CHAPTER 5

2015 Words
MASAYANG-MASAYA ang mga Montemayor dahil sa pagkapanalo nina Mariel at Kuya Ethan Luis. Pati ang buong Pilipinas ay nagdiriwang na rin. Sa umpisa pa lang ng pagkapanalo ng dalawa ay sunod-sunod na ang natanggap na papuri ng pamilya mula sa kanilang bansa. Hindi lang sa Pilipinas kundi sa bawat sulok ng mundo na may mga Filipino at nanood sa labang iyon. Lalong-lalo na ang mga nasa Italy at may mga nagbigay pa ng party para mag-celebrate. Hindi naman iyon nahindian ng mga Montemayor at nagpaunlak ang mga ito. Sumama si Dianne pero nagpaalam din siya agad para bisitahin ang lumang bahay nila. Sinamahan siya ni Nathaniel. Pero agad din naman itong pinaalis ng dalaga para makasama nito ang pamilya sa pagse-celebrate, lalong-lalo na ang mga kapatid. Nang makapasok sa loob ng lumang mansiyon ng kanilang pamilya ay nilukob ng kakaibang lungkot ang puso ni Dianne. Parang nanghihina na napasandal siya sa pinto nang maisara niya iyon at sumalubong sa kaniya ang nakakabinging katahimikan at nakakaiyak na kalungkutan ng paligid. Hindi nakatulong ang pagbubukas niya ng ilaw at pagliwanag ng paligid para magkaroon iyon ng sigla sa paningin niya. Sa bawat sulok ng bahay na nadadaanan ng mga mata niya ay kumukurot iyon sa puso ng dalaga. Yes, may mga karanasan siya sa bahay na iyon na hindi maganda. Lalo na ang hindi makatarungan na paghihigpit sa kaniya ng mga magulang at pagkontrol ng mga ito sa buhay niya. Pero mas marami pa rin ang masayang alaala ng kanilang pamilya. Hinding-hindi makakalimutan ni Dianne ang pag-aalaga at pagmamahal sa kaniya ng mga magulang noong nabubuhay pa lang ang mga ito. Hindi na naawat ni Dianne ang mga luha na pumatak mula sa kaniyang mga mata nang makita ang malaking frame ng wedding picture ng kaniyang mga magulang na nakalagay pa rin sa dating pinagsasabitan. Matagal na sana niya iyong gustong iuwi sa Pilipinas. Pero napakahalaga ng bahay na iyon sa mga magulang ni Dianne. At kung nabubuhay pa man ang mga ito, mas gusto pa rin ng mga ito na doon sila manatili. Pinunasan ng dalaga ang nanlalabong mga mata niya dahil sa mga luhang bumalong doon at saka kumuha ng mataas na upuan. Pagkatapos ay tumuntong siya roon at kinuha ang picture frame. Nanginginig ang kamay na hinimas ni Dianne ang larawan. Nanikip ang kaniyang dibdib nang maalala ang nangyari noon sa eroplano bago iyon bumulusok paibaba at sumabog. Sabay siyang niyakap nina Mommy Candice at Daddy Rogelio para siguro protektahan siya at siguraduhin na hindi siya masasaktan sa posibleng mangyari. "I miss you so much, Mom, Dad. Wherever you are now, I want you to know that I love you so much. At hinding-hindi po kayo mawawala sa puso ko. Kahit noong na-comatose ako at panandaliang nawala ang memories ko, I know na nandito pa rin kayo." Kasabay nang pagturo ni Dianne sa kaliwang dibdib niya ay ang muling pagpatak ng kaniyang mga luha. "Sorry po kung nagagalit ako o naiinis ako sa inyo noon. O kung nagrebelde man ako sa inyo." Mas dumami pa ang mga luhang lumandas sa pisngi ng dalaga nang maalala ang gabing ibinigay niya noon ang kaniyang sarili sa estranghero para magrebelde sa mga magulang. Nasasaktan si Dianne dahil kahit anong pilit niyang isiksik sa kaniyang isipan na pinagsisisihan niya ang gabing iyon ay hindi niya makapa sa kaniyang puso ang pagsisisi na iyon. Muling pinalandas ni Dianne ang mga daliri niya sa larawan nina Mommy Candice at Daddy Rogelio. "Thank you so much for taking care of me then, for loving me, for sacrificing your own life for me..." Napahikbi ang dalaga. "M-miss na miss ko na po kayo. But don't worry. Dahil minamahal at inaalagaan naman po ako ng pamilya nina Ninang Zoe at Ninong Ethan. Mahal na mahal din po ako ni Nathaniel. And I'm glad to say na katulad po ng matagal n'yo ng pangarap para sa'kin noon ay malapit na kaming ikasal. Soon, magiging Montemayor na rin po ako." Tinuyo ni Dianne ang luhaang mga mata gamit ang kaniyang daliri. "At 'wag na rin ho kayong mag-alala, Mommy, Daddy. Dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko