"Hindi mo dapat na ginawa iyon," sita ni Dianne kay Massimo habang pabalik na sila sa hotel. Ilang hakbang na lang ay mararating na nila ang kuwarto niya. Nilingon niya ito. "Hindi makatarungan." "Ang alin? Na sinira ko ang tindahan ng babaeng iyon at ng mga kasama niya?" kunot-noong tanong nito sa kaniya habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. Bitbit nito ang mga plastic ng mga pinamili niya. Pumayag na siya na ito muna ang magbayad. "Una, pinahiya at minaliit ka niya. Tapos, inistorbo pa niya tayo. So she f*cking deserve it. Lahat sila ng mga kasama niya." Mabilis na umiwas ng tingin ang dalaga at napalunok siya nang maalala ang paghalik nito sa kaniya kanina. "Wala ka talagang puso, Massimo." "Wala akong puso? Pagkatapos kitang tulungan na bayaran ang mga ito at ipagtanggol sa mga