ang kaniyang Ninang Zoe na may kausap na lalaki. Natatakpan nito ang mukha ng kausap kaya hindi niya nakikita. "Ninang?" tawag dito ni Dianne kaya napalingon ito sa kaniya at tumambad sa kaniya ang mukha ng kausap nito. Kulang na lang ay manlaki ang mga mata ng dalaga nang mapagtanto kung sino ang kausap ng kaniyang Ninang Zoe. Walang iba kundi ang lalaking nahuli niya kanina na nakatingin sa kaniya! Nahuli ng dalaga ang makahulugang tingin na ipinukol nito sa kaniya pero hindi pa rin niya ito maalala. Nakakunot lang ang noo niya habang pilit na kinalkal ang kaniyang isipan upang alalahanin ito. "Bakit, Hija?" She blinked nang marinig ang boses ni Ninang Zoe. Nahihiya at mabilis niyang inalis ang tingin sa estranghero nang mapansin na nakatingin ito sa kaniya habang sinisino niya ang guwapong lalaki na kausap nito. "Nathan and Ninong Ethan are looking for you. The event is about to start," sagot ni Dianne. Hindi niya mapigilan ang sarili na panaka-nakang sulyapan ang binatang nakatingin pa rin sa kaniya hanggang ngayon. Kinunutan niya ito ng noo pero hindi pa rin ito natitinag. At nang pasimpleng kinindatan siya ng lalaki ay parang timang na daig pa ang tinambol ng puso niya sa lakas ng kabog niyon. "Sige, hija. Susunod na lang ako. May kailangan lang akong tapusin, okay?" untag sa kaniya ni Ninang Zoe na nagpabalik sa kaniyang kamalayan na panandaliang nawala dahil sa ginawa ng estranghero. "Sure, Ninang," nakangiti na sabi na lang ni Dianne at hindi niya napigilan na sulyapan sa huling pagkakataon ang lalaki bago umalis. Sino nga kaya siya! Bakit pamilyar siya sa'kin? At bakit siya kinakausap ni Ninang Zoe? Magkakilala ba ang dalawa? Alangan naman na magtanong siya sa ina ni Nathaniel. Isipin pa nito na interesado siya pa sa ibang lalaki kahit ikakasal na siya sa anak nito. Maalala rin kita. bulong ni Dianne sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD