Galit na galit na nilapitan ni Dianne ang sasakyan ni Massimo. Pinulot niya ang bag na ibinato rito. Hindi pa siya nakuntento. Pinaghahampas niya iyon sa bintana ng kotse at hindi siya tumigil hangga't hindi siya nito pinagbubuksan. Muntik pang tumama sa mukha nito ang leather bag niya kung hindi ito maagap na nakaiwas. "Hey, what are you doing?" pagmamang-maangan ng kumag. Painosenteng tumingin pa ito sa kaniya. "Hindi mo ba nakikita na bagong-bago itong kotse ko at mamahalin pa? Tapos hahampasin at babatuhin mo lang niyang bag mo?" Galit pa rin na tiningnan niya si Massimo. "Kapag hindi ka pa bumaba diyan at magpaliwanag sa ginawa mo, sa susunod na paghampas ko nitong bag, I will make sure na sa mukha mo na tatama!" pagbabanta niya rito. Kumukulo talaga ang dugo niya sa lalaking ito.