Perrie. “Bantayan mo si Pia ro’n, Patrick, ah? Baka nauuna ka pang humawak ng baso ng alak tapos si Pia hindi mo na alam kung nasaan.” Habang nilalagyan ko ng towel ang likod ni Pia ay sinasabayan ko rin iyon ng paalala sa kapatid ko. Papunta ngayon si Patrick sa birthday ng kaklase niya at nagpaalam sa akin na kung pwede ay isasama raw niya si Pia. Sa kabilang barangay lang naman iyon at pinayagan ko na para makapag-relax din siya dahil katatapos lang ng exam niya sa buong linggo. Deserve din naman niyang magsaya. At saka wala na rin namang pasok dahil Sabado na kinabukasan. “Hindi naman ako iinom, ate. Dala ko ang motor, saka kasama ko si Pia,” sagot naman agad sa akin ni Patrick na ngayon ay nasa tapat ng salamin at kasalukuyang nag-aayos ng buhok. Gusto ko nga biruin na baka mat