nababawi ang lahat ng mga pinaghirapan n'yo. Babawiin at babawiin ko ang lahat ng mga properties natin na kinamkam ng mga kamag-anak natin." Napakuyom si Dianne bago hinagkan ang larawan ng kaniyang mga magulang. Kapagkuwan ay naisipan na ng dalaga na bumalik na sa party at baka hinahanap na siya ng mga Montemayor. Pumatong siya uli sa bangko para ibalik sa dating lagayan ang malaking picture frame. Katatapos lang niya iyong isabit nang biglang mamatay ang ilaw at nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Sa sobrang pagkagulat ay nawalan siya ng balanse at nahulog sa bangko. Napasigaw siya at napapikit habang hinihintay na mahulog ang sarili sa sahig. Subalit mas nagulat si Dianne nang imbes na sa semento ay naramdaman niyang sa matitipunong bisig siya bumagsak. Sumigaw, pumiglas at nagwala ang dalaga nang masiguro niyang hindi nga siya nag-iisa sa loob ng lumang bahay nila nang mga oras na iyon. At base sa amoy nito ay nasisiguro ni Dianne na hindi ito si Nathaniel o sino pa man sa kapamilya nila. "Let me go!" patuloy na pagwawala ng dalaga at pinagsusuntok sa dibdib ang hindi nakikitang lalaki. Inatake ng kakaibang kaba ang dibdib niya nang yakapin siya nito nang mahigpit. May pamilyaridad siyang naramdaman nang masubsob ang mukha niya sa nasisiguro niyang dibdib nito at pamilyar na pabango rin ang nasinghot niya. Pero bakit hindi niya maalala kung sino ang nagmamay-ari niyon? "Who are you?" Sinubukan ni Dianne na magpumiglas uli. Subalit walang nagawa ang kaniyang lakas sa matibay nitong dibdib at mga brasong nakayakap sa kaniya. "Bitiwan mo ako! Walanghiya ka! Ipapapulis kita!" aniya sa salitang Italian sa pag-aakalang hindi ito kagaya niya na Filipino. Pinagsusuntok niya uli ito. Ngunit animo'y pader sa tibay ang dibdib nito na hindi man lang natinag kahit ibinuhos na niya ang halos lahat ng kaniyang lakas. Kulang na lang ay mapaiyak na si Dianne dahil sa sobrang frustration. Mukhang nakatadhana talaga na malagay sa panganib ang buhay niya ngayong gabi. "L-Lord, please... help me--" "Stop fighting, sweetheart," anang pamilyar na boses na bumulong sa likod ng kaniyang tainga at nagpatigil sa pagwawala ng dalaga. "You can't defeat me." Awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ni Dianne nang maalala na niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, ng amoy na iyon... At kung sino ang tumatawag sa kaniya sa endearment na iyon. Hindi siya maaaring magkamali! Ilang taon man ang lumipas at may mga maliliit na detalye man siyang nakalimutan, sigurado ang dalaga na ang lalaking kasama niya ngayon ay walang iba kundi ang parehong lalaki na pinag-alayan niya noon ng kaniyang sarili, five years ago! "Ikaw?!" hindi makapaniwala at nawiwindang na bulalas ni Dianne pagkatapos niyang makabawi sa pagkabigla. "Sì amore," sagot nito sa Italian language. "I'm flattered that you still remember me," dagdag pa nito at naramdaman niyang ngumisi ito. Her heart throbbed. Parang hindi pa rin niya kayang paniwalaan na nagkita uli sila nito kahit hindi na naman nila nakikita ang mukha ng isa't isa. "How did you find me? At paano mo ako nakilala." "I have my ways, amore. I have my ways." He chuckled. "At kahit saan ka man magtago o pumunta, from now on, susundan at susundan kita. You're mine and no one can take you away from me. By any means, you will be mine." Pagkasabi niyon ay bigla na lang nitong inangkin ang kaniyang mga labi habang kalong pa rin siya sa bridal position. Nang dahil sa labis na pagkabigla kaya hindi agad nakakilos si Dianne para tumutol. Lumalim pa tuloy ang paghalik sa kaniya ng estranghero hanggang sa mangahas itong ipasok sa loob ng kaniyang bibig ang dila nitong kay init at kay likot. She tried to push him away. Ngunit sa bawat panlalaban niya ay lalo lang siyang niyakap ng lalaki at sinasakop nang buo ang kaniyang bibig. Tumigil lang ito nang may marinig silang sunod-sunod na busina mula sa labas ng gate ng kanilang lumang mansiyon. Napapitlag si Dianne nang makilala ang sasakyan ni Nathaniel. Noon lang siya parang natauhan at naging mas malakas pa para kumawala sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ng lalaki. