Chapter 6
Six months later...
Tunog ng alarm sa cellphone ni Dianne ang gumising sa kaniya. Alas tres pa lang ng madaling araw. Mahapdi pa ang mga mata niya at tinatamad pa siyang bumangon. Pero kailangan niyang pilitin dahil sasama siya sa buong pamilya Montemayor sa pagpunta sa airport.
Ngayong araw kasi nakatakdang dumating sa Pilipinas si Daniel. Kahapon ng alas singko ng umaga raw ito umalis sa Italy. Twelve hours yata ang biyahe. Kaya mamayang alas singko ang lapag ng eroplanong sinasakyan nito. Kailangan lang nilang mauna sa airport dahil base sa pagkakilala nila sa lalaki, ayaw nito ng pinaghihintay. Hindi rin naman kasi ito pumayag nang alukin ng mga Montemayor na sunduin at mag-private plane na lang.
Six months ago, sa wakas ay natapos din ang ilang dekada na paghahanap ng buong pamilya kay Daniel. Nangyari iyon pagkatapos nilang um-attend noon ng car racing nina Marielle at Kuya Ethan Luis sa Italy. Napulot daw ni Ninang Zoe ang wallet nito sa racing circuit at gumana ang mother's instinct nito nang makita ang litrato ni Daniel.
Sa araw ding iyon ay ginamit ng pamilya Montemayor ang wallet na iyon para mahanap ang anak na matagal ng nawawala. Ginamit ng mga ito ang pera at impluwensiya. At doon nga nila nalaman na si Daniel ay kasalukuyan nang may pangalan na Massimo Bianchi, ang adopted child ng mag-asawang maituturing na isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo.
Ngunit ang hindi nila inaasahan ay malalaman nila na ang ina-inahan ni Massimo Bianchi ay kapatid ng mga De Dios na pinaghihinalaan noon ng pamilya na siyang kumuha kay Daniel. Matagal na raw itong itinago sa Italy para hindi nila matagpuan. They also used their money and power to keep him. Pinalitan ng pangalan at identity. At nang tumuntong sa tamang edad, at nasangkot sa isang serious accident, pinalitan din ng mukha para tuluyan na nilang hindi makilala.
Ayon sa doktor, nagkaroon daw ng permanent amnesia si Daniel kaya wala itong maalala bukod sa mangilan-ngilang panaginip tungkol sa nakaraan. Na-damaged daw ang memory storage areas ng brain nito at iyon ang naging epekto.
Dahil maimpluwensiya ang mga Bianchi, hindi naging madali para sa mga Montemayor na bawiin si Daniel. Umabot pa sa puntong nakatanggap na sila ng death threat at ilang beses na nanganib ang kanilang mga buhay. But that did not stop them from taking back Daniel.
Isa sa matalik na kaibigan at kasosyo sa negosyo ng mga Bianchi ang nagkataong konektado sa kapatid ng kaibigan ng mga Montemayor ang tumulong para maibunyag ang totoong pagkatao ni Daniel.
Sa tulong naman ng INTERPOL, nasugpo ang sindikatong kinabibilangan ng mga De Dios. Sumuko na rin ang mag-asawang Bianchi at inamin na ang totoo. Sa kasamaang palad, ilang linggo lang matapos makulong ay namatay sa kulungan ang babaeng Bianchi. Heart attack daw.
After that, kusang nagdesisyon si Daniel na sumama na sa pamilya Montemayor para daw mas makilala pa nito ang sarili.
Napakisap si Dianne nang muling tumunog ang cellphone niya. Dali-dali siyang bumangon at bumaba ng kama. Tumungo na siya agad sa banyo para maligo.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ang dalaga at tinungo ang walk-in closet. Mula sa kaniyang wardrobe ay kumuha siya ng isang denim jeans at spaghetti strap na crop top. She loves wearing sexy outfit. Kahit nga nag-i-snow na noon sa Canada at Italy ay ganoon pa rin ang suot ni Dianne. She didn't even bother to bring a jacket or cardigan. She didn't care kung malamig man sa labas ang simoy ng hangin dahil buwan ng December.
Eksaktong tapos na siyang maglagay ng manipis na kolorete sa mukha nang sunod-sunod na katok mula sa labas ng kuwarto niya ang kaniyang narinig. Alam niyang si Nathaniel iyon. Pagkatapos magwisik ng paboritong pabango ay dinampot na ni Dianne ang kaniyang itim na sling bag at lumabas na. Pagbukas pa lang ng pinto ay nakangiting mukha na ng nobyo ang sumalubong sa kaniya.
"Good morning," bati nito sa kaniya at sabay halik sa pisngi niya.
Hindi naman nagulat si Dianne. For six months, nasanay na siya sa bagong pamamaraan ng halik ni Nathaniel sa kaniya. Hindi na nga niya matandaan kung kailan sila nagsalo sa mainit na halik. At hindi naman iyon big deal sa dalaga. Naiintindihan niya na masiyadong stressful sa buong pamilya Montemayor ang nakalipas na anim na buwan dahil sa laban ng mga ito para lang mabawi si Daniel. At naiintindihan din niya kung bakit hindi natuloy ang kasal nila at na-move sa March, three months from now.
After all, hindi naman nagbago ang kabaitan na ipinapakita sa kaniya ng kasintahan.
"Are you ready?" tanong sa kaniya ni Nathaniel na nagpabalik sa kamalayan niya.
"Yeah, sure." Nakangiting tumango si Dianne. "Ikaw, handa ka na bang makasama rito sa bahay ang twin brother mo?"
"Of course! This is the day we've all been waiting for, right? Kaya walang tao sa bahay na ito ang hindi excited sa pagdating niya." He looked at her. "Lalo ka na siguro. Because finally, hindi na lang picture ni Daniel ang mapupuri mo araw-araw."
Her cheeks flushed nang mahimigan niya ng panunudyo ang fiance. Alam niyang biro lang naman iyon at normal na rito ang tuksuhin siya sa kakambal nito. Pero iba lang ang pakiramdam ni Dianne nang mga oras na iyon. Feeling niya ay ipinagtutulakan na siya nito sa kapatid.
O siya lang ang nagbibigay ng malisya?
Ngayong nalaman na niya na ang batang nasa litrato at araw-araw niyang hinahangaan at hinahangad na makita noon ay walang iba kundi ang lalaking nakita niya noon sa racing circuit sa Italy na kausap ni Ninang Zoe.
"Sus, selos ka naman." Idinaan na lang niya sa panunudyo sa nobyo ang pamumula ng kaniyang mukha. "Don't worry. Dahil hindi hamak na mas guwapo ka pa rin kaysa sa kakambal mo, okay?"
"Akala ko ba para kaming pinagbiyak na bunga? So what changed?" tukso rin ni Nathaniel sa kaniya.
"Dati iyon. Bago siya nagpa-surgery," mabilis na depensa ni Dianne na ikinatawa lang ng nobyo. "Halika na nga. Baka tayo na lang ang hinihintay nila sa ibaba." Umangkla siya sa braso ni Nathaniel at iginiya na ito pababa ng hagdan. Nasa second floor lang naman parehas ang kuwarto nila kaya madalas ay hindi na sila gumagamit ng elevator.
Nang makarating sila sa ibaba ay kompleto na nga ang buong pamilya Montemayor. Bawat isa ay mababakas ang excitement sa mukha. Lalo na ang kaniyang Ninong at Ninang.
Samantalang si Dianne ay aminado na may halong kaba ang excitement na nararamdaman niya.
Kinakabahan siyang makitang muli ang lalaking nagdudulot ng kakaibang pintig ng puso niya sa tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata.