Pakiramdam ni Dianne ay nanuyo ang kaniyang lalamunan nang sa paglingon niya at nalamang gising na talaga si Massimo. For Pete's sake! Napakalapit ng mukha nila sa isa't isa. Kaunting pagkakamali lang niya ng galaw ay siguradong dadampi ang mga labi ng isa't isa. Ngunit hindi lang iyon ang higit na nagpapakabog sa dibdib niya nang mga oras na iyon. Kundi pati na ang matiim na pagtitig ng binata sa kaniya. May kapilyuhang naglalaro sa mga mata nito nang mga oras na iyon na tila nagpabalik sa kaniya sa kamalayan. Kumukurap-kurap siya sandali at hinamig ang sarili. At bago pa man may magawa sa kaniya si Massimo na hindi niya magugustuhan ay agad niya itong itinulak palayo sa kaniya kahit na nanlalambot ang mga kamay niya. Ramdam ng dalaga ang malakas na tahip ng dibdib niya. “What do yo