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito nakipagmatigasan pa. Ito na mismo ang naglapag sa kaniya sa sahig. Subalit hindi agad siya nito pinakawalan at hinapit siya sa baywang na mas nagpabilis sa t***k ng puso ni Dianne. "Bye for now, amore," he whispered and bit her earlobe. "But I swear, we will meet again," puno ng determinasyon na sabi nito. Pagkatapos niyon ay muli nitong pinagkalooban ng halik ang kaniyang mga labi bago unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ng mga braso sa baywang niya. "Dianne, honey!" boses iyon ni Nathaniel mula sa labas at mukhang papasok na ito. Nanginginig sa kaba ang mga kamay na itinulak ni Dianne ang estranghero bago pa man sila mahuli ng kaniyang nobyo. "Don't let him touch you and I swear, I will kill that bastard," puno ng paninibugho na pahabol pa ng estranghero bago ito tuluyang nawala sa tabi niya. Hindi niya alam kung saan dumaan ang lalaki. Dahil nang bumukas ang ilaw ay si Nathaniel ang bumungad sa pintuan. Tila nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Dianne nang tumingin sa kaniya ang kasintahan na may pagtataka. Pasimple niyang inilibot ang paningin sa loob ng bahay. Subalit hindi na niya nakita ang estranghero o kahit ano mang bakas nito. Nararamdaman ni Dianne na tuluyan nang nawala sa paligid ang presensiya ng lalaki. Pero ang kaba niya ay hindi pa rin maawat-awat ng dalaga. Nakita ba sila ni Nathaniel? "What happened, Hon? Bakit ang dilim dito kanina?" nag-aalalang tanong ng kasintahan nang lapitan siya. Dianne heaved a deep sigh. Pinatatag din niya ang kaniyang boses nang humarap siya rito, kahit ang totoo ay tinatambol na ang puso niya. "B-biglang namatay ang ilaw dito sa sala, eh. Baka malapit nang mapundi." "Siguro nga." Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang napaniwala naman niya agad ito. "Are you okay? Parang namumutla ka." Tinapik-tapik ni Dianne ang kaniyang dibdib para pakalmahin iyon nang makaisip na siya ng palusot. "I was scared. Nagulat kasi ako sa biglang pagdilim." Hindi na niya itinago kay Nathaniel ang panginginig ng kaniyang katawan. Nang makita iyon ng binata ay kaagad siya nitong niyakap. "I'm sorry. Hindi kita dapat na iniwan." Gusto niyang gumanti ng pagyakap sa nobyo subalit hindi niya magawa. Kinakain siya ng konsensiya sa tuwing naaalala niya ang ginawang paghalik sa kaniya ng estranghero kanina. Kahit hindi siya tumugon ay nahalikan pa rin siya nito. At pakiramdam niya ay niloko niya si Nathaniel. Lalo pa at ang gumawa niyon ay ang lalaking nakauna sa kaniya at hindi na nawala sa isip niya. Nang humigpit ang pagkakayakap ni Nathaniel sa kaniya at hinalikan siya sa noo ay biglang pumasok sa isip niya ang banta ng estrangherong lalaki kanina bago ito umalis. Don't let him touch you and I swear, I will kill that bastard. Sa takot na baka totohanin nito ang banta na iyon at masaktan si Nathaniel ay kaagad siyang kumalas dito. Mukhang hindi pa naman ito nagbibiro. Pagkatapos ay dali-dali niyang niyakag si Nathaniel palabas sa lumang bahay ng kanilang pamilya. At nang makalabas sila ay doon lang naramdaman ni Dianne na animo'y may mga mata ang nagmamasid sa kanila, partikular na sa kaniya. At nakakasiguro siya na ang nagmamay-ari ng mga matang iyon ay walang iba kundi ang estranghero. And she was right then. Seryoso ito sa banta na sasaktan si Nathaniel kapag hinayaan niya ito na hawakan siya. Dahil pagtingin nila sa sasakyan ng nobyo ay basag na ang bintana niyon. Ibig sabihin ay hindi ito umalis at nakita nito lahat ng nangyari sa loob ng bahay. Pero bakit? naguguluhan na tanong ni Dianne sa kaniyang sarili. Bakit ngayon pa nito naisipan na guluhin ang buhay niya pagkatapos ng limang taon? Bakit hindi pa noon? Ngunit ang malaking palaisipan kay Dianne ay kung paano siya nakilala ng lalaki gayong pareho silang nakamaskara ng gabing iyon. At paano siya nito nasundan sa dating bahay nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD