Hiyang-hiya si Dianne sa pamilya Montemayor nang mapagtanto na ang lalaking sinapak niya ay walang iba kundi si Daniel. Kaagad naman niyang ikinuwento sa mga ito ang nangyari.
Gosh, bakit ba hindi agad niya ito namukhaan noong naka-side view ito sa kaniya? At bakit pa ba siya magtataka sa ugali nito? Eh, noong una pa man nilang nakasama ito ay nakita na nila ang pagiging arogante at mayabang ni Daniel.
Malayong-malayo sa pag-uugali ni Nathaniel.
"I'm sorry, Hon," hingi niya ng paumanhin kay Nathaniel. "I'm sorry po, Ninong, Ninang... I really am." Tiningnan din niya ang iba pang naroon na kapamilya. Kapagkuwan ay humarap siya kay Daniel na nanatiling nakatayo sa harapan nila. Parang hindi man lang ito nasaktan sa ginawang pagsapak niya at hindi man lang napasapo sa mukha. "But I'm not sorry for what I did to you," walang kangiti-ngiti na wika ng dalaga at matapang na sinalubong ang seryosong mga mata nito. "Dahil kung tutuusin, ikaw ang may dapat na ihingi ng sorry sa'kin." Humalukipkip pa siya sa harapan nito.
Hindi sumagot si Daniel. Pero hindi naman nito inalis ang tingin sa kaniya. Gusto niyang mag-iwas ng tingin ngunit hindi niya magawa. Ikinulong ng tingin nito ang atensiyon niya at hindi siya makawala. He did not even blinked kahit kaharap nito ang kakambal na fiance niya.
And there was that feeling again. Na para bang may koneksiyon sila ni Daniel sa isa't isa. Pati na rin iyong pamilyaridad sa tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata. Maging ang mga labi nito ay tila nakaukit na rin sa isip ni Dianne.
Ipinilig ng dalaga ang kaniyang ulo. Why did she have to feel that way?
Eh, ibang-iba naman na ang hitsura nito kay Nathaniel at sa batang araw-araw niyang nakikita sa litrato. At kahit magkakambal ang dalawa ay may pagkakaiba pa rin naman.
Stop it, Dianne. You're acting weird, you know? saway niya sa kaniyang sarili.
Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon. Ayaw niya ng pakiramdam na iyon. Hindi niya gusto ang bagong Daniel. Kahit kaunti.
"Why should I say sorry to a woman who does not even my sister?" puno ng pang-uuyam na wika ni Daniel pagkalipas ng ilang segundo.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Dianne sa narinig. Napakasama talaga ng ugali ng taong ito! "Mas lalong hindi ako magso-sorry sa isang lalaki--"
"Okay, okay. Enough," mayamaya ay awat ni Ninong Ethan sa kanila. "Bakit hindi na lang kayo mag-sorry nang sabay? Since pareho n'yo namang nasaktan ang isa't isa."
"Your Dad is right," sabat din ni Ninang Zoe. Humarap ito sa anak. "At dahil ikaw ang unang nakasakit at Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang dapat na mauna."
Daig pa nila ang mga bata na pinagbabati. But the hell she care. Wala sa vocabulary niya ang maunang mag-sorry kapag alam niyang siya ang naagrabyado.
"Daniel," tawag dito ng ama nang hindi ito kumibo.
"It's Massimo," malamig na turan nito kay Ninong Ethan. "I don't want to be called that kind of name. That sounds childish."
Napailing si Dianne nang marinig niya ang marahas na pagsinghap ng Ninang niya. Dahil parang walang respeto si Daniel kung umakto ito sa harap ng mga magulang. Pero batid niya na nagtitiis at nagtitimpi lang ang pamilya Montemayor sa kasamaan ng ugali nito, lalo na ang mag-asawa, dahil gusto pang makuha ng mga ito ang loob ni Daniel.
"Okay, Massimo," pag-uulit ni Ninong Ethan. "You should say sorry first to Dianne."
"Ako?" Ngumisi lang ang loko habang itinuturo ang sarili. "Never." Tiningnan siya nito nang nakaloloko bago hinawakan ang handle ng bag at hinila palayo. Walang paalam na tinalikuran lang sila nito. Bastos talaga! "Where's the car? I want to rest na," anito na animo'y isang boss.
Nagkatinginan na lang ang buong pamilya Montemayor pagkatapos sundan ng tingin ang papalayong si Daniel.
"I'm sorry po," hingi uli niya ng paumanhin sa mga ito. "Hindi ko po sinasadyang maging cause ng gulo..."
"It's okay, Hija. Wala kang kasalanan," nakakaunawang wika ng kaniyang Ninong at Ninang.
Hindi nagtagal ay sumunod na rin sila kay Daniel palabas ng waiting area.
"One more thing, guys." Nilingon sila ni Ninong Ethan bago pa man sila tuluyang makalabas. "Para walang gulo, 'Massimo' na lang muna ang itatawag natin sa kaniya dahil nag-a-adjust pa lang siya. Saka na ang 'Daniel' kapag nasanay na siya sa'tin. Okay?"
"Yes, Dad," sabay-sabay na wika ng magkakapatid.
"At hahabaan na lang muna natin ang pasensiya sa kaniya. Ibang family ang nakalakhan niya kaya natural na naiiba siya sa'tin," dagdag naman ni Ninang Zoe. "Sa ngayon."
