"Yes, Dianne. Ako nga ang lalaking nakasama mo noon sa hotel sa isang masquerade party sa Italy, five years ago," paglilinaw ni Massimo. He smiled attractively. "Hi, nice meeting you again." Dianne managed herself to stay calm down despite what she found out. Hindi niya ipinahalata kay Massimo na na-bother siya sa nalamang may nakaraan sila. Hindi niya pinansin ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Kung totoo man na ikaw ang lalaking naka-one night stand ko noon, hindi na iyon mahalaga. Wala lang naman 'yon, eh, 'di ba? Pareho tayong nakainom noon at eksakto naman na gusto kong magrebelde sa mga magulang ko kaya pumatol ako sa'yo." "Kung sa'yo wala lang 'yon, hindi sa'kin, Dianne. Sinabi ko na sa'yo na limang taon akong nabaliw sa'yo. Kung saan-saan kita hinanap. Ang tagal kong hin