"Paalis nga pala ako ngayong Saturday, Hon. May business conference kami sa Vigan," paalam ni Nathaniel habang paakyat sila ng hagdan. Halos sabay silang nagising kanina kaya sabay na rin silang nag-umagahan. Dianne felt worried. Paalis din daw kasi ngayong Sabado ang Ninong Ethan at Ninang Zoe niya. Tapos may make up class naman daw ang kambal. Kapag ganoon na hindi kumpleto ang tao sa bahay, bihirang pumunta sina Mariel at Kuya Ethan Luis. Ibig sabihin ay silang dalawa na naman ni Massimo ang maiwan sa bahay. "Gano'n ba, Hon. Bakit Hindi mo isama ang twin brother mo?" suhestiyon ng dalaga. Iyon agad ang naisip niya na paraan para mawala sa landas niya ang kapatid nito nang araw na iyon. "Para naman makapasyal siya sa Vigan. It's a nice place, isn't it?" "I asked him already. Iyon din