"Bitiwan mo ang kamay ko," mariing wika ni Dianne kay Massimo pagkatapos niyang makabawi sa presensiya nito. She even glared at his hand na hanggang sa mga oras na iyon ay nakahawak pa rin sa kamay niya. Hindi kasi niya maipaliwanag ang tila kuryente na dumaloy sa sistema niya dahil sa pagkakadaiti ng balat nilang dalawa. "Massimo, let go of me," ulit niya at pigil ang sarili na magalit sa harap ng publiko. Napuno ng amusement ang mga mata ng binata. "I'm not holding your hand. Pinipigilan lang kita na ibigay ang cellphone mo. You don't need to that anymore." Kumunot ang noo ni Dianne. Alam ba ng lalaking ito ang gusot na kinasasangkutan niya? No! Hindi maaari! Siguradong lalo lang siyang aasarin nito. Or worst, baka iparating pa nito sa mga Montemayor ang naging problema niya rito