"PUWEDE ko bang mahiram, Hon?" pukaw sa kaniya ni Nathaniel nang hindi na siya sumagot. "S-sure. Wait lang... Kukunin ko muna sa loob." Bahagya lang niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para hindi na maisipan ni Nathaniel na sumunod sa kaniya. Pero nagkamali ng akala si Dianne dahil hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay naramdaman na niya ang mga yabag na nakasunod sa kaniya. She felt nervous. Nag-ikot ang mga mata niya sa loob ng kuwarto pero hindi niya mahanap si Massimo. Saan kaya nagtago ang taong iyon? Baka bigla na lang iyong bumulaga, ah. "Pasensiya ka na, Hon. Medyo magulo pa ang room ko. Hindi pa ako nakapagligpit, eh," wika niya para bawasan ang pagkabalisa. Lalo pa at hindi niya mahanap ang charger. Samantalang natatandaan pa niya na ipinatong lang niya iyon sa