Mahigat isang oras nang naghihintay sa waiting area ang pamilya Montemayor pero wala pa rin si Daniel. Gayon pa man ay hindi makitaan ng pagkainip ang mukha ng isa man sa mga ito. Maliban kay Dianne na simula nang dumating sila sa airport ay hindi na mapalagay. Maya't maya ang punta niya sa ladies' room dahil feeling niya ay naiihi siya kahit hindi naman. Panay din ang retouch niya kahit okay pa naman ang make up niya.
Nagtataka siya kung bakit kailangan niyang kabahan sa pagdating ni Daniel. Samantalang nagkaharap at nagkakilala na sila noong kasagsagan ng kaso. Hindi nga lang pormal dahil ayaw pa nitong kilalanin na pamilya noon ang mga Montemayor.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Nathaniel nang mapansin na parang balisa na naman siya. "Kanina ka pa pabalik-balik sa ladies' room, ah."
"I'm okay. Medyo nilalamig lang ako kaya panay ang ihi ko," mahinang wika niya sa nobyo at biglang natawa. "Heto nga at naiihi na naman ako. Pupunta lang ako saglit, ha?"
"Gusto mo bang samahan na kita?"
Umiling ang dalaga. "Thanks, Hon. Pero kaya ko na. Dito ka na lang at baka dumating na ai Daniel."
"Okay." Tumango lang si Nathaniel. "Balik ka agad. Para hindi mo ma-miss ang drama moment ng family Montemayor,"' biro nito na ikinatawa lang ng pamilya nito. "Isuot mo na itong jacket ko." Akmang huhubarin na nito ang denim jacket na suot nang pigilan ni Dianne.
"Alam mong allergic ako diyan." Nginisihan lang niya si Nathaniel bago tumungo na sa ladies' room.
Habang naglalakad ay tila ihing-ihi na ang pakiramdam ni Dianne. Pero nang dumating siya sa loob ay bigla namang nawala. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin kaya nag-retouch na lang uli siya. Pinakalma lang niya sandali ang kaniyang sarili bago siya lumabas.
Pabalik na sa waiting area si Dianne nang biglang may lalaking dumaan sa gilid niya at binunggo siya nang malakas. Nahulog ang kaniyang sling bag. At dahil nakalimutan niya iyong isara kaya nagtalsikan ang mga laman niyon. Basag ang kaniyang face powder at screen ng kaniyang cellphone.
Pero imbes na tulungan siya ng sino mang bumunggo sa kaniya ay walang pakialam na dumiretso lang ito ng lakad. Ni hindi man lang siya nilingon. At ang nakakabuwisit pa, malaking bulas at matangkad ito pero hindi man lang nag-abala na tulungan siya o kahit mag-sorry man lang..
Nakasuot ito ng kulay brown na leather jacket at brown Beret cap, habang may tulak-tulak na travelling bag na kulay gray. Tuwid ma tuwid itong naglalakad palayo sa kaniya na animo'y isang hari, na para bang walang nabunggo na babae.
"Walang modo!" malakas na sigaw niya rito habang nanggigigil sa galit. Sapo pa niya ang masakit na parte ng kaniyang braso na natamaan nito. "Bastos!" dagdag sigaw pa ni Dianne. Ngunit parang walang narinig na dinedma lang siya ng lalaki.
Inis na inis na pinulot ni Dianne lahat ng mga gamit niya na tumilapon sa sahig. Nagmadali siya. Gusto kasi niyang habulin ang lalaki para sampalin, sabunutan o suntukin.
Pagkatapos maibalik ang mga iyon sa kaniyang sling bag ay inilibot ni Dianne ang mga mata niya sa paligid ng airport. Biglang nawala kasi ang damuhong lalaki. Hanggang sa makita niya ito sa isang sulok na may kausap sa cellphone. Naka-sideview ito sa kaniya kaya hindi niya makita ang mukha. Tanging matangos na ilong at makinis na kaliwang pisngi lang ang nakikita niya.
Balak talaga niya itong sugurin. Hinihintay lang niya na matapos ito sa pakikipag-usap sa cellphone.
Hindi alam ni Dianne kung ilang minuto siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa lalaki. Naniningkit sa galit ang kaniyang mga mata habang hinihintay itong matapos. She shook her head and sighed.
Somehow, there was a part of her that wanted for the man to look at her way. Gusto niya kasi na mamukhaan ito. She did not know why. Maybe para makita niya na kung gaano ito kabastos at kawalang modo ay ganoon din kapangit ang pagmumukha nito.
Sobrang tagal ng pakikipag-usap ng lalaki sa cellphone. Nainip na si Dianne. Nayayamot na umalis na lang siya para bumalik na sa waiting area.
"Magkikita rin tayo uli at kukutusan kita!" gigil pa rin na wika niya sa sarili habang naglalakad pabalik kina Nathaniel.
Naiinis man ay hindi napigilan ni Dianne na lingunin ang lalaki. Pero biglang nawala na lang ito sa kinaroroonan nito. At hindi niya maintindihan kung bakit parang nakadama siya ng pagkadismaya dahil hindi man lang niya nakita ang mukha nito.
"Hon! Where have you been?" tila excited na salubong sa kaniya ni Nathaniel. Napansin ng dalaga na parang nagkakatuwaan na ang buong pamilya at may mga luhaan na, tulad na lang ni Ninang Zoe at Ninong Ethan.
"Nagpaalam ako na pupunta sa ladies' room, 'di ba?" sagot niya.
"Yeah, right. Sorry, I forgot," anito na natawa. "Anyway, Daniel is here. He cannot wait to see you again."
Dianne stilled for a moment. Her heart skipped a beat. Ramdam na naman niya ang ka-abnormalan na iyon ng puso niya. At nang may magsalita sa likuran niya ay lalo siyang nanigas sa kinatatayuan niya.
"She's Dianne, right?"
Pilit na itinago ng dalaga ang pagkabalisa nang muling marinig ang tinig na iyon. It really sounds familiar to her. Nang una pa man silang nagkita noon ni Daniel, batid na ni Dianne na minsan na niyang narinig ang boses na iyon. Hindi lang niya matandaan kung sino ang nagmamay-ari.
"Yes, Hijo. She's Dianne, your twin brother's fiancee and soon to be your sister-in-law," boses iyon ni Ninong Ethan na nagsalita rin sa kaniyang likuran kaya wala na siyang choice kundi ang lumingon.
Ngunit bago iyon ay ikinuyom muna ng dalaga ang kaniyang mga kamay para ibalik sa tamang huwisyo ang kaniyang sarili. Pagkatapos ay saka siya dahan-dahan na lumingon habang patuloy pa rin ang malakas na pagtibok ng puso niya.
Ngunit gayon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Dianne nang sa pagharap niya ay mukha ng lalaking nakasuot ng brown na leather jacket at brown din na Beret cap. Nasa tabi nito ang kulay gray na travelling bag.
Kapagkuwan ay naningkit ang mga mata ng dalaga. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay siya ring lalaki na walang modo na bumunggo sa kaniya kanina. Pakiramdam ni Dianne ay biglang nandilim ang paningin niya. Lalo pa at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang braso niya na natamaan nito.
At ang lalo pang nakakainit ng ulo ay nakangisi ito sa kaniya nang nakaloloko. Parang tinatawanan pa siya!
"Sabi na nga ba at magkikita uli tayo, eh!" sigaw niya at saka walang ano-ano na sinapak sa mukha ang bastos na lalaki.