MARAMING ginawa sa flower shop si Dianne kaya hindi niya namalayan ang oras. Natigil na lang siya sa paglilista ng mga orders galing online nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina. Ang buong akala niya ay isa lang iyon sa mga empleyado niya kaya agad niyang pinapasok. "Just come in!" sigaw niya habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa laptop. Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Dianne na bumukas ang pinto. Pero dahil sobrang abala kaya hindi na niya nagawa pang mag-angat ng ulo. Bagaman at may nasinghot siyang pamilyar na pabango na masarap sa ilong. "Kung ako ang mapapangasawa mo, hindi ko hahayaan na magpakapagod ka pa nang ganiyan." Nang makilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay mas mabilis pa yata sa hangin na nagtaas ng mukha ang dalaga. Naningkit ang mga ma