Dahil iisang van lang naman ang ginamit nila papunta sa airport kaya pag-uwi ay sama-sama uli sila sa sasakyan na iyon. Si Kuya Ethan Luis ang nagda-drive at katabi nito si Mariel. Nasa likod naman ng mga ito ang kambal na sina Michael at Michelle, at ang mga magulang ng mga nito. Samantalang napagitnaan naman nina Nathaniel at Massimo si Dianne sa kasunod na upuan. Ayaw sana niyang pumayag na makatabi rin ang una. Pero nahihiya naman siya at baka sabihin ng mga ito na nag-iinarte na siya.
Habang nasa biyahe sila ay tahimik na ang lahat. Parang sabay-sabay nang inantok at nakatulog maliban kay Kuya Ethan Luis. Siguro dahil sobrang aga nilang gumising.
Pero si Dianne, kahit anong pilit niyang matulog ay hindi niya magawa. Hanggang sa pagpikit lang siya ng mga mata. Habang si Nathaniel naman ay mahimbing na ang tulog sa tabi niya. Ang akala ng dalaga ay tulog na rin si Massimo na never niyang tinapunan ng tingin simula kanina. Sumiksik din siya sa tabi ni Nathaniel para magkaroon ng malaking space sa pagitan nila.
Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita ni Dianne na nakasandal sa backrest ang ulo ni Massimo, naka-crossed arms at may suot na sunglasses.
And she did not know why pero hindi na rin niya naawat ang kaniyang sarili na lingunin ito. Eksakto naman na pumaling ang mukha nito sa kaniya. Pero dahil nga nakasuot ng sunglasses kaya hindi niya alam kung gising ba ito o hindi.
Ngunit nagkaroon siya ng pagkakataon na matitigan ito nang mas matagal at mas malapitan. And she won't deny that Massimo is really handsome even after his surgery.
Mas maputi ang balat nito kumpara sa brown complexion ni Nathaniel. Pero parehong itim ang mga buhok, makakapal na kilay at itim na itim na mga matang may makakapal na pilik-mata. Mas pointed nga lang ang ilong nito kaysa sa nobyo niya. At may mga labi ito na "kissable" kung tawagin ng ibang babae.
Everything in this man screamed gorgeously.
Sa tangkad at kaguwapuhan, para itong isang modelo na kayang bumaliw ng babae sa simpleng ngiti lang.
Mayamaya ay nagulat ang dalaga nang magtanggal ng salamin si Massimo sa harap niya. Dilat na dilat ang mga mata nito at walang bakas na bagong gising lang. Ibig sabihin, gising talaga ito simula pa kanina. At the whole time na pinag-aaralan niya ang mukha nito ay nakamasid lang ito sa kaniya.
Her heart was not beating in it's normal pace. Sa paraan ng pagtibok nito nang mabilis, daig pa niya ang katatapos lang niyang makipagkarera.
"I'm definitely overqualified by your standard," puno ng kumpiyansa na wika nito sa kaniya, sabay ngisi.
Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi ka talaga mayabang, 'no?"
"I'm just stating a fact," pakli nito sabay lapit ng mukha sa kaniya. Pero nang umiwas siya ay natawa lang ito. "And admit it or not, hindi hamak na mas guwapo ako kaysa sa kapatid ko." He grinned sabay sulyap sa natutulog na si Nathaniel.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Youre an asshole, you know that?"
Lumawak ang pagkakangisi ni Massimo. "Oh, yes, baby. You can call me whatever you want. I don't f*cking care."
Lalong tumalim ang mga mata ni Dianne. How dare he call her "baby"? At saka isa pa, bakit ba siya nakikipag-usap dito? Eh, hindi pa nga ito nagso-sorry sa kaniya?
Ngumisi uli ito sa kaniya. At hindi iyon nagustuhan ni Dianne dahil parang may nalalaman itong sikreto niya. "Anyway, have I said 'nice meeting you again' to you?"
"'Wag mo nga akong kausapin." Tinarayan niya ito. Pabulong lang ang pag-uusap nila kaya imposibleng marinig iyon ni Kuya Ethan Luis muls sa driver's seat. "At 'wag kang tumingin sa'kin."
"Come one, baby. Ikaw itong unang tumingin sa'kin, remember?" naaaliw na wika nito.
"No, of course not!" mabilis at namumulang pagde-deny ng dalaga. "Napalingon lang, tumingin agad? Ang assuming, ha?"
"So mali pala ang nakita ng mga mata ko? That you had checked me out for almost a minute?"
Lalong namula ang buong mukha ni Dianne. Pero never siyang aamin sa harap ng lalaking ito. "I didn't do that," kunwari ay nahihindik niyang sagot at tinalikuran ito nang pairap.
Mas sumiksik pa siya sa katawan ni Nathaniel at yumakap dito. Narinig naman niya ang pagngisi ni Massimo.
"Ako, baby, hindi mo yayakapin?" pang-aasar pa nito sa kaniya at sabay lapit sa kaniya. Idinikit ang braso sa braso niya at inihilig ang ulo sa balikat niya.
And there, she felt frozen. Bakit ba hindi niya ito magawang itulak palayo?
Maybe because he smells great. sagot naman ng kaniyang isip.