ONE: Hindi Multo (SPG)
Perrie.
“Ginto ba ang hangin dito sa Maynila at ginto rin ang presyo ng mga bilihin?!” bulong ko sa sarili habang naglalakad papasok sa hotel. “Two hundred fifty, isang pack ng napkin? My God!”
Ramdam ko ang panghihinayang sa halaga ng binili. Kung bakit ba kasi hindi ako nakabili bago kami umalis.
Napahinto ako sa pagkausap sa sarili nang matanaw ko ang guard na nakangiti sa akin.
“Good evening, ma’am…” bati niya.
Agad naman akong tumango at tipid na ngumiti pabalik bago dire-diretsong naglakad na papasok sa lobby. Bitbit ko sa kanang kamay ang paper bag kung saan nakalagay ang nag-iisang binili na katumbas na ng ilang lata ng sardinas sana. Sa kabilang kamay naman ang cellphone. Nasa tapat na ako ng elevator nang bigla itong tumunog.
“Ano na, girl? Nasaan ka na?” Ang matinis na boses ni Ma’am Bridgette ang bumungad sa akin mula sa kabilang linya. Bahagya ko pang nilayo sa tainga ang cellphone.
“Heto na po. Pasakay na sa elevator.” Eksaktong nagbukas naman iyon kaya agad akong umibis papasok.
“Akala ko ay nakuha ka na ng kung sino! Bilisan mo, bago ako ang kainin nitong si Luisito!” aniya bago humalakhak.
“It’s Luisita, Ma’am Bridgette!” Narinig kong ani ng isa pang mas matinis na tinig bago tuluyang naputol ang tawag.
Napapailing na pinindot ko ang palapag kung saan kami kasalakuyang tumutuloy. Mag-isa lang ako rito sa loob kaya may oras ako para magmuni-muni.
I am Simone Perrie Ocampo, a public school teacher. Grade one ang advisory class ko at mayroong apat na taon na rin akong nagtuturo. Ang kausap ko kanina ay sina Ma’am Bridgette Insigne at Sir Luisito Madlang-awa, parehong co-teachers ko na naiwan sa hotel room.
Sa probinsya ng Mindoro kami nagtuturong tatlo pero kasalukuyang nandito sa Maynila ngayon para mag-attend ng seminar. Kaming tatlo ang pinadala ng aming school, pero kung sakali nga lang na may pagpipilian ako ay hindi sana ako ang sasama.
Marami akong maiiwan na responsibilidad sa probinsya at ang ibig sabihin din kasi nito ay dagdag na gastos. Mabuti na lang sagot naman ng school namin ang hotel na tutuluyan pati na rin ang pamasahe papunta at pabalik. Iyon nga lang ang pagkain ay kami na ang bahala.
Mahal ko ang propesyon ko pero kaya lang minsan ay maiisip mo na lang na sumuko lalo na sa baba ng sinasahod at siya ring taas naman ng mga bilihin. Idagdag pa na may ibang pinagkakagastusan sa bahay. Kung minsan ay napapailing na lang ako. Kahit na anong gawin ay kulang na kulang pa rin.
Sa ika-dalawampung palapag ang nakuha naming room. Kasya naman na kami sa iisang kuwarto dahil mayroong isang queen size bed kung saan magkatabi kami ni Ma’am Bridgette, sa single bed naman si Sir Luisito.
Nakakipkip sa aking dibdib ang paper bag, ingat na ingat na hindi ito mawala dahil ginto ang presyo nito. Papalapit na ako sa kuwarto namin nang marinig ko ang mahinang panaghoy.
“Ahh… huhhh…”
Bigla ay kinabahan ako. Napalingon ako sa buong paligid at hindi ko maiwasan ang hindi kilabutan. Aaminin kong sa edad kong dalawampu’t anim ay takot ako sa multo. Pahawakin na ako ng ipis at daga, h’wag na h’wag lang may susulpot na white lady sa harap ko. Sa palapag pa naman namin ay ‘yong kuwarto lang yata namin ang okupado at ang iba ay bakante na.
Napalunok ako. Gusto kong takbuhin ang papunta sa kuwarto namin na dalawang pinto na lang ang layo sa kinatatayuan ko pero bago iyon ay may hallway sa bandang kaliwa pa ako na dadaanan. Natatakot ako na baka paglingon ko ro’n ay may duguang mukha na magpapakita sa akin. Oh, god! No!
“Hmm… slurkkk, ahh…”
Mas lalo akong kinabahan nang sa gawing kaliwa ko nga nanggagaling ang mahinang pag-iyak. Wala naman akong balak silipin kung ano nga iyon, pero hindi ko alam kung bakit may sariling isip ang mga paa ko at nagsisimulang maglakad na papunta roon.
Mayroong pinto sa dulo na may nakalagay na fire exit. Habang papalapit ako ay palakas din nang palakas ang mahinang halinghing at panaghoy na naririnig ko. Kung hindi ako nagkakamali ay boses babae iyon na tila nasasaktan. Ang tumatakbo ngayon sa isip ko ay baka multo iyon na humihingi ng hustisya.
Gusto kong tumakbo paalis pero desidido rin akong makita kung ano ang nandoon. Bakit ba kasi ngayon pa gumana ang pagiging mausisa ko? Naghahalo ang curiosity at takot.]
Abot-abot ang tahip ng aking dibdib habang palapit. May kaunting awang ang pinto at mula rito sa labas ay kita kong may anino. Wait, may anino ba ang multo?
“Ahh, f*ck. Y-yeah… slurkk…” Nangunot ang noo ko. Bakit nitong malapit na ako ay parang hindi naman umiiyak?
Nakahawak na ako sa seradura ng pinto at saka unti-unting sumilip, pero mas nakakatakot pa sa multo ang nakita ko.
“Oh my God!” paanas na bulong ko habang laglag ang panga.
Napa-sign of the cross ako nang wala sa oras.
“Ahhh, f*ck! Ang s-sarap. G-god, L-Luther…”
“You like it, b*tch, huh? Yeah, súck it!”
Pinanlakihan ako ng ulo at namimilog ang mga mata nang makita ang senaryo na sa pag-aakala ko ay totoong multo ang madadatnan ko, pero mas matindi pa iyon sa ikinatatakot ko.
Ang lalaki ay nakasandal sa pader. May suot na ball cap kaya hindi ko makita ang itsura niya dahil medyo madilim sa gawi niya, pero sapat nang sabihin na kasalukuyan siyang nasa langit. He looks like he is in extreme pleasure. Paano ba namang hindi kung may babaeng nakaluhod sa harap niya?
Akala ko ay sa simbahan lang lumuluhod, ngayon pala ay pati sa harap na ng lalaki?
Nagbaba ang tingin ko sa kaliwang braso niya na puno ng mga tattoo. Ikinuyom pa niya ang kamao sa buhok ng babae habang umuulos ng mariin at sagad.
Siguradong mukha akong binuhusan ng suka sa sobrang putla. Nagtatayuan din ang aking balahibo sa matinding pagkabigla.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko rin maialis ang tingin sa mahaba at malaking kargada na ngayon ay labas-masok sa bibig ng babae. Halos puno ng laway ang buong mukha ng babae. Gulong-gulo ang buhok.
Curiosity really kills the cat, ‘coz this is killing my sanity.
“Súck my cóck, b*tch. This is what you want, right?” May halong gigil ang baritonong boses na iyon at napasinghap pa ako nang sampalin niya ang mukha ng babae. Mahigpit din ang pagkakasabunot sa buhok habang halos isalpak pati na ang balakang sa bibig ng babae.
The woman doesn’t look hurt at all. Mas mukha pa nga siyang nasasarapan kaysa nahihirapan. Ang palad niya ay hirap na hirap pang sakupin ang malaking kahabáán na labas-masok sa kanyang bibig. Tila namumuwalan na siya roon ngunit hindi man lang iniinda ito.
My God, bakit naman po ganito ang nakikita ko ngayon?
“F*ck me, Luther. I w-want you to f*ck me. H-hard…” Tila nakikiusap pa ang babae.
Diyos ko! ‘Yan na ba ang bagong ipinakikiusap ng mga tao ngayon?
Nasapo ko ang aking bibig nang padaskol na itinayo ng lalaki ang babae. Parang papel lang iyon sa kanya, sabagay malaki naman ang katawan niya. Walang ingat na hinawakan sa magkabilang balikat at pinatalikod sa kanya.
“G-God, ang laki?” Naisatinig ko nang humulagpos pa ang malaking kargada ng lalaki. Nag-uumigting ang ugat sa palibot ng mahaba nitong katawan. Pakiramdam ko ay pinanuyuan ako ng laway.
Iniayos pa niya sa pagkakatuwad ang babae para sumentro sa pagitan ng mga binti ang kanyang malaking pagkaláláki. Nakahawak ang babae sa pader bilang pagsuporta sa kanyang posisyon. Ang itim na mini skirt na suot na pang-upo lang yata ang natatakpan ay mabilis na naitaas hanggang sa bewang.
“Ano, Perri? Balak mong tapusin ang mga kaganapan?” kastigo ko sa sarili.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nanonood pa ako at hindi na lang umalis. Tila yata napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan. Ang bawat detalye ng mga nangyayari ay parang tattoo na tumatatak din sa utak ko.
Hinagod pa ng lalaki ang malaki at mahaba niyang sandata, tunay na nakakapanindig ng balahibo iyon. Akmang ipapasok na niya sa lagusan ng babae nang biglang mapatingin ito sa gawi ko.
“Ay hinayupak na may malaking títé!” Napasigaw ako sa sobrang gulat nang magtama ang aming mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko at inalpasan yata ako ng kaluluwa sa aking katawan. Pakiramdam ko ay nahuli ako sa isang krimen na kahit anong sabihin ko ay hindi ko malulusutan.
Kabaliktaran ng naging reaksyon ko ay wala man lang naging reaksyon ang lalaki. Hindi man lang tinubuan ng hiya o kahit man lang nagulat na may nahuling nanonood sa milagrong ginagawa nila. Sa halip ay seryoso at madilim ang mukha—o dahil lang sa sombrero na suot niya. Umiigting ang panga at ngayon ko lang nakita nang maayos ang mukha niya.
This man is undoubtedly hot and handsome! Kamukha niya iyong lalaki sa isang sikat na erótic romantic movie kung saan bida si Anastasia Steele, kung hindi ako nagkakamali ay si Christian Grey yata ‘yon. Ah, basta! Hindi ko kasi napanood ‘yon, naririnig ko lang kay Sir Luisito dahil crush niya ‘yong bida ro’n.
“We have an audience. Great.” His deep baritone voice echoed throughout the whole place and brought shivers down my spine.
Sa lalim ng titig niya sa akin ay pakiramdam ko nabasa na rin niya lahat-lahat sa akin.
“S-sorry po. H-hindi ko sinasadya. Wala akong nakita!” natatarantang sabi ko bago nagkukumahog na tumakbo paalis.
Muntik pa akong madapa dahil ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Nakaliko na ako sa hallway papunta sa room namin nang mapansin na wala akong hawak sa magkabilang mga kamay.
Sandali, ‘yong cellphone at napkin ko?!